แชร์

Chapter 5

ผู้เขียน: Batino
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2026-01-21 20:49:38

Naglalakad si Renna sa kalsada, may ngiti pa rin sa labi.

Yung ngiting parang katatapos lang mang-halik ng bilyonaryo—tatlong beses.

Bitbit niya ang delivery bag, bahagyang umaalog sa bawat hakbang, habang ang isip niya ay nasa isang engrandeng gusali, isang galit na CEO, at isang nunal na memorable.

“Hehe…” napatawa siya mag-isa. “Ang intense naman ng panaginip ko ngayon.”

Napahinto siya saglit, huminga nang malalim.

“Grabe,” bulong niya sa sarili. “Parang totoo talaga. May bodyguards, may sigawan, may drama… ”

Bigla siyang napatigil.

May tumayong babae sa harap niya.

Naka-akimbo.

Naka-kunot ang noo.

At may matang kayang magpabalik ng kaluluwa sa katawan.

Si Pristina.

“HOY!”

Parang may kumalabog sa ulo ni Renna.

“Nakakahiya ka talaga, Diyos ko!” sigaw ng kanyang ina, sabay tingin sa paligid na parang baka may nakakita sa itsura ng anak niya. “Naglalakad ka riyan na nakangiti mag-isa! Para kang—”

Pinutol niya ang sarili, sabay buntong-hininga.

“Umuwi ka na nga sa bahay,” mariing sabi nito. “Ako na ang magde-deliver niyan!”

Biglang naglaho ang ngiti ni Renna.

“H-ha?” tanong niya, blinking. “Nay… ikaw?”

Tumango si Rosana, hingal na hingal habang lumalapit, pawis na pawis, at halatang pagod sa kakahabol—hindi ng bilyonaryo, kundi ng katotohanan.

“Tama si Ante,” sabi niya, hinihingal.

“Kami na lang magde-deliver. Ikaw… umuwi ka na bago ka pa tuluyang mabaliw.”

Napatingin si Renna sa delivery bag.

Tapos sa nanay niya.

Tapos kay Rosana.

Unti-unting pumasok sa isip niya ang realization.

Walang V-Prime Corporation.

Walang bodyguards.

Walang galit na bilyonaryo sa harap niya.

At lalong walang lalaking hinahalikan niya sa hallway.

Namula ang pisngi niya.

Ay—hindi dahil sa kilig.

Kundi dahil sa hiya.

“Ah…” mahinang sabi niya. “So… gising na ako?”

Napailing si Pristina. “Matagal ka nang gising. Ikaw lang ’tong ayaw bumalik sa mundo.”

Tahimik si Renna.

Bigla siyang napayuko…

saka biglang napangiti ulit.

“Okay lang,” bulong niya sa sarili. “Panaginip lang naman ’yon.”

Pero sa kung anong dahilan—

habang naglalakad siya pauwi,

may isang mukha pa ring malinaw sa isip niya.

Galit.

Gwapo.

At may matang parang gusto siyang ipakulong.

“At least,” mahina niyang bulong, sabay tapik sa sariling dibdib, “hindi ako nahuli.”

Hindi niya alam—sa parehong oras—may isang bilyonaryong hindi pa rin maalis sa isip ang babaeng may delivery bag.

At mas lalong hindi pa handang patawarin ang kaguluhang iniwan nito sa loob ng V-Empire Corporation.

“HOOOY! Ano ba, Renna! Akin na ’yang bag!” sigaw ng kanyang ina, halatang pagod na ang pasensya. “Umuwi ka na at matulog ka na lang habang buhay!”

“Okaaay, Nay,” sagot ni Renna, napapailing. “Pati ba naman sa panaginip ko, kontra kayo.”

Si Rosana naman, tahimik. Pero habang papalapit sila muli sa VEC, hindi niya mapigilang mapayuko—parang may mabigat na hangin na bumabalot sa dibdib niya.At doon,

“Oh! Si Aling Pristina!” masiglang sigaw ng ilang empleyado.

“Dumating na ’yung order natin!”

Isa-isa silang lumapit, may ngiti, may saya—tila walang kaalam-alam sa kaguluhang naganap kanina.

