Day 0001
Napasinghap ng hangin sa kawalan si Cheska nang lumabas siya ng arena; katatapos lang ng laban, at panalo ang challenger ka si X kuntra sa dating kampyon ng UFC martial arts. Napaangat ng mukha si Cheska nang abutan siya ng kaibigan ng sobre; pera ang laman nun, at ang usapan na triple ang bayad, hindi naman nabigo si Cheska. Napangiti siya nang tanggapin niya iyon. Sinilip ang laman ng sobre. "Maraming salamat sa pang malakasan na raket, Au. Masaya din pala maging round girl; rampa-rampa lang, pero nakatatakot sa totoong opinyon ko lang. Buwis buhay ang ginagawa nila para lang magkapera ng malaki." Tumabi si Augusto sa kanya saka inakbayan sa balikat. "Hindi mo na iyan problema—basta ginawa mo lang ang part mo as a round girl. Oh, siya, ihahatid na kita sa inyo." Nang isukbit ni Cheska ang bag nitonsa balikat, kinuha niya ang braso ni Augusto saka ibinaba iyon. Ngumiti siya't umiling. "Maraming salamat, pero may dadaanan pa kasi ako. Magje-jeep na lang ako mamaya o taxi. 'Kita na lang tayo sa University bukas." "Sigurado ka? Pwede naman na kita ihatid." Sunod-sunod na umiling si Cheska sa kaibigan. "Maraming salamat sa offer pero hindi ko iyan tatanggapin. Dito pa lang sa raket na ito, triple na ang kita ko—kaya huwag na po—ingat sa byahe pauwi." Hindi naman pinilit ni Augusto ang kaibigan. Naunang umalis si Augusto, at naiwan si Cheska sa loob ng dressing room. Sampung minuto nakalipas napagdesisyunan ni Cheska na umalis matapos basahin ang mga mensahe ng kapatid nito. Dahil nagtitipid si Cheska, pinili niyang maglakad na lang muna patungong convenient store upang bilhin ang hinihingi ng mga kapatid nito. Tahimik na binabaybay ni Cheska ang daan nang biglang may humili sa kanya—napatakbo ng wala sa oras si Cheska dahil do'n. "Te-teka! Sino ka ba?!" Angil ni Cheska sabay tingin sa taong kumaladkad sa kanya. Kumunot ang noo nito. Lalaki—naka-sombrelo at may mask na suot. "Just run!" Tipid na wika ng lalaki. Saglit binalingan ni Cheska ang likuran. Mas bumilis ang takbl niya nang may apat na lalaki ang humahabol sa kanila. "Putangina ka! Dinamay mo pa ako sa problema mo! Sino ka ba!" Halos madapa si Cheska nang bigla silang lumiko sa isang madilim na eskinita; nagtago sa nakatambak na creet at doon tahimik na naupo sa gilid. "Bitawan mo nga ako! Sino ka ba?!" "Sshh... Quiet!" "Quiet mong mukha mo!" Akmang tatayo si Cheska nang hilain siya ng lalaki pabalik sa pwesto. "I said, quiet! Hindi ka ba nakakaintindi?! Kung hinayaan kita do'n, sa palagay mo ba hindi ka nila idadamay?! Tanga ka rin, eh!" "Makatanga 'to! Gago ka pala, eh! Ngayon hahabulin na talaga ako dahil kasama kita! Saka, sino ka ba?!" Tumayo ang lalaki; sumisilip kung nasa paligid pa ang humahabol sa kanya. Mayamaya ay lumabad na ito't suminghap ng hangin sa kawalan. "Wala na sila—what the f*ck are you doing?!" "Watdapak?! Tanungin mo sarili mo kung bakit kita sinapak!" "Damn it! Let's go!" Nataranta si Cheska nang hilain siya ng lalaki. "Teka! Saan mo ako dadalhin?!" "Kakain! Nagutom ako katatakbo!" "Kasalanan ko?! Saka bitawan mo nga kamay ko!" Wala din sa sariling winaksi ng lalaki ang kamay ni Cheska. Kumunot