Isang araw bago ang kanyang kasal, bumagsak ang buong mundo ni Cassandra. sa mismong opisina, nahuli niya ang kanyang nobyo na kaisa ng magiging hipag niya isang malupit na pagtataksil na walang kapantay. Wasak ang puso, halos hindi na siya makahinga sa sakit ng kanyang natuklasan. At sa gitna ng pagkawasak na iyon, isang malamig ngunit matatag na tinig ang biglang umalingawgaw sa tabi niya. "Pakasalan mo ako at mula bukas ang dalawang walang hiya na iyon ay mapipilitan kang tawaging hipag araw-araw. Ano sa tingin mo?"
View MoreDahan-dahan umakyat ang elevator. Puno ng pananabik at matamis na pag-asa ang puso ni Cassandra Villanueva habang iniisip si Ethan Valdez, na matagal na niyang hindi nakikita sa loob ng isang buwan. Sinabi nitong may magandang balita na sasabihin sa kanya. Napaisip siya na mag-propose na kaya ito ngayon? Matagal na niyang inaasam ang araw na iyon, at ngayon tila nasa harap na niya ang sagot, halos hindi na siya mapakali sobrang lakas ng kaba sa kanyang dibdib.
Mahigpit na hinawakan ni Cassandra ang dala-dala niya ng siomai at cup cake na siya mismo ang pinaghirapan gawin alas tres ng madaling-araw. Ginising niya ang sarili sa maagang oras na iyon, hindi alintana ang antok at pagod, para lamang maihanda ang paboritong pagkain ni Ethan. Hindi pa siya nakuntento-nag luto din siya ng adobong manok na paborito rin ni Ethan. Sa bawat galaw niya ay naroon ang taos-pusong pag-aalala. Para kay Cassandra sapat na ang makita ang kasiyahan sa mukha ni Ethan hangga’t natutuwa siya, handa siyang magluto at magsakripisyo nang paulit-ulit, gaano man karami o kahirap.
Pagdating sa pinakamataas na palapag, sabik na lumabas si Cassandra sa elevator at tinahak ang direksyon patungo sa opisina ng CEO na si Ethan.
May isa’t kalahating oras pa bago magsimula ang trabaho kaya tahimik ang buong pasilyo. Sa kanyang isipan, perpekto ang pagkakataon iyon para sorpresahin si Ethan ang kanyang mga hakbang, pinakikiramdaman ang bawat pintig ng kanyang puso na halos sumisigaw sa pananabik.
Nang makarating na si Cassandra sa opisina ni Ethan marahan niyang itinulak ang pinto upang makapasok at mailapag ang kanyang bag. Ngunit laking pagtataka niya nang makita niyang nakabukas na ito. Mula sa loob ay may marahang tunog na narinig may kausap o may nangyayari.
Napahinto siya sa kinatatayuan,nanigas ang katawan habang nakatitig sa pintuan ng opisina na nasa dalawang metro lamang ang layo. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit, ang kaba sa dibdib ay lalong bumigat. Pagdating doon, marahan niyang binuksan ang pinto ngunit wala siyang nadatnan. Walang tao sa loob, ngunit ang tinig na kanina’y mahina ay lalo nang lumilinaw mas malinaw at mas nakakalito.
“Ahh, huwag Ethan.” isang tinig ng babae ang lumabas mula sa lounge ni Ethan. Malambing at puno ng malabong halakhak, kasama ng mga ungol na walang dudang nag-iiwan ng matinding pagtataka.
Para bang may malakas na pasabog sa loob ng kanyang-ulo isang kulog na biglang dumagundong sa kanyang isipan. Nanlaki ang mga mata ni Cassandra at halos malawan siya ng balanse sa bigat ng narinig.
Gaano man siya ka inosente o mapagbulag-bulagan noon, malinaw na sa kanya ngayon ang lahat. Alam na alam niya kung ano ang nagaganap sa loob at ito ang pinakanakakasakit sa katotohanang maaaring umuntog sa kanyang puso.
Imposible! lubos na imposible! Nasa opisina ito ni
Ethan paanong mangyayari ang ganoong bagay sa lugar na ito?