Ngunit sa kabilang dulo ng lobby,biglang napahinto si Drickson Valemont, kasalukuyang paakyat sana sa private elevator papuntang opisina niya.

May isang bagay na humatak ng atensyon niya.

Isang delivery bag na halos kapareho ng bag na hawak ng babae kanina.

Malaki.

Puting-puti.

May logo.

Isang malaking nunal na naka-print sa mascot ng restaurant.

Nanikip ang panga niya.

“Korena,” malamig niyang utos, hindi inaalis ang tingin sa bag, “alisin mo ’yan.”

Lumapit ang bodyguard, sumunod agad.

“Naaalala ko ’yan,” dagdag ni Drickson, bahagyang nanginginig sa inis ang boses.

“Ang babaeng ’yon.

Malaki ang nunal.

At mas malaki ang problema.”

Sa bag, malinaw ang nakasulat:

MINI MONTENEGRO RESTAURANT

— Renna

Hindi alam ni Aling Pristina kung bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin.

Pero alam ni Rosana kung bakit parang may paparating na bagyo.

Lumapit si Korena, maayos ang tindig ngunit mabigat ang loob. Hindi siya sanay sa ganitong utos—lalo na’t kaharap niya ang isang inang halatang ipinaglalaban ang maliit na kabuhayan.

“Aling Pristina…” mahinahon niyang simula, bahagyang yumuko bilang respeto.

“Last na order na po ito ng VEC sa inyo.”

Napahinto ang mga kamay ni Aling Pristina sa pag-aayos ng resibo.

“H-huh?” napasinghap siya, parang may humigop ng hangin sa dibdib niya.

“Ano pong ibig ninyong sabihin?”

Nagkibit-balikat si Korena, pilit pinapanatiling propesyonal ang tono.

“Ayaw ko rin pong gawin ito… pero utos po ito ng boss ko. Pasensiya na po talaga.”

Para bang biglang bumigat ang buong lobby.

“Pero bakit naman po?!” basag ang boses ni Aling Pristina.

“Matagal na po kaming nagde-deliver dito… isa po kayo sa pinakamalaking customer namin…”

Sa gilid, napayuko si Rosana. Alam na niyang mangyayari ito.

“Pasensiya na po talaga,” ulit ni Korena, mas mahina na ngayon.

“Pagkatapos n’yo pong i-deliver ’yan… umalis na po kayo.”

Walang sigawan.

Walang drama.

Pero mas masakit iyon.

Ilang segundo lang ang lumipas—nasa labas na sila ng V-Empire Corporation.

Tahimik.

Tanging tunog ng pinto at yabag ng mga tao ang maririnig.

“Anong nangyari?” basag ang tinig ni Aling Pristina, hawak pa rin ang delivery bag na parang biglang naging mabigat.

“Korena… bakit bigla na lang silang hindi o-order?”

Napakamot sa ulo si Korena, sabay buntong-hininga.

“Hay naku, Ante…” sabi niya, diretso ngunit walang paligoy.

“Masakit man sabihin—”Tumingin siya kay Renna.

“Tanungin n’yo ang best friend ko na anak n’ yo ante.

Siya ang dahilan kung bakit nangyari ’to.”

Nanlaki ang mata ni Aling Pristina.

Si R-Renna nanaman?”

Parang may bumagsak sa dibdib ni Aling Pristina. Dahan-dahan siyang lumingon, hindi makapaniwala.

“Si Renna na naman?!”

Biglang tumaas ang boses ni Aling Pristina, halos pumutok sa galit at pagkadismaya.

Mahigpit niyang kinuyom ang kamay, nanginginig ang panga.

“Humanda ka talaga sa akin pagdating ko riyan sa bahay, RENNAAA!”

Umalingawngaw ang sigaw niya sa labas ng V-Empire Corporation, dahilan para mapatingin ang ilang empleyado. May mga nagkunwaring abala pero halatang nakikinig.

Si Rosana ay napaatras ng kaunti.

“Ante… kalma lang po—”

“Hindi ako kakalma!” putol ni Aling Pristina.

“Panaginip dito, panaginip doon—totoong negosyo ang nasisira!”

Sa kabilang banda—

Sa bahay.

