Matapos ang hapunan, tinulungan niya si Prince bumalik sa kwarto. Doon nagsimula ang awkward na moment sa pagitan nilang dalawa. Hindi pa malaman ni Hailey kung paano niya gagawin ng magpatulong si Prince. “Hailey, pwede bang… tulungan mo ako dito?” mahina ang boses ni Prince at halatang nahihiya pero no choice na siya, hindi niya kayang yumuko para isuot ang pantulog niya. Napatigil si Hailey. “Ha? Ako? Eh… bakit ako? Saka nakakaloka ka naman Prince, baka mamaya kung ano pang makita ko.Juskupo naman” “Kung ayaw mo, tatawag ako ng nurse bukas. Pero ngayon… wala akong choice. Promise, hindi ako hihingi ng iba pa. Just this once.”Tila nakunsensya si Hailey sa sinabi ni Prince. Kaya kahit naiilang ay dahan-dahan siyang lumapit. Tinulungan niyang alisin ang kaniyang pang-ibaba at habang ginagawa niya iyon, naramdaman niya ang bigat ng sitwasyon. Nakaramdam siya ng pag iinit sa kaniyang mukha. Hindi niya maintindihan kung ano ang mararamdaman niya. Naiilang din siya at the same ti
Makalipas ang isang linggo ng pananatili sa ospital, sa wakas ay pinayagan na ring makalabas si Prince ng kaniyang mga doktor. Sobrang nanlumo siya sa nangyari sa kaniyang pamilya pero kailangan niyang bumangon para sa sarili niya.Kahit na malakia ng ibinagsak ng katawan at halatang nanghihina, nagawa nitong ngumiti habang inililipat siya ng mga nurse sa wheelchair. Kahit pa nakalabas na siya, malinaw pa rin ang bilin ng doktor sa kaniya; kailangan ng mahigpit na therapy para sa kaniyang mga paa at mag-pahinga muna sa pagtatrabaho, hindi puwedeng mapuwersa ang katawan niya dahil mas maaring mag resulta ito ng mas malala pa sa kaniyang inaasahan. Samantalang mula hallway ng ospital ay naglalakad si Hailey, hawak ang mga discharge papers na kinuha niya sa nurse station at ang kanyang Daddy ay abala sa pakikipag-usap sa doktor. Nang lumapit ang nurse na nagtutulak kay Prince, napatingin ito kay Hailey na abala sa papel.“hey Hailey,” mahina niyang tawag. Napalingon si Hailey. “Yes? An
Sandaling natahimik si Xian. Pinatong nito ang dyaryo sa mesa at nagbuntong-hininga. “Hailey, oo. Malungkot man, pero totoo. Nakausap ko ang isang business associate namin kanina. Hindi na kinaya ng father niya sa ospital. At bukas… pupunta tayo sa burol niya. Lilipad kami ng Mommy mo papunta ng US kasama ang iba pa naming kaibigan para makiramay.Kailangan din naming dalawin si Prince, lalo na’t ulila na rin siya sa kaniyang ina. Mahirap ang pinagdadaanan ng batang yun.”Parang may sumundot sa dibdib ni Hailey. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang mga palad. “Si Prince po? Kamusta siya?”“Wala na rin siyang ina, alam mo naman ‘yon. Kaya doble ang bigat ng pinapasan niya ngayon. Sabi ng mga kasama ko sa negosyo, nasa ospital pa rin siya. Nabaldado daw, hindi pa tiyak kung makakalakad pa siya ulit.”Hindi nakapagsalita agad si Hailey. Sa loob-loob niya, hindi niya alam kung ano ang mararamdaman, lungkot ba, awa, guiltness dahil pinag isipan pa niya ito ng hindi maganda. Pero may mal
Nagtungo na siya sa banyo para mag-ayos ng kaniyang sarili. Hindi din siya nagtagal sa paliligo at nag-asikaso na siya sa kaniyang unang araw ng pagpasok.Huling tanaw sa salamin. Tinignan niya ang kaniyang light make up. Sinuot niya ang kaniyang hindi sobrang kaikliang palda na tinernuhan niya ng brown sleevless na may hindi kahalayaan ang disenyo sa may parteng dibdib na tinakpan ng kaniyang katernong kulay ng suit at high heels.Kung marunong sa fashion ang makakakita sa kaniya ay malalaman mong mayaman talaga siya dahil ang brand ng kaniyang mga gamit ay mula sa mga luxury brand. Mula sapatos hanggang sa mga aksesoryang gamit niya.“Oh God, guide me today. Nawa ay hindi ako mapag-initan ng mag among iyon.” Dasal ni Hailey bago tuluyang sumakay sa kaniyang sasakyan.Ang unang araw niya ay naging smooth, kakaunti ang trabaho taliwas sa inaasahan niya. Ani ng HR head ay binilinan lang sila ni Mr.Tan na sila muna ang bahalang magbigay ng task para sa kanya dahil nagkaruon ng biglaang
“Hahaha at dyan tayo hindi sure! Maganda ka, seksi, matalino, madiskarte at higit sa lahat best friend kita. Walang lalaking hindi nagugulog sa alindog mo. Sayo ako friend” pang-aasar ni Leila. Nagpatuloy na sila sa kanilang pagkuwentuhan hanggang sa magpaalaman na silang dalawa. Iniisip kasi ni Hailey na hindi siya maaring pumalpak sa training na ito. Hindi siya pwedeng ma late na maaring ikasira ng kaniyang record. Matapos na makapag-half bath ni Hailey ay nahiga na siya sa kaniyang malambot na kama. Isang buong araw na tila pagod siya sa dami ng nangyari ngunit hindi pa rin siya makatulog kaagad kaya naman naisipan na lang niyang i search si Prince Tan. Habang nag-i-iskrol siya sa kaniyang cellphone ay tila hindi siya makapaniwala sa kaniyang mga nababasa “Hmm so, may tsismis pala sa kaniyang hindi naman talaga niya pinaghirapan ang kung anumang naabot niya ngayon, dahil pala lahat iyon sa impluwensya ng pamilya niya” anas niya pero kahit siya ay napapaisip “pero parang hind
Hanggang gate ay hinatid nila Karmela ang kanilang anak ng may malungkot na mukha. “Anak, kelan ka na naman kaya makakauwi dito sa amin ng Daddy mo? Yung room mo dito hanggang ngayon ay nandito pa rin hindi pa rin namin binabago kung gusto mong mag stay dito ay welcome na welcome ka” anas ni karmela sa anak habang hinahaplos ang likod nito ng magyakap sila. “Mommy naman, akala mo naman ang layo ng bahay ko sa bahay niyo! Mom iisang subdivision lang naman tayo! Busy lang po talaga kaya hindi ako arawr-araw na nakakadaan sa inyo. Pero pipilitin ko pong kapag may time ay dadaanan ako dito sa inyo.” tugon ni Hailey sa kaniyang ina ng may paglalambing. Natatawa na lang si Xian sa kaniyang asawa sa pagiging OA nito pagdating sa kanilang unica iha. “Oh siya sige na, umuwi ka na at baka dumating na si Leila sa bahay mo. mag-iingat ka sa pagda drive.” nakangiting sabi ni Xian bago humalik sa pisngi ng kanyang anak. Gaya ng inaasahan ni Hailey ay nakapamewang ng naghihintay sa