Share

CHAPTER SIXTEEN

CHAPTER SIXTEEN

"I missed you..." saad niya.

Hindi naman ako nakapagsalita at halos hindi rin ako kumukurap dahil sa pagkagulat. Sabay kaming napaubo at napatakip ng ilong at bibig nang may dumaang jeep at napunta sa direksiyon namin ang usok.

"Cindy..." pagtawag niya sa pangalan ko. "P-pakihipan naman ang mata ko. Parang napuwing ako. Kani-kanina ko pa napapansin eh." saad niya.

So kaya pala siya parang naluluha? Napuwing lang Cindy, 'wag malisyosa. Bahagyang nag-bend down si Flynt para maging kalevel ko siya at ibinuka ang mata niya.

"H-hihipan ko na ba?"

Tumango naman siya at napansin kong mas dumami ang luha indikasyong sumasakit pa ang mata niya kaya kailangan ko na hipan. Tumingkayad akong kaunti dahil mas mataas pa rin siya. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at ramdam ko ang bawat paghinga niya. Tila naman lumabo ang lahat at tanging mukha ni Flynt ang nakikita ko. Expressive na mga mata, magandang ilong, bahagyang umbok ang cheekbones at magandang hulma ng labi. Makapal din ang kilay at may mahabang pilik mata. Huminga ako ng malalim at saka biglaang hinipan ang mata niya.

"Ok na ba?" tanong ko. Nagpakurap kurap siyang ilang beses at umiling.

"Medyo lakasan mo pa."

Pumikit naman muli siya na parang nire-rehydrate ang mata bago muling nag mulat. Inilapit ko muli ang mukha ko at naamoy ko naman ang pabango niyang tila niyakap ang lahat ng pandama ko. Sa isang buga ay napakurap muli siyang maraming beses.

"A-ayan. Ok na." sambit niya at pinunasan ang tumulong luha sa pisngi niya.

"Si Dhaeny? Nasaan na ang luka na iyon?" tanong ko.

"Uh, hindi siya pinayagan umabsent today. Hintayin na lang natin siya sa labas ng hospital, one hour na lang naman."

Kinuha ni Flynt ang dala kong bag at binitbit. Lumakad kami ng kaunti saka tumigil sa harap ng pinakamalaking hospital sa bayan namin. Kinuha ko naman ang phone ko at tinext si papa na bukas na lang ako dadalaw sa kanila sa bahay dahil ngayon mismo ang birthday ni Zach.

Habang naghihintay ay sinabi ni Flynt na nauuhaw siya kaya niyaya niya ako pumunta sa isang convenience store. Bumili naman siya ng dalawang softdrinks in can at iniabot sa akin ang isa. Bumalik kaming dalawa sa tapat ng hospital.

Nagulat ako nang biglang lumundag si Flynt paupo sa back part ng isang kotseng nakaparada sa tabi.

"Huy ano ka ba?! Anong ginagawa mo? Bumaba ka riyan, baka magalit ang may-ari!" sambit ko at nagpalingon lingon.

"Sus! Wala iyan. Sumampa ka na rin at mag uumpisa na ang palabas." sagot niya at napakunot ang noo ko.

"Palabas?" naguguluhang tanong ko.

"Basta." ani Flynt at bigla siyang bumaba.

Hinawakan niya ang aking bewang at awtomatikong napatalon ako at umayon ang katawan ko nang buhatin niya ako at isinampa rin sa kotse. Lumundag din siya at umupo sa tabi ko. Nakatingin lamang ako sa kaniya nang may pagkamangha habang nakangiti at diretsong nakatingin sa kalangitan. Humigop siya ng softdrinks at napansin ko ang adam's apple niya nang lumunok.

"Magsisimula na ang palabas." saad niya at mas lumawak ang ngiti niya.

Tiningnan ko naman ang direksiyon na kaniyang tinitingnan at doo'y nawari ko ang sinasaad niya. Ang kulay kahel na sinag ng araw ay direktang tumatama sa amin. Aliw na aliw kong pinanood ang dahan dahang pagpanaog ng araw na animo'y isang pangyayaring binabalot ng salamangka. Sinong mag aakalang maaari ring maging maganda ang mga pagtatapos. Hindi ko naman na namalayan na nakangiti ako habang ang paligid ay unti unti nang binalot ng dilim at nagumpisang kuminang ang mga bituin sa di maabot tanaw na kalawakan.

