Share

Chapter 65: Supalpal

Author: Author W
last update Huling Na-update: 2025-06-02 12:16:08

Walang malay na napaatras si Director Mendoza, ang yabang sa kanyang mukha ay napalitan ng malinaw na takot. Parang napaso sa apoy, sunod-sunod siyang humakbang paatras habang dumidistansya kay Richard.

"Wag kang lalapit!" nanginginig ang boses niya, habang ang isang kamay ay nakataas na parang panangga.

Nag-aalalang lumapit si Fae kay Richard. Humawak sa braso nito, tiningnan siya mula ulo hanggang paa, sinusuri kung may sugat o kahit bahagyang pinsala.

"Richard, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Fae. Kahit nakita niya kung paanong walang kahirap-hirap na tinalo ni Richard ang limang guwardiya, hindi niya maiwasang kabahan.

Ngumiti si Richard, banayad, at hinawakan ang kamay ng kanyang asawa. "Ayos lang ako." Malambing ang kanyang boses.

Ang tagpong iyon ang lalong nagpasiklab sa dibdib ni Mendoza. Natalo ang mga tauhan niya. Napahiya siya. At heto ngayon, isang lalaking hindi niya kilala ang kumakain ng eksena at ng respeto sa loob ng mismong hospital na siya ang director.

"Hind
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 344: Assassin

    Cebu City, Villa Baker.Sa isang silid sa ikalawang palapag ng mansyon, galit na galit si Micaela. Nakaupo siya sa harap ng kanyang vanity mirror, mahigpit na nakahawak sa cellphone. Paulit-ulit niyang chine-check ang screen, ngunit wala pa ring sagot mula sa taong tinawagan niya isang buwan na ang nakalipas."Walang kwenta!" sigaw niya habang binabagsak ang cellphone sa kama.Mahigit isang buwan na siyang naiinis sa presensiya ni Fae sa bahay. Pakiramdam niya, bawat araw na dumaraan ay parang unti-unting inaagaw ni Fae ang lahat ng atensyon, pagmamahal, at respeto na dati ay kanya.Mas lalong sumidhi ang galit niya dahil ni minsan ay hindi pa rin nakakilos ang taong inupahan niyang pumatay kay Fae — dahil hindi ito makatyempo. Halos hindi umaalis si Fae sa villa. Kapag lumalabas man, laging kasama si Fernando — at kapag bumabalik, laging may dalang regalo o tawanan sa paligid.At para kay Micaela, iyon ang pinakamasakit.Si Fae, na dati'y walang alam sa pamilya, ngayon ay unti-unting

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 343: Lilipad din

    Gold Prime Enterprises, opisina ng presidente.Tahimik ang buong palapag, tanging mahinang ugong ng aircon at alingawngaw ng malayong kalsada sa ibaba ang maririnig. Sa gitna ng malawak at modernong opisina, nakatayo si Richard sa harap ng floor-to-ceiling window, tanaw ang magulong lungsod sa ibaba. Ang mga ilaw ng sasakyan ay nagsasayawan sa kalsada na tila mga alitaptap sa gabi. Saglit siyang tumingin sa kanyang relo, bago dahan-dahang bumalik sa kanyang upuan.Ilang sandali pa, bumukas ang pinto ng opisina at pumasok si Kevin, bitbit ang makapal na folder at laptop. Diretso siyang lumapit sa mesa ng presidente, may ngiting halatang proud."Boss," bungad niya, "kumpleto na lahat ng report para sa tatlong major project natin this quarter. Yung housing development sa Tagaytay — fully sold na ang Phase 1, at naghahanda na ang team para sa Phase 2. Yung partnership natin sa Summit Holdings, naayos na rin, pumirma na si Chairman Vargas kahapon. At 'yung luxury eco-resort sa Palawan, sin

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 342: Laban sa mesa

    Napatingin si Fernando at agad na ngumiti."Oh, gising ka na pala, anak. Halika, mag-breakfast ka na," magaan niyang sabi.Hindi agad tumugon si Micaela, bagkus ay naglakad papunta sa tabi ni Fernando at naupo sa upuang katapat ni Fae. Tahimik lang siya sa una, ngunit kapansin-pansin ang malamig na tingin niya kay Fae—matulis, sinusuri mula ulo hanggang paa na para bang sinusukat kung may karapatan ba talaga itong maupo sa mesa ng mga Baker."Wow," ani Micaela matapos ang ilang segundo, nakangiting pilit habang nakatingin sa pagkain. "Mukhang masarap 'tong breakfast. Hindi ko akalaing marunong ka palang magluto… nakakapagtaka lang, kasi hindi naman halata."Napatawa si Fernando, akala'y biro lang iyon. "Magaling talaga 'tong si Fae," aniya habang kumukuha pa ng pagkain. "Parang may natural talent sa pagluluto."Ngumiti si Fae, kalmado lang kahit ramdam niya ang tusok ng mga salita ni Micaela. "Ay, simple lang 'yan," magaan niyang sagot. "Pero kung gusto mo, turuan kita minsan. Para ne

