Share

Cursed One Night with Mr. Billionaire
Cursed One Night with Mr. Billionaire
Author: marie_

UNA

Napahinto si Tiana sa pagtitimpla ng kanyang kape ng siya’y makarinig ng malakas na busina ng sasakyan mula sa labas ng kanyang tahanan. 

Kay agang masisira ng araw ko. Sabi niya sa kanyang isipan habang naglalakad patungo sa pintuan.

Alam ni Tiana na ito’y si Margaret. Ang kinamumuhian niyang kaibigan ng kaniyang ina. Simula nang mamatay ang kanyang ina mula sa sakit na pneumonia ay si Margaret na ang naalaga at nag-asikaso sa kaniya. Ngunit labis siyang nakaranas ng pang-aabuso mula rito.

"Ano bang ginagawa mo dyan at ang tagal mo?! Pumasok ka na sa loob!" sigaw ni Margaret kay Tiana habang nakaturo sa sasakyan.

Ano naman ang gagawin ko at kailangan kong sumakay diyan? May importante akong lakad. Sinasayang niya lang ang oras ko.

"Anong tinutunganga mo diyan? Sakay na!" Ngunit bago pa siya makapagsalita ay hinila na ni Margaret ang kanyang braso at pinilit isakay at ipasok sa loob ng sasakyan.

"Tita-"

"Umagang-umaga, Tiana ha? Huwag mong iinitin ang ulo ko. Ilang beses ko ba dapat sabihin na huwag na huwag mo akong tatawaging Tita? Magkamag-anak ba tayo? Ha? Kung hindi lang dahil diyan sa nanay mo, wala ka na sana ngayon," aniya habang dinuduro ang mukha ng kaawa-awang dalaga na animo'y kailangang itatatak sa kanyang isipan ang lahat ng kanyang sinabi.

Binalewala na lamang ito ng dalaga at isinara ang pinto ng sasakyan ng padabog. 

Bahala na ang interview ko, hindi ko kayang mag-apply sa ganitong kalagayan. Sa tuwing mababanggit ang aking ina ay tila ba muling nadudurog ang aking puso kahit pa mahigit dalawang taon na ang nakalipas.

"At ano na naman ang nakita ko sa labas ng gate mo? Divider? Walang-wala ka na ba talaga, Tiana? Halos lahat na lamang ng gamit mo ay pinag-bebenta mo. Bakit hindi ka mag-trabaho?"

"Habang-buhay ka na lang ba aasa sa 'kin? Aba't hindi pwede 'yon! May sarili din akong pamilya, Tiana!" dagdag niya pa.

"Bakit hindi ka na lang bumalik sa club na pinasukan mo noon? Tutal malandi ka naman, bagay na bagay ka roon. Hindi ba't doon ka nabuntis? Nabuntis ng isang estranghero para lamang sa pera?"

Tila na pantig ang tenga ng dalaga sa mga salitang inilabas ni Margaret. 

"Can you stop the car?" walang-siglang wika ni Tiana

"Bakit? Nandidiri ka ba sa ginawa mo? Totoo nama-"

"Pinili kong pumasok sa isang stripper club hindi dahil gusto ko kundi para sa pag-aaral ko! Hindi ko pinlano na mabuntis ng isang estranghero! Ang gusto ko ay makapagtapos ng pag-aaral. Oo, ginawa ko iyon para sa pera, para makapagtapos!" pasigaw kong sagot habang umiiyak.

Hindi na lamang sumagot si Margaret nang mapansin ang namumuong luha sa mga mata ni Tiana. Napamahal na rin siya kay Tiana dahil kay Clarissa, ang ina nito ngunit nagbago ang lahat nang namatay si Clarissa. 

Malapit na magkaibigan ang dalawa simula pa noong sila’y nag-aaral. Halos hindi mapaghihiwalay ang dalawa. Subalit lahat ng iyon ay nagbago dahil sa isang pangyayari.

Pagkalipas ng ilang minuto ay huminto ang kanyang sasakyan sa isang gusali. Ito marahil ang kompanya ng kanyang asawa.

Wait. Don't tell me..

"Follow me," sambit niya na siyang ginawa naman ni Tiana.

Pagpasok ng gusali ay bumungad ang kanilang gold-themed interior na talaga namang kumikinang lalo na ang malaking chandelier na nasa gitna.

Bawat tao na kanilang makakasalubong ay nagbibigay-galang sa kanyang tita Margaret sa pamamagitan ng pagsabi ng "good morning" at iba pa. Meron namang iba na ngumingiti sa dalaga at napaka-friendly. Mayroon namang iba na iba ang ibinibigay na tingin sa kaniya.

