Share

Chapter 82

Author: Dragon88@
last update Last Updated: 2024-08-24 22:49:19

Mula sa bintana ng silid nilang mag-asawa ay nakita ni Louise ang pag-alis ng kanyang asawa.

Nagmamadali siya na lumabas ng silid.

“Kung aalis ka rin lang bakit hindi mo pa hakutin ang mga gamit mo at huwag ka ng bumalik pa dito?” Mataray na wika ng kanyang biyenan na siyang nagpahinto sa paghakbang ni Louise mula sa mga baitang ng hagdan.

Kasalukuyang nakaupo sa sofa ang kanyang biyenan habang matalim ang tingin na ipinupukol nito sa kanya.

“Mama, pinagbigyan ko na ang kahilingan mo, wala na akong posisyon na pinang hahawakan sa kumpanya. Ano pa ba ang nais mong gawin ko para mawala na ang galit mo sa akin?”

Malumanay kong tanong habang nakatitig sa mukha nito.

“Mawawala lang ang galit ko sayo sa oras na mawala ka na sa pamilyang ito.” Matigas nitong sagot, napailing na lang si Louise sa naging sagot ng kanyang biyenan. Wala ng patutunguhan pa ang kanilang pag-uusap kaya nagdesisyon na lang siya na tuluyang lumabas ng bahay.

Batid ni Louise na ang pag-uusap nila ng
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Menorca leoven
Maganda ang story dahil hindi masyado Nag papa api at hindi iyakin ang bida ...de tulad sa ibang story..una pa lang episode ina api na ang bida at napakaiyakin pa
goodnovel comment avatar
Octav Bibi
ang ganda ng story....️...️...️
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • DESPERATE MOVE   Chapter 95 Author’s Note

    Sa mga tumangkilik at tatangkilik pa lang ng kwentong DESPERATE MOVE, MARAMING3x salamat po. Kung ang iba man sa inyo ay hindi nasiyahan sa aking mga gawa, lubos akong humihingi ng malawak na pang-unawa dahil ito lang po ang nakayanan ko. Sa mga hindi po nakakaalam na ang book-6 ng Hiltons family ay kasalukuyan ng ongoing, baka sakaling magustuhan ninyo ang kwento ni Andrade Quiller Hilton at Maurine Kai Ramirez. ( The CEO’s Sudden Childs) Pakiadd na lang po sa inyong mga library ang mga kwentong inyong magugustuhan. Don’t Mess With Me The Billionaire’s Conquer My Heart Behind Her Innocence I’m yours Kapag Ako Ay Nagmahal Love Between The Words Kung hindi man po kalabisan, malaking tulong na rin po sa akin ang pagbibigay ng inyong komento sa page ng DESPERATE MOVE. MARAMING3X SALAMAT PO!

  • DESPERATE MOVE   Chapter 94

    “Naalimpungatan ako dahil sa mabigat na nakadagan sa aking dibdib. Kahit hindi ko na imulat ang aking mga mata ay kilala ko na kung sino ang taong nakayakap sa akin. Pumihit ako patalikod dito. Saka ko pa lang iminulat ang aking mga mata ng alam ko na hindi ko na makikita ang mukha nito. Subalit hindi ko inaasahan ng kabigin niya ang katawan ko palapit sa kanya at mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin. Napalunok ako ng wala sa oras ng mas idiniin pa niya ang pagkalalaki sa pagitan ng aking pang-upo. Isang buwan ang mabilis na lumipas simula ng magmakaawa ako sa kanya, pero wala namang nangyari. Dahil ang magaling na lalaking ito ay dito rin umuwi sa bahay ng mga magulang ko. Hindi rin nasunod ang gusto ko, isang araw lang ang pinalipas nito at nagulat na lang kami ng dumating ang limang katulong. Bitbit ng mga ito ang gamit ng aking asawa na parang akala mo ay wala ng balak bumalik pa ng mansion. “Alistair.” Naiinis kong tawag dito, dahil nagsisimula ng maglumikot ang mga

