"Hmm... Ang sarap," tila batang sabi ni Rain habang kumakain sila.Napangiti siya. Parang tumataba ang puso niya sa naging komplimento nito. Nang makita nito ang naging reaksyon niya ay iniangat nito ang kutsarang may pagkain at sinubuan siya. Buong puso naman niya iyong tinanggap."I like how you constantly smile these days.""Lagi mo akong pinapangiti," walang pag-aalinlangan niyang tugon.Akmang sasagot sana ito sa sinabi niya nang tumunog ang cellphone ng lalaki. Sandali pa itong natigilan habang nakatingin sa screen."Sagutin mo na," hikayat niya dito.Nagpakawala ito ng isang buntong hininga. "Istorbong kutungero," bulong nito habang nakatitig sa cellphone. "I'll just answer this. Just continue eating, okay," masuyo nitong ani.Tumango siya. Tumayo na ang lalaki. Sinundan muna niya ito ng tingin hanggang sa mawala ito sa kusina bago siya nagpatuloy sa pagkain.Rain went to his study room to answer Isaac's call. Nayayamot talaga siya dahil napakaistorbo ng loko. Huminga siya ng m
Hapon na ng matapos sina Nahara at Manang Petra sa pagtatanim ng mga bagong bulaklak sa garden. Kahit papaano ay nalibang naman siya sa kanyang ginagawa at hindi na nga niya namalayang lumipas na pala ang ilang oras mula ng makaalis si Rain.Akmang pupunta siya sa likod bahay para maghugas ng kamay nang mamataan niya ang sasakyan ni Rain na papasok ng garahe. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Akala niya ay gabi pa ito uuwi subalit mukhang napaaga yata. Hindi nagtagal, natanaw na niya ang lalaki na nakalabas ng kotse kaya't kinawayan niya ito para makuha ang atensyon ng binata."Sir Rain!" Nakangiti niyang sigaw.Agad naman itong lumingon sa kanya. Hindi nagtagal ay nakarating na ito sa pwesto niya subalit agad niyang napansin ang paraan ng paglalalakad nito. Hindi niya lubusang maipaliwanag subalit para bang may mali."Sir Rain," mahina niyang anas.Mataman siya nitong tinitigan mula ulo hanggang paa at pabalik hanggang sa dumako ang mga mata nito sa mga kamay niyang puro putik. Kita
Pinanood niya si Rain habang busy ito sa cellphone nito. Hindi niya maiwasang mapatitig sa maarteng pagpilantik ng mga daliri nito. Sana ay bumalik na si Rain para makapag-usap sila ng masinsinan. Maya maya pay umupo na ang lalaki at pinagkrus ang mga binti. Pati paraan ng pag-upo nito ay babaeng-babae talaga."I called someone to fix you since you look like trash. Don't get me wrong huh, but I don't want my brother to date such a woman who doesn't have a taste and style in fashion. My brother is too handsome for you to be honest," sabi pa nito.Napayuko nalang siya at hindi na ito sinagot. Lumipas pa ang ilang minuto, pumasok na ang ilang mga panauhin sa loob ng mansion. Marami itong dalang mga paperbag at umalis din naman agad. Isang babae lang ang nagpaiwan at mukhang ito ang boss ng mga dumating."You're here," maarteng saad ni Rain.Nakangiting naglakad patungo sa gawi nila ang isang matangkad at napakagandang babae. "Hello, Avira. Long time no see," mahinhin nitong sabi.Nakita
Matapos siyang kausapin ni Avira ng araw na iyon ay hindi na siya nito muling kinibo pa. Ayos lang naman din sa kanya, basta ang importante ay hindi na siya nito lalaitin. Isa pa ay abala ang isipan niya sa mga bagay na nalaman niya mula kay Avira. Minsan hindi na niya maiwasang magtanong kung bakit malupit ang tadhana sa kanila? Tila ba isang kasalanan ang pagkabuhay nila kaya may kaakibat iyong parusa.Napalingon siya sa study room ni Rain habang papaakyat sana siya sa silid niya. Nahalina siyang pumasok sa naturang silid. Miss na miss na niya ang lalaki kaya naman hindi na siya nag-atubili pang pumasok. Gaya parin noong una ang pagkakaayos ng lugar.Dumako ang kanyang mga mata sa mesa nito kung saan nakataob ang isang frame. Dahan-dahan siyang naglakad palapit at marahan iyong dinampot. Ngayon ay sigurado na siyang kapatid nga ni Rain ang babae sa larawan. Bata palang ito ay sobrang ganda na. Siguro mas higit pa kung nabubuhay lang sana ito.Huminga siya ng malalim at muling pinasa