Matapos ang ilang paikot-ikot ay nakarating na rin ang dalawa sa isang opisina.

"Chief Executive Officer," basa niya sa sulat na nakalagay sa pinto.

Ang loob ng opisina ay hindi gaano kagarbo. Isa lamang itong modern-themed room na napapaligiran ng ilang halaman.

Ngunit isang bagay ang nakaagaw ng kanyang atensyon.

"Ate Yana.." sambit ni Ezekiel ng makita ako habang karga-karga ni Aling Aida. Napangiti naman ako ng malaman na kilala niya pa rin ako kahit medyo matagal-tagal na kaming hindi nagkikita.

Si Kiel ay anak ni Tita Margaret sa mayamang asawa niya. Ngunit kahit ilang taon na silang kasal, ni minsan ay hindi ko nakita ang kaniyang asawa. Hindi niya rin ako inimbita noong sila'y kinasal. Ang katuwiran niya ay hindi ako babagay sa kanila dahil mahirap lang ako kumpara sa kanila.

"Wait here. Pupuntahan ko lang si Hubby." Paalam ni Margaret kaya naman agad na nilapitan ni Tiana si Kiel dahil miss na miss niya na ang bata.

"Where is Cuss? I want to play with him, ate Yana.." wika niya.

Atticus. He's my son. Iniwan ko muna siya sa aking Lola sa probinsya pansamantala dahil walang magbabantay sa kanya dahil palagi akong wala sa bahay gawa ng paghahanap ng trabaho.

"Sabihan mo si Mommy mo na gusto mong pumunta sa bahay. Iuuwi ko si Atticus para makapaglaro kayo."

Pinasadahan niya ng tingin si Aling Aida matapos niyang sabihin iyon. Alam niyang hindi na ulit ito makakatakas kay Margaret upang sikretong dalhin si Ezekiel sa kanilang bahay.

"She's your new Secretary, hubby. I assure you na kahit tatanga-tanga siya, she is capable of performing her duties well."

Napalingon si Tiana, gano’n na rin si Aling Aida nang marinig nilang magsalita si Margaret.

"Well, nice to meet you. Follow me," wika niya sa 'kin.

Katahimikan. Katahimikan na nasundan ng isang alaala na magtagal niyang kinalimutan.

"Nice to meet you, Yana." Bulong niya sa aking tenga. Ang kanyang mga hininga ay tila ba isang elektrisidad na unti-unting kinukuryente ang aking buong katawan.

Inantay ko munang makalabas sila Tita at Aling Aida bago kumilos.

Galit na galit ako.

Sumunod ako sa kaniya at tumayo sa kaniyang harapan habang pinipigilan tumulo ang aking mga luha.

Bakit ikaw pa?

"Tell me about yourself."

"Is this a job interview?" utal-utal kong tanong.

"Tell me about yourself," pag-uulit niya.

Huminga muna ako ng malalim bago magpatuloy, "I'm Tiana Miller, a Bachelor of Elementary Education gradua-"

"The hell!" sigaw ni Maximus na ikinagulat naman ng dalaga.

Gusto mong sabihin ko sa 'yo ang totoo?

"Hindi mo ba ako naaalala?" tanong ko habang maluha-luha.

Bakit? Bakit ngayon ka pa nagpakita ulit kung kailan natanggap ko na ang lahat? Ano bang papel mo sa buhay ko?

"I've never met you before. You are just a stranger to me."

You are just a stranger to me.

Paulit-ulit niyang narinig sa kanyang isipan ang mga huling katagang binanggit ng binata. Tila ba ito'y mga kutsilyo na paulit-ulit sinaksak ang kanyang puso. 

Hindi makapaniwala si Tiana sa narinig. Paano? Bakit?

Tumayo siya habang nakapamulsa at lumapit sa akin. Pinagmamasdan ko ang kanyang buong mukha. Ikaw na ikaw iyon, alam ko.

"You're quite attractive. From now on, I'd want to have you as my secretary," aniya habang tinitingnan si Tiana  mula ulo hanggang paa na tila ba ay may binabalak.

Hindi na ako nakapagtimpi kaya't nasampal ko siya, "Hinding-hindi ko kukunin ang trabahong ito." Pagmamatigas ko.

Pinulupot niya ang kanyang braso sa bewang ni Tiana at hinila ito papalapit  sa kaniya. Ngayo'y dikit na dikit na ang kanilang katawan. Isa na namang alaala ang bumalik sa isipan ng dalaga.

"You will be my secretary, Yana, whether you like it or not," saad niya sa aking tenga na nakapagparamdam uli sa akin ng kuryenteng naramdaman ko noon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status