SAMARA POV“Nice to meet you, Samara. I’m Marius,” pakikipagkamay nito sa akin. Kasing lamig ng yelo ang boses niya.Napakurap ako. Marius? Akala ko ba ay ayaw niya sa pangalang ‘yan? Seryoso niya akong tinitigan. Tulad rati, hindi ko mabasa ang nasa isipan niya. Hindi niya binaba ang kamay niya hangga’t hindi ko ito hinahawakan. Bahagya kaming tumahimik. Wari'y naghihintayan. “Brat, take his hand,” pasimpleng saway sa akin ni Tita Olivia. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay napapahiya kay Mr. Sanchez.Inayos ko ang sarili ko. Nag-aalinlangan man sa simula, pero wala na rin akong nagawa. Nakipagkamay ako kay Marco at tila may kuryenteng dumaloy sa sistema ko. Aaminin ko na may epekto pa rin siya sa akin kaya ako ang unang bumitaw. Nag-iwas din ako ng tingin sa kanya.“Oh, may pag-uusapan muna kami ni Mrs. Licaforte. Ms. Samara, ipasyal mo muna ang inaanak ko para hindi siya mabagot dito. Tatawag na lang ako kapag tapos na ang meeting namin. Aasahan kita,” paalam ni Mr. Sanchez. Nagul
SAMARA POV“‘Di ko gusto. Walang dating. Panget.” Sunod-sunod na panlalait ni Monica sa speeches na pinagpuyatan ko. Ni hindi man lang siya nag-abalang basahin. Diniretso niya lang lahat sa trash bin. Hingal na hingal pa ako sa pagtakbo dahil inapura niya akong ihatid ang ginawa kong speeches. Tapos ang ending, mauuwi lang pala sa wala.Napasilip sa amin ang mga empleyadong nasa labas ng opisina. Sinadya talaga ni Monica na iwang bukas ang pinto para makita ng ibang tao ang pang-iinis niya sa akin. Panay pa ang ngiti nito nang nakakaloko.Hindi ko maintindihan kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob na gumawa pa ng eksena. Palpak ang special projects niya lately. Nangangapa ito kapag hinayaan. Sinisisi niya pa sa iba ang mga pagkakamali niya. Halos wala ng tiwala ang lahat sa kanya pero tahimik lang ang iba dahil ayaw masisante. Ako na nga itong gumagawa ng paraan para makabawi ang kompanya tapos inuuna pa niya ang tantrums niya.“Monica, ilang linggo na lang ay gaganapin na ang 3-
SAMARA POV “What? Nagkita ulit kayo ni Marco? Girl!” hindi makapaniwalang pagpapaulit ni Candice. Bakas sa tono ng pananalita nito ang pananabik. Tinutulungan niya akong magdilig ng halaman sa hardin. Humugot ako ng malalim na paghinga saka ako problemadong bumaling sa kanya. Mas lamang ang pag-aalala ko kaysa kilig sa pagbabalik ni Marco. “Oo nga, for the 100th time. Nagkita ulit kami. Ang gara ng postura niya. Parang kung sinong executive na sanay na mag-utos sa maraming tauhan. Ang layo sa gusgusin kong itsura. Kaya ayon, naalog ang utak ko. Lumiban ako sa Maple Café. Pangalawang araw na ngayon. Buti na lang at pumayag si Manager Li na magsinungaling na nag-resign na ako para hindi na bumalik si Marco. Hangga’t maaari ay iiwasan ko siya,” mariin kong pagdedeklara na tinugunan ng pagkunot ng noo ni Candice. Mayamaya ay natawa siya. “Ha? Anong iiwasan mo siya? Ara, si Marco lang ‘yon. Hindi naman siya serial killer,” umiiling niyang komento. Itinuon niya ang atensyon sa namumukadka
MARIUS POV“Ahh,” daing ko. Binagsak ko ang sarili sa couch at minasahe ang sintido. Kay rami kong iniisip. Parang pasan ko ang mundo. Tumingala ako sa orasan na sinundan ng pagbuntong-hininga. Hindi ako mapakali kaya tumayo ako at paikot-ikot na naglakad sa loob ng opisina ni Mr. Sanchez. Pabalik-balik din ako sa salamin para malaman kung may mali sa itsura ko. Litong-lito pa rin ako.Bakit gano'n na lang ang naging reaksyon ni Ara? Para siyang takot na takot. Masyado ba akong naging agresibo? Baka isipin niya na gano'n ako sa lahat ng babae.“Ahh,” isang mas malakas na daing pa. Halo-halo ang nararamdaman ko na hindi ko maintindihan.Noong wala akong nahanap na sagot ay tinanggal ko na lang ang dalawa kong sapatos. Sinuot ko ang isang pares ng tsinelas na nasa shoe rack.Maya-maya ay tumunog ang telepono ko. Rumihestro ang pangalan ni Jack. Agad ko ‘yong sinagot.‘Sir Marius, kamusta ang lakad mo? Nagkita na ba kayo ni Ma’am Samara? Nakwento ni Mr. Sanchez sa akin,’ pang-uusisa nito
SAMARA POVHindi ko napansin na ilang minuto na pala akong nakatitig lang kay Marco. Kay gara ng suot niya, halatang branded. Hindi tulad rati na nakokontento na siya sa kupas na polo shirt. Maayos din ang postura niya. Disenteng-disente. Siguro natapos niya ang pag-aaral niya na hindi tulad ko. Mukhang maayos na rin ang buhay niya ngayon.“Pakidagdagan ang order ko ng dalawang cake,” kausap niya sa akin.Doon naputol ang iniisip ko. Alisto kong dinampot ang papel at ballpen. “Uhm, ano po ang gusto niyong flavor, sir?”Natigilan siya, mukhang napaisip, saka siya ngumiti sa ‘kin. “Ikaw, mukhang masarap…” simpatiko niyang sabi.Napaawang ang mga labi ko. Napakurap nang dalawang beses. “Ha? Ako? Masarap?” Loko ‘to, ah.Tumikhim siya nang mapagtanto na mali ang nasabi niya. “I mean, mukhang masarap kang mamili ng cake. Hindi ko naman mababasa ang menu,” kaswal niyang pagdadahilan.Lumabi ako at napatango. Oo nga pala, bulag siya.“Ah, red bean cake na lang, sir, tsaka… chestnut cake. Mag
SAMARA POV“Table 10, pakilinis muna, Ara,” pakisuyo sa akin ni Manager Li. Isang babaeng nasa 40’s na may dugong Chinese.Alisto naman akong kumuha ng basahan. “Sige po.” Nagtungo ako sa Table 10 para linisin ‘yon. Sa sobrang pagmamadali ay muntik pa kaming magkabanggaan ni Kakai. May bitbit itong tray ng cupcakes. Tawa na lang ang naging reaksyon namin sa pagpapatentero namin. Una siyang umatras.“Oh, ingat. Hindi naman tatakbo ‘yang mesa,” nakabungisngis niya pa ring saad. Umiling ako at tumuloy na sa Table 10. Nilinis ko ‘yon na gaya ng iniutos sa akin.Pareho kaming nagtatrabaho ni Kakai sa Maple Café bilang all-around employee. Minsan waitress, bartender, tagabantay sa counter, dishwasher, cashier at kahit janitress. Anim lang kaming empleyado, kasali na si Manager Li. Maliit lang ang café kaya nagsasalitan lang kami.Hindi kalakihan ang sahod pero ayos na rin kasi natutustusan ko ang mga pangangailangan ni Shion. Buti na lang talaga at pumayag si Tita Olivia na magkaroon ako n