Share

Chapter 62: Tapos na

Author: Author W
last update Last Updated: 2025-05-26 12:44:27

Bahagyang kumunot ang noo ni Fae habang hindi siya makapaniwala sa mga salitang binitiwan ni Richard.

At sa susunod na segundo—

Humagalpak ng tawa si Zaidee. "PAGGALANG?" ulit niya, nilakasan pa ang boses, siniguradong rinig sa buong ward.

Sumabay si Ella, pinapadyak pa ang isang paa habang tumatawa. "Oh my God, Mommy! Baka pwedeng gawan natin siya ng segment sa comedy show. Sobrang joke! Kanina shareholder, ngayon nire-respeto raw siya ng CEO." Tumingin siya kay Richard mula ulo hanggang paa. "Anong susunod? May-ari ng Pilipinas?"

Napailing at napangisi si Director Mendoza sabay pikit ng mata't buntong-hininga na tila hindi makapaniwala sa naririnig. "Sir," aniya, "seryoso ka ba talaga?"

"Alam mo kung anong tingin ko sayo?" singit ni Zaidee, nakataas ang kilay at halos ipagduldulan ang sarili sa mukha ni Richard.

"Isang taong may sayad. Mukhang hindi ito ang tamang hospital para sa'yo. Mental hospital ang kailangan mo."

"Correct, Mommy," sabat ni Ella habang tumatawa, "baka dapat sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 181: 10 Milyon

    Hindi sumagot si Richard, ngunit tumango lamang. Walang emosyon, walang alinlangan. Tahimik.Ngumisi si Victor, kampanteng-kampante na tila wala nang natitirang hadlang sa kanyang tagumpay. Hindi na siya nagsalita pa—nakuha na niya ang pinunta niya sa auction.Lumapit ang kanyang sekretaryang nakatayo sa tabi niya. Mahinang bumulong ito, "Chairman, aalis na ba tayo?"Tumingin si Victor sa babae, ang mga mata ay mabilis na bumaba sa cleavage nito. Saglit siyang ngumisi, saka marahang inilapat ang palad sa pwetan ng babae."Walang nagmamadali," sabi niya, sabay bahagyang pisil.Namula ang sekretarya, ngunit hindi naiinis—bagkus ay humawak ito sa dibdib ni Victor,"Chairman… may sampung milyon pang natira mula sa pondo para sa auction."Ngumisi si Victor, tumango."Hindi ba't sampung milyon lang 'yan?" sabay sulyap sa paligid."Hayaan mong gamitin natin mamaya para mag-saya. Pero sa ngayon…" Tumitig siya muli kay Richard."…manood muna tayo ng kaunting palabas."Ngumisi siya, walang ni k

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 180: Marami ka pang kakaining bigas

    Naiinis na si Victor, nanlilisik ang mga mata habang nakatitig kay Richard."Mayabang," sambit niya nang mariin.Tumawa si Richard, mababa pero matunog, at marahang umiling."Mayabang?" ulit niya, parang tinikman pa ang salitang binitawan."Akala ko ba pera at karanasan ang puhunan dito?"Halos puputok sa galit si Victor."Ang kapal din ng mukha mo!" singhal niya."'Kakabid' mo lang ng ₱300 million, tapos ngayon ₱305 million ka agad?! Hindi mo man lang pinag-isipan! Hindi mo ba naisip na 'yun ang tunay na kayabangan?!"Nagkibit-balikat si Richard at ngumiti, tila lalong inaasar si Victor."Anong pinagkaiba, Victor? Kung magbi-bid ka ng isang numero... edi ako, magbi-bid din ng mas mataas. Simple lang 'yon."Sabay pakawala ng isang ngiting punung-puno ng pang-aasar.Halos umusok sa galit si Victor. Nanginginig ang kamay nang bigla niyang itaas ang paddle."₱310 million!"Muling humampas ang tensyon sa buong silid. Ang ilan ay napasigaw sa gulat, ang iba ay napakapit sa mga upuan. Si Mr