ang noo ng dalaga. Mayamaya ay huminto siya sa paglalakad nang maisipan na humiwalay sa lalaki. Nanv akma na itong tatalikod, nagulat na lang siya nang bigla siyang buhatin na parang sakong bigas ng lalaki. "Hoy! Ibaba mo ako! Saan mo ako dadalhin!" "Tumahimik ka nga! Ang ingay-ingay mo!" Napahiyaw pa sa pagkagulat si Cheska nang paluin ng lalaki ang pwet niya. "Bastos!" "Shut up!" bulalas ng lalaki saka ibinaba si Cheska sa harapan ng itim na kotse. "Get in." Wika pa nito nang pinagbuksan niya si Cheska ng pintuan. "Ayaw ko!" Angil ni Cheska. Umigting ang panga ng lalaki dahil sa pagmamatigas ni Cheska. "Papasok ka ng kusa o kaladkarin kita papasok ng kotse?! Pili ka!" Walang ideya si Cheska bakit kailangan pa siya nitong isasama ng lalaki. Sa isip-isip ng dalaga, napaka-arogante at walang puso ang lalaking kasama niya ngayon. Iniisip niya na lang na baka trip lang siya nito't mayamaya ay itatapon siya kung saan. "What?!" Bulalas ng lalaki nang tignan siya ni Cheska. Walang nagawa si Cheska. Pumasok siya sa loob ng kotse at doon nagmamaktul. Nang makapasok ang lalaki, at nagsarado ng pinto, saka niya naman binuhay ang makina ng sasakyan. Mayamaya ay hinubad ng lalaki ang sombrelo nito't ang mask. "Where to go?" Salita ng lalaki. Naghihintay ng sagot mula kay Cheska subalit ni isang salita ay walang may narinig—hindi nakatingin ng diretso bagkus sa labas ng pintuan ito nakatingin. "Hey!" Tawag ng lalaki kay Cheska. "Tangina! Hindi ko alam—hoy! Ikaw?!" Kumunot ang noo ng lalaki nang makilala siya ni Cheska. "What?!" "Tama! Ikaw nga—si X, tama? 'Yung nanalo sa UFC kanina?" Tinitigan ni X si Cheska. "Ah? Miss Round Girl, right?" Sunod-sunod naman tumango si Cheska. "Ako nga! Kung alam ko lang na ikaw 'yan, e di sana tahimik akong sumama. Teka! Bakit ka nga pala tumatakbo?" Nagsimulang nag maneho si X. "It's a long story." "E di, to make long story short!" "Tsk! Mahaba nga! Bakit ang kulit mo?" "Mahaba ang?" Binalingan ni X si Cheska. "Joke lang. Nga pala, ihatid mo na lang ako sa malapit na 24/7 convenient store." Naging kumportable si Cheska nang makilala ang lalaking kanina'y minumura niya. "Nagugutom ako. Saan pwede kumain?" "Hindi ka pa kumain? Mag-drive thru ka na lang, tapos uwi ka sa inyo, at do'n ka kumain." Hindi nagsalita si X. Dumiretso nga ito ng drive thru saka um-order ng pagkain. Matapos mag-drive thru, inaasahan ni Cheska na ibababa siya ni X sa sinasabi nitong convenient—ngunit hindi nangyari iyon. "Hoy! Teka lang! Saan tayo pupunta?!" "Can you please—please keep your mouth shut? Kanina pa ako nabibingi sa boses mo. Saka pakiusap ulit, huwag kang tanong nang tanong!" "Karapatan kong magtanong dahil kidnapping 'tong ginagawa mo sa akin ngayon!" "Kidnapping? Really? Sumama ka, hindi kita pinuwersa." "Aba! Hoy!" Natigilan si Cheska nang biglang huminto ang kotse ni X sa harapan ng isang matayog na gusali. "Hotel?" Sambit niya saka tumingin kay X. "Ano? Sasama ka o maiiwan ka rito?" Inabot ni X ang paper bag na in-order nito sa driver kay Cheska saka lumabas ng kotse. Nakita ni Cheska na inabot ni X ang susi ng kotse nito sa isang doorman saka naglakad papasok; dumiretso sa