LOGINSNOW ANTONIO
MAAGA akong gumising at gumayak. Nagluto ako ng almusal at sinobrahan ko pa ito para kay Ate Kath. Kahit hindi ako sigurado na uuwi ito. Tapos na ako magbihis at naghanda na ako ng pagkain ko para baunin sa school nang may kumatok ng napakalakas. “Sandali!” patakbong pumunta ako sa pinto at umaasang si ate ito. “Snow Antonio?” tanong ng lalaking naka-sun glasses ito. Matangkad. Matipuno ang katawan at may itsura naman kahit papaano. “Y-yes? Bakit? M-may kailangan ka?” tanong ko naman at bahagyang sumilip dahil sa di-kalayuan nakaparada ang sasakyan at may dalawa pa itong kasama. “Para sa'yo,” sabay abot sa akin ng makapal na puting sobre. Nakakunot naman ang noo ko na kinuha ang sobre. Tiningnan ko ito at napanganga sa gulat. Pera? Lilibuhing pera. Jusko! Bakit andaming pera ang natanggap ko. “K-kanino ito galing? Para saan?” kinakabahang tanong ko naman. “Galing sa ate mo. Matatagalan siyang umuwi. Kaya ang pera na yan ang gagastusin mo sa pag-aaral at pagkain. Kung kulang pa, may numero dyan sa likod ng sobre. Tawagan mo lang yan at pupuntahan kita dito.” “A-ano?! Nasaan ang ate ko?! M-mayaman na ba siya?! Hindi niya ako kukunin?!” paiyak na tanong ko rito. “Aalis na kami. Huwag ka mag-alala, nasa maayos ang ate mo.” “S-saglit! May asawang foreigner ba ang ate ko?! Mayaman ba ang foreigner?” Tiningnan lang ako nito at tumalikod na. Napabuntong-hininga naman ako at napatitig sa sobre. Ang dami ko ng pera. Pero hindi. Baka may kapalit ito. Baka may ginawa sila kay ate at ito ang pera na binayad nila sa akin para manahimik ako. Kailangan ko magsumbong sa pulis na nawawala ang Ate Kath ko. Pero…maniniwala kaya sila sa akin? Haist. Pero hindi puwede na wala akong gagawin. Kilala ko si Ate Kath. Kapag hindi ito umuuwi o kung kaya’t may pupuntahan ito, tumatawag ito sa akin o nagsasabi agad para hindi ako nag-alala. Dahil mamaya pa naman ang klase ko, dumiretso muna ako presento. Kahit alas otso pa lang ng umaga, marami ng tao sa loob. Ang iba mga sanggano na nakaposas. Ang iba kung ano-ano nirereklamo at nagsisigawan na. Pagpasok ko parang nagulat pa ang mga ito at nakatingin sa akin. Nakasuot kasi ang ng uniform. Dumiretso ako sa isang table at nagtanong sa police. “Sir, good morning. Saan po dito mag pa blotter?” “Yes,ma'am. Upo kayo,” sagot ng police na mabait din naman ito. “Sir, iyong ate ko. Ilang araw na nawawala. Hindi po siya umuwi sa bahay. Kapag umalis po siya or may pupuntahan, nagsasabi po iyon sa akin,” nag-alalang salaysay ko rito. “Ano pangalan ng ate mo? Edad? At kailan ito umalis?” tanong ng pulis. “Kath Antonio po. Twenty seven na po siya. Nitong nakaraang linggo lang po siya umalis. At hanggang ngayon wala pa po akong balita.” Pagkasabi ko agad naman napatitig ang pulis. “Ano ulit ang pangalan?” tanong niya na parang sinisigurado ang pangalan na sinambit ko. “Kath Antonio, sir. Bakit po?” “A-ah wala. Miss, pasensya na. Marami pang kaso kami dapat unahin. Saka matanda na pala ang ate mo. Baka mamaya o bukas nandyan na yan sa inyo.” Napatayo ako bigla. “Ano?! Kaya nga po nandito ako para i-report na nawawala ang Ate Kath ko! Anong klaseng mga police kayo!” napalakas naman ang boses dahil uminit ang dugo ko rito. Nagkatinginan naman ang lahat sa akin. May lumapit naman na officer. “Anong nangyari dito?” “Sir, ahmmm..,” aniya ng kausap ko na police kanina at may binulong ito sa officer. Huminga ako ng malalim para kumalma. “Miss Antonio, right?” aniya ni officer. “Opo. Sir, kailangan ko mahanap ang ate ko! Please po.” “Pasensya na talaga, ma'am. Kung gusto niyo sa ibang police station na kayo magreklamo.” Napahilamos naman ako sa aking mukha. Galit