Day 395 Dali-daling nagbukas ng pintuan si Cheska dahilnsa sunod-sunod na doorbell mula sa main door ng kanilang bahay ni Xavier. Nagtataka ang dalaga—alas-onse na ng gabi nang tumawag si Jadon sa kanya na siya ang nagdodoor bell sa harapan ng pintuan ng pamamahay nila. Alalay si Xavier ay napaliyad ng likod si Jadon dahil sa sobrang bigat ng binata. "Bakit nalasing 'to? Ano'ng nangyari? Saka, saan kayo pumunta na dalawa?" "Sa kapehan ni lolo. Niyaya lang ako niya ni Sir X. Galing kasi siya kay Director. May pinag-uusapan na importante. Bigla na lang nagyaya na uminom—ayan ang resulta. Bagsak!" "Ganoon ba? Pasensya ka na Jadon kung nakaabala pa. Gusto mo dito ka na magpaumaga. Malalim na rin ang gabi." "Huwag na ho Ma'am Cheska. Maaga pa naman—babalik pa ako sa pwesto ni Lolo. Sige ho—alis na ako." "Maraming salamat Jadon. Teka—kunin mo 'to," dali-daling dumulog si Cheska ng kusina. Kumuha ng bottled water saka cookies na binili niya kanina sa University. "Ingat sa pag-uwi. Sal
Day 390 "Here. Drink it while it's still hot. It'll be good for your stomach. Are you okay? Do you need anything else?" Uming si Cheska sabay balik ng baso kay Xavier. Huminga ng malalim saka tumingala sa binata. "Nagugutom na ako," aniya na nagpapalambing. "Pasensya na kung—" hindi na natapos ni Cheska ang sasabihin nang nilapitan siya ni Xavier saka niyakap. Hinaplos amg likuran ng dalaga't mahinang tinapik. Ilang segundo lang, itinulak na naman ni Cheska si Xavier papalayo. Napabuntong hininga ang binata't sumandig sa pader saka humalukipkip. Tinantsa ng tingin ang dalaga na animo'y nanghihina dahil sa sunod-sunod na pagduduwal. "Huwag na huwag kang maglagay ng pabango mo; Masakit sa ilong, nakakahilo, at nakakasuka." "Ano'ng sabi ng OB sa 'yo? Gusto kitang yakapin. Yakapin kayong dalawa pero tinataboy mo naman na ako." "Magpalit ka na nga muna ng suot mo! Saka ayaw ko ng white pasta—gusto kong kainin—pipino na lang muna siguro saka may sawsawan na asukal—'yung brown." Napat
Day 390"Congratulations, you're five weeks pregnant."Napatanga si Cheska. Dali-dali siyang bumango saka tinignan ang monitor."Bu-buntis ba talaga ako? Hindi ba ito 'yong pcos ko, dok? Baka po kasi false alarm lang? Paki-double check po ulit—""I'm not mistaken Misis Alcantara. I am pretty sure and hundred two percent—you're five weeks pregnant. Hindi ka ba masaya na mabubuo na ang pamilya ninyo? Mas matutuwa pa nga siguro ang asawa mo kapag nalaman niyang magkakababy na kayo."Hindi alam ni Cheska ang sasabihin. Hindi niya rin alam kung paano mag-reak sa nalaman niyang limang linggo na siyang buntis. At katulad nga nang sinabi niya; tatlong beses pinaulit-ulit ang ultra sound nito. Ang resulta; walang may pinagbago. Buntis siya.Pekeng ngumiti si Cheska nang lapitan siya ng dalawang kaibigan. Nang mapansin nila na tila ba'y hindi masaya si Cheska—kaagad din nila tinanong ang kaibigan."Hoy! Buntis ka, pero wala sa mukha mo na masaya ka. Bakit?" Si Rona."Oo nga! Hindi ba dapat mag
Day 380-390 Alas-siete ng gabi nang ayain ni Xavier si Cheska na tumungo ng fitness gym. Ayaw man ng dalaga, subalit bigla siyang nagkaroon ng kuryusidad kung paano ginagawa ni Xavier ang ensayo nito at mapanatili ang magandang katawan. "Doing exercise? What else?" "Maraming gagawin sa gym kung gugustuhin mo, pero dahil beginner ka pa lang—" "Hindi naman na sa baguhan ako. Naging arnis player din ako noong high school ako, 'no! " "Really? Kaya pala magaling ka din magsipa." "Hanggang district lang, tapos hindi na ako tumuloy. Wala akong budget—wala din sponsor. Kaya tinigilan ko." Sunod-sunod na tumango si Xavier. Mayamaya ay dumulog siya sa mga dambell at doon pumwesto habang si Cheska ay nakatayo sa harapan niya. "Ano gagawin ko? Magbubuhat din ng dambell?" Binitawan ni Xavier ang hawak na dambell. Lumapit siya mismo kay Cheska at saka dumulog sa may treadmill. "Dito ka. Dito naman ako." "Walking or jugging muna tayo, ha? Basic lang muna nang hindi mabigla 'yang
Day 375—JUNE 29, 2024 "Xavier, bakit ang dami naman na nito?" Nanlaki ang mga mata ni Cheska nang makita ang likuran ng sasakyan; kahon-kahon na mga school supplies para sa mga kapatid ni Cheska, at kahon-kahin din na mga groceries para sa pang-araw-araw nang mga ito. "Matagal din tayo hindu nakapasyal sa kanila. Patapos na rin ang June—we're not sure kung kumpleto ba mga gamit eskwela ang mga bata o hindi. Saka need din nila ang foods araw-araw para madalas masigla ang mga ito." Paliwanag ni Xavier. "Pero ang dami—" hindi na naituloy ang sasabihin ni Cheska nang gawaran siya ng halik ni Xavier sa labi. Napangiti na lang ang dalaga saka naoatungo. "Sarap." Aniya't dumulog na sa front seat. Nang nasa driver's seat na rin si Xavier binalingan niya muna si Cheska. "Nakapag-enroll ka na ba? Pasukan niyo na rin by July. If you need anything don't hesitate to share with me." "Actually meron talaga akong kailangan sa iyo. Pero saka na natin pag-usapan iyan. Bisitahin na muna natin mga
Day 371—JUNE 25, 2025—X's CONSTRUCTION FIRM Papasok ng construction firm sina Cheska't Xavier. Kaagad sinalubong ni Miss Lou ang dalawa habang abala ang mga ito sa kwentuhan. Nahinto sa paglalakad nang magsalita si Miss Lou. "She's with her father. Galit na galit ang ama, Sir Xavier." Napaangat ng kilay si Xavier habang si Cheska naman ay kumunot ang noo. "Kailangan niya pa talaga ng back up, ano?" Napairap si Cheska. "Let's go." Saka kinuha ni Xavier ang kamay ni Cheska. Dumulog ng elevator habang nakasunod si Miss Lou sa kanilang likuran. "Did you tell her about the termination?" Biglang tanong ni Xavier sa gitna nang katahimikan. "Yes, sir X but, Miss Jamilla refuse to signed. She even torn the paper and burn." Salita ni Miss Lou na may karagdagan na impormasyon. Napabuntong hininga na lang si Xavier at hindi nagsalita ng ilang segundo. Humalukipkip sabay baling kay Cheska. "Let Cheska handle her. I'll talk to her father, too." Hindi man nagsalita si Cheska—baka