Share

Kabanata 4

Manggagamit

Natigilan siya sa paglalakad at napatitig sa gawi ko. Natauhan lang siya no'ng bigla siyang tinulak ni Travis para magpatuloy na sa paglakad. Ngumiti naman siya sa akin bago siya lumakad papalapit sa lamesa kaya napangiti narin ako.

"Tingnan mo nga 'yong attitude ni Travis! Tinulak pa naman si Stell... ma-attitude talaga," bulong ni Sieme sa akin habang nakatitig kay Travis. Napatingin lang din ako kay Travis na walang expression ang mukha at kasing lamig ng yelo kung tumingin. Napanguso lang ako at ibinalik ang tingin sa kanilang lahat.

Nagsimula ang signing. Kanina nagkanta lang sila nang limang kanta pero recorded na ang tono nito. May naglalabas ng cellphone para video-han sila at isa na roon si Sieme. Ako hindi nalang ako naglabas dahil baka manliit ang cellphone ko sa mga cellphone nila.

Sa kalagitnaan ng signing nila, binibigyan naman kami ng mga staff ng meryenda. Nagpa-sandwich sila at maypa-juice. Malapit narin matapos ang signing at hindi na gaano ang nagpapa-picture sa kanila. Kanina hinila pa ako ni Sieme para lang gawin akong photographer niya. Binola lang ako na magaling daw ako mag-take ng pictures kaya ayon, pumayag naman ako.

"In fairness, iba talaga pag vip." Bulong sa akin ni Sieme habang tinitingnan ang mga staff na nag-di-distribute ng mga snacks. Papalapit ng papalapit sa gawi namin ang snacks kaya na-e-excite si Sieme habang tinitingnan ang mga pagkain.

"Tigilan mo nga 'yan! Nakakahiya kana." Sita ko sa kanya.

"Nahiya naman ako sa sunglasses na suot mo." Aniya habang nakatingin parin sa mga staff na namimigay ng snacks.

Napairap ako at iritadong tinanggal ang sunglasses na suot ko. Iniwan ko nalang ang cap at inayos ito sa ulo ko.

"Snacks po ma'am," alok no'ng babaeng staff.

Mahinang humalakhak si Sieme at kumuha ng dalawang sandwich pati juice. Napatingin sa kanya ang babae kaya itinaas ni Sieme ang sandwich.

"Dalawa na kami rito. Anong akala mo? Mali ang trato mo sa amin ah?" Mataray na aniya.

Hinawakan ko ang balikat niya at tumingin sa babae na nakatingin din pala sa akin. Ngumiti ako sa kanya at ibinalik ang paningin kay Sieme. 

"Gagi ka talaga! Tumigil ka nga," sita ko kay Sieme at nginitian ko ang babaeng staff.

Magsasalita pa sana 'yong babae kaya lang napatigil ito no'ng may nagsalita sa likuran niya.

"What's happening here?" Tanong ni Stell at tiningnan ang gawi ko.

Nakita kong nanginig 'yong staff kaya dali-dali akong tumayo at hinawakan ang tray na dala niya para hindi matapon ang laman.

"Okay lang po kami rito. Salamat po kuya..." Sagot ko.

Tinanguan ni Stell ang babae kaya dali-dali itong umalis sa harapan namin. Bumalik ako sa pagkakaupo at nakita ko pang natigilan si Sieme sa pagsubo sa sandwich niya. Siniko ko siya kaya nagpatuloy siya sa pag-nguya.

"Can I talk to you privately, Miss Salvador?" Tanong ni Stell na nagpatigil sa akin. Nasamid si Sieme kaya tinusok ko ng straw ang juice niya.

"Miss Salvador?" Tawag ulit ni Stell sa akin.

Napatingin ako sa kanya. "Y-Yes po?" Nauutal kong ani.

"Can I talk to you privately?" Tanong niya ulit.

Wala sa sariling napatango ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa mga mata niya. Klarong-klaro ko na ang mga mata niyang kulay kape na nakaka-hipnotismo. Ang kilay niyang pantay ang pagkaka-trim na kahit ako na-i-insecure sa kilay ko. Ang panga niya... My, he's indeed a goddess.

"Can I, Aishia?" Natauhan ako sa sinabi niya.

D-D-Did he just call me by my name?

"Y-You called m-me?" Nauutal na ani ko.

Tumango siya na parang casual lang sa kaniya na tawagin ako sa pangalan ko. "Yeah... What's wrong? That's your name right?" Tanong niya na ikinatango ko.

"H-How did you know?" Abot langit ang kaba ko sa pagtanong.

Ininguso niya ang likuran ko. "Naka-indicate sa upuan mo." Sabi niya. Napatingin ako sa likuran ko at tiningnan ang sandalan ng inuupuan ko.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at pinisil ko ang aking hintuturong daliri. 

