ホーム / Romance / Contract Marriage with Mr. Impotent / Chapter 214: Bangungot ni Fae

共有

Chapter 214: Bangungot ni Fae

作者: Author W
last update 最終更新日: 2025-08-14 11:05:30

May ilang hinala si Richard kung sino ang taong ito, ngunit mahirap magsabi—kung tutuusin, marami silang malalaking kalaban sa negosyo.

"Base sa mga pangyayari," nagsimula siya, mabigat ang tono, "malamang alam ng kabilang partido na matagal na nating alam ang plano nila… kaya naghanda sila nang mas maaga. Maaaring naka-setup na lahat bago pa tayo makagalaw."

Kinuyom niya ang kamao, ramdam ang inis.

'Dinadamay pa nila ang biyenan ko at ang asawa ko… at alam nilang mahina si Fae kung may mangyari sa ina niya sa ospital.' naisip niya.

Huminga siya nang malalim at tumingin kay Fae.

"Sa ngayon… kikilos ako na parang walang alam. Ipapaubaya ko sa 'yo ang lahat, Fae. Malinaw, ako ang binabantayan nila. Para sa kanila, ako ang pinakamalaking hadlang… kaya ako lang ang pilit nilang pinipigilan. Hindi nakapagtataka—mukhang nahuhuli tayo sa nalalaman nila… pero hindi nila alam ang ilang bagay."

Kasabay ng huling salita ay isang mapanlinlang na ngiti ang gumuhit sa labi ni Richard.

Biglang tinaa
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター
コメント (1)
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
Cno kya ang malaking kalaban nla Richard at Fae at sna OK lng mama n fae
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 214: Bangungot ni Fae

    May ilang hinala si Richard kung sino ang taong ito, ngunit mahirap magsabi—kung tutuusin, marami silang malalaking kalaban sa negosyo."Base sa mga pangyayari," nagsimula siya, mabigat ang tono, "malamang alam ng kabilang partido na matagal na nating alam ang plano nila… kaya naghanda sila nang mas maaga. Maaaring naka-setup na lahat bago pa tayo makagalaw."Kinuyom niya ang kamao, ramdam ang inis.'Dinadamay pa nila ang biyenan ko at ang asawa ko… at alam nilang mahina si Fae kung may mangyari sa ina niya sa ospital.' naisip niya.Huminga siya nang malalim at tumingin kay Fae."Sa ngayon… kikilos ako na parang walang alam. Ipapaubaya ko sa 'yo ang lahat, Fae. Malinaw, ako ang binabantayan nila. Para sa kanila, ako ang pinakamalaking hadlang… kaya ako lang ang pilit nilang pinipigilan. Hindi nakapagtataka—mukhang nahuhuli tayo sa nalalaman nila… pero hindi nila alam ang ilang bagay."Kasabay ng huling salita ay isang mapanlinlang na ngiti ang gumuhit sa labi ni Richard.Biglang tinaa

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 213: Kilala ko

    Malinaw sa lahat—isang mensahe lang ito. Isang tahasang babala.Nagbabanta sila na sasaktan si Fae o si Marcela kung sakaling makialam si Richard. Ngunit malinaw din sa pagkaka-setup ng eksena na wala silang planong kumilos pa… basta't hindi siya nakikisali.Sa kabutihang palad, wala talagang balak si Richard na sumabak kung hindi kinakailangan. Ngunit isang bagay ang hindi alam ng kalaban—si Fae ang kikilos sa halip na si Richard.Mabilis silang bumalik sa loob ng villa, ang bawat isa ay mas alerto kaysa kanina.Tahimik silang umupo, pinroseso ang nangyari. Napag-usapan nila na isa lamang itong warning at wala talagang intensyon na umatake sa mismong compound… sa ngayon.Bilang pag-iingat, pinatay nila ang lahat ng ilaw sa ground floor at hinila ang mga kurtina. Sa malamlam na liwanag mula sa hallway, nagtungo sila sa mas malalim na parte ng villa—malayo sa mga bintana at posibleng linya ng putok."Sniper ang gumamit nito," malamig na sabi ni Kevin habang sinusuri ang direksyon ng ta

