Home / Romance / DARKER SHADES OF RAIN / Chapter 3: No Safe Haven

Share

Chapter 3: No Safe Haven

last update Last Updated: 2022-09-12 16:30:50

Malambot na higaan ang naramdaman ni Nahara nang inilapag siya ng sinumang kumarga sa kanya. Hindi lang iyon, mabango ang paligid, hindi gaya ng nakasusulasok na amoy ng basement na pinagkulungan ni Fabian sa kanya. Speaking of that evil Fabian, nasaan na kaya ang mga ito? Siguro ay nagpakasasa na silang dalawa ni Vera sa perang ipinambayad sa kanya. Hindi niya maiwasang makaramdam ng galit. Labis labis na ang pang-aaping ginawa ng mga ito sa kanya.

Naalala niyang matapos niyang makausap si Velasquez, bigla na lang siyang hinimatay nang may pinisil ito sa kanyang batok. Hindi niya mapigilang manlumo. Akala niya ay ligtas na siya. Hindi pala. Ano kaya ang plano nito sa kanya? Kung pahihirapan lang din siya nito, sana ay tapusin na lang nito ang buhay niya.

Nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa kanyang paningin pagkatapos tanggalin ang telang ibinalot nito sa kanyang ulo. Ilang beses siyang napakurap kurap bago luminaw ang kanyang paningin. Sinalubong siya ng isang kulay gintong kisame. Sa gitna nito ay naroroon ang isang malaki at magarang chandelier.

Inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid at natagpuan ang lalaking akala niya ay naglitas sa kanya. Nakahalukipkip ito sa may hamba ng pinto ilang metro ang layo sa kanya habang nakatitig sa gawi niya.

Kinabahan siya nang unti unti itong naglakad papalapit sa kanyang kinaroroonan kasabay ng paghububad nito sa sariling damit. Sinubukan niyang bumangon at saka lang niya napagtanto na nakaposas na pala ang mga kamay niya. Hindi lang ordinaryong posas kundi parang makapal iyon na sinturon at mahigpit ang pagkakatali.

"A—anong ginagawa mo?" Natataranta niyang tanong.

Ayaw niya itong pagmasdan. Hindi man sinasadya ay humahanga siya sa pangangatawang meron ito taliwas sa katawan ng kanyang stepfather na lagi niyang nakikita sa loob ng ilang taon. 

"What do you think? Of course I'll fuck you tonight. Nakalimutan mo na bang binayaran na kita? You are going to work for the money I paid you," nakangisi nitong sambit.

Nagsimula ng mamuo ang luha sa kanyang mga mata dahil sa takot. Mariin siyang napapikit nang magsimula na itong humaplos sa kanyang mga binti.

"P—please parang awa mo na. Pakawalan mo na ako, please please…"

"Why would I do that? I didn't pay triple the money that ugly Mattias paid you just to let you walk away, honey. You are going to be mine tonight." Malademonyo itong ngumisi.

Sinubukan niyang magmakaawa ulit subalit tumalim lamang ang mga mata ng lalaki. Marahas nitong hinablot ang kanyang itim at mahabang buhok kaya napaigik siya sa sakit.

"Stop crying bitch! We are not here for that fucking drama! I hate women who cry a lot. Kapag nairita ako sayo, babasagin ko yang bungo mo!" Banta nito.

Siniil siya ng mapusok na halik sa labi. Pakiramdam niya magkakasugat siya sa ginagawa nito. Para bang ang laki ng galit nito sa kanya habang hinahalikan siya. Tumigil ito sa ginagawa nang hindi siya tumugon kasunod ng isang malakas na sampal sa kanyang pisngi.

"Fuck you! Kiss me back you idiot." He grimaced.

Napaiyak na lang siya. Nang muli siya nitong sinalakay ng halik ay hindi parin siya gumanti kaya naman nakatanggap siya ng isa pang malakas na sampal mula rito.

"You are pissing me off! Nanandya ka ba o sadyang bobo ka lang! Don't you know how to kiss? Gusto mo bang ibigay kita sa mga tauhan ko at nang pagtulungan ka nila?" Pinanlisikan siya nito ng mata.

Napilitan siyang sundin ng gusto nito kahit na hindi naman siya sigurado kung tama nga iyong ginagawa niya. Bumaba ang halik nito sa kanyang leeg. Sa hindi man sinasadya ay nakaramdam siya ng kaunting kiliti. Bagay na hindi niya kailan man naranasan sa tuwing ginagawan siya ni Fabian ng hindi maganda.