"Kakaiba..." sambit ni Flynt habang direkta pa ring nakatingin sa langit.

"Ang alin?" tanong ko at nakatingin din doon.

"Ang lahat." tipid na sagot niya at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay gumuhit ang ngiti sa labi ko.

Ilang minuto pa kaming nakaupo roon hanggang sa may lumabas na isang pamilyar na mukha. Kaya pala kulang ang mga asungot ni Charlotte sa Manila dahil naiwan ang isa rito. Ilang metro pa ang layo niya ay nakataas na ang kilay niya na isang guhit lang ng lapis.

"Oh, hi Debie." sambit ni Flynt saka kumaway.

Magkakilala sila nitong babaeng puro noo?

"Bumaba kayo riyan." seryoso at mataray sa sambit pa nito.

"Ilang buwan ko na ginagawa ito ngayon ka lang nagtaray ng ganiyan. Kamusta nga pala si Dexie? Balita ko nadulas daw sa cr, natapakan yung sabon." ani Flynt.

"Wala ako sa mood Flynt. Aalis na ako." saad ng asungot na iyon ni Charlotte at bumaba kami.

"Napakamoody talaga ng kapatid ni Dexie." ani Flynt habang umiiling nang makaalis ang kotseng sinakyan nung Debie kilayless na iyon.

Ilang sandali pa ay isang tili ang nagpaalarma sa aking kalamnan. Nag vibrate ang lahat sa mga organ systems ko dahil sa matinis at mahabang tili ng babaeng uhaw sa kagandahan ko. Char.

"Gurl...!" sigaw ni Dhaeny at halos magkandasungaba sa pagmamadaling lumapit sa akin.

Malayo pa lang ay nakabuka na ang mga braso nito at handa na akong yakapin. Sinalubong ko naman siya na papalabas ng hospital. At nang magtagpo ay tila dalawang planeta ang nagsalpukan. Malakas pa sa nuclear bomb ang nagawang pagplakda namin ni Dhaeny sa sahig. Dinambahan ako ni Dhaeny at dahil hindi ako prepared na bumuhat ng babaeng mukhang nakuryente na mas mabigat sa akin ay bumagsak kami.

"Kailan ka pa naging wrestler? Ang bigat mo ha." saad ko kay Dhaeny at tumawa siya.

Tinulungan naman akong makatayo ni Flynt sa halip na ang pinsan niya, habang tumatawa.

"Gosh, namiss kita! Lalo na ang amoy mong parang alkampor!" singhal ni Dhaeny habang pinapagpagan ang damit niya.

"Ikaw rin. Parang batang naglaro maghapon sa arawan at natuyuan ng pawis." bwelta ko naman.

Ilang saglit pa kami nagtawanan, nagyakapan at nagkamustahan hanggang sa mapag-usapang umalis na. Akmang aalis na kami nang may tumawag sa likod.

"Cindy?" gulat na tanong ng boses na pamilyar ngunit hindi ko matukoy kung sino.

Nilingon ko ang boses at nakita si Lyndon na nakatayo sa may pintuan. Ngumiti naman ako at gayundin siya.

"Long time no see." sambit niya at kinamayan ako. "Long time mo hindi nakita cuteness ko." biro niya pa.

"Oo nga eh, namiss ko ang kintab ng noo mo." biro ko at sinundan ng halakhak namin.

Ilang oras ay nakarating na kami sa bahay ni Zach. Ipinagluto kami ng ate niya kaso umalis daw agad dahil sa trabaho. Paulit ulit naman kaming bumabati kay Zach. Ngayon ay nandito kami sa veranda ng kwarto ng kuya ni Zach. Marami ang inihandang pagkain para sa aming apat. May isang case din ng alak at may ihawan ng barbecue kung saan nagluluto si Dhaeny.

"Gurl, ano bang gusto mo? Puro taba o may kahalong laman?" tanong ni Dhaeny habang pinapaypayan ang mga nasa ihawan.

"Ako gusto ko may laman at medyo toasted." pakisali ni Zach.

"Uhm... Ganon na lang din." saad ko habang hinahalo ang juice.