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 212: Banta

    Tahimik si Fae habang nakatingin sa sobre sa kamay ni Richard. Para bang biglang bumigat ang hangin sa sala. Kahit si Kevin, na kanina lang ay puro biro, ay natahimik at nakamasid.Dahan-dahan itong binuksan ni Richard. Una'y ilang pirasong larawan ang bumungad—mga candid shot na halatang kuha mula sa malayo. Nasa mga larawan si Fae… kasama sina Chase, Jane, at Troy, na para bang may pinaplano sa isang pribadong lugar.Napakunot ang noo ni Fae. "Ano 'to? Kailan pa 'to kinuha?"Hindi pa siya natatapos magsalita, nang mahulog mula sa sobre ang isang maliit na USB. Kinuha ito ni Richard at tiningnan, bago ibinaling ang tingin kay Bernard. "Ano 'to, Grandpa?""Buksan mo," maiksi at matatag na sagot ng matanda.Lumapit si Kevin, mabilis na isinaksak ang USB sa laptop na nasa mesa. Ilang segundo lang, at lumabas ang isang video.Ang unang frame—isang malabong CCTV footage sa loob ng isang opisina. Lumapit ang kamera… at malinaw nilang nakita si Chase, nakaupo sa lamesa, nakikipag-usap sa is

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 211: Sobre

    Saglit na nag-isip si Fae, tapos biglang naalala ang huling insidente kung saan naging open si Jane na isama si Richard sa kanilang reunion—na dati naman ay ayaw na ayaw niya dahil sa pagiging driver nito.Ngumisi si Fae, parang nakakita ng malinaw na koneksyon. "Hindi nakapagtataka… naging para kang malaking kayamanan sa mata niya."Bumuka ang bibig ni Kevin, parang may natuklasang plot twist. "Pero Sir… kung nalaman ni Jane na ikaw ang President, bakit hindi niya sinabi kay Ma'am Fae? Diba kung naging 'kayamanan' ang tingin niya sa 'yo, ang una niyang dapat gawin ay sirain ang tiwala ninyong dalawa—ipakita na niloloko mo si Ma'am, itinago mo kay ma'am ang totoo mong pagkakakilanlan. Sa ganitong paraan maghiwalay kayo at malaya siyang makalapit? Sa paraang 'yon… iisipin ng lahat na gusto ka niya dahil kung sino ka 'bilang tao' at hindi dahil sa pera o posisyon."Nagkunot ang noo ni Fae, pero may pilyang ngiti. "Tuso si Jane, kagaya ni Chase. Alam niya na

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 210: Agent

    Medyo nag-alala si Richard, bahagyang kumunot ang noo bago tanungin si Fae. "Sigurado ka ba rito?"Ngumiti si Fae, may kumpiyansa sa boses. "Sigurado ako. Wala namang mababago kung ihuhuli ang pagpapakilala kung sino talaga tayo, 'di ba? Isa lang naman itong pormalidad."Tumango si Richard pero may paalala. "Basta huwag kang gagawa ng delikadong bagay. At kung alam mong delikado ang sitwasyon, sabihan mo agad ako."Tumingin si Fae sa kanya at nagbigay ng nakapapanatag na ngiti. "Huwag kang mag-alala. Kung alam kong hindi ko kaya… tatawagan kita."Sa harapan, biglang sumabat si Kevin na parang ayaw palampasin ang pagkakataon. "Basta huwag lang yung tipong tatawag ka sa kanya sa gitna ng laban tapos sasabihin mo, 'Honey, bring reinforcements!' Parang K-drama lang, yung bida muntik nang maubos ang HP bago dumating yung male lead."Napatingin si Fae at Richard sa kanya, parehong natawa. "Kevin," sabi ni Richard, "feeling mo talaga, ikaw yung second male lead na palaging naiipit sa love tr

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 209: General Cleaning

    Bahagyang natigilan si Fae, sabay napailing na may halong tawa. "Mukhang marami ang mabibigla niyan.""Bakit, Kevin? Ready ka bang makita ang reaction nila?" dagdag biro ni Richard habang nakatingin sa rearview mirror.Kumunot ang noo ni Kevin. "Aba, sir, kung ako lang, matagal na akong ready. Pero baka sila… magka-heart attack."Napailing si Fae, napatawa, at nagsimula na silang umusad palabas ng compound.Habang umaandar ang sasakyan palabas ng compound, nakasandal si Richard sa upuan at nakatingin sa labas ng bintana. "So… sa tingin mo, Fae, anong magiging reaksyon ng mga tao kapag nalaman nila?" tanong niya na parang wala lang."Hmm… sa tingin ko, unang una… may mga mahuhulog sa upuan," sagot ni Fae na may bahagyang tawa. "Pangalawa… siguradong may magtatago ng mukha kasi naalala nila kung paano ka nila inutusan dati na magdala ng kape o mag-park ng kotse.""Eh 'yung iba, baka mag-resign agad," singit ni Kevin habang nakangisi. "Lalo na 'yung mga tumawag sa 'yo ng 'Manong Driver'.

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status