Share

Chapter 4. Maxine Romero

Penulis: Batino
last update Terakhir Diperbarui: 2026-01-21 20:49:05

“Anong sinasabi mo riyan, Renna?!” sigaw na ni Rosana, nanginginig sa kaba habang nakikita ang mga bodyguard na handa nang dumakip. “Nababaliw ka na ba?!”

Sa harap nila, unti-unting lumapit ang mga tauhan ng V-Prime Corporation—matitigas ang mukha, handa ang kamay.

Ngunit si Renna?

Ngumisi lang.

Yung tipong ngiti ng taong walang balak magpaliwanag.

Humakbang siya paatras, dahan-dahan, parang nasa pelikula—sabay kindat pa.

“Teka lang ha,” sabi niya, parang paalam lang sa panaginip. “Parang naging intense na ’to.”

At bago pa makareact ang lahat—

Tumakbo siya palabas ng V-Prime Corporation.

“TAKBOOO!” sigaw ni Renna, puno ng excitement na parang may hinahabol na premyo.

“Naluko na talaga!” singhal ni Rosana, napilitan ding tumakbo, habol ang kaibigang parang walang sense of danger. “RENNA, TUMIGIL KA!”

“MISS, HUMINTO KA!” sigaw ng isang bodyguard, mabilis na sumusunod.

Sa gitna ng kaguluhan, nanatili si Drickson sa kinatatayuan niya.

Hawak pa rin ang labi.

Hindi sa kilig.

Kundi sa pandidiri.

Parang gusto niyang hugasan ang mukha niya—buong pagkatao kung maaari.

“Korena,” malamig niyang utos, nanginginig ang panga sa inis, “siguraduhin mong hindi na muling lalapit ang babaeng ’yon sa akin.”

Saglit siyang tumingin sa direksyong tinakbuhan ni Renna.

Pero si Renna Montenegro?

Mas lalo pang bumilis ang takbo.

“Hala,” tawa niya habang tumatakbo. “Ang saya ng panaginip ko ngayon! May cardio!”

Lumiko siya sa isang hallway, pabalik, muntik nang mabangga ang isang empleyado na may hawak na kape.

“Sorry po!” sigaw niya. “Dream extra lang ako!”

“Hindi siya extra!” singhal ni Drickson habang mabilis na naglalakad, pilit pinapanatili ang dignidad kahit gusto na niyang maglaho. “Huwag niyong hayaang makalapit ulit!”sigaw na utos to ni Drickson.

Pero parang may sariling misyon ang babae.

Huminto si Renna bigla sa gitna ng hallway at humarap sa kanya, naka-akimbo pa.

“Uy,” sabi niya, hingal pero masaya. “Bakit parang galit ka? Sa panaginip ko, mas sweet ka.”

“Dahil,” mariing sagot ni Drickson, “hindi ito panaginip.”

Tumango si Renna, parang may naiintindihan. “Oo nga, sabi mo na ‘yan kanina.”

Bigla siyang lumapit.

Mabilis.

Masyadong mabilis.

“STOP!”

Huli na.

Hinalikan na naman siya ni Renna.

May sumigaw. May napamura. May bodyguard na literal na napapikit.

“MY GOD”

“MR. VALEMONT!”

Umatras si Renna, tuwang-tuwa. “Grabe, ang realistic na talaga. May sound effects na.”

Napapikit si Drickson at hinilot ang sentido. “Ito na ang bangungot.”

“Sir,” sabi ng head bodyguard, seryoso ang mukha, “dadagdagan po namin ang security.”

Masyado siyang maliksi hindi namin siya mahuli!

“Dagdagan niyo,” sagot niya agad. “At ilayo niyo siya.”

Pero parang sinasadya ng universe.

Sa kabilang dulo ng hallway, may isang babaeng nakapantalon at blazer na halos madulas sa pagmamadali.

“DRICKS!” sigaw nito. “DRICKSON!”

