INICIAR SESIÓNSi Helena ay isang simpleng dalaga mula sa isang tahimik at liblib na isla. Maaaring hindi siya biniyayaan ng karangyaan sa buhay at edukasyon, ngunit matatag siya at sanay lumaban sa hamon ng buhay. Isang gabi, may inanod ang dagat sa kanya—isang lalaking sugatan at halos mawalan na ng buhay. Sa kabila ng kalagayan nito, hindi maikakaila ang taglay nitong anyo— isang mukhang umaapaw sa kagwapuhan at kakisigan kahit pa wala itong malay. Pinili niya itong iligtas at alagaan, kahit wala itong maalala at kahit wala siyang alam kung sino talaga ito at anong klaseng tao ito. At sa mga araw na kasama ang lalaki, kasabay namang nabubuo at lumalalim ang koneksyon sa kanilang mga puso na hindi nila inaasahan. Helena gave him everything... including her body, heart and soul. Ngunit nang dumating ang araw na gumaling na ito ng tuluyan ay kinailangan na rin nitong bumalik sa mundong pinanggalingan. Pero sino nga ba talaga si “Leo”? Ang misteryosong lalaking iniligtas ni Helena, o ang makapangyarihang si Philip Leandro Montañez na matagal niyang itinago sa likod ng pangalang iyon? At muli pa kayang tangayin ng alon ang lalaki pabalik sa kanya gayung lupa at langit pala ang estado nila?
Ver más“Po Manong? May problema po ba?” Nag-aalalang tanong niya sa matanda, hawak pa ni Mang Jose ang dibdib habang paulit ulit na napabuga ng hangin na animo’y hinihingal. Agad na nagsalin si Ena ng tubig sa baso saka iniabot sa matanda. “Uminom po muna kayo Manong.” Aniya na mabilis naman nitong kinuha at nilagok. “Sabi ko ka’ko eh yong mga lalaki na tinutukoy mong naghahanap kay Tisoy. Aba! Nagpunta sa kubo mo at sa kubo ko. Buti nalang talaga nailipat natin siya agad dito.” Hinihingal na imporma nito. Napalunok ng mariin si Ena, bigla siyang binalot ng kaba. “Nakaalis na po ba sila Manong? Nakalayo na po ba?” Nababahalang tanong niya. “Hindi naman sila nagtagal. Mabuti nga at umalis kaagad. Ang lalaki ng katawan ng mga taong iyon, marami pang mga tatu at sa mga hitsura pa lang mukhang hindi na gagawa ng mabuti.” Napapailing na komento ni Mang Jose kaya kahit papaano ay napabuga ng malalim na buntong hininga si Ena. Tama ang matanda, ayaw man niyang manghusga pero talagang ga
Tiningnan ni Ena ang laman ng kanyang mumurahing pitaka, tatlong daan pa rin ang pera niya, walang bawas. Ibig sabihin ay hindi kumuha si Mina ng baon. Pagsasabihan niya nalang ang kapatid pag-uwi niyon. Naghilamos lang siya at nagpalit ng simpleng masusuot bago nagtungo sa kabilang baryo para bumili ng gamot. At nang mabili na nga ito lahat ay tanging limang piso na lamang ang natira sa kanya. De bale, pupunta naman siya ngayon sa pantalan kaya tiyak kikita pa siya. “Miss, nakita mo ba ang lalaking ito?” Napahinto si Ena sa paglalakad nang mapansin ang dalawang balbasaradong lalaki, may hawak itong parang papel na ipinapakita sa babaeng pinagtanungan. “Pasensiya na po pero wala.” Narinig niyang sagot ng babae. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa siya naman ang napagtanungan ng mga ito. “Miss, nakita mo ba ang lalaking ito?” Tanong nito sa kanya kaya dumako ang mga mata niya sa larawang papel na bitbit nito. Napaawang siya kasabay ng pamimilog ng kanyang mga m
Nanginginig pa rin ang katawan ni Helena habang nakaupo ngayon sa labas ng kubo ni Mang Jose, ang albularyong kapitbahay niya na malapit sa kanilang magkapatid. Wala na siyang ibang maisip na pagdalhan sa lalaki. Malayo ang ospital sa kanila, nasa karatig bayan pa at kinailangan pang sumakay ng bangka para makarating doon. “Ate, tubig.” Agad niyang kinuha ang baso sa kamay ng kapatid na si Mina saka ito mabilis na ininom. Umupo ito sa tabi niya. “Ang laking mama’ pero nadala mo patungo rito. Ang lakas mo talaga.” Napapailing na turan nito. Kung paano niya nadala? Hindi niya na alam. Basta buong lakas niya iyong naisakay sa kariton at hinila patungo rito. Hindi niya na maisip kung paano niya iyon nagawa dahil tunay na malaki ang pangangatawan ng lalaki at matangkad pa. Tinalo pa sa bigat ang ilang timba ng isda na sanay siyang kargahin. Pero ngayon niya palang naramdaman na parang lupaypay ang braso niya sa sobrang pagod, ubos ang lakas niya. At hindi pa man siya nakakasa
“Ano Ena kaya pa ba?” Nag-aalalang tanong ng ginang na si Rosario sa dalagang may buhat na dalawang timba na punong puno ng isda. “Aba oo naman po nay. Panghuli na naman po ito.” Nakangiting sagot ni Helena o mas kilalang Ena sa palayaw nito. Kahit pa ang ganitong trabaho ay panlalaki ay kayang kaya niyang makipagsabayan. Sa kabila ng maliit niyang mga braso ay sanay siya magbuhat ng mabibigat. Kaya naman kapag ganitong may dumadaong na bangka ay sumasideline siya sa pagkakargador para kumita. “Sabi ko naman sayo sagutin mo na kasi ako Ena. Pangako ko sayo, hinding hindi ko hahayaang madumihan yang magaganda mong mga kamay.” Napailing na lamang si Helena nang marinig ang pagpapalipad hangin sa kanya ni Nelson. Ito ang komisyonaryo ng isda sa kanilang isla. Sa edad nitong trenta ay binata pa ito at kumikita rin ng maayos dahil madiskarte ito sa buhay. May hitsura rin ito at matangkad pa na lalaki, pero hindi niya ito tipo. O mas tamang sabihin na, wala pa sa isip niya an






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.