reception. Dahil wala naman may magawa si Cheska, lumabas siya ng kotse't sumunod kay X. "Xavier Alcantara," mahinang sabi ni X sa receptionist. "Thanks. Let's go!" Saka niya na lang hinila si Cheska paalis sa harapan ng receptionist, at saka pumasok ng elevator. "Saan tayo?" Mahinang tanong ni Cheska. "To my room." Sagot ni X sabay baling kay Cheska.Day 0185—DECEMBER 30, 2023"We're here," wika ni Isabela nang huminto ang sasakyan sa harapan mismo ng mall. "Let's go?" Ngiting sabi niya kay Cheska na katabi niya lang sa upuan.Nang buksan ang pintuan ng sasakyan, kaahad umalalay ang isang butler na kasama nila. 'Yung ginawa ng butler kay Isabela aynggawin niya rin sana kay Cheska nang tumanggi ang dalaga."Ayos lang po, kuya." Umañis din kaagad ang butler sa bukana ng pintuan, saka lumipat sa likuran ng among si Isabela."Let's go?" Sambit ng ginang. Akmang hahakbang na ang mga ito ng hakdang nang biglang may nagsitakbuhan na mga gwardya patungo sa kinaroroonan nila na ikinagulat naman ng dalaga.Napatulala si Cheska nang yumukod ang sampung gwardya sa harapan ng ginag."Magandang hapon po Madame Era!"Napaatrs si Cheska, ngunit nahuli ng ginang ang pulsuhan kaya nahila siya nito papalapit sa kanya."A-ano po ang nangyayari?""Wala. Binabati lang tayo. Tara na?"Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa makarating sa loob ng mall.
Day 0185—DECEMBER 30, 2023 Dalawang araw bago mag-bagong taon. Nasa penthouse lang ni Xavier si Cheska; abala sa paglilinis ng kanilang bahay kahit na alam niyang ayaw siyang payagan ni Xavier na gawin ang gawain bahay. Nagahawa niya lang iyon kung wala ang binata. At kapag nandiyan naman ay wala siyang ibang gagawin kundi ang pagsilbihan siya nito na parang isang reyna. Alas-dos ng hapon nang mapagdesisyonan ni Cheska na ilabas ang mga sketch at drawing niya sa kanyang portfolio. Nasa sala siya nang may nag door bell sa labas ng pintuan. Kumunot ang noo niya dahil simula nang tumira siya sa penthouse ni Xavier ay wala pa siyang may narinig na nag door bell labas; may sariling elevator si Xavier—derekta sa pinto nito. Tumango upang tignan sa censor. Napaatras siya nang makilala kung sino ang nasa labas. Ang ina ni Xavier na si Isabela. "Taragis! Anong gagawin ko?!" Nataranta ang dalaga. Nakapambahay pa ang dalaga, at hundi niya naman inaasahan na magkakaroon siya ng bisita sa mga
Day 0184WARNING!!! SMUT!!! READ AT YOUR OWN RISK!!!"Xavier!" Napatalon sa tuwa at saya si Cheska nang makita si Xavier na lumabas ng kotse nito. Patakbong lumapit ang dalaga sa binata sabay yakap at halik sa labi."Apat na araw lang akong hindi nagpakita sa 'yo—daig mo pa ang isang taon kung makamiss ka."Magaan na yakap lang iyon, ngunit puno ng pananabik sa isa't isa. Hinaplos ni Xavier ang likod no Cheska saka hinalikan ulit sa ulo ang dalaga."How have you been?""Ayos lang naman. Wala sila—umalis, pasok ka muna.""Saan?""Nasa mall—ginala ni Tita ang mga anak niya, kaya mag-isa lang ako sa bahay ngayon."Naupo si Xavier sa sofa. Dumulog naman si Cheska sa kusina upang ipaghanda ng maiinom si Xavier, saka bunalik sa sala."Uwi na tayo.""Sa condo? Ngayon?""Sa Penthouse. Matagal na rin na hindi tayo pumirme do'n. Ayaw mo ba?""Kahit saan naman ayos lang sa akin. As long as nandoon ka—nandoon din ako."Tumayo si Xavier; lumapit sa dalaga't tumayonsa harapan nito. Yumukod ng kunti
