Share

Capitulo Seis

Author: Deandra
last update Last Updated: 2024-04-20 20:29:08

Sinibukan igalaw ni Tati ang kamay niya pero napangiwi siya sa sakit. Kahit ang mga binti niya ay ‘di niya rin magalaw. Para siyang binugbog ng bente ka tao dahil sa sakit ng katawan niya. Pinakiramdaman niya muna ang paligid niya, nang mapansing tahimik ay saka niya iminulat ang nata.

She swallowed hard as her throat went dry.

Hindi niya maigalaw ang leeg niya, gustuhin man niyang ilibot ang tingin sa buong silid ay ‘di niya magawa. Napansin niyang maraming nakakabit na aparato sa kanya. Napakurap siya at pilit inaalala ang mga nangyari pero kahit anong pilit niya ay walang pumapasok sa isipan niya.

“Athalia.”

She heard a familiar voice.

Malikot ang mga mata niya, hinahanap kung saan nagmula ang boses na iyon. Isang pamilyar na pigura ang nasa harapan niya. Isang mukhang hindi niya inaasahang makikita niya.

Yumuko ito at marahang tinanggal ang oxygen mask na nakatakip sa bibig at ilong niya.

Kunot ang noo nito, hindi mawari ni Tati kung nag-aalala ba ito sa kanya o galit.

“Tubig,” halos pabulong na usal ni Tati, ngunit hindi dapat iyon ang babanggitin niya.

Pero parang may pumipigil sa kanya na banggitin ang ngalan na iyon.

Mabilis ang mga sumunod na mga pangyayari, dumating ang nurse at doctor para icheck si Tati. Chineck ang kanyang vitals stats.

“Mrs. Yapchengco,” usal ng doctor.

Kumunot ang noo ni Tati, “S-sino po ang tinutukoy niyo?”

Napatingin si Tati kay Raphael na nasa gilid, nakatitig sa bawat kilos nita kaya naiilang si Tati.

Kumunot ang noo ng doctor at napailing, “Do you know your name, Hija?"

Tumango si Tati.

"You don’t remember anything why you are here, Hija? Hindi mo ba naaalala bakit ka naaksidente?”

Lumabi si Tati. Nanginginig ang labi niya sa kaba, “Wala akong maalala, Doc.”

Pumikit si Tati, pilit na inaalala ang mga bagay-bagay pero kahit anong gawin niya ay wala talaga siyang maalala. Hindi niya nga maalala kung ano ang huling ginawa niya.

“I really can’t remember anything,” itinakip niya ang palad sa mukha niya. “No matter how much I tried to recall things. Wala akong maalala! All I know is I am Athalia a college student..."

Nag-uunahan tumulo ang luha ni Tati, halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Gusto na lang niyang matulog ulit, para makalimutan ang lahat-lahat

“Huwag mong pilitin ang sarili mo, Hija. Malakas ang impact ng pagkakasalpok mo sa truck. We will have further tests to make sure everything is alright. Maswerte na nga lang ay nagising ka pa, you were comatose for two weeks.”

Napaawang ang bibig niya sa gulat, “Ganoon ka tagal?”

Tumango ang doctor.

“Doc,” usal niya saka tumingin kay Raphael. “Did Raphael save me? Why is he here?” sumulyap siya sa lalaki.

Kilala niya si Raphael, naging kaibigan niya ito noong freshmen orientation sa college. Hindi sila gaanong close, civil lang sila sa isa't-isa kaya nga nagtataka siya kung bakit ito nandito. Saka napansin niyang medyo umedad ito ng kaunti pero hindi maipagkakailang gwapo pa rin ito at matipuno.

“Oh,” bumaling ang doctor kay Raphael. “Hijo, ikaw na ang bahalang mag-explain sa relasyon niyong dalawa.”

Raphael moved closer, and he sighed.

“Ako ang asawa mo, Athalia. You are Mrs. Yapchengco,” sambit nito saka tumitig ulit sa mukha niya. Sinusuri ang bawat sulok ng mukha niya.

