로그인Sa araw mismo ng Christmas Day, isang “surprise” ang natanggap ni Shiena—pero hindi ito ang pagbubuntis na inaasahan niyang ikatutuwa ng asawa niya. Instead, she discovers the cruel truth inside the hospital lounge: she was never the wife he truly wanted. Isa lang siyang kapalit. A shadow of the woman her husband, the brilliant and untouchable doctor William, could never forget. Shattered by betrayal, humiliation, and the child growing inside her womb, Shiena chooses to walk away from the marriage she fought so hard to protect. But leaving the man she loved turns out to be the biggest mistake. Because the moment she disappears, the cold doctor who never explained, never cared, and never looked back begins to realize the one truth he was too blind to see: the woman he pushed away was the only one who ever truly loved him. Now that she’s rebuilding her life, chasing the dreams she once sacrificed for him, William is determined to get her back. But what if the woman he broke no longer wants to be healed by him? And what if the child he never knew existed becomes the proof of the doctor’s greatest mistake? … Napaatras si Shiena nang mariin nitong isinara ang pinto ng office. His hand slammed against the wall beside her head, trapping her between his body and the cold surface. His usually calm eyes were now filled with desperation. “You left without a word… and you think I’ll let you disappear again?” “Too late, Doc. You already chose her.” Then he lowered his gaze to the little boy hiding behind her legs. For the first time, the great Dr. William De la cruz looked cruletely shattered. “He’s… mine?” “That was the child you threw away before you even knew he existed.”
더 보기“Ma’am Shiena, congratulations. Positive po ang pregnancy test ninyo.”
Parang biglang tumigil ang mundo.
Mahigpit na napahawak si Shiena Mae Alarcon sa laboratory result na iniabot ng doktor. Ilang segundo siyang hindi nakagalaw, tila ba hindi nag-register sa isip niya ang narinig.
Buntis siya.
Paano nangyari iyon?
Si Dr. William De la cruz, ang asawa niya, mismo ang may ayaw sa bata. Sa tuwing magsasama sila, at maymangyayari sa kanilang dalawa siya pa ang nagpapaalala kay Shiena na inumin ang pills niya.
“Hindi pa ako ready sa anak,” malamig nitong sabi noon.
“At ayokong may hahadlang sa career ko.”
Kaya paano?
Nanlalamig ang mga daliri niyang napahawak sa papel.
Sa huli, isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan niya.
Kailangan nilang pag-usapan ito ngayong gabi.
At dahil Christmas Day, naisip niyang gawin iyong sorpresa.
Malakas ang ulan nang makarating si Shiena sa Cruz Medical Center Manila, ang pribadong ospital na pag-aari ng pamilya ng asawa niya.
Basang-basa ang laylayan ng cream dress niya, at ang mahabang buhok niyang dating maayos ay dumikit na sa pisngi dahil sa ulan.
Pero ang lunchbox na mahigpit niyang yakap ay ligtas.
Napangiti pa siya nang bahagya.
Paboritong pagkain iyon ni William—beef salpicao, garlic rice, at mushroom soup.
Hindi siya nagsabi rito na pupunta siya.
Gusto niya sanang maging masaya ang gabing ito.
Gusto sana niyang sabihin sa asawa niya na…magiging tatay na ito.
Tahimik ang hallway ng executive lounge floor.
Malayo sa karaniwang ingay ng ospital, puro soft lights, polished wood, at mamahaling paintings ang bumungad sa kanya.
VIP doctors only.
Paglapit niya sa pinto ng lounge, iaabot na sana niya ang kamay para itulak iyon—
Nang makarinig siya ng tawanan mula sa loob.
Kasunod noon ang isang pamilyar na pangalan na agad nagpahigpit sa dibdib niya.
“William, bumalik na si Vanessa sa Pilipinas. Divorced na siya. Ano pa bang hinihintay mo? Dapat hiwalayan mo na si Shiena.”
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Shiena.
Vanessa Villanueva.
Ang babaeng kahit kailan ay hindi nawala sa pagitan nilang mag-asawa.
Ang babaeng unang minahal ni William. At ang babaeng… kapatid niya sa ama.
Nanlalamig ang kamay niyang may hawak sa lunchbox.
Sunod-sunod pang tumawa ang mga kasama sa loob.
“Sa totoo lang, bagay naman talaga sila noon pa. Kung hindi lang tumutol ang pamilya mo, hindi mo sana pinakasalan iyang si Shiena dahil lang sa awa.”
Napatigil ang paghinga ni Shiena.
Pagkatapos ay narinig niya ang boses ng asawa. Malamig. Kalma. Walang emosyon.
“I married her because she reminded me of Vanessa.” Parang may matalim na bagay na dahan-dahang bumaon sa puso niya.
Hindi siya makahinga.
Lahat ng init ng katawan niya ay parang nawala. Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama, pinilit niyang paniwalaan ang sarili na kahit paano, may lugar siya sa puso ng asawa.
Na balang araw, matututo rin itong mahalin siya. Pero sa isang iglap, winasak ng isang pangungusap ang lahat.
Kapalit lang siya. Isang substitute.
