Compartilhar

Chapter 48

Autor: Diane Ruiz
last update Última atualização: 2025-12-25 18:05:30

ATASHA

Nang makalabas kami ng Ospital ay iginiya ako ni Sir Wade sa kotse niya. Napakalinis niya sa kotse, iyon agad ang napansin ko. May kalumaan na rin ito ngunit mukhang maingat si Sir Wade sa pag-gamit.

Dumiretso kami sa Gentleman Hotel. Iniisip ko ang penthouse na binigay ni daddy Adonis ngunit dahil nga hindi ko nakuha ang mga gamit ko ay wala sa akin ang susi o ID man lang na nagpapatunay na ako si Atasha Montenegro kaya hindi ko rin magagamit ang penthouse. May mga guards kasi doon pero bukas na bukas magpapatulong ako kay Sir Wade. Tama, iyon ang plano.

Nang makababa kami ng kotse at lumakad na papasok ng lobby ay kaagad siyang sinalubong ng mga empleyado doon. Namangha ako sa sobrang ganda ng lugar. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok ako ng Gentleman Hotel. May malaking staircase sa harap at meron ding malaking chandelier. Napakaganda at hindi maalis ang tingin ko doon ngunit iginiya na ako ni Sir Wade paakyat. Nag-elevator kami. Sa pinakataas na palapag ay ma
Diane Ruiz

Happy Holidays! wag kayo mag-alala kahit holiday magsusulat ako haha wala naman kaming day off eh ano pa nga ba? hahahaha enjoy reading!

| 22
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Capítulo bloqueado
Comentários (3)
goodnovel comment avatar
Teresa Degoro
thanks po sa Ms.D & more update pa po
goodnovel comment avatar
Krina Dela Cruz
sana paguwi ni daddy Adonis makapagusap sila ni atasha ng maayos...mahal naman nila ang isa't isa.. yes si daddy adonis nga dahilan why namatay daddy ni atasha pero di naman niya ginusto yun tska diba nga tumangi c daddy Adonis nun pero dahil need ng pera dahil nasa hospital c atasha no choice
goodnovel comment avatar
Cecille Villanueva
Thank you sa update Ms.D ... happy Holiday po🫰
VER TODOS OS COMENTÁRIOS

Último capítulo

  • DADDY ADONIS (SPG)   Chapter 51

    ADONISMabilis ang aking mga pagtakbo habang hinahabol nila ako ng putok ng baril. Napakasukal ng gubat na iyon ngunit hindi ko alintana. Ang gusto ko lang ay makalabas ng buhay. “Habulin ninyo! bilis!” sigaw ng isa sa mga tumutugis sa akin sabay putok ng baril. Hawak ko ang baril ko sa kanan dahil sugatan na ang kaliwa kong braso. Ang akala ko ay daplis lang ngunit hindi, napuruhan talaga ako. Kasabay ng mga putok ng baril nila ang pagkulog at pagkidlat. Nagbabadya ang malakas na ulan at maya-maya lang ay bumagsak na nga iyon at diniligan ang lupa. “Wag ninyong hahayaang makatakas!” Mas lalong naging madulas ang daanan ngunit kailangan kong tumakas at tumakbo palayo sa mga kaaway. Nagsunud-sunod pa ang pagputok nila ng baril kung kaya't napayuko ako habang tumatakbo. Damn it! hindi ko na kaya! basang-basa na ako at sugatan pa! Nakakita ako ng kumpol ng mga halaman kung kaya't nagtago ako doon. Kaagad kong tinanggal ang bala na bumaon sa aking braso, napakagat ako sa aking ib

  • DADDY ADONIS (SPG)   Chapter 50

    ADONISNakalipas ang isang buwan. Wala akong narinig na kahit anong balita sa kahit sino sa mga naiwan ko sa Pinas. Hindi na nag-report sa akin si Mat-Mat. Maging si Jhondo, at mas lalong wala akong balita kay Cynthia at Atasha. Umuwi ako sa Mansyon ng tahimik. Gabi na ako nakauwi, mga 9:00 p.m na. “Atasha?! Where are my girls?! Cynthia?!” sigaw ko ngunit walang sumalubong sa akin. Nagpalinga-linga ako sa buong Mansyon. Maging si Michael ay wala. Maya-maya ay nakita kong may lumakad papunta sa kusina at pagtingin ko ay ang kasambahay naming si Lina. “Lina, si ma’am Cynthia mo?” “Sir, nakabalik na ho pala kayo! Gusto niyo ho ba kumain? Baka natutulog pa po si maam Cynthia.” “No thanks. Kumain na ako. Si Atasha, nasaan?” tanong ko ngunit tila umuurong ang dila ni Lina at hindi siya makapagsalita kung kaya’t umakyat na ako sa itaas at binuksan ang kwarto ni Atasha ngunit wala siya doon. Nakita ko namang palabas si Cynthia ng kwarto namin at nakabihis na. “Oh, Adonis, nakabalik k

