LOGINSi Lucky Zeppelin Diego ay isang simpleng babae na kilala sa kanyang matinding kamalasan. Sa edad na dalawampu't dalawa, pangarap lamang niyang magkaroon ng maayos na trabaho upang matulungan ang kanyang pamilya. Ngunit sa araw ng kanyang job interview, isang hindi inaasahang aksidente ang nangyari nang mabuhusan niya ng kape ang batang billionaire CEO na si Tianzon Yeovil Devon. Akala ni Lucky ay tuluyan nang nasira ang kanyang pagkakataon, ngunit laking gulat niya nang siya pa mismo ang matanggap bilang executive assistant ng binata. Habang magkasama silang nagtatrabaho, hindi nawawala ang mga aksidente, asaran, at misunderstandings sa pagitan nila. Sa kabila ng kanilang magkaibang mundo, unti-unting nahulog ang loob nila sa isa't isa hanggang sa naging lihim silang magkasintahan. Ngunit hindi lahat ay masaya sa kanilang relasyon. Si Elisha Montenegro, ang ambitious at manipulative na childhood friend ni Tianzon, ay handang gawin ang lahat upang maagaw ang binata. Gumawa siya ng mga kasinungalingan at pekeng ebidensya upang palabasing ginagamit lamang ni Lucky si Tianzon para sa pera at may lihim itong relasyon sa kanyang best friend na si Zachary Villanueva. Dahil sa mga intriga, naniwala si Tianzon sa mga kasinungalingan at tuluyang sinaktan ang babaeng pinakamamahal niya. Sa sobrang sakit ng loob, umalis si Lucky papuntang Singapore upang magsimula ng panibagong buhay, hindi alam ng binata na buntis siya sa kanilang anak. Makalipas ang limang taon, bumalik si Lucky sa Pilipinas bilang isang matagumpay na CEO ng sarili niyang kumpanya. Ngunit muling guguluhin ng tadhana ang kanilang buhay nang makita ni Tianzon ang isang batang kamukhang-kamukha niya. Sa muling pagtatagpo nila, handa ba niyang maibalik ang tiwala at pagmamahal ng babaeng minsan niyang sinaktan?
View MoreLUCKY POV Hindi ko mapigilang kabahan habang nakatayo sa harap ng malaking salamin sa hotel room na inihanda para sa mga guests ng event. Ilang beses ko nang inayos ang buhok ko at siniguradong maayos ang suot kong dress. Ito ang unang pagkakataon na sasama ako kay Tianzon sa isang napakalaking business gathering. Ayokong mapahiya siya dahil lang sa pagiging clumsy ko. Kahit isang gabi lang, gusto kong maging normal. Pagdating namin sa grand ballroom ay agad akong namangha sa ganda ng lugar. Kumikinang ang mga crystal chandeliers sa kisame habang nag-uusap ang iba't ibang CEOs at investors. Halatang puro influential people ang naroon. Pakiramdam ko tuloy ay ako lang ang taong hindi belong sa lugar na iyon. Mabuti na lang at busy si Tianzon sa pakikipag-usap sa mga business partners kaya hindi niya napapansin ang kaba ko. "Stay close." Napatingin agad ako sa kanya matapos marinig ang mahinahon niyang utos. Hindi siya nakatingin sa akin dahil abala siya sa pakikipagkamay sa isang in
LUCKY POV Hindi ko pa rin mapigilang mapangiti habang nakaupo sa desk ko kinabukasan. Paulit-ulit kasing nagre-replay sa isip ko ang nangyari kahapon nang purihin ako ni Mr. Devon. Hindi man iyon tunog papuri para sa ibang tao, malaking bagay na iyon para sa isang lalaking parang hindi marunong ngumiti. Sa buong araw na nakilala ko siya, puro puna at malamig na salita lang ang natanggap ko. Kaya ang simpleng "Good catch" ay parang medalya na para sa akin. Habang inaayos ko ang schedule niya para sa araw na iyon ay pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Ayokong umasa na mababait na ang susunod naming interaction. Kilala ko naman na si Tianzon kahit dalawang araw pa lang kaming magkakilala. Kaya niyang purihin ka ngayon at sermonan ka makalipas ang limang minuto. At sa malas kong ito, mas malaki pa rin ang chance na mapagalitan ako. Biglang bumukas ang pinto ng office niya at lumabas siya habang hawak ang tablet niya. Agad na tumayo ang lahat ng employees sa paligid bilang pagbati.
LUCKY POV Nanigas ako sa harap ng office ni Mr. Devon habang paulit-ulit na iniisip kung ano na naman ang ginawa kong mali. First day ko pa lang pero parang naka-sampung offense na agad ako. Huminga ako nang malalim bago kumatok sa pinto. Nang marinig ko ang malamig niyang "Come in," agad akong pumasok. Pakiramdam ko tuloy papasok ako sa principal's office. Pagpasok ko ay nakita ko siyang nakaupo sa likod ng malaking mesa habang may binabasang documents. Hindi man lang siya tumingin agad sa akin. Tahimik ang buong office at tanging tunog lang ng pag-flip niya ng pages ang naririnig ko. Lalo tuloy akong kinabahan habang nakatayo sa harap niya. Parang kahit maling paghinga ay may violation. "Sit." Agad akong umupo at inayos ang likod ko. Tahimik lang siya habang nakatingin sa hawak niyang file. Ilang segundo ang lumipas bago niya ito isinara at saka ako tinignan. Diretso sa mata. Walang emosyon. "Do you always create this much trouble?" Napakurap ako. "Hindi ko naman po si
LUCKY POV Pagkalabas ko sa CEO’s office ay parang gusto ko munang huminga nang malalim ng paulit-ulit. Nanginginig pa rin ang kamay ko habang hawak ang folder na binigay sa akin. Paulit-ulit sa isip ko yung sinabi niyang “don’t break anything else.” na parang warning na may death penalty. First day ko pa lang pero parang trial version na agad ako ng employee. Pero wala akong choice kundi ituloy dahil trabaho ito at kailangan ko ng pera. Umupo ako sa desk ko at sinubukang mag-focus sa laptop. Sabi ko sa sarili ko, “Lucky, behave ka lang, normal office work lang ‘to.” Pero kahit anong pilit ko magpaka-calm, parang lahat ng galaw ko may chance na maging disaster. In-open ko yung email system at sinimulang basahin yung instructions ni Sofia kanina. Kaso habang nagta-type ako, parang sumasakit na agad ulo ko sa dami ng rules. Biglang tumunog yung desk phone ko at napatalon ako sa gulat. Natamaan ko yung keyboard kaya nag-send ng unfinished email sa HR department. Nanlaki ang mata ko hab












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.