Nang maalala niya si Fabian, bigla siyang nanlamig. Habang hinahalikan siya ng lalaki ay unti unting bumabalik ang mga malalaswang eksena sa kanyang isipan. Kung paano siya nito pinaglalaruan at babuyin ang kanyang amain. Narinig niya ang pagkapunit ng kanyang suot na damit.

"H—hindi.." Mahina niyang bulong.

Sinalubong niya ng tingin ang lalaki at ganun na lang ang pagkagimbal niya nang si Fabian na ang nakikita niya sa kanyang ibabaw. Nagpupumiglas siya at hindi na alintana kahit pa magka sugat sugat ang mga kamay niyang nakaposas.

"No! No! Ayoko na! Ayoko!"

Malakas niyang sigaw kasama ng paghagugol. Pinihit siya ng lalaki paharap subalit nagmatigas siya. Sawang sawa na siya sa mga pinaggagagawa nito sa kanya. Ayaw na niyang maranasan pang muli ang kahayupan nito.

"Ayoko na! Patayin mo na lang ako!" Palahaw niya.

Dahil hindi naman nakatali ang kanyang mga paa, iyon ang ginamit niya para maalis ang lalaking nakakubabaw sa kanya. Hindi sinasadyang tumama ang ulo nito sa maliit na lamesa sa gilid ng kama. Maging siya ay natigilan din sa kanyang nagawa. 

Ilang minuto siyang nakiramdam kung babangon ba ang lalaki subalit hindi nito ginawa. Nanatili naman siyang nakahiga sa kama. Kahit anong pilit niyang makawala sa kanyang pagkakatali, hindi siya nagtagumpay. Mariin na lang siyang pumikit. Sigurado siyang kapag nagising na ang lalaki, magiging katapusan na niya.

Wala siyang kaalam-alam kung ilang oras silang nanatiling ganun. Nanindig na lang ang kanyang balahibo nang makita ang pagbangon ng lalaki habang sapo ang sariling noo. Inilinga nito ang tingin sa paligid bago dumako sa kanya. Napalunok siya. Nanuyo ang kanyang lalamunan lalo na't dahan dahan itong tumayo.

"Who the fuck are you?! And why are you in my fucking bed?" Pinaghalong galit at pagtataka ang nakarehistro sa pagmumukha nito.

Maski siya ay nagtaka rin sa ikinikilos ng lalaki. Bakit ba parang hindi siya nito naaalala gayong ito naman ang nagdala sa kanya sa loob ng silid na ito?

Muling inilibot ng lalaki ang tingin sa paligid at pumirmi iyon sa kulay maroon na coat. Ilang sandali pa, sinapo na nito ang sariling noo bago pinulot ang coat at may hinugot mula doon. Nang sumampa ito sa kama ay nagsumiksik siya doon.

Walang emosyon ang mga mata nitong tumitig sa kanya. Wala na ang ningning at mapaglarong titig nito, kaiba sa nakikita niya kani-kanina lang. "Stop moving, woman. I'll be untying you."

Maging ang boses nito'y walang kasing lamig. Nalilito tuloy siya kung kaparehong lalaki ba ang nagdala sa kanya dito kanina at ang kaharap niya ngayon. Matapos siya nitong kalagan, umalis ang lalaki sa kama at hinugot ang pitaka nito kasunod niyon ang pagbunot nito ng lilibuhing pera at initsa sa kanyang mukha.

"I don't know if you're already paid or not but take it," tukoy nito sa pera. "...and leave my house immediately. I will shoot your head kapag nakita pa kita dito mamaya."

Tumalikod na ito at naglakad patungo sa pinto. Sinundan niya ng tingin ang malapad na likuran ang lalaki bago ibinaling ang tingin sa pera na nagkalat sa kama.

Tama ba ang narinig niya? Pinapaalis siya nito? Malaya na siya?

Nanghihina man, tumayo na siya sa kama. Nanginginig ang kanyang binti nang umapak siya sa makintab na sahig. Dahil napunit na ang kanyang damit, pinulot niya ang coat na suot ng lalaki kanina at isinuot iyon para takpan ang kanyang hubad na katawan. Kinuha niya ang perang ibinato nito sa kanyang mukha at isinilid sa bulsa bago dahan dahang naglakad palabas ng silid.