Si Korena.

Ang bodyguard niya. Adviser. At tanging taong kayang sumigaw sa bilyonaryo nang hindi natatanggal sa trabaho.

Huminto si Renna at napatingin kay Korena, saka kay Drickson.

“Ah,” sabi niya, parang may realization. “May kontrabida na.”

“Ano?” sabay na sabi nina Drickson at Korena.

Ang mga bodyguard napatigil sa paghabol.

Lumapit si Renna kay Korena, ngumiti pa. “Ikaw siguro yung jealous best friend sa panaginip ko.”

Nanlaki ang mata ni Korena. “Excuse me?”

“Relax,” dagdag ni Renna. “Hindi kita aagawan. Kasal na kami sa Chapter 1.”

“ANONG CHAPTER?” sigaw ni Korena.

Si Drickson…nababaliw na ata yang babaeng yan! singhal ng bilyonaryo.

Samantala, umatras na si Drickson, parang nakakita ng paparating na sakuna.

“Ilayo niyo na siya,” utos niya. “Bago pa”

Huli na naman.

Tumakbo si Renna palapit sa kanya.

“WAIT!” sigaw ni Korena.

Pero…

Hinalikan na naman niya si Drickson.

Pangatlo.

Mas mabilis.

Mas confident.

Mas walang konsensya.

Isang iglap—

tahimik ang paligid.

Parang may nagpindot ng pause sa buong V-Prime Corporation.

Ang mga bodyguard—nakapirme.

Ang mga empleyado—nakanganga.

At si Korena?

Medyo natatawa.

Hindi ’yung tawang malakas—

kundi ’yung pilit pinipigilan, naka-kuyom ang kamao, namumula ang mukha, at nagpipigil ng hininga para hindi pumutok sa kakatawa.

Pagkatapos ng halik, masayang tumawa si Renna, parang batang nanalo sa laro. Kumaway pa siya, casual na casual.

“Okay,” masiglang sabi niya. “Enough na. Baka magising na ako.”

At umalis siya—

normal na naglalakad—

na parang wala lang siyang ginawang international incident sa loob ng isa sa pinakamakapangyarihang kumpanya sa bansa.

Iniwan niya si Drickson na hawak ang noo.

Hindi makapagsalita.

Hindi makagalaw.

Napapaligiran ng mga bodyguard, mga empleyado, at isang Korena na halos manginig na sa pinipigilang tawa.

“Dricks,” mariing sabi ni Korena, seryoso ang tono pero taksil ang ngiti, “sino ’yon?”

Sandaling tumigil siya, saka idinugtong—

“Siya ba ’yung bride mo sa panaginip?”

“WAG MO AKONG UMPISAHAN, KORENA!” singhal ni Drickson, sabay irap at punas sa labi na parang gusto niyang mag-disinfect ng buong mukha. “Bwisit!”

Sa paligid nila, kahit pilit nagpapaka-propesyonal ang mga bodyguard, may mga palihim na ngiti at mahihinang bulungan.

Matagal na kasing ganito si Drickson.

Walang pakialam.

Walang emosyon.

Walang sinumang pinapalapit.

Simula nang iwan siya ni Maxine Romero—

ang una at huling babaeng minahal niya.

Minahal niya hanggang ngayon.

At hindi na bumalik.

Kaya para kay Drickson, ang mga halik na iyon ay hindi nakakakilig—

Nakakainis.

Nakakahiya.

At higit sa lahat…

Nakakagulo ng katahimikan na matagal na niyang itinayo.

At ang babaeng iyon?

Sa hindi niya maipaliwanag—

siya ang unang taong sumira nito.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Contract Wife Ako, Pero Hate Niya ang Nunal Ko,   Chapter 24.

