LOGINPaano kung may nabago na?Paano kung hindi na sila kasing bilis ng dati, kasing tibay, kasing handa sa biglaang panganib?Hindi sila superhero. Tao pa rin sila. Nasasaktan. Napapagod. Pwedeng magkamali.Si Kuya Lualhati naman ang kabaligtaran nila sa paraan ng pakikipaglaban. Hindi kamao ang sandata
Mitch“Ate Honey…” humihikbi kong tawag habang tuluyan na niya akong niyakap, parang hindi na niya hinintay pang tuluyang bumigay ako bago niya ako saluhin.Sa sandaling iyon, lahat ng pilit kong kinukubli—lahat ng takot, pangamba, at pagod ay parang sabay-sabay na bumuhos palabas.Dama ko ang marah
“Maupo ka muna, Mitch…” mahinang sabi ni Ate Honey habang marahan niya akong inaalalayan palapit sa sofa.Hindi ko na tinutulan. Para akong nawalan ng lakas bigla, kaya hinayaan ko na lang ang sarili kong bumagsak sa upuan na katabi lang din naman ng crib. Magkatabi kaming naupo, pero ramdam kong pa
MitchNarinig ko pa lang ang boses niya, parang may kumalabit na agad sa dibdib ko.“Mitch!” bulalas ni Ate Honey nang makita niya ako matapos niyang buksan ang pintuan.Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Halos tumakbo na ako papasok, dala-dala ang dalawang linggong bigat na parang nakapatong dire
Wala pa rin.Isang oras ang lumipas. Dalawa.At sa bawat minutong nadaragdag, mas bumibigat ang pakiramdam ko.Hindi ito selos. Hindi rin duda.Takot lang.Takot na may nangyaring masama sa taong mahal ko.At sa gitna ng katahimikan ng kwarto, isang bagay lang ang malinaw sa akin—Kahit gaano ako ka
MitchNaging successful ang shooting, iyon mismo ang unang sinabi ni Sir Sol makalipas lamang ang dalawang araw. Kita ko sa mukha niya na hindi iyon simpleng reassurance lang.Hindi siya yung taong basta nagbibigay ng papuri para lang gumaan ang pakiramdam mo. Kapag sinabi niyang maayos ang kinalaba
Nag-angat ako ng tingin at ngumiti. “Billy,” sagot ko nang kalmado.Agad kong nakita kung paano umikot ang mga mata niya at parang napasinghot siya nang sobrang subtle. As in, hindi na niya tinago. Para siyang batang nainis dahil may bagong kalaro na ayaw niya.“Stop being jealous, Chanton,” sabi ko
Doon ako mas nainis.Hindi dahil ayaw ko kundi dahil unti-unti na akong nasasanay. Dahil parang natural na lang sa kanya ang ganitong mga kilos. Parang sanay na siyang hawakan ako, lapitan ako, basahin ang bawat reaksyon ko. At mas nakakainis dahil hinahayaan ko lang.“Ayaw mo ba sa pagbanggit ko ng
HoneyPatayo na ako mula sa upuan ko nang biglang may kumatok—sabay bukas ng pinto. Hindi pa man ako nakakahinga, ayun na. Ang unang sumalubong sa akin ay ang classic simangot face ni Chanton. Yung tipong “I’m totally not mad, but also, I’m 100% not okay” kind of expression.Napakurap ako pero ngumi
“Sen. Deguia,” mahinahong sabat ni Kuya Lualhati, pilit pinapakalma ang tono ng usapan, “fake relationship lang po ito. Hindi pa naman totoo, kaya wala pa po kayong dapat ipag-alala.” “Hindi pa?” agad na tanong ng senador, bahagyang tumaas ang kilay. “Ibig bang sabihin… pwedeng magkatotoo?” Parang