Napasinghap siya nang masilayan ang tahimik na kabahayan. Animo nasa loob siya ng isang palasyo dahil sa interior design ng bahay. Hindi lang iyon, ang laki-laki pa. Gaya ng kulay sa loob ng silid, ginto rin ang pintura ng labas.

Maingat siyang bumaba ng hagdan. Pagtapak niya sa huling baitang ay siyang pagtunog ng kanyang sikmura. Kaya pala nanginginig ang kanyang mga binti. Dahil gutom na siya. Kailan ba siya huling kumain? Hindi na niya maalala.

Natagpuan na lang niya ang sarili sa malawak na kusina ng bahay. Mabuti na lang at walang tao sa buong paligid maliban sa kanya. Agad niyang nilantakan ang tinapay at fresh milk na kanyang nahagilap. Bahala na. Kailangang magkalaman ng kanyang tiyan para may lakas siya kahit papaano.

Dahil abala siya sa pagsubo tinapay, hindi niya namalayang may nakalapit na pala sa likuran niya. Naramdaman na lang niya ang malamig at matigas na bagay na itinutok sa kanyang sentido. Lumikha ng ingay sa tahimik na kusina ang nabitawan niyang gatas kasunod ng tinapay.

"I already told you to leave, didn't I? But you're still here stealing food when I already gave you money. I guess you really wanna die in my hands…"

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mec Mec
Grabe nman author masyado nman kawawa yung babae d2
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 121: Engaged

    Napakurap-kurap siya kasabay ng pagtulo ng ilang masaganang butil ng luha mula sa kanyang mga mata habang patuloy din sa pag-ulan ng nyebe sa buong paligid nila. Punong-puno ng samut-saring emosyon ang puso niya ng mga oras na iyon pero higit na nangingibabaw ang kasiyahan."Hey... Stop crying. I'm proposing a marriage to make both of us happy but you're tearing so much instead," nakangusong ani Rain.Mahina siyang natawa habang umiiyak. Sa ilang buwan nilang pagsasama, minsan narin niyang naisip kung aayain ba siya ni Rain na magpakasal. Lihim nga siyang nainggit sa mga kapatid niya na pinakasalan na ng mga asawa nito pero nanatili siyang tahimik at iwinaksi ang bagay na iyon sa isipan niya.Sapat narin naman sa kanya ang kaisipan na mahal na mahal siya ni Rain. Katunayan ay handa nitong ibuwis ang sariling buhay para sa kanya. Doon palang panalo na siya eh. Hindi niya inaasahan na darating pala sila sa pagkakataong ito na makikita niyang nakaluhod ang lalaking una at huli niyang mam

  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 120: Snow

    "How was your therapy?" Tanong ni Malia habang nag-uusap sila through laptop.Kasalukuyan siyang nasa America habang ang kapatid niya ay naiwan sa Pilipinas. Hindi rin naman siya nito pwedeng dalawin dahil pinagbawalan ito ng doktor na bumiyahe ng malayo. Ang Ate Phoebe naman niya at madalas na bumibisita sa kanya pero hindi na niya ito hinayaan na siyang personal na mag-alaga sa kanya.May sarili din itong buhay at pamilya na kailangang asikasuhin lalo na't kakaayos palang nila ng asawa nito ilang buwan na ang nakalipas. Ayaw niyang makulong ito sa obligasyon ng pag-aalaga sa kanya. Hindi na nga kinakaya ng konsensya niya ang perwisyo niya kay Rain. Ayaw niyang madagdagan pa.Yun nga lang ay halos ito ang nag-aalaga kay Hurri kasama si Manang Petra. Pero sa kabilang banda ay mainam narin iyon lalo pa't alam niya kung gaano kasabik sa anak ang Ate Phoebe niya. Dasal niya na sana ay mabiyayaan narin ito ng supling para mas lalo itong sumaya."Ayos naman Ate. Kahapon nakadalawang hakban

