Share

CHAPTER 7

Emerald's POV

Gustong gusto ko nang matapos ang gabing ito kaya nang sinabi ni Audrey na ihahatid niya ako sa resto ay hindi na ako nagdalawang isip pa. Gusto ko na lang kasing matapos ang date na ito upang makauwi na ako at makatulog na.

"Wala pa si Kuya e. Pero maiwan na kita dito ha," nakangiting sabi ni Audrey nang makarating kami sa table na pina-reserved niya.

"Paano ka uuwi pala? Wala kang sasakyan," sabi ko naman nang maalala kong wala siyang dalang sasakyan.

"Okay na ako, Ate. Huwag ka nang mag-alala. Maupo ka na lang dyan. Sige na. Enjoy the night. Bye!"

Hindi ko na nagawa pang magsalita dahil lumabas na si Audrey. Nasa VIP kasi ang pina-reserved niyang table which is may sariling privacy ito. Nasa isang closed space ang table kaya bukod sa walang masyadong makakakita, wala ring makakarinig ng mga pag-uusap.

Hindi ko natanong kay Audrey kung matatagalan ba ako sa paghihintay sa kuya niya. Blind date na nga lang, ako pa ang nauna dito. Pero mas maganda na rin ito. May dahilan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status