Mahimbing pa ring natutulog si Renna Montenegro.

Humilik pa siya, lumingon sa kabilang side ng kama, at ngumiti.

“Hmm… chapter six…” bulong niya sa panaginip.

Walang kaalam-alam na ang sigaw ng ina niya ay parang naka-bookmark na sa tadhana—

hinihintay lang siyang magising.

To be continued

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Contract Wife Ako, Pero Hate Niya ang Nunal Ko,   Chapter 24.

    Ang mga kabataan nga naman…” napapailing na sambit ni Madam Krisnha habang sinusundan ng tingin ang dalawang papalayong pigura sa loob ng pekeng beach resort. Makalipas ang ilang sigundo lang narating na nila Renna at Drickson ang mamahaling sasakyan ng mga Valemont. Sa loob ng sasakyan ni Drickson, tahimik na nakaupo si Renna sa passenger seat. Nakatanaw siya sa bintana, bahagyang kumakabog ang dibdib sa hindi maipaliwanag na kaba. Paminsan-minsan ay pasulyap-sulyap siya kay Drickson na seryosong nakatingin sa kanyang cellphone, parang may hinihintay na mahalagang mensahe. Walang imik ang dalawa, tanging ugong ng makina at mahinang tugtog sa radyo ang pumupuno sa katahimikan—isang katahimikang punô ng mga salitang hindi nila masabi. Uhmm…” biglang bumasag si Renna sa katahimikan. “Excuse me— “Shut your mouth. Ayokong makipag-usap sa’yo,” malamig at seryosong putol ni Drickson, hindi man lang lumilingon. Napakunot ang noo ni Renna at napapailing na lamang. Kunwari ka pa,

  • Contract Wife Ako, Pero Hate Niya ang Nunal Ko,   Chapter 23

    Pagkalabas pa lamang nila ng villa, biglang bumitaw si Drickson sa pagkakahawak niya kay Renna. “Hoy—bitawan mo nga ’yan,” reklamo niya, pilit hinahatak ang kamay. Ngunit imbes na makawala, lalo pa yatang sumikip ang kapit ni Renna. Napabuntong-hininga si Drickson, halatang naiirita—o nagpapanggap lang. “Bitawan mo ang kamay ko,” ulit niya, mas mahina na ang boses. Napangisi si Renna at tinaasan siya ng kilay. “Ha? Bakit ko naman gagawin ’yon?” sabay tingin sa magkadikit pa rin nilang kamay. “Kunwari ka pa. Kung ayaw mo talaga, kanina ka pa nakabitaw.” Natigilan si Drickson, saka umiwas ng tingin. “Marunong ka talagang mambintang,” bulong niya—pero hindi pa rin niya binawi ang kamay niya. Korina,” tawag ni Drickson. “Yes, sir?” mabilis na sagot ng kanyang lady guard. “Ilayo mo nga sa akin ang babaeng ’to,” utos niya, halatang naiirita. Ngunit bago pa makalapit si Korina, biglang napansin ni Renna na palabas na rin ang ina niya—kasama ang mama ni Drickson. Agad nagbag

  • Contract Wife Ako, Pero Hate Niya ang Nunal Ko,   Chapter 22 Boracay

    Biglang tumahimik ang buong balkonahe nang marinig ang mahinang pagbukas ng pinto mula sa loob ng resort.Isang lalaki ang pumasok.Matangkad. Malapad ang balikat. May presensiyang agad naramdaman ng lahat. Nakasuot ng itim na coat na akmang-akma sa kanyang pangangatawan, at bawat hakbang niya ay may dalang awtoridad at kumpiyansa.Namangha si Renna.Nang magtagpo ang kanilang mga mata—parang may malakas na dagundong ang sumabog sa kanyang dibdib.OH my God!” Siya ba talaga ang magiging asawa ko?! hindi makapaniwalang sambit ni Renna.Nanlaki ang kanyang mga mata hanggang sa halos makalimutan niyang huminga. Napakapit siya sa gilid ng mesa, ang mga daliri’y nanginginig.Siya…Siya nga ang lalaking iyon.Ang lalaking minsan niyang hinalikan sa isang pagkakamaling pagkikita sa isang VICompany.Ang lalaking akala niya’y hindi na niya makikita dahil ikakasal na siya sa ibang lalaki pero hindi pala.Si Drickson.Mas gwapo siya ngayon. Mas matatag ang tindig. Ngunit ang titig niya iyon pa r

