Mag-log in"Richard, apo, nag-ayos ako ng isang blind date para sa 'yo."
Malinaw ang tinig ni Bernard Gold, matanda na ngunit buo pa rin ang boses, habang naglalakad sa loob ng isang eleganteng luxury villa—malawak ang espasyo, marmol ang sahig, may hanging chandelier at mamahaling mga painting na nakasabit sa bawat dingding. Nakaupo sa mamahaling leather sofa ang kanyang apo, si Richard Gold, 29 years old. May seryosong tindig, matangkad, maayos ang bihis, at may sharp, commanding eyes na tila laging nakabantay. Tahimik siya ngunit ang presensya niya ay agad mapapansin. "Lolo Bernard, kababalik ko lang galing abroad, gusto mo agad akong isalang sa blind date? At isa pa, dating is not my thing. Bumalik ako kasi sabi mo kailangan ko nang hawakan ang kumpanya," malamig niyang sambit habang nakasandal sa sofa. "Apo, halos mag-trenta ka na pero wala pa rin akong nakikitang apo sa tuhod! Kailan mo ba ako pasasayahin?" sagot ni Bernard, sabay buntong-hininga na may kasamang biro. "Grandpa—" sasabat pa lang si Richard nang putulin siya nito. "Galing ka ng abroad pero wala ka man lang naiuwi. Nung kabataan ko, dalawa-dalawang babae ang nauuwi ko kada taon!" tawa ni Bernard, kita ang pagkatuwa. "Lolo, ayoko sa mga foreigner. Alam mo naman, karamihan sa kanila, ginagamit lang tayo para makaahon sila sa buhay." "Bakit yung kakilala ko, gumamit ng foreigner para makaahon siya sa buhay?" sabay tawa ulit ni Bernard. "Hindi ako bumalik para maghanap ng asawa, bumalik ako para hawakan ang kumpanya," seryoso niyang tugon. "Hay nako apo, kayamanan na naman ang iniisip mo. Paano kung pagod ka na at wala kang pamilya? Hindi mo ba gusto ng totoong kasamang magmamahal sa 'yo?" Napailing si Richard. "Sa estado ko, puro pera lang ang habol ng mga babae. Walang tunay na pagmamahal." "Eh paano nga silang lalapit kung para kang may death stare? Baka nga akala nila papatayin mo sila sa tingin pa lang!" natatawang biro ni Bernard. Napaisip si Richard saglit. May dahilan kung bakit ganoon siya sa mga babae—isang dahilan mula sa nakaraan. "Mabuti na yung hindi sila lumapit kung hindi rin naman totoo ang pakay nila." "Eh paano kung dumating ang isa na totoo? Na hindi natatakot? Na kayang tumingin sa 'yo pabalik?" seryosong tanong ni Bernard habang nakatingin sa apong si Richard. Tumaas ang kilay ni Richard. "Kahit tumingin siya, ako naman ang hindi titingin. Alam ko na ang mga babae sa panahon ngayon—kapangyarihan, kayamanan, at katanyagan lang ang hanap nila." "Hindi lahat," sabat ni Bernard, "kaya nga kailangan mong kilalanin muna. Hindi lahat ng babae pare-pareho." "Lolo, mayaman ako. Alam kong hindi ako ang habol nila. Alam ko kung paano sila tumingin—nang may pagkalkula. Para silang may price tag sa ulo ko." Napabuntong-hininga si Bernard. "Baka naman dahil ganyan ka mag-isip, kaya wala kang nakikilalang totoo." Tahimik si Richard. Nakatitig lang sa sahig. Nagpatuloy si Bernard, medyo mas malumanay na ngayon ang tono. "Alam mo ba kung paano ko nakilala ang lola mo?" Napatingin si Richard sa kanya. "Isa lang akong karpintero noon. Hindi ako kilala, walang pera, walang pangalan. Pero ang lola mo—galing sa kilalang pamilya. Nakilala ko siya sa isang proyekto sa bahay nila. Una ko siyang nakita, naka-daster lang, nagsusulat sa may bintana. Nung una, akala ko imposibleng mapansin ako. Pero alam mo anong ginawa niya?" "Ano?" "Lumapit siya. Kinausap ako. Pinakilala ang sarili niya. Sa kabila ng bawal, sa kabila ng