"P—pasensya na po...G—gutom na gutom po kasi ako kaya...kaya pinakialaman ko na ang kusina ninyo," pikit mata niyang paliwanag.
Napamulat siya ng mata nang marinig ang mahina subalit sarkastiko nitong pagtawa. "Are you expecting me to believe in those cliche reasons you're saying right now?" Tanong nito. Hindi parin nagbabago ang itsura ng lalaki. Malamig at parang galit.
"T-totoo po ang sinasabi ko—"
Hindi niya naituloy ang iba pa niyang sasabihin nang umalingawngaw ang putok ng baril na may kasama pagkabasag.
"You're a spy aren't you? Who send you?" Sa muli ay tanong nito.
Mula sa nabasag na braso, nanginginig siyang nag-angat ng tingin sa lalaki. Iniisip nitong espiya siya kaya ito galit? "H-hindi po ako espiya—"
"You're not? Then just die!"
"T—teka po!" Hindi niya maiwasang tumaas ang kanyang boses.
Natigilan naman ang lalaki at kunot noo siyang pinagmasadan. "Maniwala po kayo sakin. Hindi po ako espiya. B—binili niyo po ako sa auction. Nakalimutan niyo na po ba?" Napayuko siya.
Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Maya maya pa ay naramdaman na lang niya ang pagbaba ng baril nito kasunod ang paghila nito sa kanya palabas ng kusina at kinaladkad siya sa labas ng bahay. Pasalampak siyang napaupo sa makintab na sahig.
"Get out of my damn house at wag na wag ka ng babalik pa dito. I'm gonna blow that little head of yours kapag nakita pa kita ulit dito."
Takot siyang luminga sa paligid. Kita niyang madilim pa sa labas. Kung paalisin siya nito ay saan naman siya pupunta? Hindi siya pwedeng bumalik sa bahay nila. Fabian must be there. Baka gawan siya ulit nito ng masama o di kaya ay muli siyang ibenta sa hindi niya kilalang lalaki.
Isa pang kinakatakot niya ay ang lalaking bibili sana sa kanya sa auction. Paano na lang kung ito ang makakita sa kanya at pagsamantalahan siya. Tumingala siya ng tingin sa lalaking malamig ang mga matang nakatitig sa kanya. Hindi man niya alam kung ano ang itinatakbo ng utak nito pero isa lang ang nasisiguro niya. Hindi siya nito papatayin dahil kung gusto pa nitong gawin iyon, dapat ay kanina pa.
Mariin siyang pumikit at kinapalan na ang kanyang mukha. "P-pwede po bang huwag niyo muna akong paalisin. Wala na po talaga akong mapupuntahan. K—kahit gawin niyo na lang po akong alila o katulong sa bahay ninyo."
"No." Maikli nitong sagot at tinalikuran na siya.
Hinatid tanaw niya ang bulto ng lalaki papasok ng bahay hanggang sa naramdaman na lang niyang may humila sa kanya palayo sa harap ng bahay. Binitawan siya ng dalawang lalaki sa labas ng malaking gate.
"Umalis ka na Miss at wag ka ng babalik. Magpasalamat ka na lang at buhay ka." Anito at tinalikuran na siya.
Hindi man sinasadya, nahihiwagaan talaga siya sa ikinikilos ng lalaking bumili sa kanya. Nakakalito. Para bang dalawang tao ang nakaharap niya ngayong gabi. May kambal kaya ito?
Luminga siya sa paligid. Madilim ang daan at tanging mga lumang sodium light lang ang ilaw sa tahimik na kalsada. Ang iba doon ay pundido pa nga. Hindi niya alam kung saang lupalop siya ngayon. Sa loob ng walong taon, wala siyang ibang nakikita kundi ang apat na sulok lang ng basement—minsan si Fabian o di kaya ay si Vera.
Humugot siya ng malalim na buntong hininga. Ito na ba ang sagot sa dasal niyang makalaya? Isang beses pa niyang sinulyapan ang nakapalaking mansyon sa gitna ng kawalan bago napagpasyahang tahakin ang daan palayo.
Rain was staring at the bottle of fresh milk and bread on the floor. Napailing na lang siya. Hindi lang pala prostitute ang dinala ng putanginang Hawk na yun sa bahay niya kundi patay gutom din.