Kumurap si Tati, “Kinasal tayo? M-mag-asawa tayo?”

Hindi sumagot sa Raphael, instead kinausap nito ang doctor. They were discussing things, hindi marinig ni Tati kung ano ang pinag-uusapan nila.

Hindi niya mawari kung ano ang emosyon na nararamdaman ni Raphael. Malamig ang mga titig nito sa kanya.Bumalik ang doktor sa kanya at bumuntong hininga, “Mrs. Yapchengco, you have to stay here in the hospital for a few more days. I have already discussed things with your husband.”

Maraming bagay ang gumugulo sa isipan niya, hanggang sa nakatulog si Tati. Kinabukasan nang magising siya ay ang unang bumungad sa kanya ay si Raphael. Hindi siya nito kinakausap pero inaasikaso siya nito.

Raphael made sure she was alright, matapos siya nitong asikasuhin ay naupo ito sa sofa at kaharap ang laptop nito. May suot na naman itong salamin, tutok na tutok sa laptop nito.

Hindi maiwasang humanga ni Tati, gwapo, matalino pero medyo loko-loko si Raphael. Hindi siya makapaniwalang asawa niya ito.

“Why are you staring?” malamig na wika nito, habang ang mga mata ay nanatili sa kanyang laptop.

Napanguso si Tati saka nag-iwas ng tingin, “Wala. Bawal bang tumitig?!” mataray na sambit niya saka kunwaring tinitignan ang palibot ng silid.

“You’ve been staring at me for ten minutes, straight. Kung may gusto ka, sabihin mo. Hindi ako manghuhula,” wika pa nito.

“Sungit!” asik ni Tati habang nakanguso.

“Naririnig kita.”

Umirap si Tati, “Alam ko. Pinaparinggan kita.”

Inangat ni Raphael ang tingin, nakatitig ito kay Tati ngayon. Tumayo ito saka naglakad papalapit kay Tati, at sa bawat hakbang ni Raphael ay kumakabog ang dibdib ni Tati. Napaawang ang bibig niya, parang modelo si Raphael. Nakasuot ito ng dress shirt at slacks. Kung ibang tao magsusuot noon, pangit tignan. Pero dahil si Raphael ay may suot, mukha itong modelo.

Dahil na rin siguro sa dugong Chinese, British, and Filipino nito. Maputi, may kasingkitang mga mata, at ang kulay abo nitong mga mata. Para itong fictional character na lumabas mismo sa libro.

Bahagyang yumuko si Raphael, magkalevel ang mukha nilang dalawa, may kaunting espasyo sa pagitan ng mga mukha nila.

Kumurap si Tati sa kaba, “Bakit?” aniya nito sa mahinga boses, tila nauubusan siya ng hininga.

Sinuri pa ni Raphael ang ekpresyon ni Tati, bumuntong hininga ito at bahagyang lumayo.

“May gusto ka bang kainin?” he asked, this time, his voice was a little softer.

Napalunok si Tati sa kaba, “I-I want seafood pasta.”

Nag-iwas siya ng tingin, hindi niya makayanan makipagtitigan sa asawa. Pakiramdam niya ay mauubusan siya ng hininga kapag mas matagal pa silang magkatitigan.

“You're allergic to shrimp. Hindi ka pwedeng kumain ng ganoon. Why would you want that?!” hindi mapigilang magtaas ng boses ni Raphael.

Napaigtad si Tati sa takot, “Oo. P-pero iyon ang gusto ko—”

“Do you want to die?!” asik pa ni Raphael. “You know that it is not good for you. Tas iyon ang gusto mo.”

Kumunot ang noo ni Tati, “Tinanong mo kung ano ang gusto ko. Sinagot ko lang!”

Napabuga ng hangin si Raphael sa inis, “Ako ang pipili ng kakainin mo. Itatanong ko muna sa doctor ang pwede at hindi. We will discuss things, kapag nakalabas ka na rito. For now, magpagaling ka muna.”