  • DADDY ADONIS (SPG)   Chapter 49

    ATASHAGaya ng sinabi ni sir Wade ay ginamit ko ang perang binigay niya pambili ng mga kailangan ko. Mga damit, toiletries. Ilang personal na gamit at iba pa. Bumili lang din ako ng murang android phone para may magagamit ako. Kumausap na rin ako ng OB sa pinakamalapit na lying-in Clinic na nahanap ko. Maayos naman doon at kalidad ang pag-aasikaso nila kung kaya’t doon ko na napagdesisyunan na manganak. Isang sakay lang iyon ng taxi malapit sa Gentleman Hotel. Ngayon ay sinamahan ako ni Sir Wade sa Mall ni Daddy Adonis. “Hindi mo ba alam kung sino ako?! E mga gago pala kayo e!” singhal ni Sir Wade sa mga guard sa labas ng penthouse. “Sir Wade, pasensya na po, si Sir Adonis lang po talaga ang pwedeng pumasok dito, mahigpit na bilin niya po.” “Pero nandito nga si Atasha, ang stepdaughter niya at kay Atasha nakapangalan ang penthouse na yan!” “Pwede ho bang makita ang I.D. ninyo ma'am?” saad ng guard. Nagkatinginan kami ni Sir Wade at alam niyang wala akong dala talaga. “Sir Wade,

  • DADDY ADONIS (SPG)   Chapter 48

    ATASHANang makalabas kami ng Ospital ay iginiya ako ni Sir Wade sa kotse niya. Napakalinis niya sa kotse, iyon agad ang napansin ko. May kalumaan na rin ito ngunit mukhang maingat si Sir Wade sa pag-gamit. Dumiretso kami sa Gentleman Hotel. Iniisip ko ang penthouse na binigay ni daddy Adonis ngunit dahil nga hindi ko nakuha ang mga gamit ko ay wala sa akin ang susi o ID man lang na nagpapatunay na ako si Atasha Montenegro kaya hindi ko rin magagamit ang penthouse. May mga guards kasi doon pero bukas na bukas magpapatulong ako kay Sir Wade. Tama, iyon ang plano. Nang makababa kami ng kotse at lumakad na papasok ng lobby ay kaagad siyang sinalubong ng mga empleyado doon. Namangha ako sa sobrang ganda ng lugar. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok ako ng Gentleman Hotel. May malaking staircase sa harap at meron ding malaking chandelier. Napakaganda at hindi maalis ang tingin ko doon ngunit iginiya na ako ni Sir Wade paakyat. Nag-elevator kami. Sa pinakataas na palapag ay ma

  • DADDY ADONIS (SPG)   Chapter 47

    ADONISIlang araw na akong tumatawag kay Atasha ngunit walang sumasagot. Nagri-ring lang ng nagri-ring ang cellphone niya at ngayon ay out of coverage area na kung kaya't tinawagan ko si Mat-mat. “Hello, Mat-mat?” “Boss?” “Pumunta ka nga sa Mansyon, alamin mo ang sitwasyon. Nasa business trip kasi ako. I want to know everything. Kung nasaan ba si Atasha at anong pinag gagagawa ni Cynthia.” “Sige po, boss.”“Okay. balitaan mo ako kaagad ah, gusto kong malaman laha–” naputol ang mga sasabihin ko dahil inagaw bigla ni Siobeh sa kamay ko ang phone ko. “Ilang beses ko ng sinabi, putang ina! No phones allowed during work! Simple instructions, can’t follow. Ano ba, Adonis? Hindi tayo naglalaro dito!”“Alam ko! Tumawag lang ako sandali, hindi ba pwede iyon?! Damn it! Amin na ang phone ko!” saad ko na akmang kukunin na sa kanya ngunit pinigilan niya ako at inilayo sa akin ang phone ko. “Isa, Siobeh!” gigil na sambit ko.“Mamaya!” sigaw niya sa akin na hindi man lang natatakot sa akin. “

  • DADDY ADONIS (SPG)   Chapter 46

    ATASHA“Buntis ka?!” singhal ni mommy na masama ang tingin sa akin. “Mo-mommy.. hi-hin–” naputol na ang mga uutal-utal kong salita dahil mabilis niyang hinablot ang buhok ko. “Walang hiya kang bata ka! kaka-graduate mo lang ng kolehiyo! sinayang mo lang ang pagpapa-aral sayo ni Adonis! hindi ka na naawa sa stepfather mo!” “Aray! Mommy, tama na po! nasasaktan ho ako! Mommy!” “Malandi kang bata ka! masasaktan ka talaga sa akin! nagpapagalaw ka na nga ng walang bayad sa lalaki mo at ngayon nagpabuntis ka pa?! at ang kapal ng mukha mong manatili pa dito pagkatapos ng ginawa mo?! lumayas ka, ngayon din!” “Mommy, tama na po! parang awa niyo na! wala po akong mapupuntahan, parang awa niyo na po!” napahagulgol na ako ng iyak dahil naghalo-halo na ang sakit na nararamdaman ko. Ang pagsabunot sa akin ni mommy at ang isipin na pinapalayas niya ako. “Tanga ka talaga! boba! hindi ka na naawa sa nagpa-aral sayo! pagkatapos mong maka-graduate nagpabuntis ka lang!” singhal ni mommy habang kina

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status