Si Flynt ay nagse-set up ng videoke na gagamitin naming apat sa concert namin mamaya. 10pm na kaya medyo madilim na at kailangan ilawan ni Zach gamit ang flashlight ng phone si Flynt habang nag-aayos. May apat naman na bumbilya na nagbibigay liwanag sa paligid namin at may mga christmas lights pa kahit june pa lang. Pang decor lang. May mga nakakalat ding lobo sa sahig at mayroon ding nakasabit.

"Ayan okay na." sambit ni Flynt at kasabay nabuhay ang screen ng videoke.

"OMG! Give me the mic and I'll rock the whole town!" bulyaw ni Dhaeny na ikinatawa namin.

"As if naman magaling ka kumanta, e boses kakarag karag na truck ka." kontra ko.

"Talaga lang ha. Don't try me ako ang kilabot ng videoke bar!" bwelta ni Dhaeny at lalong lumakas ang tawanan namin.

"But you know who sings the best here?" tanong ni Zach habang tumatawa. "It's Flynt."

"Ako?" gulat na tanong ni Flynt.

"Ay hindi." pag epal ni Dhaeny. "Hi, ako si Flynt ako yung binanggit ni Zach. Ikaw sino ka?" pag-asar pa ni Dhaeny kay Flynt.

"I heard him singing when he was fixing the videoke earlier." saad ni Zach.

“Ahh prepared naman pala.” Dhaeny.

Tumawa naman si Flynt.

"Hindi totoo iyan!" tawa ni Flynt.

"Hindi talaga!" pag epal na naman ni Dhaeny. "Mga kinakanta pa niya kapanahunan ni Galileo Galilei."

Umalingawngaw ang tawa namin sa gitna ng gabi.

"Bakit hindi na lang natin simulan ang kantahan para magkaalaman?" sambit naman ni Zach para pumalakpak si Dhaeny, napalunok si Flynt at nanlaki ang mata ko.

Gosh hindi prepared vocal cords ko. Pang cr lang ang golden voice ko, nahihiya boses ko kapag may ibang nakikinig.

"Sino pa bang mauuna? Syempre ako!" sigaw ni Dhaeny at tumakbo para makuha ang mic.

"Whooo! Pinsan ko iyan!" sigaw ni Flynt at sumipol pa.

"Ampon ka gaga!" sigaw ni Dhaeny at nagtawanan kami.

Pansin kong si Zach ay nakangiti at ang mga mata niya ay nangungusap at sinasabi ang walang kapantay na kasiyahang nadarama niya. Nagsimulang pumindot si Dhaeny sa videoke at saka nagplay.

Ngiti by: Ronnie Liang

Nang mag umpisang tumugtog ay nagsimula ring maging seryoso ang mukha ni Dhaeny, animo'y naggame face on na sasali sa amateur singing contest.

Minamasdan kita, nang hindi mo alam

Pinapangarap kong ikaw ay akin

Mapupulang labi at matingkad mong ngiti

Umaabot hanggang sa langit

Pagsisimula ni Dhaeny at napansin kong paunti unti ang ginagawa niyang pagsulyap kay Zach.

Sa iyong ngiti, ako'y nahuhumaling

At sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo ko'y tumitigil

Para lang sa'yo ang awit ng aking puso

Sana ay mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin

Nagpatuloy sa pagkanta si Dhaeny. Ang kanina ay maingay na paligid ay nanahimik at lahat kami ay nakapakinig kay Dhaeny. Kung susumahin ay maganda nga ang boses ni Dhaeny. Maayos din siya bumigkas ng mga salita… syempre habang sumusulyap kay Zach.

Nang matapos ay nag bow at kumaway pa ang gaga. Kami namang tatlo ay pumalakpak ng walang halong pagiging sarcastic.

"Ang galing mo nga." namamanghang sambit ni Zach.

"I know right!" sagot naman ni Dhaeny.

"Ganoon talaga ‘pag inspired." pagsingit ko.

"Kanino?" tanong ni Zach.

"Sa'yo." diretsong sagot ni Dhaeny.

Natigilan naman kami lahat. Hindi ako makapaniwala na sasabihin niya iyon ng diretso at walang kahit anong paligoy-ligoy.

