LOGINIsabel's POV Matapos ang pag uusap namin ni Mary. Pinangako nitong ililihim niya ang trabahong sinabi ko. Mabait at maasahan si Mary kaya tiwala naman ako dito. Ito ang kaisa-isahang kaibigan ko simula pa noon. Dating magkaklase kami ni Mary sa elementary. Magkalapit din ang mga bahay namin sa probinsya kaya hindi malabong maging malapit na kaibigan din kaming dalawa. "Hey, where have you been???!!" Isang baritonong na boses ang nagpatigil sa akin ng marinig ang bagsik nito. Hindi ko na kailangan pang tingnan kung sino ito?. Alam kong boses ni sir Ronnie ito. "Sa ba-banyo po" Nauutal na sagot ko at nilingon ito. Nagtagpo agad ang mga paningin at nakita kong nakakunot ang noo nito at supladong tiningnan ako. "Halika na, uuwi na sila mommy kaya magpaalam ka na sa kanila!" Tumango tango ako ng marinig ang sinabi nito. Hinintay kong maunang humakbang ito subalit nanatili ito kinatatayuan niya. "Why are you still there? Halika na!!" Medyo malakas ang boses na sigaw nito habang nak
Isabel's POV Balisang hinahanap ng mga mata ko si sir Ronnie. Mahigit dalawang oras na simula ng iwan ako nito sa mommy niya. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. Panay lang ang tango at oo ko sa lahat ng mga sinasabi ng mommy nito. Mabait naman ang mommy nito pero nakakailang na dahil pakiramdam ko napakasinguling ko na. "Iha,are you okay??? Masyado ba akong madaldal??" Untag na tanong nito dahilan para umangat ako ng tingin dito. "Nabusog ka ba?? Sabihin mo lang kung hindi dahil magpapaluto pa ako"Nag aalalang tanong nito. "No, ti-tita okay lang po ako. Busog na busog na nga po ako eh" Maagap na sagot ko. Honestly marami rami din naman ang nakain ko kanina. Sabay sabay ang lahat sa pagdidinner except Kay sir Ronnie. Ang sabi ng daddy nito ay hinatid pa daw ni sir Ronnie ang kaibigan nitong si Sophie dahil masama ang pakiramdam nito. "Are you sure? Wag kang mahiya iha,magsabi ka kung anong kailangan mo ha? Pupunta lang ako sa kusina" Ulit na sabi nito at nginit
Isabel's POV Nanlalamig ang mga kamay na nakahawak ako sa braso ni sir Ronnie. Nakikita kong panay ang tingin sa akin ng bawat katulong na madadaanan namin. Halata sa mga mukha nito ang pagtataka kung bakit Kasama ko si Ronnie at hawak hawak pa ang braso nito. "Iho, my baby boy! I miss you anak!" Isang magandang babae na medyo matanda na ang sumalubong sa amin. Distansya pa lang kami sa kanya naaninag ko na ang kakaiba nitong ganda. Kung titingnan nasa med 50s na ito. Subalit kahit matanda na hindi maikakaila ang taglay nitong ganda. "Hi mom, how's your flight???" Tanong ni sir Ronnie at niyakap ito. Nakita kong dumako ang tingin ng mommy niya sa akin. Hindi ko alam pero hindi ako nakaramdam ng pagka ilang ng magtagpo ang mga mata namin. "Hi, iha? how are you??" Matapos nitong mayakap si sir Ronnie agad na kumalas ito at niyakap din ako. Naramdaman kong hinaplos haplos nito ang likod ko kaya nawala ang kaba na nararamdaman ko. "A-ayos lang po" Nauutal na sagot ko. Kung ka
Isabel's POV Kinakabahan na inaayos ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Isang tubeless dress na kulay itim ang suot suot ko habang may konting slit ang gilid nito. Hindi naman masyadong mahaba at hindi rin naman masyadong maiksi ang dress na ito. Sakto lang para maging formal tingnan ito habang nababagayan ng nakalugay na mataas na buhok ko. "Relax Isabel! kaya mo yan para Kay nanay ang lahat ginagawa mo ngayon" Pampagaan na sabi ko sa loob loob ko at ilang ulit huminga ng malalim para maibsan ang kanang nararamdaman ko. "Hey! Hindi ka pa rin ba tapos? Bilisan mo na dyan!" Napaigtad ako sa gulat ng maring ang malakas na boses ni sir Ronnie sa labas. Nagmamadaling tinupi ko ang pinaghubaran ko at inilagay ito sa gilid ng sink. "A-andiyan na po sir" Nauutal na sagot ko at mabilis na humakbang sa pinto para pagbuksan ito. Isang malalim na hininga muna ang ginawa ko bago pinihit ang doorknob. "Ay kabayoo-" Nagulat napasinghap ako ng makita ang nakakunot na noo ni sir Ronnie n
Isabel's POV "Ano ba ang babagal niyo naman! Bilisan niyo ilang minuto nalang darating na si ma'am Andrea at sir Tyron!" Sigaw na sermon ni Madam Carisa na naririnig ko. Nagmamadaling naghahakot ako ng mga pagkain para ilagay sa mesa. Panay ang pameywang ni Madam Carisa sa harap namin at sinisermonan nito ang bawat katulong na nakikita ng mga mata niya. "Ikaw! ano ba yang kilos mo!??? Bilisan mo! Para kayong uuod sa bagal!" Rining kong sigaw nito sa isang kasamahan ko. Maraming pagkain ang ipinaluto nito. Hindi ko alam kung ilang barangay ang kakain pero sa tantiya ko pwede pang makakain kahit labing siyam na pamilya sa dami ng hinakot ko kanina. "Isabel, Saan si Isabel???" Napatigil ako sa paghakbang ng marinig ko ang pangalan ko. Pabalik na ako sa loob ng kusina para kumuha ng mga serving spoon ng marinig ang boses ni Madam Carisa. Nakarinig ako ng mga yabag ng paa mula sa likod ko kaya nilingon ko ito. "Isabel halika ka nga mo na!" Sunod na sabi nito at pinaypay pa ako n
Isabel's POV "5 million? maipapagamot ko na ang nanay ko at may pang aral na ang mga Kapatid ko" Sunod sunod na sabi ko ng makalabas ako sa loob ng kwrto ng ni sir Ronnie. Hanggang ngayon hindi pa rin nagsink in sa utak ko ang mga nangyayari. Buong akala ko simpling katulong lang ang magiging trabaho ko dito? "Isabel, kumusta? Tinanggap ka ba ni sir Ronnie? Hindi pa siya nagalit Sayo? Anong mga tinanong niya?" Sunod sunod na tanong ni Mary sa akin ng makababa ako. "Huy! Isabel! Ano ka ba? Magsalita ka nga?!" Hanggang ngayon nakatulala pa rin ako kaya hindi agad ako nakasagot dito. Naramdaman kong tinapik nito ang balikat ko kaya parang wala sa sariling binalingan ko ito. "Ano? Tinanggap ka ba?" Pangatlong ulit na tanong nito. Hindi ko alam kung paano ipapaliwang kay Mary ang tungkol sa inalok na trabaho ni sir Ronnie. Mahigpit na nakasaad sa Kontrata na hindi ko pwedeng sabihin ang tungkol sa trabahong inaalok nito kahit kanino. Gustuhin ko mang sabihin Kay Mary pero mas pi