You brat! Ang assuming mo!

Lakas-loob kong sinalubong ang paningin niya. Tiningnan ko pa si Sieme na dali-daling tumalikod at humagikhik. Mas lalo akong namula at nanginig sa kahihiyan.

"Bakit po?" Buong tapang kong ani.

"Don't worry. Just 5 minutes..." Sagot ni Stell.

"Babalik na ako sa dressing room namin at may ibibilin akong staff para makapasok ka roon. Pag-alis ko, magstay ka muna nang ilang minuto para hindi ka pagdudahan." Paliwanag niya na ikinatango ko. Tumango naman siya at nagpaalam sa amin na pupunta na siya.

Nakahinga ako nang maluwag at napasandal sa inuupuan ko. Nahinto narin sa pagtawa si Sieme at kinalabit pa ako kaya napatingin ako sa kanya. Magsasalita na sana siya kaya lang may biglang lumapit sa amin na staff kaya natuon ang paningin namin sa kanya.

"Ikaw po ba si Miss Aishia Salvador?" Tanong niya na ikinatango ko.

"Sumunod po kayo sa akin." Aniya at nagsimula nang maglakad palayo sa amin.

Nagkatinginan kami ni Sieme. Tumingin siya sa akin ng makahulugan at ininguso ang pinuntahan ni Stell.

"Narinig ko kanina... Sabi mag-antay ng ilang minuto, bakit pinapasundo kaagad? Bobo ba sa math itong si Stell? Medj nakaka-dissapoint ha?" Sabi niya.

Hindi ko na siya sinagot at sumunod na sa staff na pumunta sa amin kanina. Sabay kaming pumasok sa pintuan at pagpasok ko, nakita ko si Stell na nakaupo sa swivel chair habang may bitbit na pagkain.

Napansin niya kami kaya tinanguan niya 'yong staff at umalis naman kaagad ito. Ngumiti sa akin si Stell kaya napangiti rin ako. Pinapunta niya ako sa gawi niya at pinaupo sa pang-isahang sofa. 

"Hindi na ako magsasayang ng oras dahil 5 minutes lang ang hiningi ko sa 'yo." Kaagad na sabi niya.

Napakurap ako at tumango. "I have a favor... I know, hindi pa ako nakakabawi sa nangyari this past few days pero pwede makahingi ng pabor?" Tanong niya.

Tumango ako. "Ano po 'yon?"

"I just want to ask if, kumain ka na? You look pale..." saad niya na ikinatanga ko.

What? Ano raw?

'Yan ang tanong niya?

"P-Pardon?" Nautal ako.

Ngumiti siya at biglang itinaas ang kamay at pinisil ang mukha ko. "You looked cute if you blushed." aniya.

Mas lalong uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. "Wow... Are you Lotte perhaps?" 

"Sino po si Lotte?" Tanong ko.

Umiling naman siya at itinulak sa akin ang isang box na may logo ng jollibee. Tiningnan ko 'yon bago inangat ang paningin sa kanya.

"Para saan po 'yan?" Magalang na tanong ko.

"Stop addressing me 'po', I'm not that old..." Aniya sa mahinang boses habang nakatingin sa akin.

Awkward kong iniwas ang mga paningin ko sa kanya at umayos ng upo bago tumikhim.

"Ano pong favor niyo?" Tanong ko. 

"I said stop addressing me like that... I'm not your sugar daddy," sabi niya sa baritonong boses.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Tumikhim ulit ako at buong tapang hinarap ang mga malalalim niyang titig.

"Ano bang favor ang ipapagawa mo sa akin? Lampas na tayo sa five minutes." Dire-diretsong sabi ko. Hindi ko na siya ginalang gaya ng hiling niya.

"I think mali ang desisyon ko. Hindi ko na dapat hiniling na makausap ka." Mahinahong sabi niya.

Ngumiwi ako at walang nararamdaman kun'di disappointment. 

"Minamanipola mo ba ako? Hindi 'yan nakakatuwa." Seryosong saad ko.

Wala ba siyang sasabihin na matino? Kung pinapunta niya lang ako para tanungin kung kumain naba ako, aba'y wala na siyang pakealam do'n. Kahit parte siya ng banda na idol ni Sieme, lalaki parin siya at may libog na nararamdaman. Baka ano pa ang gagawin sa akin nito.  

"Oh. I'm not that bad. Jusko. Hindi ako rapist!" Exaggerated na aniya.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko para pigilan ang pagtawa sa sinabi niya. Hindi ko alam pero I find him cute when he used 'jusko' as an expression.

Hindi ko na talaga napigilan ang tawa ko kaya ngumuso siya.

"Huwag ka ngang tumawa. Pasalamat ka..." bulong niya.