"Char!" sigaw ni Dhaeny at saka tumawa ng malakas. "Hindi pa ako lasing mga loko kayo! Teka kukuhanin ko na ang alak para gumanda ang mga boses natin lalo." sambit pa niya at umalis.

Sumunod naman ako at timulungan si Dhaeny. Nang makabalik ay ako ang nagdala ng mga barbecue at si Dhaeny sa alak. Magkatabi kami ni Dhaeny at nasa kabila ko si Flynt na katabi si Zach, na katabi naman si Dhaeny dahil paikot ang lamesa. Nagp-play na rin ang isang kanta at nakita kong hawak ni Zach ang mic.

Close to you by: The Carpenters

Sumipol naman ulit si Flynt at humiyaw si Dhaeny.

Why do birds suddenly appear

Whenever you are near

Just like me, they long to be

Close to you

Simula ni Zach at nagulat ako dahil malamig ang boses niya na tila pinakakalma ang mga pandama ko. Hindi ko naman mawari ang ibig niyang sabihin sa kanta dahil unang titingin siya kay Dhaeny sabay lipat sa akin at bahagyang mas matagal tapos ay susulyap kay Flynt ng sandali at babalik na naman kay Dhaeny.

On that day that you were born, the angels got together

And decided to create a dream come true

So they sprinkled moondust in your hair

And golden starlight in your eyes of blue

Nang matapos rin ang pagkanta ni Zach ay hindi ako nakapagreact agad. Nawawala ang comfort ko sa tuwing tititigan niya ako habang binibigkas ang mga salita ng kanta. Pumalakpak naman si Flynt at Dhaeny kaya gumaya na lang ako.

"Ang galing mo pala kumanta, bakit hindi ka nagdancer?" biro ni Dhaeny at nagtawanan kami.

"No, seriously nagulat ako. Ang galing." sambit ni Flynt at ngumiti.

"Thanks dude. Ikaw na ang sunod. Choose your song." saad ni Zach kay Flynt.

Nakita ko namang nag simula nang uminom ng uminom si Dhaeny. Ito talagang babaysot na ito walang kontrol sa alak lagi. Matapos mamili ay nag-play si Flynt ng isang kanta at ngumiti sa aming lahat.

"Kinakabahan ako ah. Nahihiya ako sa dalawang nauna." saad niya at humawak pa sa d****b niya.

"Whoo! Pinsan ko iyan! Kahit ampon!" sigaw ni Dhaeny at tumawa kami.

Wonderful tonight by: Eric Clapton

"Napakaluma mo talagang nilalang!" sigaw ni Dhaeny saka tinungga ang alak.

Tumawa namin kami pati si Flynt. Tumikhim pa si Flynt bago nagsimulang kumanta.

It's late in the evening, she's wondering what clothes to wear

She puts on her make up and brushes her long blonde hair

And then she asks me: Do I look alright

And I say yes you look wonderful tonight

Ramdam ko ang emosyon sa bawat salitang binitiwan ni Flynt. Seryoso siyang nakatingin sa screen at kami naman ay tutok sa kaniya.

I feel wonderful

Because I see the love light in your eyes

And the wonder of it all

Is that you just don't realize how much I love you

Nang banggitin niya ang huling linya ay tila may kung anong humipo sa puso ko. Ramdam ko ang pagbitaw niya to the point na parang pwersahan niyang ipinasok ang bawat kataga sa nakasarado kong puso. Ilang sandali nang tapos ang kanta ay nakapako pa rin sa akin ang kaniyang paningin. Ako naman ay tila hinihila at hindi magawang tumingin sa iba.

"Ay boba!" nagising ang diwa ko sa sigaw ni Dhaeny na halos kasabay ng pagkabasag ng isang baso.

Naputol naman ang pagtititigan namin ni Flynt at napalingon ako. Napansin ko ang tingin sa akin ni Zach at maluha-luha ang mata nito.

"Kukuha lang ako ng walis. Sorry Zach palitan ko na lang." sambit naman ni Dhaeny at saka umalis.

"S-samahan ko lang si miss kulot." sambit ni Zach at dali-daling ipinihit ang wheelchair niya patalikod.

Nagkatinginan kami muli ni Flynt at saka siya ngumiti.

"B-bakit hanggang ngayon naka wheelchair siya?" tanong ko kay Flynt at sinusubukang alisin ang awkwardness.