“O-okay,” sagot niya saka nag-iwas ng tingin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit   Wakas

    Inilapag ni Tati ang bulaklak sa tabi ng puntod, saka siya naupo sa malamig na sahig. “Anak…” agad na gumaralgal ang boses ni Tati. “Miss na miss ka na ni mama. Sana masaya ka kung nasaan ka man ngayon, anak. Mahal na mahal kita, sana hindi mo pagdudahan iyon.” Pakiramdam ni Tati ay maiiyak siya anumang saglit. Sa dami ng pinagdaan niya sa buhay ay ang pinaka tumatak sa puso niya ang pagkawala ng anak niya. “Are you crying, baby?” nag-aalalang tanong ni Raphael sa tabi niya. Umiling si Tati, “Wala. Naisip ko lang – paano kung nabuhay ang unang anak natin? Siguro mas masaya tayo. At matutuwa ang mga bata na makilala at makasama ang kuya nila.” “Love, masaya sana kung gano’n. But we don’t have a choice but to accept everything. Mahal na mahal pa rin naman natin si Boo kahit pa hindi natin siya nakasama. Boo will always be in our hearts. Isipin na lang natin na masaya siya kasama si Angkong. I am sure Angkong is taking care of our Boo.”“I know – hindi ko lang talaga maiwasang isipin

  • Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit   Capitulo Tresientos Y Uno

    “Be ready…”Nagpanting ang tenga ni Raphael nang marinig ang boses sa earpiece. Mabilis ang tibok ng puso niya, pero hindi niya ipinahalata. Tumalon ang panga niya, at bahagyang tumango nang hindi halata, hudyat na nakuha niya ang mensahe.Si Tati naman ay kahit nanginginig ang buong katawan—matapang ang tingin. Nakatayo siya sa harap nina Kristine at Clarisse kahit ramdam ang pamamanhid ng tuhod niya. Sa likod nila, halatang hindi mapakali ang lalaking lider ng sindikato na may hawak na baril.“Alam mo… ikaw talaga ang problema,” biglang sabi ni Clarisse, puno ng poot ang mga mata. “Kung hindi ka sumulpot sa buhay ni Raphael noon, hindi sana nangyaring lahat ng ’to! Hindi sana kami nagkahiwalay! Hindi sana nawala ang… anak namin!”Mariin ang boses niya, halos parang baliw ang tawa pagkatapos.Napatingin si Raphael, malamig ang tingin. “Hindi ko anak ’yon, Clarisse. Kahit ilang beses mo pang pilitin, kahit ilang DNA test pa—hindi ko anak ’yong sinasabi mo. At wala tayong relasyon, asa

  • Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit   Capitulo Tresientos

    Nasa loob ng kotse sina Raphael at Tati, tahimik ang paligid pero mabigat ang hangin. Nasa likuran nila ang isang itim na bag, puno ng salaping katumbas ng isang bilyon. Isang maling galaw lang, pwedeng magbago ang lahat. Kaya ingat na ingat silang pareho – hindi lang buhay nila ang nakasalalay rito pati buhay rin ng mga anak nila.Hawak ni Raphael ang manibela nang mahigpit, pero halatang nanginginig ang kamay niya. Si Tati naman ay tahimik lang, nakapikit, paulit-ulit na inuusal ang pangalan ng mga anak nila sa isip.“Tati…” bulong ni Raphael, bahagyang lumingon sa kanya. “Kaya natin ’to. Kahit anong mangyari… kukunin natin sila.”Nagpilit siyang ngumiti, kahit gusto na niyang maiyak. “Raphael… natatakot ako. Pero hindi ako hihinto. Hindi ako susuko hangga’t hindi ko nahahawakan ang mga anak natin.”Inabot ni Raphael ang kamay niya, hinawakan nang mahigpit. “Magiging okay sila. Kukunin natin sila. At pagkatapos nito… hindi ko na hahayaang may manakit pa sa pamilya natin.”Tumango si

  • Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit   Capitulo Dos Cientos Y Nueve

    Hindi pa man humuhupa ang bigat ng mga sinabi ni Kristal ay bigla na lang nag-vibrate ang cellphone ni Archer sa mesa. Sunod ay ang kay Austin. Pati ang kay Raphael.Isa-isa silang napatingin sa mga screen, nagtatakang pareho kung bakit sabay-sabay silang nakatanggap ng mga mensahe.“Hala… may pumasok na email,” sabi ni Archer, kunot-noo.Napahigpit ang yakap ni Raphael kay Athalia nang makita niyang pareho ring nag-notify ang phone nila ng parehong sender—unknown, walang pangalan, walang subject.Si Austin ang unang nagbukas, at ang sumunod na nangyari ay parang pagpapabagal ng mundo."Guys…" mahina niyang sabi, nanlalaki ang mga mata. “Ito… kailangan n’yong makita.”Lumapit sila. Halos sabay-sabay, binuksan nila ang email. At sabay-sabay ding napahinto ang paghinga nila. Nandoon—isang larawan na halos magpatigil sa tibok ng puso nila.Ang tatlong bata.Nakagapos ang mga kamay sa likod, magkadikit na nakaupo sa malamig na sahig. Parehong namumugto ang mga mata, umiiyak nang walang tu

  • Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit   Capitulo Dos Cientos Y Ocho

    Nagpalitan ng tensyonadong tingin sina Archer at Austin nang tumigil si Athalia sa pag-iyak, bahagyang nag-angat ng ulo, habang si Raphael ay patuloy siyang hawak, parang natatakot na bumigay siya anumang oras.Biglang humakbang si Kristal palapit, nanginginig ang mga daliri habang hawak ang strap ng bag niya. Kita sa mukha niya ang kaba, at may halong hiya.“May aaminin ako…” mahina niyang sabi.Sabay-sabay silang napatingin sa kanya.Humigpit ang hawak ni Raphael sa balikat ni Athalia. “Ano ’yon?”Huminga nang malalim si Kristal, parang pinipilit lakasan ang loob bago magsalita.“Si… si Kristine. Kapatid ko.” Kinuyom niya ang mga kamao niya. “May posibilidad… na nakipagsabwatan siya sa grupo ni Clarisse.”Napataas ang boses ni Raphael, hindi makapaniwala. “Anong sinasabi mo? Nakakulong si Clarisse!”Saglit na napatingin si Austin sa sahig, bago sumagot, diretso at mabigat.“Hindi na,” sabi niya. “Nakatakas siya kagabi. At kasama niyang tumakas ang kinakasama niyang lider ng sindikat

  • Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit   Capitulo Dos Cientos Y siete

    Pagmulat ng mga mata ni Athalia, para siyang iminerteng muli sa pinakamalupit na bangungot ng buhay niya. Mabilis niyang iniangat ang sarili mula sa kama, habol ang hininga, at halos mahulog sa gilid habang buong lakas na sumisigaw.“Nasaan—nasaan ang mga anak ko?!” nanginginig ang boses niya, agad na nagpanic ang buong katawan.Hinila niya ang kumot, tinanggal ang mga nakatusok na tubo, at tumakbo papunta sa pinto ng silid. Nanginginig ang mga kamay niya habang hawak ang doorknob, paulit-ulit na inuusal ang pangalan ng mga anak nila. Napaatras siya at wala sa sariling nakatayo malapit sa may pintuan–parang kaunti na lang at bibigay na ang buong katawan niya.“Nasaan sila?! Ibalik niyo sa ’kin ang mga anak ko!”Halos sumabog na ang dibdib niya sa sobrang takot. Hindi niya napansin ang pagbukas ng pinto—hanggang bigla na lang siyang nahila sa mahina ngunit mahigpit na yakap.“Athalia…” mahina at paos ang boses na iyon—si Raphael.Balot pa rin ito ng benda sa noo, at kita pa rin ang mga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status