Tumaas ang isang kilay ko at hindi ko na mapigilan ang ngiti ko.

"Pasalamat na ano?" Tanong ko.

Napatingin siya sa binigay sa akin kanina na pagkain pagkatapos ay bigla nalang niya itong kinuha. Sumubo siya nang fries habang naglalaro ang pilyong ngiti sa labi.

Natahimik ako. Tiningnan ko ang pag-nguya niya. Gumagalaw ang panga niya na nagpapadepina kung ga'no ito ka pointed. Masusulyapan mo 'yong mga ngipin niyang puti, habang kumakain siya. He licked his lips...shit lalong pumula ang kanyang labi sa ginawa niya.

"Are you done, Miss Salvador?" 

Natauhan ako at napakurap. Kinagat ko ang likuran ng pang-ibabang labi ko para pakalmahin ang sarili ko sa hiya.

"Gutom ka ba? Sa tingin mo sakin kanina, para muna akong kikilawin ng walang suka." Aniya na nagpa-init pa lalo sa pisngi ko.

Itinulak niya ang kinuha niya kaninang pagkain. Ngumiti siya sa akin.

"Kain ka na habang ini-explain ko sa 'yo kung bakit gusto ko ang kaibigan mo," sabi niya.

Wala akong nagawa kundi ang umayos ng upo at kumuha ng burger na inaalok niya. Wala naman siguro itong lason dahil kumain naman siya kanina sa fries. Kung may lason 'to, o edi wala siyang reto... Wala siyang lovelife.

"Wait, dahan-dahan lang, baka mabilaukan ka. Ma-issue pa tayo," biglang sabi niya no'ng susubo na sana ako sa burger.

Tinikom ko 'yong bibig ko at ngumingiwing binalik ang burger sa lalagyan. Nakakainis! Kung ayaw niyang magpakain, edi huwag! Ano bang tingin niya sa burger na dala niya? Gold?

"Hindi pa nga ako nakakagat, sinita mo na. Anong akala mo sa akin? Patay gutom?" Sarkastikong sabi ko sa kanya.

Ngumuso siya at ngumiti. Inayos naman niya ang kaniyang buhok ma tumatabon sa mata niya. 

"Joke lang, hindi ka naman mabiro. Ang seryoso mo sa buhay!" Pabirong aniya.

Ngumiti ako ng hilaw at kinuha ulit ang burger na nilapag ko kanina. "Happy ka? Happy?" 

Umiling siya at ininguso ang burger na hawak ko. Napatingin ako roon at kumagat na bago pa niya ako ma-badtrip. Totoo talaga 'yong sinabi nila na hindi lahat ng attitude na pinapakita ng mga artista sa camera ay totoo. 'Yong iba, nagbabalat-kayo lang para sabihin na awesome sila tingnan gayon ang totoo, dugyot naman.

"As I was saying, gusto ko ang kaibigan mo. Hindi ko alam kung paano o bakit... basta ang alam ko, may gusto ako sa kanya." Biglang sabi niya.

Tumango naman ako at pinahiran ng tissue ang bibig ko. "Oh tapos?" Tanong ko at tinanggal ang wrapper ng burger. "Baka libog lang 'yan ah? O 'di kaya, need mo lang ng cover-up dahil baka nasangkot ka na sa anumang gulo." Mahinahong sabi ko.

No'ng hindi siya nagsalita, kinuha ko na 'yong pagkakataon para dugtungan 'yong sinabi ko. 

"Ipapaalala ko lang sa 'yo Stell. Nasa media ka. Kung ano mang kabulastugan ang papasukin mo, sana alam mo 'yong consequences na maaaring madamay rito ang kaibigan ko. At kung mangyayari 'yon, sisiguraduhin kong nalagutan ka na nang hininga bago ka pa nakapunta sa linya." Seryosong ani ko.

Tumikhim siya. "Hindi ko naman ipapahamak ang kaibigan mo. I promise to use all my damn connections para lamang maprotektahan ang taong gusto ko." Seryosong aniya at walang kurap na tumitig sa akin. 

"You better keep your promises, or else, ililibing kita ng buhay." seryosong saad ko rin.

Tumango siya at sumaludo pa. "Yes master!" 

"So ano na?" Tanong niya.

"Sobrang atat mo? Excited ka masyado." Ani ko.

Tumango siya at sumilay ang ngiti sa labi. "Ah! I know! I promise not to hurt her. I promise to take care of her. Ano paba ang gusto mo? Pati ikaw alagaan ko?" Biro niya.

"Okay. I will tell her na may crush ka sa kanya. Na ang bakla mo kasi 'di ka marunong mangligaw. Ginamit mo pa ako sa sarili mong interes, manggagamit." Sabi ko na ikinatahimik niya.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
ariesa.e
hanger literal. awit
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status