Share

CHAPTER 49

last update Last Updated: 2025-05-12 14:08:41

AMARA'S POINT OF VIEW

"May iced coffee ka sa lamesa mo," tawag ko kay Killian habang inilalapag ang in-order kong coffee from his favorite shop.

Naka-focus siya sa laptop niya, forehead slightly creased, all business. Boss mode. Hindi na ako bago sa ganitong setup. Noon pa man, ito ‘yung image niya sa akin. The cold, serious billionaire. Laging naka-black. Laging may sinusulat. Laging mukhang galit kahit hindi naman. Laging malayo.

Pero ngayong nakaupo ako sa sofa ng opisina niya, naka-ayos ng konti dahil may investor meeting kaming pinuntahan kanina, napansin ko na hindi na siya 'yung dating intimidating na Killian Alaric Dela Vega.

Hindi na siya 'yung lalaking boss lang.

Napatingin siya sa kape, tapos sa akin. Napangiti.

"Thanks, babe," sabi niya habang inaabot ito. "Hindi ko na kaya ‘tong araw na ‘to kung wala kang dala."

"Over ka," sabi ko, pero kinilig din ako. Bumalik ako sa pag-aayos ng mga papel sa coffee table habang siya naman ay abala sa laptop. May mga moments na nagkakat
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contract of Hearts   CHAPTER 50

    AMARA'S POINT OF VIEW Habang nag-uusap kami ni Killian sa sala, napagdesisyunan naming subukan ang isa pang bagay—mag-bake ng cake. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang idea na yun, pero for some reason, feeling ko masaya kaming magkasama kahit magulo at simpleng bagay lang."Okay ka lang ba?" tanong ni Killian habang tinitingnan niya ako ng mabuti. "Parang may sakit ka pa.""Anong sakit?" sabi ko, sabay ngisi. "Hindi, okay lang ako. Kaya nga tayo mag-bake, diba? Para magka-bonding tayo.""Bonding? At sa cake?" medyo may kutob na siya."Oo. Wala bang masama sa idea ko?""Nothing’s wrong with that. Pero you know, I’ve never really baked before," sabi niya, habang tumitingin sa kitchen. "Puwede ba akong magpanggap na magaling na chef?""Nagbibilang na ako ng mga disaster na mangyayari." Tumawa ako ng bahagya, pero masaya sa thought na makakasama ko siya sa isang simple at masayang activity.Lumapit kami sa kitchen at nagsimula na kaming maghanda. Hindi kami bumili ng ingredients, kaya

  • Contract of Hearts   CHAPTER 49

    AMARA'S POINT OF VIEW "May iced coffee ka sa lamesa mo," tawag ko kay Killian habang inilalapag ang in-order kong coffee from his favorite shop.Naka-focus siya sa laptop niya, forehead slightly creased, all business. Boss mode. Hindi na ako bago sa ganitong setup. Noon pa man, ito ‘yung image niya sa akin. The cold, serious billionaire. Laging naka-black. Laging may sinusulat. Laging mukhang galit kahit hindi naman. Laging malayo.Pero ngayong nakaupo ako sa sofa ng opisina niya, naka-ayos ng konti dahil may investor meeting kaming pinuntahan kanina, napansin ko na hindi na siya 'yung dating intimidating na Killian Alaric Dela Vega.Hindi na siya 'yung lalaking boss lang.Napatingin siya sa kape, tapos sa akin. Napangiti."Thanks, babe," sabi niya habang inaabot ito. "Hindi ko na kaya ‘tong araw na ‘to kung wala kang dala.""Over ka," sabi ko, pero kinilig din ako. Bumalik ako sa pag-aayos ng mga papel sa coffee table habang siya naman ay abala sa laptop. May mga moments na nagkakat

