Mag-log inMahigpit siyang hinawakan ni Chase na para bang sinasabi nitong naroon lang siya at hindi niya hahayaang may mangyaring hindi maganda.Napansin iyon ni Amador ngunit hindi na niya binigyan ng pansin.Sa halip ay iniunat niya ang isang kamay.Agad namang lumapit ang isa niyang bodyguard at magalang n
Sinuman ang magtangkang magsiyasat tungkol sa mga anak niya ay basic information lang ang makukuha.Pangalan.Edad.Propesyon.Wala nang iba.Walang personal na detalye, walang routine, at walang impormasyong maaaring gamitin ng sinuman laban sa kanila.Hindi iyon dahil paranoid siya.Kundi dahil al
Third PersonSamantala, kinahapunan sa Hacienda Antonio.Mas maagang nakauwi si Chase kaysa sa nakasanayan. Isang pambihirang pagkakataon iyon dahil kadalasan ay gabi na siya nakakabalik mula sa opisina.Dahil dito, natuwa si Nina at agad na naghanda ng simpleng meryenda para sa kanilang dalawa. Wal
Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kinauupuan at inayos ang laylayan ng mamahalin niyang bestida. Pagkatapos ay marahang hinawakan ang braso ni Jordan, tila pinapakalma ang asawa.Sa panlabas na anyo, mukha siyang isang mapagmalasakit na asawa at madrasta. Maamo ang ngiti, banayad ang boses, at tila
Napansin din niyang hindi ito nakatingin sa kanya nang may awa.Hindi rin ito mukhang naiilang.Para lamang siyang isang ordinaryong pasyenteng sumasailalim sa routine check-up.Samantala, lalong kumunot ang noo ni Juancho nang makitang wala siyang naging epekto kay Riz."Hoy!"Mas malakas ang boses
Third Person“The patient needs to rest. Hindi siya dapat nakakatanggap ng anumang klase ng stress o masasakit na salita.”Kalmado ngunit may awtoridad ang boses ni Dr. Riz nang tuluyan siyang makapasok sa loob ng private suite.Kanina pa niya naririnig ang nagtataasang boses mula sa labas ng silid.
Chanton Tawa ako nang tawa habang pinapanood ko ang reaksyon ni Honey. Hindi niya talaga magustuhan ang idea na ang doktor sa kwadra ang tinawag ko para tingnan ang paa niya. Ang sama ng tingin niya sa akin, yung tipong kung tingin lang ang papatay, baka nakatimbuwang na ako dito mismo sa sala. Per
Unknown POV“Sinasabi mo sa’kin na wala talagang bodyguard si Honey?” ulit ko, this time mas mababa ang boses ko, halos pabulong pero puno ng tensyon.“Wala nga. Pero may driver na siya ngayon. Parang in-assign daw ni Sen. Deguia.” Umangat ang kilay ko sa sinabi ni Jacob. Kita ko rin kung paano siya
HoneyAkala ko, tapos na yung sakit na naramdaman ko nung gabing makita ko siyang may kasamang iba, na naglalakad na magkahawak-kamay, at halatang-halata pa sa gitna ng mall na parang wala silang pake… akala ko yun na yung worst. Akala ko wala nang pwedeng tumusok pa nang mas malalim.Pero mali pala
HoneyIlang araw na ang lumipas, pero kahit anong pilit kong i-divert ang isip ko, ang fake relationship pa rin namin ni Chanton ang paulit-ulit na bumabalik sa utak ko. Parang sirang plaka. Lalo na kapag naaalala ko yung mga salitang binitawan niya noong mag-sprain ang paa ko. Yung tono ng boses ni