He sighed before deciding to went upstairs. Bumungad sa kanya ang magulong kama pati na din ang cuffs na itinali ni Hawk sa babae kanina ay naroon din. Kumunot ang kanyang noo nang makita ang ilang piraso ng perang itinapon niya sa mukha ng babae kanina sa ibabaw ng kama. Why didn't she get all of it? Did he give too much for her worth?
Well, who cares about it. Bakit pa ba niya pinoproblema iyon? Naiiling siyang lumapit sa malaking bintana ng silid. Natanaw niya ang maitim na kalangitan. In any minutes from now, he's sure that it's gonna rain hard who left him wondering if the woman already hailed a cab when it's already 2:30 in the morning at malayo sa main roadside ang mansyon niya.
Ginulo niya ang kanyang buhok. It's already dawn at wala pa siyang tulog. He remembered that he had an early meeting later on with the board about the car exportation ng Starline Galore—his own luxurious car company.
Hindi lang siya sa buong Asya nag ooperate kundi maging sa ibang karatig bansa. This is the only legal business he has and the rest are nothing but a dirty one, particularly operating underground. His fortes are bombs and guns since it's a basic needs in underground battles.
He is not just a simple business magnate like what the above society thinks. As the only heir of Maximo Velasquez, one of the strongest mafia lords who owns the BlackStone Sigma Organization, he inherited the legacy of his family. And now he is considered as one of the feared men underground. They tremble upon hearing his name, some may retaliate but no one succeeded. He is Rain Azrael Velasquez after all.
Naglakad si Nahara kahit na walang direksyon. Hindi siya sigurado kung ilang minuto na siyang naglalakad. Walang sasakyan ang dumaan na pwede niyang parahin.
Wala sa sarili niyang hinugot ang perang ibinigay ni Velasquez sa kanya. Bahagya siyang natawa. Hindi pa naman ganito ang itsura ng isang libo noong panahong buhay pa ang kanyang ina. Siguro ay iba na ang presidenteng nakaupo. Sabagay, mahabang panahon na ang walong taon kaya marami na talagang magbabago.
Luminga siya sa paligid. Wala siyang ibang nakikita kundi kalsada at matatayog na puno sa gilid ng daan. Napangiwi siya nang maramdaman ang paghapdi ng kanyang mga paa. Marahil ay nagkasugat-sugat na iyon dahil wala naman siyang suot na tsinelas.
Napapitlag na lang siya nang bigla na kang kumulog kasabay ng paghampas ng mabining hangin sa paligid. Tumingala siya. Madilim ang kalangitan. Walang buwan. Walang bituin. Mukhang uulan ng malakas.
Ulan.
Bahagya siyang napangiti. Ilang taon na ba niyang hindi nasilayan ang patak ng ulan. Malinaw pa sa alaala niyang madalas siyang magtampisaw sa ulan noong kabataan niya.
Hindi nagtagal, unti unti ng pumapatak ang ulan. Muli siyang tumingala at dinama ang bawat patak. Kasabay ng kanyang pag-ngiti ang kanyang pagluha. Hindi niya alam kung bakit subalit naiiyak siya. Mag-isa siya sa malungkot na kalsada. Nasanay naman siyang ganun ang naging buhay niya pero bakit malungkot parin siya?
Nais na niyang makapiling ang kanyang ina. Nang sa ganun mapunan man lang ang kahungkagan na nararamdaman niya sa ngayon. Namimiss na niya kung gaano kainit ang yakap nito, taliwas sa malamig na daang tinatahak niya ngayon. Nais niyang ngumiti. Yung ngiting totoo. Ni hindi na nga niya maalala kung kailan ba siya huli naging masaya.
Dinadama niya ang malakas na buhos ng ulan. Pakiramdam niya ay malaya siya. Malaya sa mga taong nanakit sa kanya. Pero malungkot pa rin siya. Sa kabila ng pagdarasal niyang matapos na ang buhay niya dahil sa hirap na pinagdadaanan niya, naroon parin ang panaghoy niyang sana magkaroon pa siya ng pag-asang mabuhay at maranasang maging tunay na masaya.
Mahina siya. Naghahanap siya ng masasandalan subalit muli niyang naalalang mag-isa lang pala siya. Wala na siyang pamilya.
