"Faerie White, sinasabi ko sa 'yo—kung hindi ka magpapakasal kay Mr. Lenard, maghanap ka na ng paraan para mabayaran ang bills ng ina mo sa ospital!"
Kinuyom ni Fae ang kanyang kamao, pilit pinipigil ang matinding emosyon na nararamdaman. Si Faerie White, ang panganay na anak ng mga White sa Makati City, ay isang babaeng kilala sa kanyang tahimik ngunit matatag na paninindigan. Ngunit kahit ganoon, mahirap manatiling kalmado sa gitna ng ganitong uri ng pang-aalipusta. Ang pamilya White ay isang second-rate household sa mundo ng mga elitista—nagsusumikap makisabay ngunit laging nasa ilalim ng anino ng mas makapangyarihang pamilya. "Tita Glenda!" singhal ni Fae sa babaeng nakatayo sa harap niya—si Glenda White, ang kanyang mapagkunwaring stepmother. "Hinding-hindi ako magpapakasal sa isang playboy!" Tumawa si Glenda. Isang malamig at mapanuyang tawa. "Akala mo ba may pagpipilian ka?" muling banta ni Glenda. "Kung ayaw mong malagutan ng hininga ang mahal mong ina, mas mabuti pang sundin mo kami. Si Mr. Lenard Avila ang sagot sa lahat ng iyong problema." "Ate, 'wag ka nang makulit," singit ni Geraldine White, ang kanyang half-sister. Bata pa lamang sila, tila hindi na nawala ang inggit sa mga mata nito. "Mabait na nga si Mommy, hindi agad pinutol ang bayarin sa ospital. At isa pa, mayaman na, gwapo pa si Mr. Lenard! Bihira na ang gano'n!" "Kung gusto mo pala siya," sagot ni Fae na puno ng pangungutya, "bakit hindi ikaw na lang ang magpakasal?" Napangiwi si Geraldine sa inis, pero agad pinigil ang sarili. "Alam mo, Ate, blessing 'to sa 'yo. Pagpapala kung pakakasalan mo si Mr. Avila." Ngumisi si Fae, bakas ang pang-aasar sa kanyang tinig. "Mahal kong kapatid," aniya, "kung nakikita mong pagpapala si Lenard, bakit hindi mo siya angkinin at itanan?" Napapadyak sa inis si Geraldine at tinapakan ang paa sa sahig bago humawak sa braso ni Glenda na tila isang batang nagsusumbong. "Mommy!" reklamo ni Geraldine, habang nakakunot ang noo. Tinapik ni Glenda ang kamay ng anak at muling humarap kay Fae, ang kanyang tinig ay malamig at puno ng pananakot. "Kung magiging matigas ka, Fae, huwag mo akong sisisihin sa pagiging malupit at sa kung ano ang magagawa ko!" Hindi sumagot si Fae. Sa halip, dahan-dahan siyang lumingon sa kanyang ama—si Henry White—na nakaupo lamang sa single sofa, abalang-abala sa binabasang diyaryo, tila ba walang naririnig o wala siyang kinalaman sa pamilyang ito. "Dad…" tawag ni Fae sa kanyang ama, bahagyang nanginginig ang tinig. "Hahayaan mo na lang ba siyang putulin ang bayad sa ospital ni Mama?" Tinuro niya si Glenda, galit ang mga mata. "Pamilya natin siya—ang nanay ko! Asawa mo!" Tahimik si Henry. Nag-cross legs pa ito bago dahan-dahang iniangat ang tingin mula sa diyaryo. "Si Glenda ang nag-aasikaso ng bagay na 'yan. Siya ang may huling salita." Mula sa gilid, ngumisi si Glenda—isang ngiting puno ng tagumpay, na para bang hawak niya sa leeg si Fae. "Fae, anak…" panimula niya sa mapagkunwaring tono. "Alam kong hindi kita tunay na anak, at hindi ka galing sa laman ko, pero nagmamalasakit pa rin ako sa 'yo. Kaya nga hinihiling ko na pakasalan mo si Mr. Avila. Para sa ikabubuti mo." Tumawa si Fae—isang tawang may kirot, panunumbat, at galit. "Para sa ikabubuti ko o para makontrol n'yo ako?" Aninag sa kanyang mga mata ang init ng