na hinarap ko ang mga ito. “Wala kayong kwenta! Bakit pa ako pupunta sa ibang presinto eh ang presinto na ito, ang lugar kung saan naka address ang bahay namin! Bakit sinuhulan rin ba kayo?! Isusumbong ko kayo kay Mayor!” Padabog akong lumabas at naghihimutok sa galit. Pumara na ako ng traysikel papunta sa university. Nadismaya ako sa mga police na iyon. Pinapakita lang mga ito na kayang bilhin ang kanilang dignidad. Dumiretso muna ako sa canteen para bumili ng tubig. Medyo hinihingal pa ako. May twenty five minutes pa ako bago mag start ang klase. “Hey, Snow Antonio!” sigaw naman ng babaeng nakasuot ng napakaikling skirt. Medyo labas din ang cleavage. Kilala ko ito. Campus sweetheart ito. Maganda kasi at mayaman. Syempre kilala niya ako at may isang subject na kaklase ko ito. “Bakit?” mahinahon na sagot ko naman. Wala ako sa mood talaga. “Can you do me a favor?” maarteng sabi niya. Lumingon pa ito sa mga kasamahan niya na nag-uumpukang sa kabilang mesa. “Ano iyon?” Kalmadong tiningnan ko ito ng diretso. “Our table is so stinky. Can you clean it? I'll pay you,” nakangiting sabi niya at alam ko naman na puro ka plastikan lang. Tumayo naman ako at hinarap ko ito. Kahit naka heels pa ito, mas matangkad pa rin ako. Laking pasasalamat ko na rin at maganda ang height ko talaga. “Alam mo, sino nga pala pangalan mo?” Nag-iisip ako kunwari kahit kilala ko ito. “Ah, Geraldine! Hindi ako katulong mo. Hindi ako trabahador dito sa University. At lalo hindi mo ako alila. At puwede mo rin utusan ang mga uto-uto mong alipores para linisin ang lamesa niyo! Hindi maganda ang mode ko ngayon, baka ikaw ang makasalo ng init ng ulo ko,” nginitian ko pa ito. “You're a crazy bitch. You're just a scholar here. You don't even have much money to pay here. You're poor!” Lalo ko itong nginitian. “Poor na kung poor. Basta masaya ako at nakakain araw-araw. Ikaw? Pakarat ka! Ika nga nila, all for one, one for all. Bye!” Nagngingit ito sa galit at nagwala pa ito. Hindi ako natatakot. Ako pa ang kalabanin Niya?! Eh sanay na ako sa squatter na panay ang rambolan. Doon ang kinalakihan ko. Kahit anak ka pa ng presidente, kung mali ka, well….tatamaan talaga sa akin. Namulat ako na hindi ako papayag na basta lang akong tratuhin na parang basahan. Mahirap lang kami ni Ate Kath pero hindi kami papayag na apak-apakan kami ng mga mayayaman na masama ang ugali. “Snow!” Patakbong lumapit si Yolly sa akin. “Grabe ka, Inday! Ang tapang mo. Nagwawala na naman si Geraldine at ikaw pa lang ang gumanyan sa kanila,” sabay tawa naman ng kaibigan ko. “Sumusobra na siya. Puro paganda lang siya at paglalandi, wala namang alam sa klase. Tapos masama pa ang ugali. Nagkataon pa na hindi maganda ang mood ko.” Humagikhik naman si Yolly. “Basta, i will support you.” “Puro lang yan sa yabang, takot din naman iyon! Saka, di ba tayo na ang prioritize ng University na ito. Ang mga scholarship kasi ang dahilan kung bakit mataas ang ratings ng Crimson University,” malapad ang ngiting saad ko naman. Laging nangunguna sa performance at grado ang mga katulad namin ni Yolly na scholarship pagdating sa aktibidad. “Syempre naman! Ang bait ng may-ari ng University na ito. Kasi tayo pa rin ang pina-priority. Ay oo nga pala, Snow. May naghahanap sa'yo kanina, napakaguwapo niya. Matangkad. Maputo at maganda ang katawan. Alam mo iyong nasa kanya na ang lahat,” parang natural pa die Yolly habang nagkukuwento. “Sino nga?” “Sabi niya, siya daw si Tristan. Pero sabi sa akin, DOS na lang itawag sa kanya. Hinahanap ka eh.” Napaisip naman ako. Hindi ko kilala iyon. Ano ang kailangan niya sa akin? “Ay, babalik daw siya. Baka secret admirer mo! Ehhh…grabe