Share

CHAPTER 8

Emerald's POV

"Trevor, hindi na tayo mga bata katulad noon. Hindi mo na ako mauuto," mataray kong sagot sa kaniya.

Kahit anong pagpapakita pa niya ng pagka-seryoso niya, hindi na ako maniniwala sa kaniya. Sa galing niyang magpanggap noon, hindi na niya ako mauuto ngayon. At isa pa, kaya lang siya ganyan ay dahil may kailangan siya sa akin. And no, hindi ko siya pagbibigyan.

Pareho kaming napatingin sa phone ko nang biglang mag-ring ito. Tiningnan ko ito at bahagyang kumunot ang noo ko nang si Chloe pala ang tumatawag.

"You can answer that. Maybe it is important," seryosong sabi ni Trevor sa akin.

Hindi na ako nag-abala pang tumayo at lumabas para sagutin ang tawag.

"Chloe."

"Emerald, nasaan ka? Si Marco," umiiyak na sagot ni Chloe.

"Bakit? Anong mayroon?" kinakabahan ko namang tanong sa kaniya.

Something is not right. Hindi tatawag si Chloe kung para lang sa kulitin ako na magkwento. Umiiyak din siya kaya mas lalo akong kinabahan.

"Naaksidente si Marco."

Nag-unahan sa pagtulo ang mga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status