Share

Chapter 157: Ninakaw mo

Author: Author W
last update Huling Na-update: 2025-07-16 11:18:36

Tumingin siya sa mga tao sa paligid na tila ba nag-aanyaya ng kasabwat, "O ano? Hindi ba kayo natatawa? Arcade card kanina, ngayon naman black card? Baka may rainbow card pa 'yan mamaya!"

Tahimik ang lahat. Walang pumapansin sa kanya.

Ang mga agents, mga staff, maging ang mga guard, hindi makatingin nang diretso kay Lorie. Ang iba ay halos magtakip ng mukha sa hiya. Si Lanie, tahimik ngunit halatang pigil ang sarili. Si Danie naman, nakapikit at mahigpit ang pagkakakuyom ng kamao—tila handa nang sumabog sa inis.

Hindi pa rin nahahalata ni Lorie ang bigat ng hangin sa paligid niya. Para sa kanya, siya pa rin ang bida ng eksenang ito.

Ngumiti si Richard, ngunit ang ngiting iyon ay malamig. Mapaglaro.

"Akala ko ba tapos na ang drama mo?" malamig niyang tanong.

Ngunit hindi sumagot si Lorie—masyado siyang abala sa paghahalakhak, hindi alam na nilalakad na niya ang daan patungo sa sarili niyang kahihiyan.

May naaawang tingin si Marie kay Lorie, ngunit pinili niyang huwag na lang magsalita.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 158: You are lucky

    "Ang black card na 'yon... malamang na ninakaw mo!"Tila may granadang sumabog sa gitna ng silid.Halos mabitawan ni Danie ang kanyang puso, nanlaki ang mga mata, halos sumuka ng dugo sa tindi ng kahihiyan at galit."Put—" halos mapasigaw si Marie habang napapakapit sa sentido niya. "Anong klaseng...—" hindi na niya natuloy ang sasabihin. Katangahan ang lumulutang sa hangin.Natahimik ang lahat.Ngunit si Lorie? Walang pakialam. Tila ba nabunutan ng tinik. Para bang sa wakas, may nadiskubre siya ng 'katotohanan'."Ayan! Tama ako, hindi ba?" malakas niyang sigaw. "Hindi ka lang manloloko—magnanakaw ka rin!" sabay ngisi, puno ng kasuklam-suklam na yabang."Inaangkin mo ang card na 'yon? Tumawid ka na sa kasinungalingan! Kanino mo ninakaw 'yan, ha? Sa tunay na may-ari? Sa opisina? O baka sa isang kliyente na niloko mo?!"Sunod-sunod ang mga salita ni Lorie—para siyang makina na hindi mapatigil. Naglalabas ng lahat ng sama ng loob, paniniwala, at ilusyon niya, kahit wala siyang pruweba. H

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 157: Ninakaw mo

    Tumingin siya sa mga tao sa paligid na tila ba nag-aanyaya ng kasabwat, "O ano? Hindi ba kayo natatawa? Arcade card kanina, ngayon naman black card? Baka may rainbow card pa 'yan mamaya!"Tahimik ang lahat. Walang pumapansin sa kanya.Ang mga agents, mga staff, maging ang mga guard, hindi makatingin nang diretso kay Lorie. Ang iba ay halos magtakip ng mukha sa hiya. Si Lanie, tahimik ngunit halatang pigil ang sarili. Si Danie naman, nakapikit at mahigpit ang pagkakakuyom ng kamao—tila handa nang sumabog sa inis.Hindi pa rin nahahalata ni Lorie ang bigat ng hangin sa paligid niya. Para sa kanya, siya pa rin ang bida ng eksenang ito.Ngumiti si Richard, ngunit ang ngiting iyon ay malamig. Mapaglaro."Akala ko ba tapos na ang drama mo?" malamig niyang tanong.Ngunit hindi sumagot si Lorie—masyado siyang abala sa paghahalakhak, hindi alam na nilalakad na niya ang daan patungo sa sarili niyang kahihiyan.May naaawang tingin si Marie kay Lorie, ngunit pinili niyang huwag na lang magsalita.

