Share

IKALIMA

Weeks had passed. Unti-unting naiintindihan ni Tiana ang sitwasyon ngunit parami rin ng parami ang mga katanungan sa kanyang isip. Nagising siya dahil sa malakas na sampal na kanyang natamo.

“Bangon! Hindi uso rito ang gising mayaman!” sigaw sa kanya ni Kara.

Bumangon naman siya alinsunod sa sinabi nito. Hindi niya maintindihan ang ugali ng babae. Akala niya’y napakabait nito dahil sa mala-anghel nyang ganda. Ngunit ang ugali nya ay katulad ng isang ahas.

“Maglinis ka ha? Mula kusina hanggang dito sa taas. Naiintindihan mo?” wika nito. Ang tono ng kanyang boses ay galit ngunit hindi ito mahahalata sa kanyang mga mata at ekspresyon. Ang nakikita ni Tiana sa kanyang mukha ay pag-aalala at takot ngunit kabaligtaran naman ito sa kanyang mga sinasabi. Tumango na lamang siya bilang sagot.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Maximus na animo’y bagong gising pa lamang. Bakas din sa mukha nito ang pag-aalala ngunit pilit niya itong tinatago.

“Oh honey, you’re here!” Hinalikan naman ni Kara ang labi ni Maximus sa harap ni Tiana bago muling nagsalita, “Should we eat breakfast? Nagluto ako,” nakangiting sabi nito.

Bago pa lumabas ay mayroong sinabi ang babae kay Tiana ngunit hindi niya ito marinig. Sumulyap muna siya sa ilalim ng kama ni Tiana bago lumabas ng kwarto. Ganoon din ang ginawa ni Maximus.

Kumukulo man ang kanyang dugo dahil sa asal na ipinakita ni Kara, dala ng kuryosidad, hindi niya napigil na mapatingin sa ilalim ng kanyang kama upang malaman ang naroroon.

Isang sulat. Isang sulat ang idinikit ng kung sino ang kanyang masilayan. Kinuha niya ito upang basahin.

I’m so sorry, Tiana but I had–we both had to act like this towards you. If you look around your room, mapapansin mong mayroong wiredtapped na naka-install dito. Hindi lang sa kwarto mo ngunit sa buong bahay. This is not safe. Someone is spying on us. Someone is listening in on our conversation. If you read this, go to the basement of the house, ASAP.

Biglang sumakit ang ulo ni Tiana matapos niyang mabasa ang sulat. Nanlalabo ang kanyang paningin at mayroon siyang mga boses na naririnig sa kanyang isipan. Sa kabutihang palad, nawala ito kaagad at bumalik sa normal ang kanyang paningin. Ganoon na rin ang kanyang pakiramdam.

On her way to the basement, she stopped at the mysterious portrait of her parents.

“Who really are you all?” 

I feel like I’m not myself. Do you have any secrets from me, Mom?

“Shit!” sigaw ni Maximus. Huminto muna si Tiana sa gilid ng hagdan upang marinig ang kanilang usapan.

“Don’t you know that Yana lost her memories? She also lost her skills! The Lion Child we knew before has now vanished! Paano na lang tayo nito?” sigaw naman ni Kara pabalik sa kanya.

Habang si Tiana ay hindi mawari ang nangyayari. Hindi niya sigurado kung siya ba ang pinag-uusapan ng dalawa. O sadyang hindi lang siya ang Yana sa mundo. Hindi rin naman siya nagkaroon ng amnesia kaya’t imposibleng siya ang pinag-uusapan ng dalawa.

“Don’t force her to be. Her memories will all b–” naputol ang sinasabi ni Max nang makita niya si Tiana. 

How would I help you, Yana?

“This might be the last time we will see each other alive,” pagbibiro ni Kara. Nakatanggap naman siya ng matalim na tingin mula kay Maximus.

“We’re in trouble. Someone is, is..”

“Is spying on us. Bakit nahihirapan kang bigkasin ang tamang salita, Max? We should be moving now. If you want to die here, pwes ako hindi.”

She stood up and went to one of the lockers in the basement where their firearms are hiding. She pulled three pistols and a group of bullets. She then handed one of the pistols to Tiana.

“What do you think you’re doing?” tanong ni Maximus sa kanya. Hindi makapaniwala ito sa kanyang ginawa. Alam ni Kara na ikakagalit niya ito ngunit wala ng ibang paraan kung hindi ay mamatay sila.

Lumapit siya rito at bumulong, “It might trigger her, Max but we don’t have any choices. Gamitin ang utak.”

Magsasalita pa sana ang lalaki ngunit nakarinig sila ng kaluskos sa taas ng kanilang bahay. Senyales na mayroong nakapasok sa kanilang pamamahay.

“Kara, signaled Simon that we will be evacuating. Proceed to plan B!” utos ni Max habang yakap-yakap si Tiana. Sinenyasan niya si Kara na sumunod sa kanila pagkatapos.

At the back of the stairs, there is a secret tunnel connecting to a nearby resort hotel. Sunod-sunod pa rin ang paputok na kanilang naririnig. Mga paputok na labis na nakakabingi.

“W-what’s happening, Max?” tanong ni Tiana. Bakas sa kanyang ekspresyon ang takot, na parang isang musmos.

“Hey, Maxi! What’s happening with your cake?” Tiana asked. Kasalukuyan silang gumagawa at nag-ddesign ng kanilang mga cake para sa darating na paligsahan na gaganapin sa kanilang eskwelahan. 

“Just mind your own business! Or close your eyes.” Little Maximus rolled his eyes after he said those words. Napatawa naman si Tiana dahil dito.

“Close your eyes, don’t be afraid. I’m here by your side,” ito ang huling salitang narinig ni Tiana bago sila makarinig ng napakalakas na pagsabog ng isang bomba mula sa taas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status