ka, Snow!” kinikilig na saad ni Yolly. “Baka naniningil lang iyon. Madami kami utang. Baka bombay iyon. Five-six ba,” sabay hila ko kay Yolly at magsisimula na ang klase namin.NINA SANCHO"NINA!""NINA!"F*CK! Umagang-umaga may nanggugulo na agad sa akin. Inis na hinila ko ang roba at sinuot ito. Agad ko rin binuksan ang pinto. Gulat na bumungad sa akin ang aking pinsan, si Becket Velasquez. "Asshole!" Inis na binatukan ko ito.Napakamot naman ito sa kanyang ulo."What do you need?!" "Gusto ko magpahanap sa'yo ng isang napakagaling na attorney," aniya na basta lang ito pumasok sa loob ng bahay ko."Attorney? Para saan?" Ni-hindi man lang niya ako nilingon."Asshole! Para saan nga?!"He look at me. "Dami mo tanong. Basta nga," anito na dumiretso ito na ito sa kusina.Abnormal talaga! Akmang susundan ko ang binata sa kusina, may kumatok na naman.Pagbukas ko ng pinto, ang nakangising mukha nina Jenny Rivas at Z, ang bumungad sa akin."Ano na naman kailangan niyo?""Si ex-hubby mo, pumunta kagabi sa bahay at iyak ng iyak," natatawang saad ni Z.I sighed. " Hayaan niyo siya."Si Jenny naman, dumiretso na ito sa kusina at sumunod naman kami ni Z."Ohh..la
NINA"TWENTY thousand."Nakataas naman ang isang kilay ko sa lalaking nasa harapan ko."TWENTY thousand? Twenty thousand lang ibabayad mo sa akin para pumatay?" natatawang sagot ko rito."Yes, Miss Sancho. Kung gusto mo-.""No. Kung gusto mo, puntahan mo si Attorney Cortez, siya ang i-hire mo."Hindi ko alam kung sino nag-utos o nagsabi rito sa matandang lalaki na hired killer ako."Eh, si Attorney Cortez nga nag-utos sa akin na ikaw ang puntahan ko."Napailing naman ako."Sino ho ba ang kalaban niyo?" nakangibit na tanong ko rito."Gusto ko sana ipatumba si Kairo Alcantara."Nanlalaki naman ang mga mata ko."Po?! Ay, bakit naman?!""Binuntis niya ang anak ko! Tapos ayaw niya panagutan. Hindi daw siya ang ama! Ipapatumba ko ang gag*ng iyon!"Kinagat ko naman ang aking ibabang labi. Tingin ko sa matandang lalaki na kaharap ko, mahirap lang ito. Sa ganitong trabaho, ang five million barya na iyan sa isang katulad ko. Kahit sinong killer, hindi tatanggapin ang ganyang maliit na halaga."
NINANapasinghap naman ako sa lamig ng simoy ng hangin. Nandito ako sa probinsya ng Bulacan. Actually, nakituloy muna ako dito sa bahay ni Javi. Nasa ibang bansa pa naman ito."Magandang umaga, Ma'am," bati naman ng katulong sa akin."Morning," nakangiting saad ko naman. Nakasuot lang ako ng sports bra at cycling. Balak ko kasi muna magjogging bago kumain ng almusal."Jogging lang po ako," Saad ko naman."Ah, sige po, Ma'am."Uminat-inat muna ako bago dahan-dahan tumakbo.Napakaganda talaga ng napiling lugar ni Javi. Matao pero sobrang presko at napakalinis ng lugar.Dapat sa Batangas ako pero mas pinili ko muna dito sa Bulacan.Napaliko naman ako sa isang makipot na daan. Medyo magubat ito at hindi masyado dinadaanan.Napatigil naman ako sa pagtakbo nang may humarang sa aking harapan."Miss, trespassing ka!" aniya ng isang armadong lalaki."Oh, I'm sorry. Ah, wait. Ang pagkakaalam ko, pag-aari pa rin ito ng kaibigan kong si Javier Salvacion."Napatigil naman ito."Kilala niyo...ang b
NINA"NINA?"Napatingin naman ako sa lalaking nakatayo sa aking harapan.Kasalukuyan kasi nandito ako sa isang shooting range."Dad."Lumapit naman ito sa akin. Itinabi ko muna ang baril at humarap kay Daddy."Kinausap ako ni Kenzo. Hindi pa pala kayo divorce," Saad ni Daddy.Hindi na ako nagulat. Alam ko naman ang style ni Ziena. Alam ko na hindi rin ito papayag na tuluyan kami maghiwalay ni Kenzo."So, ano ngayon, Daddy. What's wrong if hindi nga kami totally hiwalay?" baliwalang sagot ko naman."Kailangan ko si Kenzo. Namumulubi na ang aking kompanya! Sana maintindihan mo ako, Nina!"Mahina naman ako napatawa."Dad, anak niyo rin ako. Bakit kailangan pa ipakasal si Kenzo sa Kapatid ko, nandito naman ako at kasal na kami ng lalaking gustong-gusto mo."Galit na bumaling naman ito sa akin."Anak sa labas, Nina! Alam mo na hindi kita puwede ipagsigawan sa lahat na an-."Agad ko naman pinutol ang kanyang sinasabi."Hindi mo puwede ipagsigawan sa lahat na anak ako ng GRO? Pokpok? Bayaran
