DAN'S POV SA BAWAT araw na lumilipas sinikap kong kalimutan ang asawa ko naging abala ako sa pag-aasikaso nang pag-export ng mga produkto ng kumpanya Kahit nasa ibang bansa tutok pa rin ako sa bawat detalye ng expansion ng company sa tulong ni Ms. Cindy. Kung saan-saan bansa ako nakarating naging malaking tulong upang hindi ako matunton ng asawa ko batid kong hinahanap niya ako ayon kay Ms. Cindy pilit inaalam ni Liam ang kinaroroonan ko. Hindi ako handang harapin siya takot akong muling maloko niya at maniwala sa lahat ng kasinungaingan niya. Wala na akong balak bumalik sa kanya at magpaka-tanga. Unti-unti nasasanay akong mamuhay mag-isa, kahit malungkot sumasaya ako sa madami at bago kong natututunan. Mga bahay na ngayon ko lang nagawa,. Basic pero vital katulad ng maglaba, magluto at maglinis ng apartment kong saan ako nanunuluyan pansamantala. Sinikap kong kalimutan ang asawa ko ngunit sa bawat pagsisikap ko may kong anong munting nagpapaalala sa akin kay Liam. Pilit ko
Naging pabaya sa mga negosyo at palaging naglalasing nalaman ko mula kay Manang na madami na itong nasaktan na katulong sa masyon, nasigawan at minsan nagbabasag naninira pa ito ng gamit kapag nagwawala pero ang labis na ikinainit ng ulo ko ng malaman na pati si Dan muntik niya ng masaktan kong di lang ako pinigilan ni Erick baka kong ano na nagawa ko sa kapatid ko. Sa kabila ng naging asal ni Luke nagawa pa rin ni Dan alagaan at bantayan si Luke alam kong nag-aalala siya at naging malapit na ang loob niya dito, kaya pinagselosan ko si Luke ng makita kong magkayakap sila ngunit ng ipinaliwanag ni Dan na Luke just comforted her when she found out she had a miscarriage, sa kabilang banda masaya akong malaman na nag-mamalasakit si Luke sa asawa ko. Sa sobrang daming kailangan gawin hindi ko na nalalambing si Dan alam ko nagtatampo ito inisip nya pa na may relasyon kami ni Trixie kong alam lang niya... Pero natutuwa naman akong malaman na nagseselos siya kahit hindi niya sabihin batid
DAN'S POVMatagal na pala akong niloloko at ginawang tanga ni Liam..Kaya pala hindi s'ya maka-sagot sa tanong ko kung magkasama sila ni Trixie noong madaling araw na ito umuwi at hindi ko siya ma-contact. Mukhang matagal na nila akong niloloko at kaya pala ganoon na lang ang galit ni Luke kay Liam. Sa huli pareho lsng kami ni Luke nasaktan.Galit ako sa asawa ko dahil sa panloloko niya sa akin, sinisisi ko rin ang sarili ko dahil hinayaan kong mahulog ang loob ko at umibig sa kagaya niya. Umasa akong magbabago siya na sapat ang pagmamahalan namin upang hindi na siya maghanap pa ng iba. Ngunit nagkamali ako.. maling pinapasok ko siya sa buhay ko.Mga katotohanang puro sakit sa dibdib ang dulot dahil walang totoo sa mga ipinakita niya..Mag-isa.. Wala na ang pamilyang inakala ko ay sa akin,. Hindi ko magawang tumakbo sa mga kaibigan ko di gaya dati sa tuwing masama ang loob ko at may pinagdadaanan kay Sam at Cathy ako humihinga pero ngayon takot akong pati pagkakaibigan naman ay masir
Mahirap ang hinihiling niya. Oo siya na lang ang natitirang magulang ko pero mali ito. Hindi ko alam paano haharapin ang pamilyang inagawan niya, ang kaibigan ko at paano naman ang Dad ko. Kahit bunga ako ng pagkakamali ng Ama ko hindi ko kayang maging masaya para sa kanya, kahit nagkamali ang Dad ko alam ko buong buhay niya sinikap niyang bumawi sa Mom ko, nasaksihan ko kong gaano niya kamahal si Mommy lalo na ako. Nagawa niya nga mamuhay kasama si Dad at ako bakit hindi niya kayang ipagpatuloy kahit kami na lang. Marahil hindi ako sapat na dahilan upang pigilan siya o talagang hindi ko siya kayang intindihin. "Kapag umalis ka at sumama kay Atty. Ramirez kalimutan n'yo ng anak niyo ako at kakalimutan kong Ina ko kayo." may diin kong sabi, pinahid ko ang luha ko gamit ang palad ko at dinampot ang bag ko saka tinalikuran siya. Mabigat ang bawat hakbang ko. Wala na akong marinig kahit alam kong may sinasabi pa siya. Nais ko lang Makalayo. Umalis. Handa akong tapusin ang lahat.
NGAYON daradating ang mga inlaws ko ayon sa Mom ni Liam sa mansyon sila mag-stay. Nag-aalala din sila sa nangyayari kay Luke dahil hindi naman ito dating ganito in fact, ayon sa Mother in-law ko mas sakit sa ulo ang asawa ko kumpara kay Luke, totoo naman. Unang kita ko pa lang kay Luke noong wedding day namin magaan na ang loob ko sa kanya, maamo kase ang mukha niya kahit palaging seryoso. Gustuhin ko man intayin ang pagdating ng mga in-laws ko at salubungin sila dahil na-miss ko ang mga ito ngunit madami akong kailangan gawin. Nag-occular visit ako sa site sa Laguna sa bagong plantang itinatayo kasama ko si Erick, unti-unti nasasanay na ako sa presiyensiya niya. "Ano yan?" tanong ko kay Erick ng makita ko ang hawak niyang itim na box at may lasong kulay dark pink. Nagulat siya ng makita ako. "Ah, Ma'am Dan wala may nagbigay lang sa akin." seryoso niyang sagot. "hmm, really?" muli kong tanong. Dahil noong isang araw napansin ko din na may hawak siyang ganong box na may las
Naramdaman ko na lang may bumuhat sa akin, naamoy ko ang pabango ng asawa ko kaya di na ako tumutol dahil pagod at antok na antok ako. Hanggang mas naging kumportable ang higa ko sa malambot na kama. Naramdaman na may palad na dumampi sa pisngi ko sinubukan ko dumilat at nakita ko ang mukha ni Liam. Mukha siyang pagod, hindi na rin naka tacked-in ang polo niya sa pants na suot. "You should rest." mahinang sambit niya. Tumayo siya at naglakad patungong sa walk in closet. Kahit inaantok bumangon ako at sinundan siya. "Babe," mahina kong tawag. Nagbibihis siya nakatalikod sa akin. "Mm.. Go back to your sleep." ani niya. Naglakad na ako pabalik sa kama dito ko na siya inintay. Sinulyapan ko ang walk clock mag aalas-kuwatro na ng madaling araw. Napakunot ang noo ko. Nang makalabas siya ng walk in closet pinatay nya ang ilaw at humiga sa tabi ko. "Where have you been?, Bakit ngayon ka lang?" nilingon ko siya. "Let’s go to sleep" tamad niyang sabi. "Sabi mo su