“Anong sinasabi mo riyan, Renna?!” sigaw na ni Rosana, nanginginig sa kaba habang nakikita ang mga bodyguard na handa nang dumakip. “Nababaliw ka na ba?!” Sa harap nila, unti-unting lumapit ang mga tauhan ng V-Prime Corporation—matitigas ang mukha, handa ang kamay. Ngunit si Renna? Ngumisi lang. Yung tipong ngiti ng taong walang balak magpaliwanag. Humakbang siya paatras, dahan-dahan, parang nasa pelikula—sabay kindat pa. “Teka lang ha,” sabi niya, parang paalam lang sa panaginip. “Parang naging intense na ’to.” At bago pa makareact ang lahat— Tumakbo siya palabas ng V-Prime Corporation. “TAKBOOO!” sigaw ni Renna, puno ng excitement na parang may hinahabol na premyo. “Naluko na talaga!” singhal ni Rosana, napilitan ding tumakbo, habol ang kaibigang parang walang sense of danger. “RENNA, TUMIGIL KA!” “MISS, HUMINTO KA!” sigaw ng isang bodyguard, mabilis na sumusunod. Sa gitna ng kaguluhan, nanatili si Drickson sa kinatatayuan niya. Hawak pa rin ang labi. Hin
Zuletzt aktualisiert : 2026-01-21 Mehr lesen