Share

58

Penulis: KnightNovel
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-21 16:31:05

ATTICUS’ POV

Umatras si Alijax, binibigyan ako ng kaunting espasyo mula sa nakakapasong init ng katawan niya. Nakatayo pa rin siya sa pagitan ng mga hita ko habang ako naman ay nakaupo sa barstool.

Napabuntong-hininga ako, pilit na nilalamon ang buhol sa lalamunan ko habang umatras pa lalo, lumalayo sa haplos niya. Sinundan ng mata niyang madilim ang bawat galaw ko—hanggang sa sumingkit ang mga mata niya.

Sa leeg ko.

Sa bakas na iniwan niya roon.

Inangat niya ang kamay niya, at napasinghap ako nang dumapo ang magaspang niyang palad sa puno ng lalamunan ko. Kumilos ang hinlalaki niya, bahagyang hinaplos ang natitirang marka sa balat ko.

May gumuhit na inis sa mga mata niya nang bumalik ang titig niya sa akin.

“Sinubukan mong burahin ako,” aniya.

Sumikip ang panga niya, halatang gigil. “At nabigo ka.”

Kumirot ang inis sa loob ko. Ang mahal kaya ng concealer na ‘yon. At nagawa naman nitong takpan… kahit papaano.

“Hindi naman tuluyan,” bulong ko.

Nagsalubong ang mga kilay niya, at kita ko
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Contracted to the Devil Billionaire   FINALE

    Ang sakit sa dibdib ko ay kumalat sa bawat sulok ng katawan ko.Dahan-dahang inabot ni Alijax ang panga ko, ang pagdampi ng kanyang mga daliri halos hindi ko maramdaman.“When I say leave, I mean stay. Stay and hate me. Stay and torment me for the rest of my life. Just stay.”Pagkatapos, unti-unti siyang lumuhod sa harapan ko. Nanginig ang panga niya, halatang tiniis ang sakit na bumalot sa kanyang katawan. Ang puting polo niya ay unti-unting dinungisan ng sariling dugo, at may bahagyang pamumula sa kanyang balat—lagnat.Sumiklab ang kaba sa loob ko. Agad akong yumuko para tulungan siya, pero tinaas niya ang isang kamay, pinigilan ako. Sa kabila ng lahat, inilabas niya ang isang bagay mula sa bulsa ng kanyang pantalon.Isang singsing.Ang singsing ko.Ang singsing na suot ko nang mahigit tatlong buwan.Ang singsing na ibinalik ko sa kanya.“Marry me, little Escoban,” aniya.At tuluyang nalaglag ang puso ko.Nanatili akong nakatayo, hindi makakilos. Parang lumipas ang ilang siglo bago

  • Contracted to the Devil Billionaire   79

    Isang hakbang lang ang ginawa ni Rune—isang mabigat, sinadya, at tiyak na hakbang—at halos matabunan na ako ng presensya niya. May kung anong alon ng tensyon ang dumaan sa hangin, parang isang kidlat na wala pang dumadagundong na kulog.Nag-alab ang tingin ni Alijax.“Rune,” sabi ko, pilit hinuhugot ang sarili sa eksenang ‘to. “Ayos lang ako. Just… can you give me some time?”Hindi agad sumagot si Rune. Tinitigan lang niya ako, ang panga niya mahigpit na nakakuyom habang lumilipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Alijax. At parang napagtanto niyang hindi sulit ang gulong ‘to, kasi napabuntong-hininga siya at tumalikod.“I’ll be inside.”Halos kasabay niyon, dumaan sa pagitan namin ang tinig ni Alijax—matigas, matalim.“You’re leaving with him.”Hindi niya ‘yon sinabi bilang tanong.Nilunok ko ang buo kong pag-aalinlangan, pero ramdam kong nagsisimula nang mamasa ang mga mata ko. “It’s the last bit of self-preservation I have left.”Napangisi siya, pero walang bahid ng tuwa sa kanyang