galit ng pamilya niya… pinili pa rin niya akong mahalin. Iniwan niya lahat para sa akin. Dahil mahal niya ako." Hindi agad nakasagot si Richard. Nanatili siyang tahimik habang pinoproseso ang narinig. "Kaya sinasabi ko sa 'yo, apo," dagdag ni Bernard, "may mga babae pa ring handang magsakripisyo para sa tunay na pag-ibig." "Panahon niyo 'yon, Lolo," malamig na sagot ni Richard. "No'ng panahong ‘yon, may tunay pa. Pero ngayon? Kung wala kang pera, who you ka sa kanila. Hindi na uso ang pagmamahal." Napailing si Bernard. "Kanunuod mo kasi ng short reels ‘yan! Wala na, nasapian ka na ng algorithm!" Natawa ng kaunti si Richard pero agad ring sumeryoso. "And for the record, Lolo, ayoko sa blind date. Hindi ako pupunta." "Eh kung sabihin kong magkasakit ako?" biglang sambit ni Bernard. "Lolo naman…" "Masama pakiramdam ko apo," kunwaring napahawak sa dibdib si Bernard. "Inaatake ako ng katandaan. Parang... nahihilo ako…" Naalarma si Richard at biglang lumapit. "Lolo! Ayos ka lang? Kailangan ba ng doktor?" "Hindi na, anak. Ang kailangan ko lang… ay makita kang masaya. May asawa. May partner sa buhay. Hindi ‘yung puro trabaho lang." "Lolo…" "Hangga't hindi ka nagpapakasal… mananatili akong mahina. Mahina at… malungkot…" kunwaring umiiyak na si Bernard. Napapikit si Richard at napabuntong-hininga. "Fine! Sige na. Pupunta na ako at hahanap ng asawa." Biglang umayos si Bernard at ngumiti nang tagumpay. "Talaga? Totoo ba 'yan?" "Oo, oo. Basta tumigil ka na diyan sa drama mo." "Promise?" tanong pa ni Bernard, medyo may pilit. Napakamot ng ulo si Richard. "Promise." Biglang tumawa si Bernard na parang batang nanalo sa jackpot. "Yes! Promise mo ‘yan, ha!" Tumango si Richard habang hawak ang sentido. "Oo na nga." "Pero apo," sambit ni Bernard habang nangingiti, "kung pupunta ka sa date, no scaring the girl away, okay?" Ngumisi si Richard. "Pupunta ako… pero may isang kondisyon." Kaagad na sumeryoso si Bernard. "Anong kondisyon?" Ngumiti si Richard, may halong kalokohan sa mata. .... ... Sa sumunod na eksena, natagpuan ni Bernard ang kanyang sarili sa gilid ng kalsada. Nakasuot siya ng lumang polo at faded na pantalon, mukhang simpleng mamamayan na ni hindi mo iisiping may kaya. Sa tabi niya, naka-wheelchair si Richard—nakasuot ng simpleng damit, may suot pang cap na bahagyang tumatabing sa kanyang maamong ngunit seryosong mukha. Hawak ni Bernard ang isang karton na may sulat: "BABAYARAN KO NG MALAKING HALAGA KADA BUWAN ANG KUNG SINO MANG MAGPAPAKASAL SA AKING APO. Napatingin si Bernard sa kanyang apo. "Ano ba itong plano mo? Paano ka makakahanap ng asawa kung meron kang sakit?" "Relax ka lang, Lolo," malamig ngunit kalmado ang tinig ni Richard. "Dito ko malalaman kung sino ang may malasakit sa akin kahit sa ganitong kalagayan ko." Napabuntong-hininga si Bernard, bahagyang napailing. Pero sa kabila ng pagkaduda, nilapitan niya ang isang babaeng naglalakad sa sidewalk—may dalang eco bag at mukhang kararating lang mula palengke. "Miss," sambit ni Bernard habang nakangiti, "gusto mo bang pakasalan ang apo ko?" Tumigil ang babae, itinaas ang kilay bago tumingin sa mag-lolo. "Anong sakit ng anak mo?" tanong niya habang binabasa ang hawak ni Bernard na karatula. "Magbabayad ng malaking halaga bawat buwan—kapalit ng kasal sa aking apo," binasa niya, medyo nagulat. "Magkano naman ang ibabayad mo?" tanong pa niya, nakapamewang. Ngumiti si Bernard, halatang kabado pero pinilit maging kalmado. "Miss, may