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 179: Desperado

    Lumingon si Victor, bahagyang nagulat. Ang nagsalita—ang kaniyang advisor na kanina pa tahimik sa gilid."Ano 'yon?" malamig na tanong ni Victor.Humakbang palapit ang advisor, bahagyang yumuko para hindi marinig ng lahat, pero sapat para maramdaman ang bigat ng kaniyang salita."Chairman… masyado nang mataas ang risk."Naningkit ang mata ni Victor. "Ipaliwanag.""Mula sa analysis ng lupa—oo, may hot spring at potential tourist infrastructure ito, pero gaya ng alam natin, sa halos 30 hectares, 8 hectares lang ang usable. Ang natitirang bahagi ay may geological risks, terrain complications, at protected zone status. Hindi basta-basta puwedeng idevelop."Huminga ito nang malalim bago idugtong,"Kung magtaas pa tayo ng higit sa ₱280 million, papasok na tayo sa orange zone. Projected ROI ay nasa 10 hanggang 20 taon, depende sa government clearance, environmental compliance, at seasonal yield ng hot spring tourism."Lumapit ang sekretarya ni Victor at mahinang bulong,"Chairman… sang-ayon

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 178: Kumpiyansa ni Victor

    Halos masuka ng dugo si Victor sa galit. Ikinuyom niya ang kamao at tumingin nang matalim kay Richard na tila ba walang nararamdaman ni kaunting tensyon. Sa halip, kalmado pa rin ito, parang nanonood lamang ng isang comedy show.Nagngangalit si Victor, pero wala siyang ibang pagpipilian.'Hindi ako pwedeng umatras. Hindi ngayon.'Muling tinaas ni Victor ang paddle."₱238 million!" sigaw niya, sabay kagat sa kanyang mga ngipin. Halos mapunit ang papel na hawak niya sa sobrang higpit ng pagkakakuyom ng kamay.Alam niyang malayo na ito sa appraised value. Pero hindi lang pera ang nakataya ngayon—pangalan niya, karangalan niya, at ang pangako niya sa tatlong investor na umaasang mapapasakanya ang lote 7.Ngumisi si Richard. Kalmado. Hindi man lang kumurap."₱239 million."Natahimik ang silid. Ramdam ang tensyon na parang bakal sa hangin. Ang bawat bid ay parang kutsilyong tumatarak sa dignidad ni Victor."₱240 million!" muling sigaw ni Victor. Halos hingalin na siya sa galit.Mula sa ₱160

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 177: Risk, pati kaluluwa

    Kahit maganda ang lokasyon at may 30-hectare na flatland ang Lot 7, kaya mababa pa rin ang starting bid nito ay dahil sa ilang limitasyon. Kasama sa lote ang isang natural hot spring at ilang lumang struktura na itinayo noong dekada '80 na hindi maaaring basta tanggalin dahil nakarehistro ito bilang protected water site. Bukod pa rito, may bahagi ng lupa—halos 22 hectares—na hindi maaaring galawin ayon sa environmental zoning regulation. Ibig sabihin, sa halos 30 hectares, mahigit 8 hectares lang ang tunay na ma-develop para sa komersyal na gamit. Alam ito ng lahat ng negosyanteng naroroon—ang balanseng opurtunidad at panganib ng lupa ang dahilan kung bakit umabot lang sa ₱220 milyon ang appraised value nito."₱161 million!" sigaw ng isang lalaki sa dulong bahagi ng hall, halos kasunod ng hudyat ni Mr. Yale na nagsimula na ang bidding."₱162 million!""₱163 million!"Sunod-sunod ang taas ng mga paddle, may mga negosyanteng halatang gigil at sabik. Isa-isang milyon ang dagdag, parang m

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 176: Lot Seven

    May ilang segundo ng katahimikan bago isang lalaki sa kanan ng VIP row ang nagtaas ng paddle."One million increase," sabi ng auction assistant. "₱91 million."Sumunod agad ang isang babae sa gitna."Ninety-two.""₱93 million."Sunod-sunod ang pagtaas ng presyo, bawat isa ay binibigkas ng assistant habang nakatitig si Mr. Yale sa kanyang listahan."₱97… ₱98… ₱99…""₱100 million!" sigaw ng bagong bidder mula sa kanan.Hanggang sa tuluyan nang huminto ang iba sa pagtaya at ngumiti si Mr. Yale."Going once… going twice… Sold! To bidder number 104. Congratulations!"Palakpakan ang narinig sa loob ng pavilion habang iniabot ang sold card sa nanalo, isang kilalang negosyanteng real estate developer.Nagpatuloy ang auction.Ipinakilala ang Lote 2, Lote 3, at kasunod pa. Sunod-sunod ang bid, at kasabay nito ang pag-init ng loob ng mga dumalo.Kitang-kita ang kasabikan ng bawat isa, ang pagkakakunot ng noo habang kumakalkula, ang mabilis na bulungan ng assistant sa investor, at ang tiim-bagang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status