Pagkatapos ng kalat sa unang round, nagpaabot ng maliit na pahinga ang kusina. Naroon pa rin si Chef Mina at Sous Chef Ivy, parehong tahimik ngunit halatang may sinusukat na bago—lalo na't nakikita nila kung gaano ka-kalmado si Fae, samantalang si Christina ay abala pa rin sa pagpunas ng pawis at pag-aayos ng buhok na nasabugan ng harina kanina."Alright, round two," sabi ni Ivy, sabay tinapik ang mesa para makuha ang atensyon ng dalawa. "For this round, we'll test your seasoning balance and basic stir-fry technique.""Sounds easy," sabat ni Tina, kunwari ay may kumpiyansa, pero nanginginig ang kamay habang pinipihit ang gas stove."Don't worry," sabi ni Mina na may malamig na ngiti. "It's only fire."Sabay whoosh! — biglang umilaw ang apoy sa burner."Ahhh!" sigaw ni Tina, umatras ng dalawang hakbang na parang may nakitang multo."Tina," sabi ni Ivy na halos hindi na makapigil sa tawa, "it's just the stove, not a dragon.""Ehh… I'm just… respecting the fire," sagot ni Tina sabay tawa
Ang kusina ng Dragon's Ember ay punô ng ritmong tunog—kutsilyong humahampas sa chopping board, kalansing ng mga kawali sa malayo, at huni ng simmering broth na nagpapakawala ng bango ng bawang at luya. Ngunit sa isang sulok ng kitchen, isang eksena ang tila nagmula sa cooking comedy show. Natapos ang limang minuto at tumigil ang dalawa. Kitang-kita agad ang pinagkaiba nila. Napailing si Mina at napabuntong-hininga, habang si Ivy naman ay sumimangot at nagbigay ng huling pahayag, "Tapos na ang warm-up." At mabilis silang pinahanda para sa tunay na test. Natigilan si Christina nang maisip na warm-up pa lang pala 'yon, at halos magsayang siya ng sibuyas at ilang gulay."Okay, start slicing your onions—dice cut," malamig na sabi ni Sous Chef Ivy nang handa na sila habang nakatayo sa gitna ng dalawang table.Sabay na kumilos sina Fae at Christina.Si Fae, kalmado, nakayuko sa board. Hawak niya nang tama ang kutsilyo—ang dulo'y nakadikit sa cutting board habang ang talim ay dumadulas sa ba
Napahinga nang malalim si Fae habang naglalakad papasok, ngunit sa loob-loob niya ay may pinipigilang inis. 'Ayan na naman 'tong si Richard…' lihim niyang isinumpa ang asawa sa inis. 'Talagang sinabi pa ang pagkakakilanlan ko, ha? Mabuti na lang talaga at nandito si Christina na kasing kapal ng ginto ang mukha—salamat at siya ang napagkamalang asawa ni Chairman Gold.'Ngumiti si Fae nang kaunti, 'at least,' naisip niya, 'makakapagtrabaho ako nang tahimik. Walang mga sipsip, walang mga tumatawag ng "madam."'Pumasok silang tatlo — sina Manager Rose, Christina, at Fae — sa loob ng Dragon's Ember. Pagbukas ng pintuan sa kusina, bumungad ang amoy ng sariwang sangkap, tunog ng simmering broth, at mga kalderong kumukulo. Malinis, moderno, at kumikislap ang stainless steel counters. May anim na cooking stations, bawat isa'y may sariling chopping board, knife rack, at induction stove."Attention, everyone!" sigaw ni Rose habang tinatapik ang clipboard. Tumigil ang mga staff, isa-isang tumingi
Dragon's Ember RestaurantMula sa labas, eleganteng-modernong disenyo agad ang bubungad. May gintong signage na Dragon's Ember sa ibabaw ng pintuan, na may mahinang pulang liwanag na parang nag-aalab. Sa gilid, may mini waterfall wall feature at mga bonsai plants na nagbibigay ng relaxing Asian touch.Pagpasok, mararamdaman agad ang mainit ngunit classy na ambiance — dark wood panels, gold trimmings, at hanging lanterns na nagbibigay liwanag sa bawat mesa. Sa dulo, may open kitchen kung saan makikita ang mga chef na abala sa pagluluto. May amoy ng sariwang luya, bawang, at chili oil na kumakalat sa hangin.Sa labas, huminto ang isang e-bike sa tabi ng parking area. Bumaba ang isang babaeng nakatali ang buhok, naka-simple ngunit maayos na damit. Si Fae iyon — tahimik, may dalang backpack, at may mahinahong ngiti. Sa kabila ng kasimplehan niya, bakas pa rin ang grace at majesty aura sa kanyang tindig.Huminga siya nang malalim at tumingala sa signage ng restaurant. "Dragon's Ember," bul
Ngunit bago pa makasagot si Fae, bahagyang napailing si Bernard at napabulong, "Naku, kilala ko na 'yang ngiti na 'yan. Ibig sabihin may balak na naman 'yang apo ko."Sumabat si Kevin mula sa pinto na hindi sinasadyang makarinig. "Sir, baka kagaya na naman ng 'ordinary employee' project noong last time?" sabay kindat."Kevin," malamig na sabi ni Richard habang nakangiti, "gusto mo bang i-extend ko ulit 'yung impossible mission mo?""Ah, no sir! Mission accomplished na po ako!" mabilis na sagot ni Kevin sabay saludo at mabilis na tumakbo palabas ng opisina.Natawa si Fae at tumingin kay Richard. "Ano na namang iniisip mo, Mr. Gold?"Ngumiti lang si Richard, sabay kindat. "Wala naman... basta ako, susunod lang sa gusto ng asawa ko."Ngunit sa loob-loob niya—may lihim na plano na naman siyang pinaplantsa.Matapos ang ilang minutong katahimikan, napatingin si Fae kay Richard, bahagyang nakakunot ang noo habang nakahawak pa rin sa kamay nito."Btw... Anong klaseng restaurant ba 'yan?" tano
Halos mabilaukan si Kevin. "Wha—ha? Madam—ay, Ma'am Fae, 'wag po! Sino na po magtuturo sa amin ng HR policies?"Napangiti si Richard, bahagyang tumawa at hinaplos ang ulo ni Fae. "Magre-resign? Para saan?""Eh kasi, hindi na ako makapagtrabaho nang maayos. Lahat puro 'Madam Fae,' 'Ma'am President's wife,' 'First Lady ng Everest Corp.' Baka bukas 'Queen of HR' na itawag nila sa akin!" reklamo ni Fae sabay pout uli.Natawa si Richard at hinila siya palapit at naupo sa upuan. "Kung gano'n, papayag ako sa resignation mo… pero may kondisyon."Tumaas ang kilay ni Fae. "At ano 'yon?"Ngumiti si Richard nang may kapilyuhan. "Kung magre-resign ka sa Everest, kailangan mag-apply ka bilang full-time wife sa bahay natin. Walang sweldo pero may unlimited kisses, meals, and lifetime benefits."Biglang namula si Fae, sabay tinulak siya nang marahan. "Richard!" sigaw niya, ngunit hindi maitago ang ngiti sa labi.Nagtawanan si Kevin at n