damdamin. "Sa tingin n'yo ba hindi ko nakikita ang mga tunay n'yong motibo?" Humakbang siya palapit, ang boses ay mariin at puno ng paninindigan. "Galit ako—pero sinasabi ko sa inyo ngayon… hindi n'yo ako mapipilit na gawin ang gusto n'yo." Pinandilatan siya ni Glenda bago sumigaw, "Baka nakakalimutan mo, Fae! Dating asawa lang ang nanay mo! At ako—ako ang kasalukuyang asawa ng ama mo!" Ngumisi si Fae, matalim at walang bahid ng takot. "Kung hindi mo inahas ang ama ko, hindi sana nasira ang pamilya ko!" Tumawa si Glenda, saka nag-cross arms. "Hindi ko kasalanang mas maganda ako sa ina mo. Nahulog si Henry sa 'kin—yan ang totoo!" "Sadyang wala ka lang kahihiyan, Glenda!" bulyaw ni Fae. "Anim na taon lang ako nung ahasin mo ang ama ko! Naging mabait pa ang nanay ko sa 'yo—pinatuloy ka sa bahay bilang kasambahay noon!" Tumango siya, nanunuya. "At ngayon, 26 na ako… at nagmamayabang ka pa sa harap ko—sa bahay na ito, kung saan dapat ikaw ay tagasilbi lamang!" "Tagasilbi?" anang ni Glenda, tinaasan siya ng kilay. "Kasalanan bang mahalin ko si Henry?" "Wala kang utang na loob!" mabilis na sabat ni Fae. "Matapos kang kupkupin ng nanay ko, ganito ang isusukli mo?!" Ngumisi si Glenda. "Well, hindi ko kasalanan na tanga ang nanay mo. Nagpatuloy siya ng isang magandang dalaga na mas masarap kaysa sa kanya—" "Hindi tanga ang nanay ko!" sigaw ni Fae, nanginginig sa galit. "Malandi ka lang talaga!" Nanlaki ang mata ni Glenda, itinaas ang kamay at papalapit na ang sampal— Pero naharang ito ni Fae. At bago pa siya maka-react—SLAP! Isang mabilis na backhand slap mula kay Fae ang dumapo sa pisngi ni Glenda. Nagulat si Glenda, hindi makapaniwala sa lakas at bilis ng mga pangyayari. Pero hindi na siya nabigyan ng pagkakataon makabawi. Malamig ang tinig ni Fae. "Hindi mo magagawa ang gusto mo sa akin, Glenda. Hindi mo ako maipapakasal kay Lenard. Gagawa ako ng paraan… Ako ang magbabayad ng bills ng nanay ko sa ospital!" Tumalikod siya, walang lingon, at marahas na binuksan ang pinto ng villa. Wala siyang pakialam kung sumigaw man si Glenda mula sa loob. "Walang hiya! Bumalik ka rito!" sigaw ni Glenda, nanginginig sa galit. Ngunit hinawakan siya ni Geraldine sa braso. "Mommy… putulin na lang natin ang bayad sa ospital, tignan natin kung hindi siya babalik na luhaan at luluhod habang nagmamakaawa." Huminga nang malalim si Glenda, ang mga mata'y halos lumabas sa galit. "Itong babaeng ito… Lalong tumigas mula nang bumalik siya sa bahay na ito! Hindi ako papayag na maging hadlang siya sa mga plano ko! Kailangan niyang tuluyang mawala!" Ikinuyom ni Glenda ang kanyang kamao, waring pinipigilan ang sarili na sumabog. .... ... Sa labas ng villa... Paglabas ni Fae, biglang nawala ang tapang niya. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Napahinto siya sa tapat ng gate, at saka umiling-iling habang nakataas ang kilay at nakakunot ang noo. "Ano bang ginawa mo, Fae?" bulong niya sa sarili. "Ginalit mo pa si Glenda! Saan ka naman ngayon kukuha ng pera?! Akala mo siguro angas lang ang sagot sa lahat?!" Pinatong niya ang isang kamay sa noo, mistulang kinakausap ang sarili na parang baliw sa kalye. "Magaling ka, eh—‘Hindi mo ako mapipilit!' Oh, edi wow, paano ngayon ang hospital bills, ha?! Magbebenta ka ng kidney? Magbenta ka ng kaluluwa?" Habang naglalakad siya