sakit ang apo ko. Hindi siya nakakatayo, lumpo siya mula pa noong bata. Pero, bilang allowance, magbibigay ako ng twenty thousand pesos buwan-buwan." Napakunot ang noo ng babae, sabay ngisi at tawa. "Gusto mo akong mag-alaga ng isang lumpo para sa maliit na halagang ‘yan? Nagpapatawa ka ba?" Umikot siya sa pwesto't lumakad palayo, iniling ang ulo. "Hoy, miss, teka!" sigaw ni Bernard pero hindi na lumingon ang babae. Tuluyan na itong nawala sa paningin nila. Napakamot ng ulo si Bernard, saka napailing. "Sinabi ko sa 'yo apo, ang hirap ng kondisyon mo. Wala talagang gustong magpakasal kung ganyan kalagayan mo." Tumitig si Richard sa kawalan, nananatili ang malamig niyang ekspresyon. "Kung walang tatanggap sa akin sa ganitong kondisyon, hindi ako magpapakasal." Napabuntong-hininga si Bernard, tila nawawalan na ng pag-asa, nang biglang may lumapit at narinig ang isang tinig. "Pakakasalan ko siya."Cebu City, Villa Baker.Sa isang silid sa ikalawang palapag ng mansyon, galit na galit si Micaela. Nakaupo siya sa harap ng kanyang vanity mirror, mahigpit na nakahawak sa cellphone. Paulit-ulit niyang chine-check ang screen, ngunit wala pa ring sagot mula sa taong tinawagan niya isang buwan na ang nakalipas."Walang kwenta!" sigaw niya habang binabagsak ang cellphone sa kama.Mahigit isang buwan na siyang naiinis sa presensiya ni Fae sa bahay. Pakiramdam niya, bawat araw na dumaraan ay parang unti-unting inaagaw ni Fae ang lahat ng atensyon, pagmamahal, at respeto na dati ay kanya.Mas lalong sumidhi ang galit niya dahil ni minsan ay hindi pa rin nakakilos ang taong inupahan niyang pumatay kay Fae — dahil hindi ito makatyempo. Halos hindi umaalis si Fae sa villa. Kapag lumalabas man, laging kasama si Fernando — at kapag bumabalik, laging may dalang regalo o tawanan sa paligid.At para kay Micaela, iyon ang pinakamasakit.Si Fae, na dati'y walang alam sa pamilya, ngayon ay unti-unting
Gold Prime Enterprises, opisina ng presidente.Tahimik ang buong palapag, tanging mahinang ugong ng aircon at alingawngaw ng malayong kalsada sa ibaba ang maririnig. Sa gitna ng malawak at modernong opisina, nakatayo si Richard sa harap ng floor-to-ceiling window, tanaw ang magulong lungsod sa ibaba. Ang mga ilaw ng sasakyan ay nagsasayawan sa kalsada na tila mga alitaptap sa gabi. Saglit siyang tumingin sa kanyang relo, bago dahan-dahang bumalik sa kanyang upuan.Ilang sandali pa, bumukas ang pinto ng opisina at pumasok si Kevin, bitbit ang makapal na folder at laptop. Diretso siyang lumapit sa mesa ng presidente, may ngiting halatang proud."Boss," bungad niya, "kumpleto na lahat ng report para sa tatlong major project natin this quarter. Yung housing development sa Tagaytay — fully sold na ang Phase 1, at naghahanda na ang team para sa Phase 2. Yung partnership natin sa Summit Holdings, naayos na rin, pumirma na si Chairman Vargas kahapon. At 'yung luxury eco-resort sa Palawan, sin
Napatingin si Fernando at agad na ngumiti."Oh, gising ka na pala, anak. Halika, mag-breakfast ka na," magaan niyang sabi.Hindi agad tumugon si Micaela, bagkus ay naglakad papunta sa tabi ni Fernando at naupo sa upuang katapat ni Fae. Tahimik lang siya sa una, ngunit kapansin-pansin ang malamig na tingin niya kay Fae—matulis, sinusuri mula ulo hanggang paa na para bang sinusukat kung may karapatan ba talaga itong maupo sa mesa ng mga Baker."Wow," ani Micaela matapos ang ilang segundo, nakangiting pilit habang nakatingin sa pagkain. "Mukhang masarap 'tong breakfast. Hindi ko akalaing marunong ka palang magluto… nakakapagtaka lang, kasi hindi naman halata."Napatawa si Fernando, akala'y biro lang iyon. "Magaling talaga 'tong si Fae," aniya habang kumukuha pa ng pagkain. "Parang may natural talent sa pagluluto."Ngumiti si Fae, kalmado lang kahit ramdam niya ang tusok ng mga salita ni Micaela. "Ay, simple lang 'yan," magaan niyang sagot. "Pero kung gusto mo, turuan kita minsan. Para ne