"Uh, last month... He told us he's starting to develop poliomyelitis. Actually sobrang  emotional niya that time. Nakakaawa nga siya, he suffered in depression. Good thing araw-araw kaming nandito para kausapin siya." paliwanag ni Flynt.

Napalunok naman ako. Nagulat ako sa mga narinig ko at parang nanlumo ako. Nalulungkot ako para kay Zach.

Nang makabalik sina Dhaeny ay nilinis nila ang basag na piraso ng baso. Nang matapos ay nagsimula nang bumanat ng concert si Dhaeny. Nagumpisa niyang windangin ang lahat sa gitna ng gabi. Birit niya ang paulit ulit na umalingawngaw. Paminsan minsan ay kumakanta si Zach at Flynt ngunit hindi na ako nakikiagaw dahil ako lang ang boses palakang nasagasaan.

Maya-maya pa ay tumayo si Flynt at may sinimulang iplay na tugtog. Instrumental lang ang tugtog at napatahimik kaming lahat habang dinadama ang daloy ng tugtog.

"Naexperience mo ba ang prom?" tanong ni Flynt sa akin.

Napatingin ako sa nakangiting mukha niya at saka umiling.

"Nagka-chicken fox ako that time kaya hindi ako naka-attend" saad ko at ngumiti. "Ikaw?"

"Maybe. Hindi ko alam." sagot naman niya at ngumisi.

"Sorry." sambit ko at tumango siya.

"Wanna experience it?" tanong niya at parang tumigil ang tibok ng puso ko.

"H-huh?"

"Come on. Ipaparanas ko sa'yo." ani Flynt at halos hindi ako kumukurap habang nakatitig sa kaniya. "Take my hand." saad niya at inilahad ang kamay niya.

Ngumiti siya at iniabot ko ang kamay ko. Nang mga sandaling maghawak ang mga kamay namin ay tila bumalik ang tibok ng puso ko ngunit hindi ito normal. Parang napakabilis at lalabas ito sa lakas ng kabog.

"Bakit nanginginig ka?" nakangiting tanong ni Flynt.

Hindi na ako nag-abalang sumagot at tila awtomatikong tumayo ang katawan ko.

"I don't know how to dance." nanginginig na usal ko habang nakatitig pa rin kami sa isa't isa.

"You don't have to know. Damhin mo lang ang musika at hayaang dalhin ka ng mga paa mo sa tamang hakbang. Hayaang gumalaw ang mga kamay sa saliw ng tugtog at ang katawan sa marahang pagdaloy ng awitin." wika niya at pinaliwanag ng mga ngiti niya ang buong paligid.

Mula sa pagkakahawak ay ipinatong niya ang kamay ko sa balikat niya at may kung anong nagtutulak sa akin para kumalma. Inilagay naman niya ang mga kamay niya sa bewang ko at tila may malakas na enerhiya at kuryenteng dumaloy mula sa ulo hanggang sa paa at pabalik sa puso ko.

"Ngayon ay ipikit mo ang mga mata mo. Walang kang iisipin na anuman hanggang sa madama mong sumasayaw ka na." bigkas niya habang ang mga mukha namin ay ilang pulgada lamang ang pagitan.

Ramdam ko ang bawat paghinga niya at tumatama ito sa balat ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at tila namatay ang tugtog. Hindi ako nagmulat dahil may isang tunog ang nagsilbing hudyat sa bawat galaw na gagawin ko.

Kanan... Kaliwa... Kanan... Kaliwa...

Bawat pintig ng puso naming dalawa na animo'y magkasabay na tumitibok ay inihahakbang ko ang aking mga paa. Sa iisang direksiyon ang tungo namin ni Flynt at kapwa umiindayog ang aming katawan. Ilang minuto pa kaming nasa ganoong sitwasyon hanggang sa magmulat ako ng mata. Nakita kong pikit ang mga mata ni Flynt at dinadama ang musika. Napagtanto kong hindi naman namatay ang musika, patuloy lamang ito magmula kanina. At hindi ko maipaliwanag ang naganap kung saan tibok ng puso namin ang sinabayan naming ritmo.

"Tara, dadalhin kita sa isang palabas." malamig na wika niya sa tainga ko at ang mainit na paghinga niya ang bumalot ng kuryente sa katawan ko.