Nagpatuloy parin siya sa paglalakad kahit na nanghihina na siya. Basang basa na siya ng ulan pero hindi siya tumigil. Maglalakad parin siya hanggang sa ang mismong lakas niya ang sumuko.
Ilang sandali pa ay nanuot na sa kanyang kalamnan ang lamig. Humahapdi na rin ang ilang sugat niya dala ng pangmamaltrato ni Vera at Fabian sa kanya. Nanlalabo ang kanyang paningin. Unti unti na siyang binawian ng lakas at napaluhod. Malungkot siyang napangiti. Ito na ba ang katapusan niya?
Kasabay ng kanyang pagluhod ang pagpikit ng kanyang mga mata. She's tired now. Too tired to continue. Hindi naman siguro masamang tumigil diba? Sinubukan naman niya pero mukhang hindi na niya kakayanin pa.
Isang ugong ng sasakyan ang kanyang narinig. Kahit na iminulat niya ang kanyang mga mata, malabo ang kanyang paningin at wala siyang maaninag. Naramdaman niya ang pag-angat ng kanyang katawan sa ere pero wala na siyang lakas para tingnan kung sino man iyon at kusa na siyang tinangay ng kadiliman…
Sana lang na ang taong pinagdadasal niyang magliligtas sa kanya ang nagmamay-ari ng mainit na bisig kung nasaan siya ngayon…
Napakurap-kurap siya kasabay ng pagtulo ng ilang masaganang butil ng luha mula sa kanyang mga mata habang patuloy din sa pag-ulan ng nyebe sa buong paligid nila. Punong-puno ng samut-saring emosyon ang puso niya ng mga oras na iyon pero higit na nangingibabaw ang kasiyahan."Hey... Stop crying. I'm proposing a marriage to make both of us happy but you're tearing so much instead," nakangusong ani Rain.Mahina siyang natawa habang umiiyak. Sa ilang buwan nilang pagsasama, minsan narin niyang naisip kung aayain ba siya ni Rain na magpakasal. Lihim nga siyang nainggit sa mga kapatid niya na pinakasalan na ng mga asawa nito pero nanatili siyang tahimik at iwinaksi ang bagay na iyon sa isipan niya.Sapat narin naman sa kanya ang kaisipan na mahal na mahal siya ni Rain. Katunayan ay handa nitong ibuwis ang sariling buhay para sa kanya. Doon palang panalo na siya eh. Hindi niya inaasahan na darating pala sila sa pagkakataong ito na makikita niyang nakaluhod ang lalaking una at huli niyang mam
"How was your therapy?" Tanong ni Malia habang nag-uusap sila through laptop.Kasalukuyan siyang nasa America habang ang kapatid niya ay naiwan sa Pilipinas. Hindi rin naman siya nito pwedeng dalawin dahil pinagbawalan ito ng doktor na bumiyahe ng malayo. Ang Ate Phoebe naman niya at madalas na bumibisita sa kanya pero hindi na niya ito hinayaan na siyang personal na mag-alaga sa kanya.May sarili din itong buhay at pamilya na kailangang asikasuhin lalo na't kakaayos palang nila ng asawa nito ilang buwan na ang nakalipas. Ayaw niyang makulong ito sa obligasyon ng pag-aalaga sa kanya. Hindi na nga kinakaya ng konsensya niya ang perwisyo niya kay Rain. Ayaw niyang madagdagan pa.Yun nga lang ay halos ito ang nag-aalaga kay Hurri kasama si Manang Petra. Pero sa kabilang banda ay mainam narin iyon lalo pa't alam niya kung gaano kasabik sa anak ang Ate Phoebe niya. Dasal niya na sana ay mabiyayaan narin ito ng supling para mas lalo itong sumaya."Ayos naman Ate. Kahapon nakadalawang hakban