Ngunit tila wala siyang kontrol sa sariling katawan. Unti-unti siyang pumasok sa opisina, bawat hakbang ay mabigat at nangiginig. At doon muli niyang narinig nang malinaw ang salita “Ethan.” Mula sa tinig ng babae.
Napapikit si Cassandra, mariing ipinagpipilit na hindi paniwalaan ang kanyang narinig. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking minahal at pinangarap niya mula pa noon high school, ang taong buong puso niyang inalagaan ay magtataksil at gagawa ng ganoong bagay. Para sa kanya , imposibleng siya mismo ang saksi sa pagbagsak ng lahat ng pangarap at tiwalang itinayo niya sa paglipas ng maraming taon.
Hindi niya magagawa iyon! Hindi kailanman! Ipinipilit ni Cassandra sa kanyang sarili na hindi posibleng si Ethan ang nasa likod ng tinig na iyon.
Ngunit isang pamilyar na boses ang biglang nag salita at sa isang iglap ay tuluyang nabasag ang huling hibla ng kanyang pag-asa.
“Mahal ang ganda mo talaga. I love you so much.”
Boses iyon ni Ethan. Walang pagkakamali kilalang-kilala niya ang tinig na iyon. Napakapamilyar, kasing ganda pa rin ng dati. Isang tinig na, kahit lumipas ang sampu o dalawanpung taon ay mananatiling malinaw sa kanyang ala-ala.
At sa mismong sandaling iyon, ang tinig na minahal niya nang buong puso ang siyang pinakamatalim na sandatang bumaon sa kanyang puso.
“Ethan mahal na mahal din kita. Pero paano na ang kuya mo? Fiance pa niya pa rin ako. Bukas na ang balik niya kapag nalaman niyang magkasama tayo papatayin niya ako!”
Kasunod noon ay sumagot ang tinig na pinakakilalang-kilala ni Cassandra ang boses ni Ethan mismo.
“Hindi! kuya ko parin siya oo, pero nagdadalang tao ka na sa anak ko. Hindi mo alam kung gaano kagustong magkaapo ang mama ko. Kapag nalaman niya sigurado akong tutulungan niya tayong kumbinsihin si kuya.”
Sa labas ng pinto nanigas ang buong katawan ni Cassandra. Parang unting-unting nilalamon ng malamig na hangin sa kanyang laman at buto. Ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Ethan
ay tila matalim na kutsilyong sunod-sunod na tumutusok sa kanyang puso hindi lamang pagtataksil ang kanyang na diskubre, kundi isang lihim na hindi niya kayang ipaliwanag sa kanyang sarili.
“Eh paano naman si Cassandra? Hindi ba’t engaged na kayong dalawa mula pagkabata? Anong gagawin mo sa kanya?”
Sandaling katahimikan, bago muli narinig ni Cassandra ang malamig at walang pusong tinig ni Ethan.
“Yung tanga na’yon, mas madali pang paikutin! Kung hindi lang dahil sa kabutihan ng ama niya matagal ko na siyang pinalayas. Baby ikaw lang ang mahal ko.”
At matapos ang mga salitang iyon, muling napuno ng mga malabong ungol at maririnding kaluskos ang loob ng lounge, kasabay ng ingay ng umaalog at umuugong na mga kasangkapan.
Sa labas ng pinto para bang gumuho ang buong mundo ni Cassandra. Ang mga salitang kanina pa niya naririnig ay parang mga martilyong paulit-ulit na bumabasag sa kanyang puso walang awang tinatanggal ang lahat ng pag-ibig tiwala at pangarap na tininanim niya sa paglipas ng mga taon.
Siyam na taon! Muli pa noong high school ay minahal na ni Cassandra si Ethan siyam na buong taon ng tapat na paghihintay, pag-aalala, at pag-asa. Ngunit laking pagkagulat at sakit niya nang matuklasan na sa loob ng lahat ng panahon iyon, sa puso ng lalaking kanyang minahal, isa lamang pala siyang hangal.
