แชร์

CHAPTER 173:

ผู้เขียน: Love Reinn
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-09-07 23:50:40

MARIUS POV

“Ahh,” daing ko. Binagsak ko ang sarili sa couch at minasahe ang sintido. Kay rami kong iniisip. Parang pasan ko ang mundo. Tumingala ako sa orasan na sinundan ng pagbuntong-hininga. Hindi ako mapakali kaya tumayo ako at paikot-ikot na naglakad sa loob ng opisina ni Mr. Sanchez. Pabalik-balik din ako sa salamin para malaman kung may mali sa itsura ko. Litong-lito pa rin ako.

Bakit gano'n na lang ang naging reaksyon ni Ara? Para siyang takot na takot. Masyado ba akong naging agresibo? Baka isipin niya na gano'n ako sa lahat ng babae.

“Ahh,” isang mas malakas na daing pa. Halo-halo ang nararamdaman ko na hindi ko maintindihan.

Noong wala akong nahanap na sagot ay tinanggal ko na lang ang dalawa kong sapatos. Sinuot ko ang isang pares ng tsinelas na nasa shoe rack.

Maya-maya ay tumunog ang telepono ko. Rumihestro ang pangalan ni Jack. Agad ko ‘yong sinagot.

‘Sir Marius, kamusta ang lakad mo? Nagkita na ba kayo ni Ma’am Samara? Nakwento ni Mr. Sanchez sa akin,’ pang-uusisa nito
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • Craving For Love   CHAPTER 173:

    MARIUS POV“Ahh,” daing ko. Binagsak ko ang sarili sa couch at minasahe ang sintido. Kay rami kong iniisip. Parang pasan ko ang mundo. Tumingala ako sa orasan na sinundan ng pagbuntong-hininga. Hindi ako mapakali kaya tumayo ako at paikot-ikot na naglakad sa loob ng opisina ni Mr. Sanchez. Pabalik-balik din ako sa salamin para malaman kung may mali sa itsura ko. Litong-lito pa rin ako.Bakit gano'n na lang ang naging reaksyon ni Ara? Para siyang takot na takot. Masyado ba akong naging agresibo? Baka isipin niya na gano'n ako sa lahat ng babae.“Ahh,” isang mas malakas na daing pa. Halo-halo ang nararamdaman ko na hindi ko maintindihan.Noong wala akong nahanap na sagot ay tinanggal ko na lang ang dalawa kong sapatos. Sinuot ko ang isang pares ng tsinelas na nasa shoe rack.Maya-maya ay tumunog ang telepono ko. Rumihestro ang pangalan ni Jack. Agad ko ‘yong sinagot.‘Sir Marius, kamusta ang lakad mo? Nagkita na ba kayo ni Ma’am Samara? Nakwento ni Mr. Sanchez sa akin,’ pang-uusisa nito

  • Craving For Love   CHAPTER 172: Order

    SAMARA POVHindi ko napansin na ilang minuto na pala akong nakatitig lang kay Marco. Kay gara ng suot niya, halatang branded. Hindi tulad rati na nakokontento na siya sa kupas na polo shirt. Maayos din ang postura niya. Disenteng-disente. Siguro natapos niya ang pag-aaral niya na hindi tulad ko. Mukhang maayos na rin ang buhay niya ngayon.“Pakidagdagan ang order ko ng dalawang cake,” kausap niya sa akin.Doon naputol ang iniisip ko. Alisto kong dinampot ang papel at ballpen. “Uhm, ano po ang gusto niyong flavor, sir?”Natigilan siya, mukhang napaisip, saka siya ngumiti sa ‘kin. “Ikaw, mukhang masarap…” simpatiko niyang sabi.Napaawang ang mga labi ko. Napakurap nang dalawang beses. “Ha? Ako? Masarap?” Loko ‘to, ah.Tumikhim siya nang mapagtanto na mali ang nasabi niya. “I mean, mukhang masarap kang mamili ng cake. Hindi ko naman mababasa ang menu,” kaswal niyang pagdadahilan.Lumabi ako at napatango. Oo nga pala, bulag siya.“Ah, red bean cake na lang, sir, tsaka… chestnut cake. Mag