  • Contracted to the Devil Billionaire   78

    MABILIS AKONG SUMAKAY sa driver’s seat ng Mustang, ang nanginginig kong mga kamay mahigpit na nakahawak sa manibela. Sinulyapan ko ang rear-view mirror, hinahabol ang huling anino ng fiancé ko habang unti-unti siyang nilalamon ng distansya. Kailangan kong makaalis. Kailangan kong lumayo. Sa lugar na ‘to. Sa siyudad na ‘to. At higit sa lahat—sa kanya. Nanginginig ang mga kamay kong natuyo na sa dugo—dugo ni Papa—at malabo ang paningin ko dahil sa mga luhang ayaw tumigil. Pinisil ko ang accelerator, at habang bumibilis ang takbo ng kotse, nilalaro ng hangin ang buhok ko, tinutuyo ang luha sa pisngi ko. Isang mabilis na tingin sa speedometer ang nagpapaalala sa akin—malapit na akong maubusan ng gas. Kung paano, hindi ko alam, pero nagawa kong huminto sa isang lumang gasolinahan. Hinugot ko mula sa bulsa ng maong ko ang isang lukot na perang papel. Kahit papaano, may maliit na himala—lagi akong may perang nakasingit kung saan-saan. Pagpasok ko sa convenience store, sinalubong a

  • Contracted to the Devil Billionaire   77

    “The location of the meetings, the security, the routes…” bulong niya habang hinahaplos ang buhok ko, pinupuwersa akong lumapit sa kanya. “They’re only in one place.”Idinampi niya ang labi niya sa noo ko, hinihingal nang bahagya. “Accessible by only a few people.”At saka dahan-dahang lumapat ang mga daliri niya sa leeg ko, unti-unting humigpit ang hawak.“I know what you did, Atticus.”Nanuyo ang lalamunan ko. Ramdam ko ang pag-apaw ng luha sa mata ko habang pinipilit kong magsalita—kahit ano—pero bago pa ako makahanap ng sasabihin, may naaninag akong biglaang kilos sa gilid ng paningin ko.Kumakabog ang dibdib ko.Sa likod ni Alijax, isang Russian soldier ang dahan-dahang bumangon mula sa lupa, nanginginig pero may hawak na baril, mahigpit na nakapulupot ang daliri sa gatilyo.Panic floods through me.Sa isang iglap, bumagal ang oras.Isang malakas na putok ang umalingawngaw, ramdam ko ang alingawngaw nito sa paligid. Pipigilan ko sanang tamaan si Alijax, pero bago pa ako makagalaw

  • Contracted to the Devil Billionaire   76

    Isa sa mga lalaki ang sumuksok ng kamay sa bulsa ng pantalon ko, mabilis na inagaw ang phone ko bago niya ako hinawakan.“Huwag. HUWAG!” Pilit akong nagpupumiglas, pero wala akong laban sa lakas nila.“PAPA!” Napasigaw ako. “PAPA, PLEASE.”Saglit siyang natigilan. Bahagyang bumaba ang mga balikat niya. Sa isang iglap, ramdam ko ang pag-aalinlangan sa isip niya. Pinipili niya sa pagitan ko at ng mundong pinaghirapan niyang itayo.For a second, I think he’ll turn. Sasabihin niyang bitawan ako. Sasabihin niyang nagkamali siya. Sasabihin niyang ayusin namin ‘to.Pero hindi. Tumalikod lang siya at naglakad palayo hanggang sa tuluyan siyang mawala sa paningin ko.Parang may bumagsak na bato sa dibdib ko.Hinila ako ng mga guwardiya papunta sa isang kwarto. Hindi ko sila pinadali—nanlaban ako sa bawat hakbang.“BITAWAN N’YO ‘KO!” Pilit akong nagpumiglas, idiniin ang kuko sa braso ng isa, halos mabaon sa balat niya.“PUTA!” sigaw niya. May dugo na sa pisngi niya. Sinipa ko ang isa pang guward

  • Contracted to the Devil Billionaire   75

    Huminto siya. Agad akong umakyat sa kanya, sinakyan siya habang mahigpit na kumakapit sa kanyang shirt gamit ang magkabilang kamay.Alam kong wala rin itong patutunguhan—na ginagawa ko lang mas mahirap ang hindi maiiwasang mangyari. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.Naningkit ang mga mata niya. Mas matalim ang tingin niya ngayon, may tigas na wala doon kanina.Ramdam ko ang mainit niyang pagdiin sa aking hita. Napalunok ako. Dapat ko nang sabihin ang totoo. Dapat kong hilingin sa kanya na bigyan ako ng mas maraming oras.“I—”Biglang nag-vibrate ang cellphone niya, at kita ko ang pag-igting ng panga niya bago niya sagutin. “What.”Mahirap marinig, pero sigurado akong si Lucas ang nasa kabilang linya.“Yes, I’ll fucking be there,” sagot ni Alijax, “I know.”Binaba niya ang tawag at sinulyapan lang ako.“If it’s about the wedding,” malamig niyang sabi, “my opinion hasn’t changed. You’ll be my wife by this time tomorrow.”Hinawakan niya ang magkabilang gilid ng balakang ko—hindi par

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status