  • Contract Wife Ako, Pero Hate Niya ang Nunal Ko,   Chapter 21

    Ilang oras na ang lumipas mula noong huling nagkita sina Drickson at Renna. Sa isang VIP Room ng Villa Buena Resort, naroon si Drickson kasama ang kanyang pinagkakatiwalaang ladyguard. Tahimik ang silid, tanging mahinang ugong lamang ng aircon ang maririnig. Nakatayo si Drickson sa gitna ng maluwang na espasyo, nakaharap sa malapad na salamin. Mula roon ay tanaw niya ang mga ilaw sa labas—maganda, ngunit hindi sapat para pakalmahin ang bigat na nararamdaman niya sa dibdib. “Korina!” mariin niyang tawag. Agad humarap sa kanya ang ladyguard, tuwid ang tindig at alerto ang mga mata. “Anong balita na?” tanong ni Drickson, mababa ngunit seryoso ang boses. “Nasa venue na ba ang pamilya Montenegro?” Habang nagsasalita, bahagya niyang hinawakan at inayos ang mamahaling relo sa kanyang pulso—isang maliit ngunit halatang kilos ng nerbiyos. May kaba sa kanyang mga mata, ngunit pinilit niyang itago iyon sa likod ng malamig at kontroladong ekspresyon. “Yes, Sir… at kararating l

  • Contract Wife Ako, Pero Hate Niya ang Nunal Ko,   Chapter 20

    "Anong ibig mong sabihin na darating na ang biyanan?! Nay, hindi naman ako nagpakasal sa sinuman, 'di ba?!" bulalas ni Renna, ang boses niya'y bahagyang ngumiti habang napatingin nang mabilis kay Drickson – parang naghahanap ng kakampi sa mga mata nito. Anong walang pinakasalan baka nakalimutan mong pumirma ka sa contrata na pinaperma sayo ni Madam Krishna nung nagdaang araw?! Sa kabilang linya, rinig na rinig ang pagkapikon ng ina: "Hindi ka ba nakikinig sa akin?! Sinabi ko na nga na wag kang lalayo ehh ,nasaan kanaba at pupuntahan kita ngayon din, dapat hindi kita pinayagang umalis rito mag-isa! Sabi ni Mrs. Valemont, pupunta raw sila ngayon para makilala ka – kasama ang anak niya na kasalukuyang narito na pala, dagdag pa ng ina niya. AKALA KO BA DINNER LANG TAYO NG MGA KAIBIGAN NIYO INAY?! Napamura si Renna ng mahina, napahawak sa kanyang noo habang si Drickson naman ay nakatayo na rin sa tabi niya, mukhang nag-aalala at nagtataka. Basta bumalik kana dito tapus ang usa

  • Contract Wife Ako, Pero Hate Niya ang Nunal Ko,   Chapter 19

    "Wow! Grabe ang ganda rito – yung puting buhangin na gawa sa sintetikong materyales, mala-asul na tubig na filtered water lang, pero parang talagang nasa tunay na beach!" ngiting-ngiti at hinaplos ang buhangin gamit ang daliri niya habang pinagmamasdan niya ang detalyadong fake beach setup sa isang rooftop ng gusali. "Sayang talaga… dito sana ginanap yung dinner na sinasabi ni Mama. Ang saya sana dito, hindi yung nasa loob ng Resort pero wala namang beach, dito kahit papaano may beach at hindi siksikan at walang hangganan." bumuntong-hininga at tumingin sa paligid – kitang-kita ang mga sistema ng tubig na nagpapanatili ng hitsura ng dagat "Ang hirap na talagang huminga sa mask na 'to," bulong niya habang pinipisil ang gilid ng kanyang surgical mask na basa na sa pawis dahil sa artipisyal na init mula sa mga overhead na lamp. "Siguro pwede na akong mag-alis dito, wala namang masyadong tao eh – baka nga konting tao lang talaga ang nakakaalam sa fake beach na 'to." akmang aalisin na

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status