    Ang mga kabataan nga naman…” napapailing na sambit ni Madam Krisnha habang sinusundan ng tingin ang dalawang papalayong pigura sa loob ng pekeng beach resort. Makalipas ang ilang sigundo lang narating na nila Renna at Drickson ang mamahaling sasakyan ng mga Valemont. Sa loob ng sasakyan ni Drickson, tahimik na nakaupo si Renna sa passenger seat. Nakatanaw siya sa bintana, bahagyang kumakabog ang dibdib sa hindi maipaliwanag na kaba. Paminsan-minsan ay pasulyap-sulyap siya kay Drickson na seryosong nakatingin sa kanyang cellphone, parang may hinihintay na mahalagang mensahe. Walang imik ang dalawa, tanging ugong ng makina at mahinang tugtog sa radyo ang pumupuno sa katahimikan—isang katahimikang punô ng mga salitang hindi nila masabi. Uhmm…” biglang bumasag si Renna sa katahimikan. “Excuse me— “Shut your mouth. Ayokong makipag-usap sa’yo,” malamig at seryosong putol ni Drickson, hindi man lang lumilingon. Napakunot ang noo ni Renna at napapailing na lamang. Kunwari ka pa,

  • Contract Wife Ako, Pero Hate Niya ang Nunal Ko,   Chapter 23

    Pagkalabas pa lamang nila ng villa, biglang bumitaw si Drickson sa pagkakahawak niya kay Renna. “Hoy—bitawan mo nga ’yan,” reklamo niya, pilit hinahatak ang kamay. Ngunit imbes na makawala, lalo pa yatang sumikip ang kapit ni Renna. Napabuntong-hininga si Drickson, halatang naiirita—o nagpapanggap lang. “Bitawan mo ang kamay ko,” ulit niya, mas mahina na ang boses. Napangisi si Renna at tinaasan siya ng kilay. “Ha? Bakit ko naman gagawin ’yon?” sabay tingin sa magkadikit pa rin nilang kamay. “Kunwari ka pa. Kung ayaw mo talaga, kanina ka pa nakabitaw.” Natigilan si Drickson, saka umiwas ng tingin. “Marunong ka talagang mambintang,” bulong niya—pero hindi pa rin niya binawi ang kamay niya. Korina,” tawag ni Drickson. “Yes, sir?” mabilis na sagot ng kanyang lady guard. “Ilayo mo nga sa akin ang babaeng ’to,” utos niya, halatang naiirita. Ngunit bago pa makalapit si Korina, biglang napansin ni Renna na palabas na rin ang ina niya—kasama ang mama ni Drickson. Agad nagbag

  • Contract Wife Ako, Pero Hate Niya ang Nunal Ko,   Chapter 22 Boracay

    Biglang tumahimik ang buong balkonahe nang marinig ang mahinang pagbukas ng pinto mula sa loob ng resort.Isang lalaki ang pumasok.Matangkad. Malapad ang balikat. May presensiyang agad naramdaman ng lahat. Nakasuot ng itim na coat na akmang-akma sa kanyang pangangatawan, at bawat hakbang niya ay may dalang awtoridad at kumpiyansa.Namangha si Renna.Nang magtagpo ang kanilang mga mata—parang may malakas na dagundong ang sumabog sa kanyang dibdib.OH my God!” Siya ba talaga ang magiging asawa ko?! hindi makapaniwalang sambit ni Renna.Nanlaki ang kanyang mga mata hanggang sa halos makalimutan niyang huminga. Napakapit siya sa gilid ng mesa, ang mga daliri’y nanginginig.Siya…Siya nga ang lalaking iyon.Ang lalaking minsan niyang hinalikan sa isang pagkakamaling pagkikita sa isang VICompany.Ang lalaking akala niya’y hindi na niya makikita dahil ikakasal na siya sa ibang lalaki pero hindi pala.Si Drickson.Mas gwapo siya ngayon. Mas matatag ang tindig. Ngunit ang titig niya iyon pa r