Isang anino ng babaeng totoong mahal nito. May boses na muling sumingit—malambing at pamilyar.
“Hoy, tigilan n’yo nga. Married na si William.” Hindi na kailangang makita ni Shiena para malaman kung sino iyon.
Boses pa lang, kabisado na niya.
Humugot siya ng malalim na hininga.
At saka marahang itinulak ang pinto.
Biglang natahimik ang buong lounge.
Lahat ng mata ay sabay-sabay napunta sa kanya. At sa gitna ng mga iyon, agad niyang nakita ang dalawang taong ayaw niyang makitang magkatabi.
Si Dr. William De la cruz, nasa black slacks at white doctor’s coat, may salamin na lalong nagbigay rito ng malamig at intimidating na aura.
At sa tabi nito—Si Vanessa Villanueva, eleganteng nakasuot ng champagne dress, may soft curls ang buhok, at nakangiti na para bang siya ang reyna ng silid.
Pareho silang bagay. Masakit mang aminin. Napansin agad ni Shiena ang bouquet of red roses sa bisig ni Vanessa.
May maliit na card na nakasabit doon.
Merry Christmas. Forever yours, William.Parang may humampas na hangin sa dibdib niya.Tatlong taon na silang kasal.
Kahit isang bouquet, hindi niya naranasan mula rito.
Pero para kay Vanessa…Roses on Christmas Day. Napakagat siya sa labi.
Ngumiti si Vanessa, tila inosente.
“Shiena, don’t misunderstand. Para lang ito sa anak ko.” Napakurap si Shiena.
Rosas para sa anak? Sinong niloloko nito? Hindi siya tanga.
“Bakit ka nandito?” malamig na tanong ni William.
Ang dating lambing sa boses nito kapag kausap siya sa harap ng ibang tao ay tuluyan nang nawala. Mas masakit pa roon, halatang hindi ito natutuwa sa presensya niya.
Itinaas ni Shiena ang lunchbox.
“Dinalhan kita ng dinner.”
Tumingin si William sa relo nito saka sa lunchbox.
Then he smirked.
“Anong oras na, Shiena? Gusto mo bang hintayin muna akong mamatay sa gutom bago ka dumating?” Nag-uunahang humagikhik ang mga tao sa paligid.
Ramdam ni Shiena ang pag-init ng pisngi niya sa kahihiyan.
Pero mas masakit ang sumunod.
Lumapit si Vanessa kay William at marahang inayos ang collar nito, na para bang normal lang ang gesture na iyon.
Natural. Intimate. Parang asawa.
“William, stop it,” mahina ngunit malambing nitong sabi.
Napababa ng tingin si Shiena.
Sa unang pagkakataon, pakiramdam niya ay siya ang third party sa sarili niyang kasal.
Umupo siya sa tabi ng asawa, pinilit maging kalmado.
Pero ang basang damit niya mula sa ulan ay lalo lang nagpaalala kung gaano siya kawawa sa eksenang iyon.
Huminga siya nang malalim.
“William,” mahinahon niyang sabi, “wala namang pediatrics ang hospital mo, ‘di ba? Kung gusto ni Vanessa, puwede kong ipa-schedule sa ibang mas magandang children’s hospital ang anak niya.”
Sa wakas ay tumingin sa kanya si William.
Diretso. Matalim. At puno ng pangmamaliit.
“Hospital ko ito. Sino ka para makialam sa desisyon ko?”
Parang sampal.
Sa paligid, nagsimula na namang magbulungan ang mga kasamahan nito.
“Hindi talaga bagay si Shiela kay Doc William.”
“Housewife lang naman kasi siya.”
“Samantalang si Vanessa, successful producer sa ABS-CBN Studios.”
“Power couple talaga dapat sina William at Vanessa.” Bawat salita ay tila karayom na isa-isang tumutusok sa balat niya.
Housewife lang. Hindi nila alam.
Hindi nila alam na dating nursing student si Shiena. Na isang insidente ang sumira sa pangarap niya.
Tatlong taon na ang nakalipas, nang may disgruntled relative ng pasyente na sumugod kay William gamit ang kutsilyo—
Si Shiela ang humarang.
Siya ang nasugatan.
Siya ang napilitang huminto sa pag-aaral. At dahil doon, pinakasalan siya ni William. Akala niya noon, simula iyon ng pag-ibig.
Hindi pala. Utang na loob lang.
Muli niyang hinawakan ang pregnancy test result sa loob ng bag niya.
Ito sana ang surprise niya ngayong
Christmas. Pero ngayon…
Pakiramdam niya, isa lang itong dagdag na tanikala sa isang lalaking hindi naman siya mahal.
“William,” tawag niya.
Naiinip itong tumingin sa kanya.
“Ano na naman?”
Mariin siyang lumunok. Pagod na pagod na ang puso niya. Sa wakas, mahinahon niyang sinabi—
“Maghahanap ako ng trabaho.” Nanlaki ang mga mata ng lalaki.
“Then who’s going to take care of me?”
Napatawa siya nang mapait.
“May mga katulong tayo sa bahay.”
Lalong tumalim ang ekspresyon nito.