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 341: Umagahan

    Nagpatuloy sa pag-uusap ang mag-ama hanggang sa inabot sila ng gabi. Mainit ang usapan nila—punô ng tawanan, kuwento, at mga pagbabalik-tanaw na tila binubura ang dalawampung taong pagkawalay nila sa isa't isa. Sa gitna ng kanilang munting pagdiriwang ng muling pagkikita, bumalik si Micaela kinagabihan. Amoy-alak ito, halatang galing sa isang party—magulo ang buhok, bahagyang namumungay ang mga mata, ngunit nakataas pa rin ang ulo na parang wala siyang ginagawang mali.Nasa kusina sina Fernando at Fae noon. Hinahain ng mga maid ang mga pagkain; nakaupo si Fernando sa main chair, at sa kanan niya ay si Fae—sa mismong upuang matagal nang bakante at walang ibang pinauupo roon.Nang pumasok si Micaela, napatigil siya. Nakita niyang abala si Fae sa pagtulong sa maid habang ang kanyang ama ay nakangiting nakamasid sa anak. May ngiti sa labi ni Fernando nang mapansin ang pagdating ni Micaela."Oh, nakauwi ka na," sabi ni Fernando sa magaan na tono. "Halika, sabayan mo kami ng ate mo kumain."

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 340: Adopted Daughter

    Lumingon si Fernando sa pagitan ng dalawang babae, at bahagyang ngumiti."Faerie," mahinahon niyang sabi, "ipapakilala ko sa 'yo si Micaela Genes — ang adopted daughter ko. Mas bata siya sa 'yo ng isang taon. Inampon ko siya noong anim na taong gulang pa lang siya, mula sa isang ampunan dito sa Cebu."Bahagyang lumapit si Micaela, nag-abot ng kamay. "Hi," malamig niyang bati, kasabay ng ngiting pilit.Nagkamay sila ni Fae, ngunit sa sandaling magtagpo ang kanilang mga palad, tila may kuryenteng hindi maganda ang dumaloy sa hangin.Ramdam ni Fae ang kakaibang pakiramdam — parang may pader sa pagitan nila, isang tahimik na hostility na hindi niya alam kung saan nanggagaling.Pagkatapos ng maikling pagbati, umupo si Micaela sa tabi ni Fernando, maayos ang tindig, nakataas ang baba, at ang bawat galaw ay maingat at kontrolado — isang uri ng pino at sanay na asal ng anak-mayaman. Ngunit sa likod ng kanyang mga ngiti, ang mga mata nito ay mapanuri at malamig, parang tumitingin lamang sa isa

  • Contract Marriage with Mr. Impotent   Chapter 339: Nalalapit na digmaan

    Pagpasok nila sa loob ng villa, agad na napahinto si Fae — hindi dahil sa gulat, kundi sa pagkakamangha.Ang malawak na sala ay tila obra maestra ng karangyaan: ang kisame ay mataas at may gintong chandeliers, ang sahig ay gawa sa marmol na kumikislap sa bawat hakbang, at ang mga pader ay napapalamutian ng mga mamahaling painting na halatang mga orihinal. Ang bawat sulok ng villa ay amoy luho at kapangyarihan — mula sa mga antique furniture hanggang sa mga kurtinang gawa sa imported silk.Ngunit kahit ganoon, hindi masyadong nagulat si Fae.Sanay na siya sa ginhawa ng buhay, lalo na't sa villa nila ni Richard sa Makati, bagaman mas moderno at elegante iyon. Alam niya ring pamana pa ang villa ng kanyang ama — matibay, klasikong istruktura, at puno ng kasaysayan ng pamilyang Baker. Kaya imbes na magulat, ngumiti lang siya at napaisip, "Ibang-iba nga lang ang istilo ng mga Baker sa mga Gold."Makalipas ang ilang sandali, naupo silang mag-ama sa magarang sofa na kulay cream, habang ang is

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status