  • Contract Wife Ako, Pero Hate Niya ang Nunal Ko,   Chapter 21

    Ilang oras na ang lumipas mula noong huling nagkita sina Drickson at Renna. Sa isang VIP Room ng Villa Buena Resort, naroon si Drickson kasama ang kanyang pinagkakatiwalaang ladyguard. Tahimik ang silid, tanging mahinang ugong lamang ng aircon ang maririnig. Nakatayo si Drickson sa gitna ng maluwang na espasyo, nakaharap sa malapad na salamin. Mula roon ay tanaw niya ang mga ilaw sa labas—maganda, ngunit hindi sapat para pakalmahin ang bigat na nararamdaman niya sa dibdib. “Korina!” mariin niyang tawag. Agad humarap sa kanya ang ladyguard, tuwid ang tindig at alerto ang mga mata. “Anong balita na?” tanong ni Drickson, mababa ngunit seryoso ang boses. “Nasa venue na ba ang pamilya Montenegro?” Habang nagsasalita, bahagya niyang hinawakan at inayos ang mamahaling relo sa kanyang pulso—isang maliit ngunit halatang kilos ng nerbiyos. May kaba sa kanyang mga mata, ngunit pinilit niyang itago iyon sa likod ng malamig at kontroladong ekspresyon. “Yes, Sir… at kararating l

  • Contract Wife Ako, Pero Hate Niya ang Nunal Ko,   Chapter 20

    "Anong ibig mong sabihin na darating na ang biyanan?! Nay, hindi naman ako nagpakasal sa sinuman, 'di ba?!" bulalas ni Renna, ang boses niya'y bahagyang ngumiti habang napatingin nang mabilis kay Drickson – parang naghahanap ng kakampi sa mga mata nito. Anong walang pinakasalan baka nakalimutan mong pumirma ka sa contrata na pinaperma sayo ni Madam Krishna nung nagdaang araw?! Sa kabilang linya, rinig na rinig ang pagkapikon ng ina: "Hindi ka ba nakikinig sa akin?! Sinabi ko na nga na wag kang lalayo ehh ,nasaan kanaba at pupuntahan kita ngayon din, dapat hindi kita pinayagang umalis rito mag-isa! Sabi ni Mrs. Valemont, pupunta raw sila ngayon para makilala ka – kasama ang anak niya na kasalukuyang narito na pala, dagdag pa ng ina niya. AKALA KO BA DINNER LANG TAYO NG MGA KAIBIGAN NIYO INAY?! Napamura si Renna ng mahina, napahawak sa kanyang noo habang si Drickson naman ay nakatayo na rin sa tabi niya, mukhang nag-aalala at nagtataka. Basta bumalik kana dito tapus ang usa

  • Contract Wife Ako, Pero Hate Niya ang Nunal Ko,   Chapter 19

    "Wow! Grabe ang ganda rito – yung puting buhangin na gawa sa sintetikong materyales, mala-asul na tubig na filtered water lang, pero parang talagang nasa tunay na beach!" ngiting-ngiti at hinaplos ang buhangin gamit ang daliri niya habang pinagmamasdan niya ang detalyadong fake beach setup sa isang rooftop ng gusali. "Sayang talaga… dito sana ginanap yung dinner na sinasabi ni Mama. Ang saya sana dito, hindi yung nasa loob ng Resort pero wala namang beach, dito kahit papaano may beach at hindi siksikan at walang hangganan." bumuntong-hininga at tumingin sa paligid – kitang-kita ang mga sistema ng tubig na nagpapanatili ng hitsura ng dagat "Ang hirap na talagang huminga sa mask na 'to," bulong niya habang pinipisil ang gilid ng kanyang surgical mask na basa na sa pawis dahil sa artipisyal na init mula sa mga overhead na lamp. "Siguro pwede na akong mag-alis dito, wala namang masyadong tao eh – baka nga konting tao lang talaga ang nakakaalam sa fake beach na 'to." akmang aalisin na

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status