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 156: Props

    Humagalpak sa tawa si Lorie."Identification Card? Hindi kwalipikado?!" sambit niya, sabay hagikgik. "Hindi ba't isa lamang itong identification card sa isang arcade? Anong mahirap na makilala 'yon? Kita mo, may pangalan pa at level — medyo mataas lang level mo." Sabay taas ng kilay.Sandaling tahimik.Nanginginig sa galit si Danie ngunit hindi siya naglakas-loob magsalita. Tumingin nang panunuya si Marie kay Lorie—nakatingin lang, walang gustong sabihin. Si Lanie naman—napahiya, pero manahimik.Ngumiti si Richard bago tumingin kay Lanie, at muling bumaling kay Lorie. Isang malamig na ngiti ang lumutang sa kanyang labi."Hindi ko alam kung anong klaseng swerte ang meron si Ms. Lanie. Isang business elite, may mataas na katayuan sa lipunan, at higit sa lahat, nagkaroon ng kahanga-hangang kapatid na kagaya mo," sarkastiko niyang sabi.Nagalit si Lorie matapos marinig ang mapanuyang salita ni Richard. "Tama na ang kalokohan," bulalas niya, matalim at umuusok. "Gawin mo ang sinabi mo."Ka

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 155: You're not qualified

    Umiling si Richard.Tahimik. Kalmado. Tila bang may sariling mundo at hindi naaapektuhan sa pag-iingay ni Lorie."Natatakot ka ba?" tanong ni Lorie, sabay ngisi. Nilapit pa niya ang mukha niya kay Richard, nakataas ang kilay. "Umamin ka na lang. Hindi mo na kailangang ipahiya pa ang sarili mo sa harap ng maraming tao. Iisa lang din naman ang magiging resulta."Napangisi siya, puno ng pang-aalipusta, confident na confident sa "panalong" pinaniniwalaan niya."Natatakot?" ulit ni Richard, sabay bahagyang iling, parang nasayangan. "Ang sinasabi ko... masyado kang mababa magtaya." Umangat ang sulok ng labi niya, lumitaw ang isang ngiting nakakakilabot sa lahat."Hindi ganun kadali.""Hindi ganun kadali na magre-resign ka na lang matapos ang mga nagawa mong damage sa kumpanya."Huminto siya, sumulyap kay Danie, saka ibinalik ang tingin kay Lorie."Hindi ka pwedeng basta mag-resign.""Ngunit..." tumigil siya, saka ngumiti nang nakakakilig, nakakainis, nakakapanlamig."…magiging tagahugas ka

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 154: Game

    Napayuko si Lorie. Nanginginig ang kanyang balikat habang pilit nilulunok ang kahihiyan at takot na unti-unting bumabalot sa kanyang katawan.Hindi niya napansin kung paanong ang kanyang ate, si Lanie, ay biglang tumahimik at mahinahong yumuko nang bahagya bilang pagbibigay-galang sa lalaking nakatayo lamang sa tabi ni Marie—si Richard.Maging si Danie, sa wakas ay napansin na rin ang presensiya ni Richard."Presi—"Napabitin ang kanyang dila. Napansin kasi niya ang suot ni Richard—kupas na jeans at simpleng plain na t-shirt. Kaagad niyang naunawaan ang nais nitong gawin. Ayaw ni Richard na ibunyag ang kanyang pagkatao.Kaya sa halip na magpaliwanag, huminga si Danie nang malalim.At muling humarap kay Lorie."Lorie," mahinahon ngunit mabigat ang tono ng kanyang boses, "binigo mo ako."Napatingin si Lorie, gulat.Pero bago siya makapagsalita, nagpatuloy si Danie."Hindi mo lang ako binigo bilang bayaw. Binigo mo rin ang kumpanyang ito. Maraming kliyente ang napalayas mo gamit ang yaba

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 153: Palpak na Lorie

    "Bayaw… b-bakit mo ako sinampal?" nanginginig at naguguluhang tanong ni Lorie, hawak pa rin ang pulang pisngi habang napapaatras. Nakaawang ang kanyang labi at bakas sa mukha ang pagkabigla—hindi makapaniwalang siya, sa lahat ng tao, ay pinatamaan ng sariling bayaw sa harap ng maraming tao."Dapat hindi ako ang tinatamaan mo!" mariing dagdag pa niya, sabay turo kay Richard na nakatayo pa rin sa di kalayuan, tahimik ngunit malalim ang titig."Kundi ang lalaking iyon!" sigaw niya, puno ng desperasyon."Siya ang naglakas loob na gustong bumili ng villa gamit ang isang… arcade card!"Umiiyak na ang kanyang boses, nagmamakaawa, pilit ipinaglalaban ang sarili."Wala akong kasalanan, Kuya Danie… wala!" halos mapaos siya."Pinapalayas ko lang ang mga manloloko! Kagaya ng dati!"PAK!Hindi na pisikal—pero ang boses ni Danie ay mas masakit pa sa sampal."Tumahimik ka!"Suminghap si Lorie.Nanigas siya sa kinatatayuan, hindi makapaniwala sa bigat ng galit na narinig mula sa bayaw."Sinabi kong T

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status