paalis, nagpatuloy ang sarcastic inner monologue niya. "Bravo, Fae. Palakpakan. Sinampal mo pa si Glenda, baka bukas headline ka na sa tabloid: ‘Matandang ginang, sinampal ng anak-anakan!'" Ngunit napahinto siya bigla nang may mapansin sa kabilang kalsada. Isang matandang lalaki, matikas pa rin sa edad, nakasuot ng barong at may hawak na baston. Sa tabi nito ay isang lalaking nasa wheelchair, seryoso ang mukha, tahimik lang habang nakatitig sa kawalan. May hawak na karatula ang matanda. "BABAYARAN KO NG MALAKING HALAGA KADA BUWAN ANG KUNG SINO MANG MAGPAPAKASAL SA AKING APO." Napataas ang kilay ni Fae. Napatitig. Hindi alam kung matatawa o maiintriga. Napangiti siya nang bahagya. Tumingin sa langit, saka bumaling sa dalawa. "Hmm… interesting." At humakbang siya papalapit.Bahagyang kumunot ang noo ni Fae habang hindi siya makapaniwala sa mga salitang binitiwan ni Richard.At sa susunod na segundo—Humagalpak ng tawa si Zaidee. "PAGGALANG?" ulit niya, nilakasan pa ang boses, siniguradong rinig sa buong ward.Sumabay si Ella, pinapadyak pa ang isang paa habang tumatawa. "Oh my God, Mommy! Baka pwedeng gawan natin siya ng segment sa comedy show. Sobrang joke! Kanina shareholder, ngayon nire-respeto raw siya ng CEO." Tumingin siya kay Richard mula ulo hanggang paa. "Anong susunod? May-ari ng Pilipinas?"Napailing at napangisi si Director Mendoza sabay pikit ng mata't buntong-hininga na tila hindi makapaniwala sa naririnig. "Sir," aniya, "seryoso ka ba talaga?""Alam mo kung anong tingin ko sayo?" singit ni Zaidee, nakataas ang kilay at halos ipagduldulan ang sarili sa mukha ni Richard."Isang taong may sayad. Mukhang hindi ito ang tamang hospital para sa'yo. Mental hospital ang kailangan mo.""Correct, Mommy," sabat ni Ella habang tumatawa, "baka dapat sa
Nagsalita ang isa sa mga nurse, "Director Mendoza, bayad na po ang bills ng pasyente. Isang taon po at fully paid. Ayon po sa records, ang CEO mismo ang nag-ayos—"Pak!Hindi pa man natatapos ang kanyang paliwanag, muling umalingawngaw ang sampal ni Zaidee, ang matandang babae, sa kanyang pisngi. Napaatras ang nurse, napahawak sa pisngi habang nangingilid ang luha at napayuko sa hiya at sakit."Ang dami mo pang sinasabi!" mariing singhal ni Zaidee. "Ang dami mo pang sinasabi! Hindi mo ba narinig ang Director? Siya ang masusunod dito, hindi kung sinuman ang CEO na wala naman dito ngayon!"Pinandilatan niya ang nurse, "Sumunod ka na lang kung ayaw mong mawalan ng trabaho. Pumunta ka na at ayusin ang pagpapaalis sa taong ito!"Napayuko ang nurse, durog ang dignidad at tila handa nang sumunod sa utos, ngunit bago pa siya makagalaw, biglang hinawakan ni Richard ang kanyang pulso. Maingat, ngunit mariin."It's okay," mahina ngunit matatag niyang sambit.Tumingin si Richard kay Director Mend
"How dare you hit me!" bulalas ng matanda, hawak pa rin ang kanyang namumulang pisngi. Namumula siya sa galit, hindi makapaniwala na siya—isang ginang ng alta sosyedad—ay sinampal ng sa tingin niya'y babaeng walang pangalan."Anak, tawagan mo ang lawyer natin!" hiyaw pa niya, habang ang anak naman ay pumagitna, nagbabantang magsisigaw na rin."Mommy, are you okay? How dare she! That's assault!" sabay tingin kay Fae na tila gusto niyang gantihan ngunit napatigil.Dahil kahit hindi ganoon katangkad si Fae, ramdam ng dalawa ang namumuong tensyon sa katawan nito—tila isang bomba na sasabog kung sila'y magkamali ng kilos. Ramdam nila ang bagsik ng tingin ni Fae at ang determinasyong hindi ito uurong.Hindi sila makaganti.Walang mapagbalingan ng galit ang matanda, kaya't hinarap na lang niya ang isa sa mga nurse."Ikaw!" sabay turo sa nurse na nag-aayos ng mga chart. "Bakit pinapapasok ninyo ang mga ganitong klaseng tao sa ospital na
