LOGINSa loob ng tatlong taon ng kanilang pagsasama, hindi kailanman inakala ni Stacey na ang lalaking minahal niya ay hihiling ng hiwalayan. Wala siyang nagawa kundi tanggapin ito, dahil alam niyang kailanman ay hindi siya naging laman ng puso ni Franco. Ngunit sa araw ng kanilang paghihiwalay, natuklasan ng lalaki ang lihim na matagal niyang itinago—ang sanggol na dinadala niya sa kanyang sinapupunan. Subalit huli na ang lahat. Pagkalipas ng apat na taon, muling pinagtagpo ng tadhana ang kanilang mga landas. Ngunit ang dating babaeng iniwan niya ay isa nang kilalang eksperto sa sinaunang perlas, hinahangaan at kinikilala sa buong mundo. At ang dating malamig at makapangyarihang si Franco? Nakaluhod ito sa kanyang harapan, handang isantabi ang lahat para lamang makahingi ng isa pang pagkakataon. Ngunit paano mo muling mamahalin ang taong unang sumira sa iyong puso?
View More“Ano ba ang tinatago mo?”
Bahagyang yumuko ang lalaki at marahang hinalikan ang labi ni Stacey. Pigil ang kanyang mga kilos pero ramdam mo ang init ng mga labi nito . “Nasan na ang tapang mo? Parang kanina lang ang lakas ng loob mong halikan ang adam’s apple ko ah” Ang mapuputi at makinis na binti ni Stacey na natatakpan ng mahabang bestida ay mahigpit na nakadikit sa katawan ng lalaki. Bahagya siyang nanginginig habang naka titig sa gwapo at matipunong mukha ng lalaking nasa harapan niya. “Huwag… hindi pwede rito…” Mahina niyang itinulak ang dibdib nito, naghahalo ang kanyang emosyon parang ayaw niya pero gusto niya rin.Tahimik lang siyang tinitigan ng lalaki. Isinuklay nito ang mahahabang daliri sa malambot niyang buhok, saka mahigpit na hinawakan ang likod ng ulo niya at marahas siyang hinalikan, parang gustong agawin pati hininga niya.Umaalog na ang makipot na sasakyan, tuluyan nang nawala ang natitirang katinuan nila. Saglit na sumilay ang pulang ilaw, tinamaan ang mariin niyang nakapikit na mga mata at ang halos baliw na ekspresyon sa mukha ng lalaki. Parang noong tatlong taon na ang nakalipas, sa engagement party nila ni Franco nakasuot ito ng itim habang naglalakad sa gitna ng mga rosas. Punong-puno ng galit ang aura nito habang dumiretso sa kanya at hinalikan siya sa harap ng lahat. Pagkatapos, isa-isang sinabi nito sa lalaki “Hindi ako kailanman nakikipag-agawan sa’yo. Pero pagdating sa kanya… ibang usapan.” … Nanatili sila sa loob ng sasakyan.Pagkatapos ng matinding laban, halos maubos ang hininga ni Stacey.Nakasandal siya sa dibdib ni Franco habang mahigpit siyang niyayakap nito.Pakiramdam niya’y matutunaw siya kaya niyakap niya rin ito pabalik. “Franco, may gusto akong sabihin sa’yo.” Tatlong taon na silang kasal. Bukod sa pagiging magaling nito sa kama, malamig at tahimik itong makitungo sa kanya sa pang-araw-araw. Gusto niyang sabihin na gusto niyang magkaroon sila ng anak at mamuhay ng normal na parang ordinaryong mag-asawa. “May sasabihin din ako sa’yo.” “Mauna ka na.” Dahan-dahan siyang itinulak palayo ng lalaki at may kinuha na dokumento mula sa loob ng sasakyan. “Kapag natapos na ang partnership project ng Manila Tourism Town…mag file na tayo ng annulment..” Parang binuhusan ng malamig na tubig ang babae. Pilit niyang kinontrol ang sarili para hindi mawalan ng balanse. “P-pero bakit? May nagawa ba akong mali?” Mapait na ngumiti ang lalaki habang hinawakan ang lumang kwintas sa leeg niya.Nakakita na siya ng ganoong kwintas noon sa kwarto ni Marie. Napakarami na niyang ibinigay na mamahaling alahas at mga rare na koleksyon pero hindi man lang niya pinansin. Pero itong simpleng kwintas, mahal na mahal niya. At tuwing magkasama sila, lagi itong nakapikit.Ngayon naiintindihan na niya.May iba pa rin palang laman ang puso ng asawa niya.Ang nakababatang kapatid niya.Tahimik na nagsuot ng suit ang lalaki.Binuksan mula sa labas ang pinto ng Rolls-Royce at bumaba ito sa sasakyan. Sa ilalim ng ilaw sa gabi, kita ang manipis na ambon.Matangkad at elegante siyang naglakad palabas habang nababasa ng ulan ang mamahalin niyang suit.Agad namang nagpayong ang assistant nitong si Christian. “Lumipat ka sa guest room sa taas. Huwag mong hayaang maabala si Trixie.” Habang naka silip si Stacey sa bintana ng sasakyan, pilit niyang pinipigilan ang luhang kanina pang nagbabadyang tumulo. Magsasalita na sana siya nang biglang may pulang sasakyan na dahan-dahang huminto malapit sa kanila. Kahit malabo ang salamin dahil sa ulan, agad niyang nakilala ang babaeng nasa loob. “Trixie…” Ex-Girlfriend ng asawa niya at ang babaeng hindi nito makalimutan.Narinig na niya dati mula kay Aling Flor na direktang nakakapag-report si Trixie kay Franco sa kumpanya kahit lampasan pa nito ang mga manager. Walang magawa si Stacey habang pinapanood ang kanyang asawa na lumapit sa babae at sumakay sa kotse nito. Ang luhang kanina pa niya pinipigilan ay nag unahan nang lumabas. Parang biglang dinurog ang kanyang puso, sumabay pa ang sakit ng tiyan niya. Kumapit siya sa bintana para lang makatayo.Humahampas ang malamig na ulan habang nanginginig ang payat niyang katawan na parang dahong malalaglag anumang oras. Tila humalo na ang tubig ulan sa luhang pumapatak sa kanyang mga mata. “Madam, umuwi na po tayo.” naaawa nang sabi ng driver na si Mang Ronald. Mabait kasi sa kanya si Stacey noon pa man.Pinunasan niya ang luha at pilit na ngumiti. “Halika na po Tay Ronald, uwi na po tayo.” Malakas na bumubuhos ang ulan sa bintana ng sasakyan kasabay ng sakit na nararamdaman niya sa dibdib.Habang tuluyang nilalamon ng lungkot, biglang tumunog ang cellphone niya. Pagkakita sa caller ID, lumambot agad ang ekspresyon niya. “Lola…” mula sa kabilang linya, narinig niya ang mahinahon at mapagmahal na boses ng matanda. “Stacey, nasundo mo ba si Franco?” Saglit siyang natigilan. “Opo nasundo ko po.” “Tama ‘yan. Noong sinabi mong uuwi siya ngayong gabi, maaga akong namalengke. Bumili pa ako ng king crab, ubos halos isang buwang pension ko!” “Kapag may oras kayo, pumunta kayo rito at sabay tayong kumain.” Namula agad ang mga mata ng babae. “Huwag na po kayo masyadong bumili… hindi rin naman niya pinahahalagahan.” Biglang natawa ang lola niya. “Nag-away ba kayo? Kahit hindi niya pahalagahan, okay lang. Ang mahalaga, galing iyon sa puso ko.” suminghot siya at agad nagpalit ng usapan. “Lola, kamusta na po kayo?” Saglit na natahimik ang matanda bago sumagot ng may pilit na ngiti. “Mabuti naman ako po.” “Si Mama po?” matagal bago nagsalita si Maricel. “Stacey… napagdesisyunan kong ilipat ang mama mo sa ordinaryong kwarto mula sa special ward. Napakamahal kasi roon bawat araw. Pinatigil ko na rin ang imported niyang gamot.” “Matagal na tayong tinutulungan ng asawa mo pero hindi naman tayo pwedeng umasa habambuhay sa kanya.” “Ginagamit mo na ang kinikita mo sa studio mo, pati ipon ko para sa pagtanda ko inilabas ko na rin… pero hindi pa rin sapat.” “Kapag nailipat siya sa ordinaryong ward… baka hindi na siya masyadong mahirapan.” Parang binagsakan lalo ng malaking bato ang puso ni Stacey. Biglang pumasok sa isip niya ang nakakatakot na posibilidad.Pinutol na ba ng asawa niya ang pagbibigay ng pera para sa pagpapagamot ng mama niya?Nanatili roon si Stacey nang ilang sandali bago bumalik sa kuwarto upang tingnan si Laicca. Mahimbing na natutulog ang bata at normal na rin ang temperatura nito. Kinuha niya ang damit ng bata mula sa kama at dinala sa labahan bago pumunta sa kusina upang magluto. Tutal, karaniwang umaabot nang hindi bababa sa dalawampung minuto ang malamig na paligo ni Franco.Ngunit pagpasok pa lamang niya sa kusina, naramdaman niyang may malamig na presensya sa likuran niya. Tapos na pala itong maligo.“Ang bilis mong natapos?”Paglingon niya, nakita niya si Franco na nakasuot lamang ng puting bathrobe.Maluwag itong nakabalot sa katawan nito, bahagyang nakabukas ang kuwelyo at lantad ang matigas at malinaw nitong collarbone. May mga patak pa ng tubig na dumadausdos mula sa kanyang dibdib, at bawat galaw nito ay may nakakapangibabaw na awtoridad. Ngunit ang mga mata nito ay napakalambing na para bang kayang lunurin ang sinumang tumingin. Bahagya lamang ang ngiti sa kanyang mga labi, ngunit napakata
“May nararamdaman ka pa rin para sa akin, hindi ba?”Diretsahang hinawakan ni Franco ang kamay ni Stacey.“Huwag mo na akong itulak palayo, okay?”Sa mga mata ng lalaki ay may malalim at hindi maipaliwanag na pagnanasa—hinaluan ng pagsisisi, pananabik, at isang matinding pagnanais na matagal na niyang pilit na pinipigilan.“Kanina, nakita kitang nakaupo sa tabi ni Luke. Pinapakain mo siya at nginingitian mo.”Malalim at paos ang kanyang tinig, bawat salita ay tila tumatama mismo sa puso ni Stacey. Bahagya siyang yumuko hanggang sa magdikit ang noo nila.“Tangtang, balikan na natin ang isa’t isa, okay? Nagkamali ako noon. Gusto kong bumawi sa lahat ng kasalanan ko.”“Sa loob ng apat na taon, hindi kita kailanman nakalimutan.”Huminto siya sandali.“Ang totoo, alam mo naman na matagal na—”Hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya nang inis siyang pinutol ni Stacey.“Mr. Franco, tapos na tayo.”“Hindi ko naman binabalewala ang nararamdaman mo ngayon, pero hindi ba’t dapat pareho na tay
Mabilis na nagsuot ng coat si Stacey at pumunta sa shoe cabinet upang magpalit ng sapatos.“May sakit si Laicca.”“Walang karanasan si Uncle niya sa pag-aalaga ng bata, kaya pupunta ako roon para tumulong.”Nag-alala si Xin Xin nang marinig niyang may sakit si Laicca.“Mommy, sasama ako.”Umiling si Stacey.“Gabi na at hindi ko rin alam ang sitwasyon doon. Hindi maginhawang isama ka.”“Dito ka na lang kasama ni Grandma.”Kinuha ni Stacey ang medicine box ng mga bata at lumabas ng bahay.“Grandma, huwag na ninyo akong hintayin. I-lock ninyo ang pinto at matulog na kayo.”Pagkaalis niya, hinila ni Maricel si Xin Xin pabalik sa kanilang silid. Makalipas ang kalahating oras, ipinarada ni Stacey ang kanyang sasakyan sa entrance ng Mansyon. Mabilis siyang pumasok dala ang medicine box. Ngunit nang mahawakan ng kanyang mga daliri ang malamig na doorknob, bigla siyang natigilan. Apat na taon na ang lumipas. At ngayon, muli siyang nakatayo sa harap ng villa na ito. Pareho pa rin ang lahat. Ma
Upang hindi biguin ang dalawang bata, napilitan si Stacey na hawakan ang kamay ni Franco. Parang likas na lamang sa lalaki, agad nitong ipinagsalikop ang kanilang mga daliri. Noong una, nasa hulihan ang grupo nila. Ngunit nang magtulungan ang dalawang matatanda, mabilis nilang nalampasan ang lahat ng ibang team. Sa huli, sila ang nakakuha ng unang puwesto.Sa kasamaang-palad, habang nagaganap ang karera, marami sa mga bata ang natumba dahil maliliit pa ang mga ito. Kaya habang pabalik sila, iminungkahi ng headmistress,“Hindi na kailangang sumali ng mga bata. Puwede namang sina ‘Daddy’ at ‘Mommy’ na lang ang lumahok sa three-legged race.”Biglang kumabog ang puso ni Stacey. Kumunot ang kanyang noo at agad niyang naisip na umatras. Ngunit sa sumunod na sandali, lumapit sa kanila ang dalawang bata.“Uncle, Pretty Sister, manonood kami sa inyo!” masayang sabi ni Laicca.“Mommy, mag-focus ka lang sa competition. Huwag mo nang isipin ang ibang bagay,” dagdag ni Laicca.Ayaw ni Stacey na bi
Kinabukasan, pagkatapos mag-almusal, umalis si Stacey sa lumang mansyon.May kukunin siyang mga dokumento sa bahay kaya dumaan muna siya roon. Pagpasok niya, nasalubong niya si Franco na palabas naman.Naroon sina Ronald at Clara na nagliligpit ng mga gamit matapos mag-almusal.Nagulat siya nang ka
Biglang kumunot ang noo ni Franco sa kanyang narinig.“Wala kang karapatan na makialam sa buhay ko.”Napasinghal si Dominic, malamig nitong tiningnan si Stacey bago tuluyang nanahimik.Pagpasok nila sa loob, agad silang sinalubong ng isang matandang babaeng nakangiti hanggang magkulubot ang mga mata
Halos mawalan ng hininga si Stacey nang makita ang necktie ng asawa, ngunit hindi niya ito pinahalata sa babae sa harap niya. “Alam mo kaya mo naman na yan ibigay kay Franco, alam mo naman siguro yung office niya di’ba? Hindi para ipaabot mo pa sakin yan.”Ngumiti lang si Trixie.“Flight ko na kas
Nang makababa siya ay agad siyang nagtungo sa pinto para umais nang makita siya ni Rose. “Madam, saan po kayo pupunta?” tanong nito.“May aasikasuhin lang po ako. Kumain na kayo mamaya, huwag na ninyo akong hintayin.”Sa mga ganitong panahon na pinanghihinaan siya ng loob, mas gusto niyang makita












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.