  • DESPERATE MOVE   Chapter 93

    “Maingat ang bawat kilos ko habang inaayos ang aking mga gamit dahil ngayong araw ay nakatakda na ang paglabas ko ng hospital. Sa totoo lang ay natatakot na akong kumilos dahil ayokong mawala sa akin ang aking anak. Tila nagkaroon ako trauma dahil sa nangyari noong gabing iyon. Hindi ko nakontrol ang galit ko kaya tuluyan na akong sumabog. Ilang araw akong na-confine dito sa hospital at mabuti na lang ay pinayagan ako ng doktor na sa bahay na lang magpagaling. Huminto ang mga kamay ko sa paglalagay ng mga importanteng gamit sa bag ng makarinig ako ng ilang mga yabag mula aking likuran. Hanggang sa pumulupot sa ilalim ng dibdib ko ang dalawang malaking braso ng aking asawa. kasunod ang pagbaon ng mukha nito sa pagitan ng leeg ko. Tumigas ang ekspresyon ng mukha ko, at pasimple kong pinuno ng hangin ang aking dibdib. Upang pawiin ang tensyon na nagsisimulang kumalat sa buong sistema ko. Oo, mahal ko ang asawa ko, pero simula ng malagay sa bingit ng kamatayan ang buhay ng aking

  • DESPERATE MOVE   Chapter 92

    “Ma’am, Ms. Denice Melendez was here.” Pagbibigay alam ni secretary Josie, habang ako ay nanatili sa bungad ng pintuan. “Papasukin mo.” Narinig kong sagot ni Mrs. Thompson. Nang makalabas na ang sekretarya nito ay saka palang ako humakbang papasok sa loob ng opisina. “Yes, Denice, ano ang kailangan mo?” Seryoso niyang tanong, halatang hindi nito gusto ang aking presensya. “Naparito ako upang kausapin ka at humingi ng tawad.” “Bakit ka hihingi ng tawad sa akin?” Seryosong tanong ni Mrs. Thompson. Isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko. “Pakiusap, itigil mo na ang hindi magandang pagtrato sa kaibigan ko.” Seryoso kong sagot, umangat ang sulok ng kanyang bibig, kasabay nito ang pagtaas ng kaliwang kilay nito. “Which friend are you talking about? Felma? Oh, she's already in jail.” Mataray na sagot nito sa akin. Subalit, labis na nagulat ito ng lumuhod ako sa kanyang harapan, at kita ko kung paano itong mataranta. “Stand up, Denice! Hindi ako Diyos para luh

  • DESPERATE MOVE   Chapter 91

    Tulala at tila wala sa kanyang sarili ng datnan ni Denice ang kaibigan niyang si Louise, habang nakasandal ang likod nito sa head board ng hospital bed. Tila piniga ang puso niya at matinding pagkahabag ang nararamdaman niya para sa kaibigan. Ni halos hindi man lang nito naramdaman ang kanyang pagdating. Hanggang sa tuluyan siyang nakalapit sa kama na kinauupuan ni Louise ay nanatili lang itong nakatitig sa labas ng bintana. Tahimik na umupo si Denice sa gilid ng kama saka naluluha na dinampot niya ang kamay ng kanyang kaibigan. Naisip niya, sadyang kay laki na ng kanilang pinagbago. Nawala na ang dating sigla at kainosente nito sa lahat ng bagay. Nagugunita pa niya noong mga panahon ng kanilang kabataan. Wala itong ibang inisip kundi ang matulungan siya sa kanyang pag-aaral para sabay nilang matapos ang kursong Abogasya. Aminado si Denice na simula ng magkahiwalay sila ni Louise ay malaki ang naging epekto nito sa kanyang pag-aaral. Wala na kasing nanenermon sa kanya

  • DESPERATE MOVE   Chapter 90

    “Masaya ako dahil naging maayos na ang lahat sa amin ni Denice, nag kapatawaran na kami. Marahil hindi na tulad ng dati ang relasyon namin sa isa’t-isa dahil may lamat na ito. Pero, naniniwala ako na hindi pa naman huli ang lahat para makapag simula kaming muli. Ang pinakamahirap na maibalik sa lahat ay ang tiwala. Maybe I trust her, subalit hindi na tulad ng tiwala na binigay ko sa kanya noon. Ang lahat kasi ng bagay ay may limitasyon, at kailangan ay hindi lalampas sa limitasyong iyon ang tiwala na ibibigay ko sa kaibigan ko. Para kung sakali na maulit ang mga nangyari sa aming dalawa ay hindi na nito maapektuhan ang buhay ko. Mabigat ang mga paa na bumaba ako ng sasakyan. Sa dami ng trabaho ko sa maghapon ay kulang na lang bibigay na ang utak ko kaya ramdam ito ng katawan ko. Pagtuntong ng isang paa ko sa unang baitang ng hagdan dito sa pintuan ng Mansion ay narinig ko na kaagad ang malakas na boses ng aking biyenan. Simula ng matalo ito sa kaso at napatunayan ko na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status