Kinabukasan, maagang dumating sina Richard at Fae sa Everest Corporation. Gaya ng nakasanayan, sabay silang naglakad papasok, magkatabing parang hindi lang mag-asawa kundi tunay na power couple. Hindi nagtagal at umakyat sila ng elevator.Habang papasara na ang pinto ng elevator, isang kamay ang biglang humarang.Pak!Tumigil ang pinto at bumukas muli. At doon, pumasok si Troy—suot ang kanyang paboritong polo na masikip sa dibdib, akala mo ay pupunta sa photoshoot. Nakangiti siya at handang sabihing, "Coincidence!"—pero ang ngiti niya ay biglang nanlupaypay nang makita kung sino ang kasama ni Fae sa loob."Sh*t," bulong niya sa sarili.Nasa tabi pala ni Fae si Richard. Malamang, hindi niya napansin kanina na sabay pumasok ang dalawa. Para siyang binuhusan ng malamig na sabaw ng ampalaya.Napansin ito ni Richard at agad na may banat."Bakit parang nakakain ka ng apdo ng baboy sa pangit ng mukha mo?" biro ni Richard habang nakangisi, 'yung ngiting alam mong may laman.Napakamot ng ulo s
Ang nagpapangit ng ngiti ni Fae ay walang iba kundi si Troy.Tumigil ang ilang empleyadong babae sa pag-uusap at napatingin kay Troy. May ilang kinikilig, ang iba'y nagbulungan."Ay ang pogi.""Ang cute pa niyang ngumiti, grabe.""Kuya, single po ako."Ngumiti lang si Troy at tumango sa kanila habang naglalakad patungo kay Fae. Bitbit niya ang isang cute na lunch bag na may cartoon dog print. Alam na alam ni Troy na paborito ito ni Fae since college pa sila."Hi Fae!" masiglang bati ni Troy. "Naalala mo 'to?" sabay bukas ng bag at inilabas ang isang bento-style lunch box. "Yung adobo na may quail egg—yung favorite mo 'di ba? Tsaka yung mango sago, ginawa ko 'to kagabi."Inilapag niya ito sa mesa ni Fae na para bang sigurado siyang matutuwa siya."Naalala mo ba 'to? College days natin, tuwing may exam…"Ngunit pinutol siya ng malamig at walang emosyon na tinig ni Fae."Mr. Del Monte," sabi niya nang diretsahan at medyo malakas, sapat para mapatingin ang ibang empleyado, "anong ginagawa
"Troy? Ikaw pala. First day mo nga pala," sabi ni Fae, pilit na ngumiti. "Good luck sa trabaho.""Salamat," sagot ni Troy. "Hindi ko akalaing sabay tayong darating."Ang hindi alam ni Fae, kanina pa naghihintay si Troy sa gilid ng lobby. Nagtago pa ito para lang mag-abang sa kanya.Habang nakatitig si Fae sa floor panel, akma na siyang pipindot nang kunwaring sabay si Troy at hinawakan ang kamay ni Fae.Napaatras si Fae.Agad niyang binawi ang kamay, hindi nagustuhan ang pagkakapersonal ni Troy."Sorry, sorry…" kunwaring tawa ni Troy. "Anong floor mo?""13th."Tumango si Troy at pinindot ang 12 at 13."Ako sa 12. Malapit lang."Habang paakyat ang elevator, nagdadaldal si Troy. Kwento tungkol sa training, sa HR orientation, at kung paano siya halos hindi makatulog sa excitement.Pero si Fae, walang interes.Tumatango lang. Hindi na nagbigay ng komento.Dumating sa 12th floor."See you around," sabi ni Troy sabay kaway.Ngumiti lang si Fae. At nang magsara ang pinto—"Hay salamat." Napa
Tumingin nang mas malinaw si Bryan. Hindi siya puwedeng magkamali.Ang postura. Ang presensya. Ang malamig ngunit mabigat na tingin."Mr. Gold..." bulong niya, halos hindi makapaniwala."President Gold."Napalunok siya nang mariin, nanlamig ang batok."A-Ano pong ginagawa ninyo rito?" tanong niya, nanginginig na ang boses, tila may halong takot at pagpupugay.Tiningnan siya ni Richard. Isang tingin lang. Wala ni katiting na emosyon.Isang tingin na kayang durugin ang pagmamataas ng isang tao.Kinilabutan si Bryan.Bigla siyang tumayo. Pinagpag ang puwet, nag-ayos ng polo, tapos agad na yumuko."Ako po pala si Bryan Fuentebella... may-ari ng Fuentebella Holdings. Isang maliit na kumpanya sa city... isang karangalan po, Mr. President, na makita ang presidente ng Gold Prime Enterprises sa munting village na ito."BOOM."PRESIDENT NG GOLD PRIME ENTERPRISES?!" sigaw ng isang nakarinig.Parang nahulog sa kawalan ang lahat ng tao. Natahimik."Ano raw 'yon?!" tanong ng isa, nakakunot ang noo.
Sa puntong iyon, inilapag ni Fae ang dala niyang tray sa mesang malapit sa lilim ng puno. Maayos ang kilos at kalmado, para bang siya ang bida sa isang prime-time teleserye.Lumapit siya kay Richard at mahinang nagtanong, "Anong nangyayari rito?"Ngumiti si Richard, bahagyang umiling. "Dumating na 'yung mga tao. Maya-maya pa magsisimula na ang meeting."Tumango si Fae. "Sige, babalik muna ako, malapit nang matapos 'yung niluluto." Ngumiti siya at tumalikod na.Ngunit bago siya tuluyang makaalis..."Miss, teka!"Napatigil si Fae at lumingon, magalang na nginitian ang tumawag. "Bakit po?" tanong niya, inisip na isa lamang itong villager ng Gold Village.Pak! Parang tinamaan ng kidlat si Bryan.Ang ngiti ni Fae ay parang liwanag na direktang sumuntok sa puso niya. Muntik na siyang mapaatras — hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa ganda at lambing ng boses ni Fae. Hindi niya alam kung ano ang susunod na sasabihin at mabilis na nag-isip at walang malay na nagtanong:"May turon ba?"Napakagat
Nagtaas ng kilay si Aling Doray. "Aba aba, akala ko may asawa ka na? Bakit parang naglalaway ka?"Biglang napatingin si Cassandra sa asawa niya — si Bryan, na patuloy pa rin sa pag-scroll ng stocks at walang pake sa drama."Ruben," utos niyang muling mabilis, "buksan mo ulit 'yang upuan. Bilisan mo.""Bakit po ba? Akala ko po—""Just do it!"Napatayo si Ruben, nagkamot ng ulo habang binubuksan ulit ang upuan. Si Cassandra naman ay umupo, inayos ang buhok, inayos ang make-up, taas ang kilay — pero habang sinusulyapan si Richard, sinisiguradong mas maganda ang anggulo ng pagkakaupo niya.Ngunit lumapit si Richard kay Tiya Nora, at ni hindi man lang tumingin kay Cassandra. Parang wala lang siyang espesyal sa eksena. Ang ngiti ni Cassandra ay parang kandilang sinindihan tapos biglang tinapunan ng tubig."Tiya Nora, maayos pa ba rito? Kanina parang may sigawan," tanong ni Richard.Tumawa si Nora, "Ay anak, okay lang