  • Craving For Love   CHAPTER 171: Customer

    SAMARA POV“Table 10, pakilinis muna, Ara,” pakisuyo sa akin ni Manager Li. Isang babaeng nasa 40’s na may dugong Chinese.Alisto naman akong kumuha ng basahan. “Sige po.” Nagtungo ako sa Table 10 para linisin ‘yon. Sa sobrang pagmamadali ay muntik pa kaming magkabanggaan ni Kakai. May bitbit itong tray ng cupcakes. Tawa na lang ang naging reaksyon namin sa pagpapatentero namin. Una siyang umatras.“Oh, ingat. Hindi naman tatakbo ‘yang mesa,” nakabungisngis niya pa ring saad. Umiling ako at tumuloy na sa Table 10. Nilinis ko ‘yon na gaya ng iniutos sa akin.Pareho kaming nagtatrabaho ni Kakai sa Maple Café bilang all-around employee. Minsan waitress, bartender, tagabantay sa counter, dishwasher, cashier at kahit janitress. Anim lang kaming empleyado, kasali na si Manager Li. Maliit lang ang café kaya nagsasalitan lang kami.Hindi kalakihan ang sahod pero ayos na rin kasi natutustusan ko ang mga pangangailangan ni Shion. Buti na lang talaga at pumayag si Tita Olivia na magkaroon ako n

  • Craving For Love   CHAPTER 170: Pagbabalik

    MARIUS POV Isang linggo matapos ang libing ni Jill sa Jeju Island ay dumiretso na kami ni Lolly pabalik sa Pilipinas. Abala ang buong airport no'ng nakarating kami sa NAIA Terminal 1. May mga taong sinalubong ang mga kamag-anak nilang balik-bayan. May mga turistang sabik na pumasyal. May mga staff na ina-assist ang iilang kararating lang. “Good day, everyone. Please don't leave your baggage unattended. Items without an owner may be subject to security inspection. Thank you for your cooperation,” anunsyo ng airport attendant. Inayos ko ang suot na sunglasses at pumaskil ang ngiti sa labi. “It’s good to be back,” monologo ko na parang kahapon lang ang lahat. “Dada, doon daw muna ako sa mansyon ng mga Costova sabi ni Lola. Two weeks, magba-bonding kami,” pagbibida sa akin ni Lolly. Wari’y ‘di masukat ang pananabik nito. Hila-hila niya ang dalawang malalaking maleta na de gulong. Naghahanap siya ng signal. Pinagkrus ko ang braso at masusi siyang pinagmasdan. Ganap na nga siya

  • Craving For Love   CHAPTER 169: Folder

    MARIUS POVPagkarating sa Institut Curie Hospital, agad akong tumakbo papunta sa Room 302. Wala na akong pakialam kung sino man ang makabangga ko. Kailangan kong makita agad si Jill.No’ng nasa tapat na ako ng kwarto, nadatnan ko si Jack na sobrang nag-aalala habang nakaupo sa labas. Pagkapasok ko sa Room 302, pinapalibutan ng doktor at nurses si Jill na mino-monitor ang kalagayan niya. Matapos gawin ang iilang procedures ay lumabas din ang mga ito. Pinagbilin nila na hayaan ko muna si Jill na magpahinga.Sinuri ko ang kabuuan niya. Namumutla siya at puro pantal ang katawan. Mas malalaki ang mga pasang ito kaysa rati. Palatandaan na seryoso na ang paglala ng sakit niya.“Jill, ayos na ba ang pakiramdam mo? Pinag-alala mo ako,” usisang tanong ko sa kanya at kabado pa rin. Wari'y may bara sa lalamunan ko pero pilit ko ‘yong itinago sa kanya. Awang-awa ako sa itsura niya.Ngumiti siya. “Hindi na nga kita mabigyan ng anak, sakitin pa ako. I'm sorry that I failed our marriage. Hindi kita n

  • Craving For Love   CHAPTER 168: [Season 2] 8 Years Later

    MARIUS POV Paris, France 8 years later… Suot ang itim na tuxedo at puting maskara ay bumaba ako sa sasakyan sa tapat ng Hendrix Mansion—ang lugar kung saan pinapaslang ng pamilya Silvestre ang mga taong target namin. Agad akong sinalubong ng mga Veiler na humilera sa matuwid na pagkakatayo upang magbigay galang. Noong isang linggo lang natapos ang training nila sa ilalim ng pamumuno ni Jill. Ngayon ang unang araw nila sa serbisyo. "Bonjour, monsieur,” matikas na bati sa akin ng isang French na tauhan. (Translation: Hello, Sir!) Bumaling ako sa kanya. "Vous avez chopé Nicholas?" tanong ko sa maawtoridad na boses. (Translation: Nakuha niyo ba si Nicholas?) Umayos siya ng tindig. "Il est à l'intérieur, Patron. Nos hommes le tiennent,” pag-iimporma niya sa akin. (Translation: Nasa loob, Boss. Hawak ng mga tauhan natin.) Tumango ako at tinapik ang balikat niya. "Bon boulot." (Translation: Good job.) Matapos no’n ay nagdire-diretso na ako sa loob ng mansyon. Sumuno

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status