KENZODAMMIT!!Nagdududa talaga ako sa aking kapatid na si Kaleb at ang aking asawa na may relasyon pa sila."Sir Kenzo!"Napatingin naman ako sa make-up artist ko. May gagawin akong shoot para sa Men's Magazine. Kasama ko rin si Rhenz Bright. "Sir, kayo na daw po ang next.""Okay."Tamad naman akong tumayo. Hinubad ko na ang aking t-shirt. Ang suot ko lang ay boxer brief. "Hey, bro," nakangising bati naman ni Rhenz."Hey," mahinang sagot ko naman."What happened? Parang may nabuntis ka yata ah," aniya na nakangising aso ito."F^ck you! Baka ikaw!" saad ko rito.Humalakhak naman ito. Matalik na kaibigan ko rin si Rhenz. Kaibigan ko rin kasi si Samara ang kanyang kapatid.Masama ko naman itong tiningnan at tinalikuran na. Kung babaero ako, mas triple ang pagkababaero ni Bright. Kahit may asawa, sinisisid pa rin niya. Hindi naman nakatuon ang buhay ko sa pagiging Modelo. Mas priority ko pa rin ang mga negosyo ko. Kahit namamayagpag ang pangalan ko sa mundo ng showbiz, baliwala pa r
NINA"ALAM mo may kasabihan talaga tayo diyan eh," nakangising saad ni Jenny.Nandito kami ngayon sa isang restaurant na pag-aari ng asawa ni Gaia. Bihira lang ako pumupunta rito. "Kapag ang langaw may naamoy na sa paligid, susundan niya iyon. Parang si Kenzo, alam niyang pumapaligid si Kaleb sa'yo, kaya natataranta 'yan at panigurado binabantayan ka," Saad ni Jenny."May asawa na si Kaleb," tamad na sagot ko naman."Anong meron sa pamilya ng Alcantara bakit gusto mo pasukin?" seryosong tanong ni Bea."It's confidential. Pero may kinalaman ito sa underground business nila.""Underground business? What you mean?" natatawang tanong ni Selene.Napatingin naman ako kay Selene. Bihira lang din ito na sumasama sa amin.Umiwas naman ako ng tingin."So, balak mo bang banggain ang mga negosyo nila? For what?" aniya ni Selene.Hindi naman makaimik ang ibang mga kaibigan namin."Dahil ba sa Daddy mo? Gagamitin mo ang mga Alcantara dahil kasosyo ito ng Daddy mo, right?" nakataas ang kilay na saa
SNOW ANTONIOPANAY ang hinga ko ng malalim. Sino ba naman ang hindi mamangha sa ganitong mamahaling university. Kahit sobrang hirap ni Ate Kath, dugo't pawis niyang itinaguyod ang pag-aaral ko. Kasalukuyan kumukuha ako ng kursong Nursing."Gosh! Sobrang ganda," mahinang saad ko. Laking pasasalamat
SNOW ANTONIO “BYE, YOLLY!” Iniwan ko na ang kaibigan ko sa library dahil may group activity pa daw ito. Paglabas ko sa gate may sumalubong agad sa akin na isang napakaguwapong nilalang. Parang may kamukha ito. Pero nawaglit ito sa isipan ko kung sino ang kamukha niya dahil mabilis itong nakalap
SNOW ANTONIO OH MY GOD! Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakapasok sa ganitong napakalaking bahay. Hindi naman talaga bahay, it's a mansion! Napakaganda. Napaka-elegante. As in, masasabing bilyonaryo ang may-ari.“We're here,” anito na inalalayan pa ako papasok sa loob. Lalo ako namangha sa law
Panay ang kisap ko ng aking mga mata. Napatangin ako sa aking paligid. Wow!Sobrang ganda ng silid. At halatang panlalaki ito.Lalaki?!Oh my God!Napabalikwas naman ako ng bangon. Napatingin ako sa aking katawan. Wala akong damit at pantalon. Tanging ang suot ko lang ay underwear at bra. Wala nam







