SAMARA POV“Yes, deploy all assets. Kalkalin niyo ang lahat ng surveillance footage. I want every angle verified. I need a comprehensive report kung sino ang pasimuno ng kaguluhan sa kaarawan ni Ara. ‘Wag niyo itong hahayaang kumalat. Bayaran niyo rin ang press para pagtakpan ang balita,” maawtoridad na utos ni Daddy sa kausap niyang tauhan sa telepono. Kanina pa ito palakad-lakad sa living room.Si Tita Olivia naman ay minamasahe ng mga katulong habang nakaupo sa couch. Kahit hindi nito sabihin ay halata ang stress sa mukha nito. Napagdesisyunan niyang ‘wag na munang matulog dahil parang babangungutin daw siya. Ilang oras na niyang pinapakalma ang sarili.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya minarapat ko na lang na titigan ang tsaang ginawa para sa akin ni Manang Letty. Nasa dining area kami kasama si Kakai. Sinaluhan nila ako dahil bigla-bigla na lang akong natutulala. Ayaw kasing mawala sa memorya ko ng mga Veiler na ‘yon. Hindi man nila kami naabutan kaya ligtas kaming naka
SAMARA POV “Maligayang kaarawan, Samara,” nakakakilabot na saad ng isang hindi pamilyar na boses. Umalingawngaw ang tawa nito sa buong hardin.Kasunod no'n ay sinalakay kami ng mga armadong tao na nakasuot ng itim at maskara. Nagkagulo ang lahat.“AHHHH!”Kilalang-kilala ko ang paraan ng pananamit nila. Sila ang kumidnap sa akin noon. Ang mga Veiler!“Patayin ang mga Licaforte!”Matapos ng bulyaw na ‘yon ay napuno ang buong paligid ng nakakabinging putukan. Nagkanya-kanyang sigawan at takbuhan ang mga bisita. Bumakas ang tama ng mga bala sa paligid.“Call the guards!” maawtoridad na utos ni Daddy.Bumagsak ang kani-kanina lang ay nakasabit na mga chandelier. Sumabog ang mga bubog nito sa lupa.Nagkalat ang iilang duguang bisita sa paligid. Nagsimula na ring magliyab ang apoy.Dama ko ang init, ang pamamanhid.Nanginginig ang buo kong katawan at parang naestatwa na lang sa kinatatayuan.Nagbalik sa memorya ko ang naging karanasan ko sa mga Veiler no’ng ako’y musmos pa lamang.~‘Maur
SAMARA POVTodo ang kaba sa dibdib ko habang nakasakay sa karwahe. Rinig ko ang papalakas na music na handog ng kilalang orchestra na inanyayahan ni Daddy. Sumabay ito sa palakpakan ng mga bisita na sa tansya ko ay walong daan. Pawang mga bigating tao, pulitiko at may napatunayan na sa business industry ang dumalo. Mga kakilala ni Daddy. Imbitado rin ang iilan kong kaibigan sa Northford University. Kita ko ang antisipasyon sa mga mata nila nang huminto ang sinasakyan ko.“And now, let me call on the dazzling birthday celebrant of the night, Ms. Samara Licaforte. Around of applause, everyone!” anunsyo ni Luchi na siyang host ng event. Nagsilbing hudyat ‘yon ng pagbaba ko mula sa karwahe.Inalalayan ako ng isang bodyguard. Marahan kaming naglakad sa red carpet papunta sa silyang inireserba para sa akin sa stage. Sinalubong ako ng iilang paparazzi.Nilibot ko ang paningin sa buong paligid. Kumikislap ang venue na dulot ng naglalakihang chandeliers. Nakahilera rin sa mahabang mesa ang sa
THIRD PERSON POVPagkababa ng sasakyan ay nagdire-diretso si Aldric sa loob ng Black Lights. Sinalubong siya ng malakas na musika ng bar. Masayang nagsasayawan ang lahat sa gitna ng dance floor habang naglalaro ang sari-saring kulay ng ilaw. Halo-halong amoy ng alak at sigarilyo. May iilang naghahalikan sa couch.“Tequila, sir?” alok sa kanya ng seksing waitress.“No, thanks,” pagtanggi niya. Wala siyang interes na magliwaliw sa naturang lugar.Nasa grand party na sana siya ng nobya niyang si Samara. Tumawag lang talaga si Monica dahil may sasabihin itong importante.Base sa tono ng pananalita nito, mukhang may alam ang dalaga sa pagpatáy niya kay Eli. Hindi tuloy siya mapakali.Isang bartender ang lumapit sa kanya. “Sir, kayo po ba si Mr. Aldric Rodriguez?” tanong nito.Nangunot ang noo ng binata. “Ako nga, bakit?”Inabot ng bartender sa kanya ang isang key card. “Naghihintay po sa inyo si Ms. Monica Licaforte sa VIP area,” abiso nito.“Tch,” naiinis na turan ni Aldric saka kinuha
THIRD PERSON POVTapos na ang dinner sa mansyon ng mga Licaforte ngunit nanatili pa rin ang sakit sa dibdib ni Monica. Nagngingitngit siya sa galit dahil sa ginawa ni Aldric. Hindi niya lubos maisip na ang stepsister niya pa talaga ang karibal niya. Inubos na nito ang lahat ng pagmamahal na nais niya sa sarili niya.Nanginginig ang dalawa niyang kamay habang nakatukod sa lavatory ng bathroom. Mariin ang pagkakatitig niya sa repleksyon sa salamin. May halong poot ang mga luhang dumadaloy sa pisngi niya. Mabibigat ang kanyang paghinga.Ayaw na niya sa dating Monica na mahina at isinasantabi lang. Gusto niyang gumanti at ipakita sa lahat na may halaga rin siya.“AHHH!” malakas niyang sigaw sabay dampot ng katabing vase. Inihampas niya ‘yon sa salaming kaharap na agad na nawasak.Kita niya sa basag na mga piraso nito ang bago niyang itsura. Matatag at walang emosyon ang mga mata. Gamit ang duguang kamay ay dinampot niya ang nakitang gunting. Pinutol niya ang mahabang buhok na sumisimbo
THIRD PERSON POV Nag-init ang gilid ng mga mata ni Monica dahil sa nagbabadyang luha. Gayunpaman, kaswal lang kung kumilos si Aldric. Hindi niya alam kung maiinsulto ba siya o matatawa. It’s as if she’s a total stranger! Kung umakto ito ay parang wala silang mga sandaling pinagsaluhan. Magaling ngang magpanggap ang binata at magtago ng totoong nararamdaman. “Oh, so you're Monica? Ikaw pala ang nak’wento sa akin ng Ate Ara mo kanina. Nice to finally meet you,” saad ng binata at naglahad ng kamay. Nice to finally meet you? Wow! Sa isip ni Monica ay ang kapal talaga ng mukha nito. Matapos ng lahat-lahat sa kanila? Walang emosyon niyang tinitigan ang kamay nito. Tapos, dumako ang mga mata niya sa Ate Samara niya. Hindi niya masukat ang pait na nararamdaman. Sa wari niya’y wala na itong itinira sa kanya. Ito ang paboritong anak ng daddy nila. Halos lahat ng tao, isinasantabi siya para lang dito. Ngayon naman, nakuha nito ang lalaking natitipuhan niya. Ang lalaking b