  • Contract of Hearts   CHAPTER 48

    AMARA'S POINT OF VIEW "Magbihis ka." Yun lang ang sabi ni Killian pagkapasok niya sa room habang ako’y nakaupo sa kama, nakapambahay pa rin, may sketchpad sa lap. Di ko alam kung aatake siya ng business mode o asawang seryoso.Tumingala ako sa kanya. "Ha? Bakit?""May date tayo." Hindi siya ngumingiti pero ‘yung mata niya, may tinatago. Parang sinadya niyang misteryoso."Bakit parang secret mission ‘to? Date lang ‘yan ah.""Secret nga." Tumingin siya sa orasan. "You have twenty minutes. Wear something comfortable. Pero maganda. Para sa’kin."Napakunot ang noo ko pero hindi ko na kinuwestiyon pa. Excited ako kahit papano. Ilang linggo na rin kaming puro trabaho. Ako sa plates ko, siya sa meetings at business issues. Parang hindi na kami mag-asawa minsan, kundi magka-partner sa project.Pumasok ako sa walk-in closet, hinanap ‘yung dress na hindi sobrang formal pero hindi rin pambahay. Pinili ko ‘yung pastel pink na sundress, ‘yung simple lang pero flattering. Sinabayan ko ng white snea

  • Contract of Hearts   CHAPTER 47

    AMARA'S POINT OF VIEW “Amara, sigurado ka ba?” tanong ni Killian habang abalang binubutones ang manggas ng itim niyang polo.“Bakit, mukha ba akong hindi sigurado?” Sagot ko habang inaayos ang collar ko sa salamin. Naka-smart casual ako, may blazer, may heels, at higit sa lahat, may lipstick na ‘di ko usually ginagamit.Tumigil siya, tumingin sa akin mula ulo hanggang paa. May bahagyang ngiti sa labi niya pero kita ko sa mata niya ‘yung concern. “You look good, pero alam mong... ibang mundo ‘to. Hindi ito school o art exhibit. Business ‘to, Amara.”“Alam ko. Pero wife mo ‘ko, hindi lang sa papel. Kung kailangan mo ng kasama sa meeting, kung kailangan mo ng kakampi sa table, nandito ako. Hindi ako trophy wife. Kaya kong makisabay.”Lumapit siya sa akin. “Pag pinasok mo ‘to, walang atrasan.”Tumango ako. “Hindi ako atrasera.”At doon nagsimula ang unang hakbang ko sa mundo ng mga sharks — corporate sharks.---Pagdating namin sa conference room ng Dela Vega Holdings, para akong pumasok

  • Contract of Hearts   CHAPTER 46

    AMARA'S POINT OF VIEW Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakayuko sa lamesa, nakikipagpatayan sa mga drafting tools ko. Lahat ng lines dapat malinis. Lahat ng sukat dapat tama. Lahat ng concept dapat original. Kulang pa raw ‘yung una kong design kaya inulit ko. Tapos inulit ulit. Tapos binago na naman. Pakiramdam ko pinapakain na ako ng ruler at lapis. Buti pa 'yung papel, ang kinis. Ako? Hagardo versoza."Amara, kumain ka na ba?" tanong ni Killian mula sa may sala."Later," sagot ko habang hindi pa rin tumitingin. "Kakaunti na lang ‘to.""Sinabi mo na ‘yan tatlong oras na ang nakalipas."Hindi ko na siya sinagot. Narinig ko na lang ang pagbuntong-hininga niya, tapos ang yabag ng paa niya papalapit. Nang tumigil siya sa likuran ko, inamoy ko pa ang paborito kong scent niya. Kahit pagod na ako, ‘yung presensiya pa lang niya parang gamot na. Pero ayoko muna magpahinga. Kailangan ko tapusin ‘to. Kaya lang...Naramdaman ko na lang na umikot ang paligid. Bumigat ang ulo ko. Tapos p

  • Contract of Hearts   CHAPTER 45

    AMARA'S POINT OF VIEW Hindi ko alam kung ilang segundo lang ba o ilang oras na ang lumipas pero ang tanging naririnig ko ay ang tunog ng puso ko. Malakas. Parang gusto nang kumawala. Nakatitig ako sa kanya habang unti-unting lumalapit si Killian, hawak pa rin ang magkabilang gilid ng mukha ko. Wala siyang sinasabi. Wala rin akong masabi. Para kaming nasa loob ng isang eksenang walang ibang karakter. Walang audience. Walang distraction. Kaming dalawa lang.Huminga siya nang malalim. Hindi niya inalis ang titig sa mata ko. Ramdam ko ang init ng palad niyang nakakapatong sa pisngi ko. Gusto ko sanang magsalita pero parang hindi ko maigalaw ang dila ko. Parang napako ako sa pwesto ko.“Amara,” bulong niya. “Can I?”Hindi ko na kailangan pang sumagot. Sa pagkakahawak niya sa akin, sa paraan ng pagtitig niya, alam kong pareho kaming huminto sa pagtakbo. Parang nag-slow motion ang lahat. Parang tumigil ang mundo.Lumapit siya. Marahan. Gusto niyang sigurado. At nang magdikit ang labi niya s