  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 119: Fairytale

    Rain stared at the two figures not far away from him. Natatamaan ang dalawa ng mabining sikat ng araw sa umaga. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Isa ang mga ito sa araw na nakaramdam siya ng kapayapaan. Ganito pala ang pakiramdam kapag gumigising ka ng walang inaalala kung may susugod na sayong kalaban. Hindi niya mapigilan ang sarili na mapangiti habang naglalakad palapit sa kanyang mag-ina. It's been a week since he was released from the hospital and all throughout those times, laging nasa tabi niya si Nahara at hindi siya iniwan."Hey..." Pukaw niya sa atensyon nito.Dahan-dahan ding nag-angat ng tingin ang babae mula sa pagkakatitig sa anak nila. His heart was full of warm emotion. Halos lumubo ang puso niya sa tuwa habang pinagmamasdan ang babaeng mahal niya habang kalong nito ang kanilang anak. This is a fairytale. Never in his life he did imagine he would witness a scenery like this.Ngumiti si Nahara sa kanya. Napagtanto niyang unti-unti ng nagkaroon ng laman ang pisngi nito

  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 118: Reunited

    Pakiramdam niya bumagal ang pag-inog ng mundo habang papalapit ng papalapit si Manang Petra sa gawi niya. Titig na titig siya sa batang karga nito habang hindi na niya napigilan pa ang mga luha niya sa pagpatak. Tila nalulunod siya sa labis na kasiyahang nararamdaman niya."He's your son, Nahara. Your Hurricane," madamdamin na sambit ng Ate Phoebe niya.Dahan-dahang inabot ni Manang Petra si Hurricane sa kanya. Tinanggap naman niya ang bata sa nanginginig niyang mga kamay. Maingat na maingat siya na para bang parang babasaging kristal ang anak niya. Mataman itong nakatitig sa kanya na para bang pinag-aaralan nito ang kanyang mukha. Hindi na niya napigilan pa ang sarili niya na yakapin ito ng mahigpit."Anak ko… Ang gwapo ng anak ko," Mahina niyang sambit.Hindi siya lubos makapaniwala na nahawakan na niya ang anak niyang matagal ng nawalay sa kanya. Akala niya ay hindi na darating ang araw na ito. Akala niya hindi na niya ito makikita pang muli pero narito na ito sa harapan niya ngayo

  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 117: Three Sisters

    "Kumain ka ng marami. Kailangan mong magkalaman," ani Malia at tinambakan ng maraming gulay at kanin ang kanyang pinggan.Mabilis naman itong pinigilan ng Ate Phoebe niya. "Stop that, Ate. Baka mabigla ang sikmura at maimpatso ang kapatid natin," nag-aalala nitong turan at inilipat ang ibang gulay sa pinggan ng Ate Malia niya."Bakit sakin mo nilagay. Nagdidiet ako—""Ba't ka naman magdidiet eh hindi ka na naman nagmomodel pa. Sakto lang naman yang katawan mo," nakangusong sambit ni Phoebe."Hey, I still need to maintain my figure para kung may panibagong Avery na darating ay may panlaban ako."Agad naman itong iningusan ni Phoebe. "As if naman papatol ang asawa mo sa iba. Kung di lang nagka-amnesia yun, malamang sa malamang, di yun papatol kay Avery.""Kahit na," pairap na tugon ni Malia.Tahimik naman siyang kumakain habang nakikinig sa dalawa. Sobrang ganda na ni Malia pero may mga kaisipan parin itong ganun, paano nalang kaya siya?"After nating kumain, kailangan mong malinisan Na

  • DARKER SHADES OF RAIN   Chapter 116: Beautiful Scars

    "S—son?" Pag-uulit niya kasabay ng pamalisbis masagana niyang mga luha.Buhay ang anak niya! At tinupad ni Xavier ang kahilingan niya na Hurricane ang ipangalan sa anak niya—anak nilang dalawa ni Rain! Walang pasidhan ng tuwa sa puso niya sa nalaman niya ngayon. Akala niya ay puro unos nalang ang mangyayari sa kanya. Hindi pala. May ginhawa din pala.Masuyo namang ngumiti si Raven sa kanya. "Yes. Maraming naghihintay sayo Nahara at maraming tao ang gusto na gumaling ka so don't lose hope and stop thinking about death. Don't make the people who's here for you shed tears dahil hindi ka masaya na nakabalik ka na. Don't think you're a burden. You are loved Nahara," seryoso nitong wika na mas lalo lang na nagpaiyak sa kanya.Hindi niya aakalain na marami palang naghihintay sa kanya. Napadako ang kanyang tingin sa dalawang babae na nasa sulok ng silid. Ngayon ay nakaramdam siya ng hiya sa sinabi niya kanina. Bakit nga ba bigla niyang naisip ang bagay na iyon?"I'm sorry," mahina niyang samb

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status