Sa wakas ay bumalong ang mga luhang kanina pa niya pinipigil. Dumilim at lumabo ang kanyang paningin habang bumingat ang dibdib na parang pinipiga ng matalim na kamay. Nabitawan niya ang hawak-hawak niyang dala para kay Ethan. Malakas itong bumagsak sa sahig at nag kalat ang mga pagkain na buong hirap niyang inihanda parang simbolo ng pagdurog ng lahat sa kanya pagmamahal at pangarap.
At sa sandaling iyon, ramdam ni Cassandra na ang mundo ay tuluyang bumagsak sa kanyang paanan.
“Hindi pa nagtatagal mula nang bumalik kami sa villa kahapon, sinabi ni Xyler sa pamilya niya ang balita na kinasal na kayo. Pero nang marinig iyon ni Mrs. Regina, nagngitngit siya sa galit. Itinuro niya si Xyler at nilait, sinabing hindi siya karapat-dapat bilang nakatatandang kapatid ni Ethan! Idinagdag pa niya na pinakasalan ka raw ng commander hindi dahil mahal ka niya, kundi para gamitin ka sa paghihiganti para sa kanyang ina. Alam daw niyang fiancee ka ni Ethan, pero nagkaroon pa rin siya ng kapal ng mukha na magpakasal sayo. Wala raw siyang konsensya bilang tao at tinudyo pa siyang nakaupo lamang sa wheelchair.”“Dominic! Anong kalokohan ang sinasabi mo?!”Isang mabigat na boses ang biglang umalingawngaw mula sa sala. Nagulat si Dominic, napaatras siya at namutla ang mukha. Hindi niya namalayang lumabas na pala si Xyler mula sa silid-aklatan at narinig ang lahat.Agad siyang napahinto, nanginginig pa ang tinig. “C-Captain, ako.”Ngunit galit at mariing tinapunan siya ng tingin
Nakaramdam ng ginhawa si Cassandra nang marinig ang sagot ni Xyler. Napangiti siya at sinabing, “Kung ganon, umuwi na tayo ngayon!”Mabilis siyang sinulyapan ni Xyler, saka iniunat ang malaki niyang kamay, kinuha ang ilan sa mga dala ni Cassandra at inilapag sa kanyang kandungan. “Ibigay mo sa akin ang mga gamit.” kalmado ngunit diretso niyang sabi.Sandaling natigilan si Cassandra , ngunit agad din siyang natauhan. Mabilis niyang inagaw pabalik ang mga gamit at mahigpit na hinawakan sa kanyang kamay. “Hindi na kailangan! Masama na nga ang paa mo, hindi ko hahayaang abusuhin mo pa ito.” mariin niyang tugon. Pagkasabi niyon, agad siyang pumuwesto sa likuran ni Xyler at itinulak ang kanyang wheelchair pabalik sa kabilang bahagi ng kalsada.Hindi nagtagal, dumating na ang sasakyan ni Dominic. Siya muna ang nag-ayos ng mga dala ni Cassandra at inilagay ang mga iyon sa trunk ng kotse, bago inakay si Xyler at maingat na ipinasok sa loob. Nang makitang nakaupo na si Cassandra sa tabi nito, p
Nang marinig ni Cassandra ang tanong ni Valeira , agad siyang humarap sa hindi kanais-nais na ekspresyon ng babae. Hindi siya nag-atubili. "Hindi! Siya ang asawa ko!"Tumigil ang mundo sandali kay Valeira . Namutla ang mukha nito, at lumaki ang kanyang mga mata na puno ng pekeng pilikmata habang nakatitig kay Cassandra na halos hindi makapaniwala. "Hindi hindi puwede Ikaw ikinasal ka sa." Hindi natapos ni Valeira ang kanyang sinabi nanatili na lang siyang nakatitig, halatang may halong awa at panghihinayang, sabay lingon ang ulo.Tahimik na tumitig si Cassandra sa kanya ng ilang saglit. Nang mapansin niyang dumating na ang kanyang bill, itulak niya si Xyler palabas ng may malamig na ekspresyon. Agad namutla at kumunot ang labi ni Valeira sa pang-aalipusta.Mula nang makaharap niya si Valeira hanggang sa itulak niya si Xyler palabas ng supermarket, nanatiling tahimik si Cassandra, ngunit sa loob niya ay sumisiklab ang apoy ng galit at sakit, isang damdaming hindi niya maipaliwanag, hal
