CHASING MY RUNAWAY PREGNANT WIFE

CHASING MY RUNAWAY PREGNANT WIFE

last updateLast Updated : 2026-06-17
By:  Josh MonteclaroUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
6views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Si Rachel Specter, isang matagumpay na abogado at co-CEO ng Specter Ross, ay nasa rurok ng tagumpay nang makuha niya ang pinakamalaking kliyente sa kasaysayan ng kanilang kompanya. Ngunit sa araw ding iyon, gumuho ang kaniyang mundo matapos niyang mahuli ang kaniyang fiancé at business partner na si Harvey Specter na nakikipagtalik sa kaniyang dating sekretarya na si Donna. Dahil sa matinding pagtataksil, agad na tinapos ni Rachel ang kanilang relasyon at pinigilan ang planong kasal na palihim na inihahanda ni Harvey. Habang tinatangka niyang takasan ang dating kasintahan, nasangkot siya sa isang malagim na aksidente sa sasakyan. Sa ospital, isang mas masakit na balita ang sumalubong sa kaniya: nalaglagan siya ng anak. Galit at wasak, nagpasya si Rachel na tuluyang putulin ang lahat ng ugnayan kay Harvey. Pinirmahan niya ang mga papeles ng diborsyo at sinibak ito bilang Name Partner ng Specter Ross bago pansamantalang umalis ng bansa. Ngunit sa America, isang nakakagulat na katotohanan ang nabunyag. Kambal pala ang kaniyang ipinagbubuntis, at isa lamang sa mga sanggol ang nasawi sa aksidente. Habang lihim na pinoprotektahan ang natitirang anak, napilitan siyang bumalik sa Pilipinas upang iligtas ang humihinang kompanya. Sa kaniyang pagbabalik, muli silang nagkaharap ni Harvey, na ngayo'y engaged na kay Donna. Ngunit hindi alam ng lalaki na buhay pa ang anak na pinaniniwalaan niyang nawala na magpakailanman.

View More

Chapter 1

KABANATA 1: GOOD NEWS, BAD NEWS

Nakangiting pinagmamasdan ni Rachel ang isang puting folder na naglalaman ng kontratang nagsasaad ng partnership agreement sa pinakamalaking perfume company sa bansa. Habang pinapasadahan ang mga nakakalulang numero sa ikalawang pahina, hindi niya maiwasang isipin ang magiging reaksiyon ng kaniyang Name Partner at fiancé na si Harvey Specter. 

Tumunog ang elevator, hudyat na nasa ikalabinlimang palapag na siya. Agad siyang binungad ng kaniyang secretary na nagmamadali, natataranta, at pinagpapawisan, na para bang may dalang kung anong masamang balita. 

“Rachel… Rachel!” Kinalabit niya ang boss na paliko na sana sa kanang hallway kung saan naroroon ang opisina nilang magkasintahan. 

Huminto naman si Rachel, muntikan pang matisod sa kaning five-inch Prada heels. “Oh, Louis? Anong problema? Bakit parang problemado ka?” 

“Ah, ano kasi…” Napakamot na lang ng ulo ang sekretarya habang nagdadalawang-isip kung sasabihin nga ba talaga niya ang dapat sabihin. 

“Alam mo, may sasabihin ako sa iyo na ikagaganda ng modo mo.” Hinatak ni Rachel si Louis papunta sa pantry, ilang hakbang lang ang layo mula sa secretary’s desk. 

Umupo si Rachel sa mesa at pinatong ang puting folder, habang panandaliang kumuha ng malamig na tubig si Louis para sa kanilang dalawa. Tinabihan nito ang boss pagkatapos. 

“Look what I’ve got,” pinagmamalaking saad ni Rachel sabay pitik ng puting folder papunta sa sekretarya. 

Binuklat ito ni Louis nang walang imik. 

“I just secured our company another client! And it is not just a mere client! It’s Jan Dancy! One of the biggest and most successful perfume businesses in the country.” Nakangiting paliwanag ni Rachel.

“Rachel…” Habang nakatutok ang mga mata na tila binabasa ang bawat linya sa dokyumento, napanganga na lamang si Louis sa mga nakikitang numero. “Ang laki nito! Dalawang bilyong piso para sa isang taon?!” 

“Exactly.” Hinablot ni Rachel ang puting folder at saka ito itiniklop. Hindi pa rin naaalis sa kaniyang mukha ang ngiti. “Kaya wala tayong dahilan para hindi matuwa sa magandang balitang ito. Today is the best day for me and for this company. And you know what?” 

Napatingin na lang si Louis sa kaniyang boss. Nanumbalik ang pangamba sa kaniyang mukha, kabaliktaran ng hindi maalis-alis na saya sa mukha ni Rachel. 