  • Contract of Hearts   CHAPTER 44

    AMARA'S POINT OF VIEW Hindi ako humihinga habang binabagtas ang hallway ng kumpanya ni Killian. Mabilis ang tibok ng puso ko, pero hindi ito takot. Hindi ito kaba. Siguro adrenaline. O baka, sa wakas, tapang na. ‘Yung klase ng tapang na matagal ko nang nilunok para lang manatiling tahimik. Pero ngayon, hindi na. Sapat na ang lahat.Nag-angat ng tingin ang receptionist nang makita ako. “Ma’am Amara,” magalang niyang bati pero halatang nag-aalangan.“Ako na ang bahala. Papasukin mo ako.” Buo ang boses ko. Wala nang alinlangan. Tumango siya kahit may konting kaba sa mata.Sa loob ng boardroom, si Cassie ang unang bumungad sa akin. Nakaupo siya na parang reyna, naka-cross legs, hawak ang kape na siguro galing pa sa third wave coffee shop. Kilala ko ang aura niya. Puno ng pride, ng kontrol, ng tiwala sa sarili.Pero hindi na ako ‘yung Amarang pinagsisigawan niya noon sa parking lot. Hindi na ako ‘yung umiiwas ng tingin habang tinatabunan niya ang boses ko. Hindi na ako ‘yung palaging umuu

  • Contract of Hearts   CHAPTER 43

    AMARA'S POINT OF VIEW Pangatlong araw na ng sunod-sunod na meetings ni Killian. Sa bawat isa, parang nababawasan ang liwanag sa mata niya. Tahimik siya pero ramdam mong gumuguho ang mundo niya sa loob. Hindi pa man niya sinasabi, alam ko na. May pinagdadaanan ang kumpanya. Malaki.Nasa gilid ako ng opisina niya, tahimik na nagkakape habang pinapanood siyang makipag-usap sa tatlong senior managers niya. Napansin kong kanina pa siya hindi umiinom ng tubig. Kanina pa siya nakakapit sa isang report na parang wala siyang makitang solusyon.Pagkaalis ng mga managers, sumara ang pinto. Ilang minuto siyang hindi gumalaw. Nakatingin lang sa laptop screen niya pero alam kong wala na siyang nababasa.Nilapitan ko siya at marahang ipinatong ang kamay ko sa balikat niya.“Gusto mo bang lumabas muna saglit?” tanong ko. “Pumunta tayong rooftop. Malamig dun.”Umiling siya. “Hindi pwede, Amara. I need to fix this. Now.”“Pero you also need to breathe. Hindi mo masosolusyunan ‘to kung hinihika ka na s

  • Contract of Hearts   CHAPTER 42

    AMARA'S POINT OF VIEW Nakahiga kami sa ilalim ng kalangitan, sa isang simpleng kubo sa tabi ng dagat. Tahimik ang paligid. Tanging ang mahinang hampas ng alon sa dalampasigan at ang huni ng mga kuliglig ang naririnig. Walang ilaw kundi ang buwan at ang munting lampshade na parang sinadyang gawing romantic ang ambiance.Kakatapos lang ng mahabang araw. Kumain kami ng isda sa baybayin, naglakad nang nakapaa sa buhangin, at nagtawanan habang tinutukso ko siyang di marunong maglaro ng patintero. Hindi ko inakalang mararanasan ko ‘to kay Killian. Hindi ko inakalang kaya pala niyang maging simple.Nakahiga siya ngayon sa banig, suot ang simpleng puting shirt at shorts, habang ako naman ay nakasandal sa unan, nakamasid sa kisame ng pawid na parang bigla kong naisip na ayokong matapos ang gabing ito.“Killian,” bulong ko.“Hmm?”“Comfortable ka ba?”“Comfortable akong kasama ka,” sagot niya agad, hindi man lang nag-isip. Seryoso ang mukha niya pero may bahid ng ngiti sa labi.Umikot ako ng k

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status