Nagpatuloy sa pag-uusap ang mag-ama hanggang sa inabot sila ng gabi. Mainit ang usapan nila—punô ng tawanan, kuwento, at mga pagbabalik-tanaw na tila binubura ang dalawampung taong pagkawalay nila sa isa't isa. Sa gitna ng kanilang munting pagdiriwang ng muling pagkikita, bumalik si Micaela kinagabihan. Amoy-alak ito, halatang galing sa isang party—magulo ang buhok, bahagyang namumungay ang mga mata, ngunit nakataas pa rin ang ulo na parang wala siyang ginagawang mali.Nasa kusina sina Fernando at Fae noon. Hinahain ng mga maid ang mga pagkain; nakaupo si Fernando sa main chair, at sa kanan niya ay si Fae—sa mismong upuang matagal nang bakante at walang ibang pinauupo roon.Nang pumasok si Micaela, napatigil siya. Nakita niyang abala si Fae sa pagtulong sa maid habang ang kanyang ama ay nakangiting nakamasid sa anak. May ngiti sa labi ni Fernando nang mapansin ang pagdating ni Micaela."Oh, nakauwi ka na," sabi ni Fernando sa magaan na tono. "Halika, sabayan mo kami ng ate mo kumain."
Lumingon si Fernando sa pagitan ng dalawang babae, at bahagyang ngumiti."Faerie," mahinahon niyang sabi, "ipapakilala ko sa 'yo si Micaela Genes — ang adopted daughter ko. Mas bata siya sa 'yo ng isang taon. Inampon ko siya noong anim na taong gulang pa lang siya, mula sa isang ampunan dito sa Cebu."Bahagyang lumapit si Micaela, nag-abot ng kamay. "Hi," malamig niyang bati, kasabay ng ngiting pilit.Nagkamay sila ni Fae, ngunit sa sandaling magtagpo ang kanilang mga palad, tila may kuryenteng hindi maganda ang dumaloy sa hangin.Ramdam ni Fae ang kakaibang pakiramdam — parang may pader sa pagitan nila, isang tahimik na hostility na hindi niya alam kung saan nanggagaling.Pagkatapos ng maikling pagbati, umupo si Micaela sa tabi ni Fernando, maayos ang tindig, nakataas ang baba, at ang bawat galaw ay maingat at kontrolado — isang uri ng pino at sanay na asal ng anak-mayaman. Ngunit sa likod ng kanyang mga ngiti, ang mga mata nito ay mapanuri at malamig, parang tumitingin lamang sa isa
Pagpasok nila sa loob ng villa, agad na napahinto si Fae — hindi dahil sa gulat, kundi sa pagkakamangha.Ang malawak na sala ay tila obra maestra ng karangyaan: ang kisame ay mataas at may gintong chandeliers, ang sahig ay gawa sa marmol na kumikislap sa bawat hakbang, at ang mga pader ay napapalamutian ng mga mamahaling painting na halatang mga orihinal. Ang bawat sulok ng villa ay amoy luho at kapangyarihan — mula sa mga antique furniture hanggang sa mga kurtinang gawa sa imported silk.Ngunit kahit ganoon, hindi masyadong nagulat si Fae.Sanay na siya sa ginhawa ng buhay, lalo na't sa villa nila ni Richard sa Makati, bagaman mas moderno at elegante iyon. Alam niya ring pamana pa ang villa ng kanyang ama — matibay, klasikong istruktura, at puno ng kasaysayan ng pamilyang Baker. Kaya imbes na magulat, ngumiti lang siya at napaisip, "Ibang-iba nga lang ang istilo ng mga Baker sa mga Gold."Makalipas ang ilang sandali, naupo silang mag-ama sa magarang sofa na kulay cream, habang ang is