“Anong problema mo? Dahil ba nandito si Vanessa? Huwag mong sabihin na gusto mong pantayan ang narating niya.”
Tuluyan nang naputol ang natitirang hibla ng pag-asa sa puso ni Shiela.
Wala na.
Wala nang dahilan para manatili pa siya rito. Isa-isa nang nagsialisan ang mga tao hanggang sa siya na lang ang naiwan sa lounge.
Tahimik. Malamig. At durog.
Dahan-dahan niyang inilabas ang cellphone mula sa bag. Nanginginig ang kamay niya habang tina-type ang numero.
Nang sumagot ang kabilang linya, mariin niyang ipinikit ang mga mata niya
“Hello, Dra. Lisa?”
Huminga siya nang malalim.
Pagkatapos ay tuluyang pinakawalan ang luhang kanina pa niya pinipigilan.
“Pwede mo ba akong i-schedule for abortion?”
Sa kabilang linya ng telepono, ikinuwento ni Shiena ang pangkalahatang nangyari.Medyo nahiya si Troy. “Kilala ko nga ang director ng Health Commission, pero hindi kami ganoon kalapit. At kung tama ang sinabi mo na gumamit ng koneksyon ang kabilang panig, malamang may tao rin sa Health Commission na tahimik na pumayag dito.”Biglang bumigat ang pakiramdam ni Shiena.“Pero tama ang ideya mo. Maaari nating gamitin ang opinyon ng publiko para mapalaki ang usaping ito. May kilala akong ilang reporters na baka makatulong!”“Kilala mo naman ang batang si Karla, hindi ba? Subukan mong kumuha ng mas maraming impormasyon hangga’t maaari, kasama ang medical records niya, gaano na siya katagal naghihintay, at matching records!”Kalmado at pantay ang boses ni Troy, pero matatag ito.Pakiramdam ni Shiena ay bahagyang kumalma ang puso niya. Maingat niyang pinakinggan ang mga sinabi ng kabilang panig, pagkatapos ay bumalik siya sa war
Sa isang high way, tahimik lang na nakaparada ang isamg sasakyan na ang sakay ay walang iba kundi ang pangawang anak ng pamilya De la cruz.Nakaupo si William sa loob ng sasakyan, naghihintay sa nakatakdang meeting kasama ang purchasing manager.Habang hinihintay niya ito, ini-scroll niya sa tablet ang mga mensaheng ipinadala sa kanya ng kabilang panig kaninang umaga, matalim at nakatutok ang kanyang mga mata.Hindi niya inaasahan na may makikita siyang pamilyar na tao habang naghihintay.Si Troy Osera!Hindi naman ito nakakagulat, dahil ang medical equipment na bibilhin sa pagkakataong ito ay pinagsamang medical sensors at drone platform, na may kaugnayan sa biomedical engineering.Kaya kahit nagbago ang ekspresyon ni William, pinilit pa rin niyang ituon ang atensyon sa trabaho.Ang pangunahing dahilan ng business trip na ito ay para siyasatin at bumili ng malaking medical device na kailangan para sa organ tra
Wen Muye: “Tandaan mong umuwi nang maaga mamayang gabi para sa dinner!”Huminto sandali si Shiena, marahil dahil masyadong malamig ang tuno ni William kaya nakaramdam siya ng lungkot.Matagal nang hindi nagsasalita si William sa kanya nang ganito, at sa isang sandali ay parang bumalik sila sa nakaraan.Pareho pa rin ang boses nito tulad noon, pero hindi na iyon kayang magbigay ng init sa kanya.Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin nito, saka lang muling isinara ni William ang pinto ng sasakyan at sinabi kay Caloy sa harap:“Kailangan kong mag-business trip at hindi ako makakauwi ngayong gabi. Ikaw na ang manatili rito at ihatid siya pauwi!”Binilisan ni Shiena ang paglalakad papunta sa classroom habang kusang kumukunot ang noo niya.Magulo talaga ang nararamdaman niya tungkol sa half-brother niya.Ito ang unang beses na tinawag siya sa school bilang guardian; siguradong may ginawa na naman itong gulo!
Bumalik si William sa kwarto at tiningnan ang sugat sa noo ni ShienaPagkatapos ay kinuha niya ang cellphone nito at inalis sa blacklist ang messenger account niya.Nakatulog na si Shiena, bahagyang nakakunot ang noo habang tahimik na tumutulo ang mga luha niya.Habang nakahiga roon, kahit natatakpan siya ng kumot, mukha pa rin siyang sobrang payat.Kumuha si William ng tissue at medyo helpless na pinunasan ang mukha niya.Pero parang mga butil ng perlas na naputol sa tali ang mga luha nito, hindi matapos-tapos kahit ilang beses punasan.Sa huli, tahimik na lang na umupo si William habang nakatingin sa taong nasa kama.Hindi niya alam kung gaano katagal niya itong pinanood hanggang sa tuluyan nang kumalma at tumigil sa pag-iyak si Shiena.Pagkatapos noon, tumayo si William, kinuha ang cellphone niya, at pumunta sa study room.Binuksan niya ang ilaw, kumuha ng chip mula sa drawer, at maingat it












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
리뷰더 하기