Napasinghap siya sa lugar na pinagdalhan ni Calder sa kanya. Isa iyong napakatayog at malaking building. Halos malula siya habang nagmamasid sa paligid."N—nandito ba si Rain?" Mahina niyang tanong."Yes. This Starline Galore. Ang kumpanyang pagmamay-ari ni Rain," kaswal niyong tugon.Napatango-tango siya. "Wow. Sobrang yaman pala talaga ni Sir Rain," puno ng pagkamangha niyang sambit.Bahagya namang natawa si Calder sa sinabi niya at napailing pa. "Sinabi mo pa. Let's go?"Huminga siya ng malalim bago tumango. "Sige."Nakasunod siya kay Calder. Kung malaki ang building sa labas, napakalawak naman sa loob. Marami ding mga tao sa paligid. Hindi niya tuloy maiwasang maasiwa lalo na't bihis na bihis ang mga ito samantalang napakasimple lang ng suot niya.Iginiya siya ni Calder sa isang elevator. Ngayong paakyat na sila ay unti-unti na siyang nakaramdam ng kaba. Ang tapang na pinanghahawakan niya kanina ay parang unti-unti na ring naglalaho. Gayunpaman, sinubukan niya paring kalmahin ang
WARNING: The following story has mature contents, sexual abuse, violence etc. that are not suitable for young and sensitive readers. Please be guided and read at your own risk.Year 2003—Dahan dahang naglakad paakyat ng hagdanan ang pitong taong gulang na si Rain. He was playing with his toy cars in the hall when he heard a commotion upstairs. Silang dalawa lang ng kanyang mommy ang naiwan sa mansion kasama ang ilang bodyguards.His dad was on a business trip while his twelve years old sister, Rianna was in her school. Tumayo siya sa tapat ng pintuan ng kanyang mga magulang kung saan nagmumula ang kakaibang tunog. Gamit ang kanyang maliliit na palad, itinulak niya ang nakaawang na pinto.Bumungad sa kanya ang dalawang pamilyar na mukha. It was his mother Rachel and she was on top of Marcello—their trusted bodyguard. Nagtatakang nagpalipat-lipat siya ng tingin sa dalawa. Hindi niya alam kung anong ginagawa ng mga ito. Tumigil na rin ang kakaibang tunog na narinig niya."Are you playing
Narinig ni Nahara ang pagbukas ng pinto sa kanyang silid pero nanatili siyang nakapikit. Kung pwede lang sana na hindi na siya magising ay ginawa na niya subalit hanggang ngayon ay buhay pa rin siya. Ayaw man niya ay nananatili siyang humihinga. Nanigas siya sa kanyang higaan ng maramdaman ng kanyang maputlang balat ang magaspang na kamay na humihipo sa kanyang binti pataas. Dala ng bugso ng galit, pagkamuhi at awa sa sarili ay hindi niya napigilan ang umiyak ng lihim. "Alam kong gising ka Nahara, wag ka ng magkunwari, para naman tayong bago sa ganito." Tinig ni Fabian, ang kanyang stepfather. Hindi parin siya nagmulat ng mata dahil sa takot na baka kung anong kahayupan na naman ang maisipan nitong gagawin sa kanya. Marahil ay nainis na si Fabian sa inasal niya kaya walang sabi sabing hinila nito ang kanyang buhok. "Ahh!" "See? Gising ka diba? Alam mo naman ang pinakaayaw ko sa lahat diba? Yung hindi masunurin sa gusto ko!" Anito habang hawak pa rin ang kanyang buhok. "Tama na! M
Nagising ang diwa ni Nahara sa iba't ibang ingay ng paligid. Animo mga lalaking naghihiyawan ang kanyang naririnig. Nang magmulat siya ng mata, natagpuan niya ang sarili sa loob ng isang parang malaking halwa ng ibon na nasa gitna ng entablado. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Ganun na lang ang pangingilabot niya nang makitang napakaraming kalalakihan ang naroon na animo naglalaway na leon habang nakatingin sa kinaroroonan niya. Hindi lang siya nag-iisa, marami sila at nasa kabilang hawla rin. Nangangatal ang kanyang mga labi at nagsimula ng umiyak. Pakiramdam niya ay panibagong impyerno na naman ang susuungin niya. Hinanap ng kanyang mga mata si Fabian at Vera subalit sa dami ng tao na naroon, hindi na niya nakita pa ang mga ito. Nagsimula ng ibidding ang mga kababaihang kasama niya. Mariin siyang napapikit. Ito pala ang ibig sabihin nina Vera at Fabian na paggagamitan nito sa kanya. Ibebenta siya ng mga ito sa mga lalaking hayok sa laman! "And now for the last and our star o