Day 0180—DECEMBER 24, 2023 "Ang ganda mo naman—Cheska, tama ba?" "O-opo—a-ano po kasi—pasensya na kayo sa bahay namin. Ma-maupo po kayo Ma'am—Sir." Napangiti si Isabela sa pagiging mahiyain ni Cheska. Hindi rin nakaimik ang tiyahin ni Cheska na si Tita Agnes at ang tatlong mga bata. "Pareng X, sino sila?" Biglang nagsalita si Miko dahil sa kuryusidad ng bata. "Pasensya na po kayo sa anak ko—bunso ko pa 'yan. Miko? Pwede sa loob muna kayo ng kwarto nina ate Mika at kuya Balong mo? Mag-uusap ang mga matatanda." Pangaral ng ginang sa tatlo. "Opo!" Kuro ng tatlo saka pumasok na sa kanilang kwarto. Apat sila sa sala. Magkatabi sina Alfonso at Isabela. Nakaupo si Cheska sa single sofa habang nasa likuran niya si Xavier. Ang ginang naman ay kakaupo lang din—kaharap ang mga magulang ni Xavier. "Hindi namin inaasahan na magkakaroon kami ng bisita ngayon. Ano po sana ang sadya natin? Hindi naman po siguro kayo mamanhikan sa anak-anakan ko, 'di po ba—Ma'am—Sir?" Napangiti si Is
Day 0180—DECEMBER 24, 2023—ALCANTARA MANSION "Xavier?" Tawag ng amang si Alfonso. Hindi nagawang magsalita ni Xavier dahil inaalam niya pa ng mabuti kung sasabihin niya ba sa mga magulang ang totoo o manatiling nakatago ang sekreto. Lumapit ang inang si Isabela. Hinawakan siya nito sa braso't tinignan ang anak sa mga mata. "Son? Please, talk to us." Nagsusumaml na sabi ng ina. Napasinghap ng hangin sa kawalan si Xavier saka humarap sa ama na ngayon ay napakapintas na ng mukha dahil sa tagal magsalita ni Xavier. "Dad? I mean—" "What's happening here? Bakit parang napakaseryoso ng pinag-uusapan ninyong tatlo?" "Papang!" Tawag ni Isabela kay Don Ronaldo na bigla na lang sumulpot kung saan—kasama si Benjamin; nagkatitigan pa sila nito ni Xavier. "Madame Era Isabela. Kumusta, hija?" Nakangiting bati ng matanda kay Isabela. "I'm good—how are you, Director?" Salita din ni Isabela matapos halikan sa pisngi ang byenan. "Merry christmas Tita Isabela. Kumusta po?" Bati din ni
Day 0180—DECEMBER 24, 2023—ALCANTARA MANSION "Allen, kung anuman ang nakita at narinig mo kanina—iwan mo rito." Sunod-sunod na tumango si Allen—ang driver ni Alfonso. "Masusunod po Sir Evo." "Salamat. Saka, huwag mong kalimutan isama ang pamilya mo dito mamaya." "Yes, Sir Evo. Maraming salamat din po sa pag-imbita ninyo sa akin—aking pamilya." "Walang anuman. Sige na—makakauwi ka na. Huwag ninyong kalimutan mamaya." Pagkalabas ni Alfonso sa loob ng sasakyan—diretso ang tungo sa loob ng kanilang mansyon. Malayo pa lang ay nakikita niya na ang kanyang mga anak na katulad niyang matagumpay din sa buhay. Hindi siya nagkulang sa pagpapalaki ng kanyang mga anak. "Dad? Where have you been? Kanina ka pa hinahanap ni Mama." Si Xavier na bunsong anak niya. Isang matagumpay na engineer at tagapagmana ng kompanya ng kanyang lolo—si Don Ronaldo Alcantara. May limang daang bilyong dolyar sa swift account na nakapangalan mismo sa kanya; iyon ang gusto ng lolo at alam iyon ng lahat.
Day 0180—DECEMBER 24, 2023 "Sit down." Alok ng lalaking nakahuli kay Cheska sa harapan mismo ng mansyon ng mga Alcantara. Tahimik naman na sinunod ng dalaga ang utos ng lalaki sa kanya, at hindi kaagad mapakali sa kanyang kinauupuan dahil sinisiyasat siya nito habang nakakrus ang mga braso. "Ano po kasi, sir—" "Anong ginagawa mo hija sa harapan ng pamamahay namin? Alam mo ba na pwede kang makasuhan sa ginawa mo kanina? Anti-Stalking Act." Section 2. Declaration of Policy. - It is hereby declared the policy of the State to penalize stalking acts which violate the right of every person to privacy. Penal Provision. - Any person convicted of the crime of stalking shall be punished by prision correccional and/or a fine of not less than One Hundred Thousand Pesos, but not more than Five Hundred Thousand Pesos, or both, at the discretion of the court." Napatanga si Cheska nang sabihin iyon ng lalaki. Ang kaninang naistatwa sa kinauupuan ay bigla na lang tumayo at lumapit sa lalaki, sa
Day 0180—DECEMBER 24, 2023 "Ate Eka!!!" Patakbong sinalubong ng mga bata sina Cheska at Xavier habang papalapit ang dalawa sa mga ito. "Pareng X!" Tawag ni Miko—ang bunsong kapatid ni Chesk na malapit kay Xavier. "Pareng Miko! Here's your pasalubong. Kumusta?" "Wow! Cheseboard? Maraming salamat Pareng X!" Napayakap si Cheska sa kanyang mga kapatid. Inabot kina Mika at Balong ang mga pasalubong na pinamili nila limang araw bago ang desperas ng pasko. "Kumusta kayo? Tara sa loob ng bahay. Mainit dito." Wika ni Cheska saka binalingan si Xavier. Tinanguan ang binata. "Maraming salamat Ate. Maraming salamat Pareng X!" Kuro ng dalawa maliban kay Miko na nauna nang pumasok matapos makuha ang pasalubong galing kay Xavier. Nasa bakuran pa lang ang mga ito nang bumukas ang pintuan. Nasa bukana ang ginang. "Magandang umaga Tita Agnes." Bati ni Cheska sa ginang. Tumango lang si Xavier. "Nandito na pala kayo. Pasok! Pasok!" Hindi na nagpaligoy-ligoy ang ginang; kaagad pinatuloy ang dalawa
Day 0173Sa BGC, katatapos lang ng dalawa maghapunan sa isang fine dinning restaurant. Nagawang maghapunan ng dalawa sa labas sa kadahilanan nagkaroon ng briefing meeting si Xavier sa kanyang mga tao. Hindi pinalampas ni Xavier na hindi pag-ukulan ng pansin ang kanyang mga trabahante lalo na't malaking bagay o importante ang mga taong iyon sa kanya."Gusto ko ng ice cream—berkins." Saad ni Cheska kay Xavier na nakangiti."Now? Katatapos lang natin maghapunan.""Mamaya. Pahinga ka muna."Sumingkit ang mga mata ni Xavier nang tignan niya ng diretso si Cheska. Naglalambing ang dalaga sa kanya na hindi kayang ayawan ni Xavier. Tumango ang binata pagkatapos niyang bumuntong hininga."Okay! Need something else? Groceries?"Sunod-sunod na tumango si Cheska. Makalipas ang sampung minuto na pahinga, nag-aya na si Xavier na umalis. Dumiretso ang dalawa sa isang ice cream shop saka pumili sa kahera nang may napili nang flavor ng sorbetes."Hi, Ma'am... ano pong flavor? Cone of cup po ba?"Nakan