Umalis kaming dalawa ni Flynt at naiwan sina Dhaeny at Zach sa veranda. Nagkakantahan na silang muli at nagtatawanan. Natagpuan ko ang sarili kong kasama si Flynt sa bubong ng bahay nina Zach. Dahan dahan lang ang bawat pagkilos namin ni Flynt dahil patagilid ito at bahagyang madulas dahil sa hamog. Hindi pa rin magkahiwalay ang aming mga kamay. Humiga siya at ginawang unan ang kaniyang braso. Sinenyasan niya akong tumabi sa kaniya at ginawa ko naman. Inilatag niya ang kaniyang braso bilang aking unan at ramdam ko ang ihip ng malamig na hangin.

"Kakaiba..." rinig kong ani Flynt habang direktang nakatitig sa kalangitan.

"Ang alin?" tanong ko sakaniya habang sinusubukang bilangin ang walang katapusang bituin sa kawalan.

"Ang lahat..." sagot niya at ngumiti.

Ilang oras kaming nakahiga roon at walang nagsasalita sa amin. Maya maya pa ay nagulat ako nang magsimulang lamunin ng medyo kulay rosas at medyo kahel na kulay mula sa araw ang paligid. Unti unting lumalabo ang imahe ng buwan at napalitan ito ng sinag ni haring araw. Ang mga ulap ay unti-unting nahawi at ipinakita ang ganda ng kalangitan. Dahan dahang nagaganap ang lahat habang kami ni Flynt ay matamang nakamasid. Kapwa may ngiti sa labi at hindi alintana kung anong mayroon sa paligid namin.

"Bakit ka nga naman hindi gaganahan magsimula ng panibagong araw, kung sa ngayon pa lamang ay binibigyan ka na ng mundo ng magandang panimula?" wika ni Flynt habang nakangiti.

Pumihit siya paharap sa akin at nagtama ang aming paningin.

"Kakaiba..."

"Ang alin?"

"Ang lahat... Tara" saad niya at inalalayan ako tumayo.

Alas tres na ng hapon nang magising ako. Napakasakit ng ulo ko at parang sasabog ito. Kung dahil ba sa pagod sa biyahe, sa hamog kagabi o dahil sa puyat ay hindi ko na alam. Hindi na kami nag-abala na linisin ang veranda dahil may continuation pa raw mamaya. Si Dhaeny ay tulog pa rin at may hangover. Si Zach naman ay tinatamad ding bumangon. Si Flynt naman ay umuwi raw dahil may kailangan siya ibigay kay Dexie.

Ngayon ay nandito ako sa tapat ng bahay nina papa. Kinakabahan ako, na nasasabik. Ilang buwan ako nawala kaya hindi ko alam kung paano sila sasalubungin. Huminga ako ng malalim at nagbuntong hininga. Sa tatlong katok ay sinalubong ako ng malawak na ngiti ni ate Eva.

"Naku! Andito ka na!" masayang bati ni ate Eva saka kinuha ang mga gamit ko. Mga pagkain mula kina Zach ang dala ko at ang mga gamit ko ay nasa bahay nila.

Niyakap ko si ate Eva nang mahigpit at naluluha luha pa. Tinawag niya si papa at inakay sa pagbaba. Halos patakbo kong sinalubong si papa at tuluyan nang tumulo ang luha ko.

"As promised." sabay naming sambit ni papa at napangiti kami.

"I stayed safe hanggang sa makabalik ka." saad niya at pinawi ang luha sa mata niya.

"And I stayed safe for you." sagot ko at niyakap siya.

Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang luha ko.

"Na-miss kita." saad niya at ngumiti.

Nagyakap kaming muli at isinama si ate Eva. Maya-maya pa ay inihain na namin ni ate Eva ang dala ko kasama ang mga pagkaing inihanda rin nila. Kumain kaming sama sama at hindi nawala ang biruan. Nag kwento naman ako ng mga karanasan ko at gayundin sila. Nabanggit pa ni papa na minsan daw ay pumupunta ang anak ni ate Eva at pinapanood si papa habang nag eexperiment, pero sa kusina, gusto pa rin ni papa ng privacy sa lab niya.