Rain stared at the two figures not far away from him. Natatamaan ang dalawa ng mabining sikat ng araw sa umaga. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Isa ang mga ito sa araw na nakaramdam siya ng kapayapaan. Ganito pala ang pakiramdam kapag gumigising ka ng walang inaalala kung may susugod na sayong kalaban. Hindi niya mapigilan ang sarili na mapangiti habang naglalakad palapit sa kanyang mag-ina. It's been a week since he was released from the hospital and all throughout those times, laging nasa tabi niya si Nahara at hindi siya iniwan."Hey..." Pukaw niya sa atensyon nito.Dahan-dahan ding nag-angat ng tingin ang babae mula sa pagkakatitig sa anak nila. His heart was full of warm emotion. Halos lumubo ang puso niya sa tuwa habang pinagmamasdan ang babaeng mahal niya habang kalong nito ang kanilang anak. This is a fairytale. Never in his life he did imagine he would witness a scenery like this.Ngumiti si Nahara sa kanya. Napagtanto niyang unti-unti ng nagkaroon ng laman ang pisngi nito
Pakiramdam niya bumagal ang pag-inog ng mundo habang papalapit ng papalapit si Manang Petra sa gawi niya. Titig na titig siya sa batang karga nito habang hindi na niya napigilan pa ang mga luha niya sa pagpatak. Tila nalulunod siya sa labis na kasiyahang nararamdaman niya."He's your son, Nahara. Your Hurricane," madamdamin na sambit ng Ate Phoebe niya.Dahan-dahang inabot ni Manang Petra si Hurricane sa kanya. Tinanggap naman niya ang bata sa nanginginig niyang mga kamay. Maingat na maingat siya na para bang parang babasaging kristal ang anak niya. Mataman itong nakatitig sa kanya na para bang pinag-aaralan nito ang kanyang mukha. Hindi na niya napigilan pa ang sarili niya na yakapin ito ng mahigpit."Anak ko… Ang gwapo ng anak ko," Mahina niyang sambit.Hindi siya lubos makapaniwala na nahawakan na niya ang anak niyang matagal ng nawalay sa kanya. Akala niya ay hindi na darating ang araw na ito. Akala niya hindi na niya ito makikita pang muli pero narito na ito sa harapan niya ngayo
"Kumain ka ng marami. Kailangan mong magkalaman," ani Malia at tinambakan ng maraming gulay at kanin ang kanyang pinggan.Mabilis naman itong pinigilan ng Ate Phoebe niya. "Stop that, Ate. Baka mabigla ang sikmura at maimpatso ang kapatid natin," nag-aalala nitong turan at inilipat ang ibang gulay sa pinggan ng Ate Malia niya."Bakit sakin mo nilagay. Nagdidiet ako—""Ba't ka naman magdidiet eh hindi ka na naman nagmomodel pa. Sakto lang naman yang katawan mo," nakangusong sambit ni Phoebe."Hey, I still need to maintain my figure para kung may panibagong Avery na darating ay may panlaban ako."Agad naman itong iningusan ni Phoebe. "As if naman papatol ang asawa mo sa iba. Kung di lang nagka-amnesia yun, malamang sa malamang, di yun papatol kay Avery.""Kahit na," pairap na tugon ni Malia.Tahimik naman siyang kumakain habang nakikinig sa dalawa. Sobrang ganda na ni Malia pero may mga kaisipan parin itong ganun, paano nalang kaya siya?"After nating kumain, kailangan mong malinisan Na
"S—son?" Pag-uulit niya kasabay ng pamalisbis masagana niyang mga luha.Buhay ang anak niya! At tinupad ni Xavier ang kahilingan niya na Hurricane ang ipangalan sa anak niya—anak nilang dalawa ni Rain! Walang pasidhan ng tuwa sa puso niya sa nalaman niya ngayon. Akala niya ay puro unos nalang ang mangyayari sa kanya. Hindi pala. May ginhawa din pala.Masuyo namang ngumiti si Raven sa kanya. "Yes. Maraming naghihintay sayo Nahara at maraming tao ang gusto na gumaling ka so don't lose hope and stop thinking about death. Don't make the people who's here for you shed tears dahil hindi ka masaya na nakabalik ka na. Don't think you're a burden. You are loved Nahara," seryoso nitong wika na mas lalo lang na nagpaiyak sa kanya.Hindi niya aakalain na marami palang naghihintay sa kanya. Napadako ang kanyang tingin sa dalawang babae na nasa sulok ng silid. Ngayon ay nakaramdam siya ng hiya sa sinabi niya kanina. Bakit nga ba bigla niyang naisip ang bagay na iyon?"I'm sorry," mahina niyang samb