Saglit na natahimik ang paligid.Ngunit ilang segundo lang, nagkatinginan ang mag-ina bago humagalpak sa tawa. Nagtatawanan sila na parang nakarinig ng malaking biro."Shareholder daw!" sabay sabing muli ng matandang babae habang pinanlalakihan ng mata si Richard."Ay hija, 'yan ba ang sinasabi mong asawa mo?" tanong niya kay Fae na puno ng pang-uuyam."Naka-T-shirt lang at kupas na maong? Akala ko ba shareholder ng ospital? O shareholder sa junk shop?"Tumili pa sa tawa ang batang babae. "Mommy, baka naman siya 'yung taga-hakot ng basura rito? Hindi mo lang nakilala!""Or baka janitor—este, honorary janitor!" sabat ulit ng matanda habang pinupunasan pa ang luha sa kakatawa.Hindi kumibo si Richard. Tahimik lang siya habang malamig ang tingin sa dalawang babae, ngunit hindi maikakaila ang nanlilisik niyang mata.Nilingon ni Marcela si Richard, may pagdududa sa mukha, bago lumingon kay Fae. "Anak, sino siya?"
Ngunit nang malapit nang maglapat ang kanilang mga labi—Ring! Ring!Biglang tumunog ang phone ni Richard.Bahagyang natawa si Fae sa pagkabitin, ngunit mabilis na kinuha ni Richard ang telepono at sinulyapan ang screen. 'Kevin,' naisip niya bago ini-decline ang tawag at itinabi ang telepono.Bumalik ang kanilang titig sa isa't isa, at unti-unting muling lumapit ang kanilang mga mukha…Ring! Ring!Muling tumunog ang telepono. Muling si Kevin.'Put—' bahagyang napailing si Richard sa inis, saka inulit ang pag-decline ng tawag.Namumula na si Fae, hindi dahil sa galit kundi dahil sa hiya at pagkabitin. Napayuko siya ng kaunti at hindi maiwasang mapangiti nang bahagya."Pasensya na," bulong ni Richard sabay ngiti.Babalik na sana sila sa kanilang moment, ngunit—Ring! Ring!Muling tumunog ang cellphone, ngunit sa pagkakataong ito, si Fae na ang tinatawagan. Kinuha niya ang phone at nakita ang caller ID: Hospital - Admin Desk.Napakagat siya ng kanyang lower lip. "Sandali lang, kailangan
Nagkatinginan si Bernard at Richard, parehong may alanganing ngiti."A-ah! Haha," biglang sabat ni Richard habang papalapit kay Fae. "'Di ba sabi ko sa'yo, may Alzheimer si Lolo? Minsan iniisip niya mayaman siya… ngayon iniisip niya Chairman siya at tao niya si President Kevin. Sumasakay lang si President Gold, haha," paliwanag ni Richard habang garalgal ang tawa.Tila robot na sumunod si Kevin sa palabas. Tumingin siya kay Bernard, saka kay Fae, bago tumango-tango nang alanganin sabay pakita ng pilit na ngiti.Napakunot ang noo ni Bernard at agad hinampas si Richard gamit ang kanyang baston. "Ikaw na bata ka! Sinong may Alzheimer? Ako?" bulyaw ni Bernard. "Hanggang kailan mo ba balak itago ang totoo sa asawa mo, ha?"Bumulong si Richard kay Fae habang kunwa'y umiiling. "Ayan na naman si Lolo…" aniya na parang batang nahuli sa kasinungalingan. Bumuntong-hininga siya, inabot ang sinturon ng kanyang suit at inayos ang sarili.Tumango siya kay Kevin. "Kevin, ilabas mo na muna siya."Tapo