“Ano ‘yon?” tugon niya. 

“This calls for a celebration.” Tumayo si Rachel sa kinauupuan. “Where’s Harvey?” 

Hindi nakasagot si Louis. Napayuko na lamang ito at napaiwas ng tingin sa kaniyang amo. 

Biglang nagkakutob si Rachel. Inulit niya ang kaniyang tanong, nagbabakasakaling hindi lang siya narinig. “Louis, where’s Harvey?!” Sa mga puntong ito, may diin na sa kaniyang tanong. 

Gayunpaman, hindi pa rin nakasagot si Louis. 

Umirap na lamang si Rachel, tumalikod, at nagsimulang maglakad nang padabog patungo sa opisina ng kaniyang fiancé. 

“Rachel, saglit!” Sinubukan pang pigilan ni Louis ang amo sa pamamagitan ng paghawak sa braso nito, pero agad namang nagpumiglas si Rachel at nakawala. 

Ramdam ni Rachel na may tinatago si Louis. Unti-unting namumuo ang galit sa kaniyang ulo. Sumisikip ang dibdib, sumasabay sa pagpintig ng kaniyang sinapupunan. 

Ilang Segundo nang naglalakad, natunton ni Rachel ang opisina ng kaniyang fiancé na si Harvey. 

Hindi sagad ang pagkakasirado ng pinto nito, isang pahiwatig na maaaring wala ang kaniyang fiancé sa loob dahil kailanma’y hindi nito iniiwan ang pinto nang nakabukas. Ayaw na ayaw niya sa lahat ang pintong hindi nakasira. 

Hindi na kumatok si Rachel. Nagkusa siyang pumasok. Bagay na pinagsisisihan niya kung bakit niya pa ginawa. 

Sa pagpihit niya ng pinto, tumambad sa kaniyang paningin ang fiance na si Harvey na nakatalikod at hubo’t hubad, habang ang kaniyang mga damit ay nakakalat sa sahig. Nakaharap siya sa kaniyang mesa na regalo pa ni Rachel noong naipromote si Harvey bilang name partner dalawang buwan ang nakalilipas. Nakapatong naman sa taas ng mesang ito ay ang isa pang nakahubot-hubad rin na babae.

Tinatakpan ang kaniyang bibig ng kaliwang palad ni Harvey habang binabayo ito nang dahan-dahan. 

Nagulantang na lang si Rachel sa nakita. Nangisay siya sa kinatatayuan. Tinitigan niya nang maigi ang babaeng kalampungan ng kaniyang fiancé. Blonde ang buhok. May suot na salamin. May malaking perlas na magtatatlong taon na niyang suot-suot magmula noong una siyang tinanggap ni Rachel sa kompanya. 

Nagsimulang tumulo ang mga luha ni Rachel nang mapagtanto kung sino ito. 

Si Donna. Ang dati niyang sekretarya na binigay niya kay Harvey noong nagpasya siyang ipromote ito bilang name partner. 

Nanggagalaiting binagsak ni Rachel ang hinahawakang puting folder sa sahig saka tumalikod at naglakad palayo. Malakas niyang isinara ang pinto sa kaniyang pag-alis. 

Sa loob ng opisina, mabilis namang tinulak ni Harvey si Donna nang marinig ang pagkalabog ng pinto. Agaran niyang hinablot ang mga damit at saka sinuot ito. Hindi na niya binigyang pansin ang maling pagkakabuton ng kaniyang puting polo, at hindi na rin inayos ang pagkakasintas ng kaniyang sapatos. 

Tumakbo siya palabas upang habulin ang kaniyang fiance na si Rachel, habang nakaiwan pa ring n*******d sa ibabaw ng mesa ang sekretarya nitong si Donna.

Sa elevator, muntikan pa silang magkaabutan, subalit agad na sinara ni Rachel ang pinto bago pa man din makapasok si Harvey. 

“Hinding-hindi kita mapapatawad!” bulong nito sa sarili, sabay himas sa kaniyang tiyan na ngayo’y nakakaramdam na ng sakit. 

Kinuha ni Rachel ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang bag. Pagkalabas niya ng elevator, tinawagan niya ang kaniyang personal driver para magpasundo sa tapat ng Specter Ross building. 

Wala pang limang minuto ay nakarating agad ang puting sasakyan. “Saan po tayo ngayon, ma’am?” 

“Sa bahay na, kuya.” Sinuot ni Rachel ang kaniyang itim na sunglasses pagkaupo niya sa backseat. “May tuturuan lang ako ng leksiyon.” 

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status