"Siguro next month " sagot ko nang tanungin ako ni ate Eva kung kailan ako babalik.

"Basta hindi ka mawawala sa birthday ko ha" saad naman ni papa.

"Syempre naman. Isasama ko pa sina Yuki at Harvey kung available." sagot ko at ngumiti.

"Mag-iingat ka roon." saad ni papa at hinawakan ang kamay ko.

"Pa, dadaan pa naman ako sa isang araw dito bago bumalik sa Manila." sambit ko.

"Pero hindi ka na magtatagal." ate Eva.

"Pero babalik ako. Soon, hindi ko na kailangan umalis." sagot ko at ngumiti sa kanila.

Naglalakad ako pabalik kina Zach nang mareceive ang text ni Dhaeny. Sinabi niyang umalis muna siya dahil bibili siya ng napkin. Seriously? Pati pagbili niya ng napkin kailangan sabihin. 5pm na rin kaya kinailangan ko na umalis. Mahirap na abutin ng gabi duwag pa naman ako.

Nang makarating sa frontyard ng bahay nina Zach ay natigilan ako. Literal na napatigil ako at hindi agad nakagalaw. Isang tunog ang bumalot sa paligid at tila hinehele ako sa bawat pitik ng paglalaro sa gitara. Dahan dahan kong inihakbang ang mga paa ko at sinundan ang pinagmumulan ng tunog. Kalmado lamang ang bawat paglandas ng daliri ng kung sino man ang tumutugtog ng gitara. Sinundan ko ang banayad na daloy ng tugtog hanggang sa makarating sa kusina.

You are the one girl

You know that it's true

"Flynt..." usal ko sa pangalan niya nang madatnan siyang nakapikit na tumutugtog.

I'm feeling younger

Everytime that I'm alone with you

We were sitting in a parked car

Stealing kisses in a front yard

We got questions we should not ask

Tila naman biglang nanumbalik sa r ko ang mga ala ala namin. Nang magkasama naming pinanood ang paglubog ng araw nang kapwa may ngiti habang nakaupo sa ibabaw ng nakaparadang kotse. Pati ang mga katanungang hindi na mahalaga kung lilinawin ko pa.

'Kakaiba...',

'Ang alin?',

'Ang lahat.'

Nang magmulat siya ay hindi maipaliwanag na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi. Tumigil siya sa pagkanta ngunit patuloy na tumutugtog. Tumitig siya sa mga mata ko at ramdam ko namang bumilis ang tibok ng puso ko.

In the summer, as the lilacs bloom

Love flows deeper than a river

Every moment that I spend with you

Niyakap ako ng malamig na boses niya at nanginig ang buong katawan ko.

We were sat upon our best friend's roof

I have both of my arms 'round you

Watching the sunrise replace the moon

May kung ano na namang nagpasok ng mga alaala sa isipan ko at naalala ko nang magkatabi kaming nakatitig sa kalawakan habang nakahiga sa bubong. Sumayaw rin kami habang ang braso niya ay nakabalot sa katawan ko. Magkasama rin naming pinanood ang dahan dahang pagalis ng buwan at pagpasok ng panibagong araw.

How would you feel

If I told you I loved you

It's just something that I want to do

Ramdam ko ang nag-uumapaw na emosyon sa mga salitang binibigkas ng labi niya. Nag umpisa ring kumintab ang mga mata niya dahil sa namumuong luha.

I'll be taking my time

Spending my life

Falling deeper in love with you

Sa mga lirikong iyon ay direktang nakatitig siya sa mga mata ko habang nangungusap. Pumintig ang puso ko at ramdam ko ang ipinadadama ni Flynt. Pumatak ang luha sa magkabilang mata niya nang bigkasin niya ang huling linya hindi dahil sa kalungkutan kundi sa nag uumapaw na pagmamahal.

…So tell me that you love me too…

"Flynt..." usal ko sa pangalan niya. Marami akong gustong sabihin ngunit walang lumalabas sa bibig ko. Tinakasan ako ng mga salita. Nakatitig lamang siya sa akin at tila hinihintay ang sasabihin ko.

…So tell me that you love me too…

Akmang magsasalita na ako nang may makitang nakamasid mula sa malayo. Walang anong salita mula sa kaniya ngunit nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Zach..."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status