Hindi inasahan ni Cassandra na makatagpo ng ganoong kabait na tao, kaya’t paulit-ulit siyang nagpasalamat sa taxi driver sa buong biyahe. Si Xyler naman ay nanatiling seryoso, nakatingin lamang sa bintana nang walang imik.Dahil sa tulong ng drayber, nakarating silang dalawa sa harap ng supermarket. Habang papalayo ang taxi, hindi napigilan ni Cassandra na mapabuntong-hininga. “Hindi ko akalaing marami pa palang mababait na tao sa mundong ito.”Tahimik na nakinig si Xyler, at habang nakatitig sa papalayong taxi, may bahagyang kislap na dumaan sa kanyang malalim na mga mata.Sanay na si Cassandra sa supermarket na iyon dahil madalas siyang namimili roon. Alam niyang may driveway sa mismong bungad na maginhawa para sa mga gumagamit ng wheelchair. Maingat niyang itinulak si Xyler papasok. Dahil alam niyang kaya nitong kontrolin ang wheelchair gamit ang remote, maingat niyang tinanong kung maaari ba siyang magtulak ng cart habang siya naman ang magmamaniobra ng wheelchair.“Hindi!” mabili
“So, ang ibig mong sabihin ay pupunta ka rito araw-araw, magpapa-prinsesa ka, at ako pa ang maglilingkod sayo?” malamig na tanong ni Xyler, habang nakatitig sa kanya na para bang sinusubok ang kanyang pasensya.“Hindi naman yon ang ibig kong sabihin.” Bumuntong-hininga si Cassandra at pinilit gawing kalmado ang tono ng boses. “Wala akong problema kung ako ang magluluto para sayo. Ang hinihiling ko lang sana tratuhin mo rin akong maayos. Hindi ako ang nagtaksil sayo. Gusto ko lang, kahit sa loob ng tatlong buwang ito, maging maayos ang pakikitungo mo sa akin.”Pakiramdam niya ay hindi siya marunong makipag-usap sa lalaking ito. Kahit malinaw ang mabuting intensyon niya, sinasadyang baliktarin ni Xyler ang kahulugan ng kanyang mga salita parang inuubos talaga ang pasensya niya at hinahamon siyang makipag-away.Tinitigan siya ni Xyler at dahan-dahang kumurap. “Bago ang kasal natin, ikaw ang magluluto ng tanghalian at hapunan ko araw-araw! Kahit ano pa ang kasunduan natin, asawa na kita s
“Sundalo? Makakatayo pa ba siya?” gulat na tanong ni Isabelle nang marinig ang sinabi ni Cassandra.“Mukhang hindi na.” umiiling na tugon ni Cassandra. Sa totoo lang, kung makakatayo pa ba ang lalaki o hindi hindi na iyon ang iniintindi niya.“Ibig bang sabihin, habang buhay na siyang nasa wheelchair?” halos bulong pero puno ng pagtataka ang tanong ni Isabelle.“Siguro gano’n na nga.” sagot ni Cassandra habang bahagyang pinipisil ang kanyang mga labi. May kirot sa puso niya habang iniisip ang sinapit ng lalaki, at kahit paano’y naramdaman niya ang awa para sa kanya.Napabuntong-hininga si Isabelle. “Ay, sayang naman Kung maayos lang sana siya, pwede pa. Pero nasa wheelchair siya, Cassandra sabihin ko na sa ’yo nang diretso, kung pakakasalan mo talaga siya, hindi ba parang sinira mo na rin ang buhay mo?”Pagkarinig ni Cassandra sa mga salitang iyon, agad na nangulubot ang kanyang mga mata. “Ang kasal niya kay Elira, dapat bukas na talaga ’yon. Sabi niya, wala na raw siyang ibang mahaha
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments