LOGINTuloy tuloy lang na kaya ang lambingan nila? May dahilan kaya ang pagkabahala ni Maximus or baka nag-o-overreact lang siya? Please vote for me with your gems and see you sa next chapter. Salamat!
Paano kung may nabago na?Paano kung hindi na sila kasing bilis ng dati, kasing tibay, kasing handa sa biglaang panganib?Hindi sila superhero. Tao pa rin sila. Nasasaktan. Napapagod. Pwedeng magkamali.Si Kuya Lualhati naman ang kabaligtaran nila sa paraan ng pakikipaglaban. Hindi kamao ang sandata
Mitch“Ate Honey…” humihikbi kong tawag habang tuluyan na niya akong niyakap, parang hindi na niya hinintay pang tuluyang bumigay ako bago niya ako saluhin.Sa sandaling iyon, lahat ng pilit kong kinukubli—lahat ng takot, pangamba, at pagod ay parang sabay-sabay na bumuhos palabas.Dama ko ang marah
“Maupo ka muna, Mitch…” mahinang sabi ni Ate Honey habang marahan niya akong inaalalayan palapit sa sofa.Hindi ko na tinutulan. Para akong nawalan ng lakas bigla, kaya hinayaan ko na lang ang sarili kong bumagsak sa upuan na katabi lang din naman ng crib. Magkatabi kaming naupo, pero ramdam kong pa
MitchNarinig ko pa lang ang boses niya, parang may kumalabit na agad sa dibdib ko.“Mitch!” bulalas ni Ate Honey nang makita niya ako matapos niyang buksan ang pintuan.Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Halos tumakbo na ako papasok, dala-dala ang dalawang linggong bigat na parang nakapatong dire
Wala pa rin.Isang oras ang lumipas. Dalawa.At sa bawat minutong nadaragdag, mas bumibigat ang pakiramdam ko.Hindi ito selos. Hindi rin duda.Takot lang.Takot na may nangyaring masama sa taong mahal ko.At sa gitna ng katahimikan ng kwarto, isang bagay lang ang malinaw sa akin—Kahit gaano ako ka
MitchNaging successful ang shooting, iyon mismo ang unang sinabi ni Sir Sol makalipas lamang ang dalawang araw. Kita ko sa mukha niya na hindi iyon simpleng reassurance lang.Hindi siya yung taong basta nagbibigay ng papuri para lang gumaan ang pakiramdam mo. Kapag sinabi niyang maayos ang kinalaba
“Sa tingin ko,” panimula niya, mabagal at maingat, “ang nangyari noon sa amin ng nanay mo… ay dahil sa pagmamahalan namin.”Napakunot ang noo ni Honey, halatang nalilito.“Pero hindi ba’t naghiwalay na kayo?” tanong niya. “Pumayag si Mama na iwan ka.”Tumango ang senador, pero may pait ang ngiti.“O
ChantonAlam ko na ang tinutukoy na Madam ng lalaki ay ang asawa ni Sen. Deguia. Sa sandaling iyon, parang may malamig na kamay na humawak sa batok ko. Kung papunta nga siya sa Valenzuela, sa parehong lugar kung saan dapat dadalhin si Honey, may isang tanong na kusang pumasok sa isip ko, mabigat at
ChantonMay kakaibang bigat ang gabi bago ang kasal. naHindi siya yung kaba na parang may mangyayaring masama. Hindi rin siya yung excitement na hindi ka mapakali. Mas tahimik siya na parang isang malalim na hinga bago ka tumalon sa isang bagay na alam mong babaguhin ang buong buhay mo.Nasa mansyon
Chanton“Hoy, kumain muna kayo bago kayo mag-drama.”Boses ‘yon ni Mommy. At tulad ng lahat ng importanteng utos sa mundo, walang tumututol.Sa gitna ng kaguluhan sa suite—may stylist, may photographer na nagsi-setup na kahit wala pang makeup, may garment bags na parang lilipat kami ng bahay—biglang







