Share

DESPERATE MOVE
DESPERATE MOVE
Author: Dragon88@

Teaser

Author: Dragon88@
last update Last Updated: 2024-05-15 22:43:37

“Alas tres ng hapon at katatapos lang ng huling klase ko. Kasalukuyan akong naglalakad sa gilid ng kalsada patungo sa sakayan ng jeep. Ngunit, hindi ko inaasahan ang biglaang pagsulpot ng isang puting kotse sa aking harapan kaya natigil ako sa paghakbang. Napaatras ang aking mga paa ng lumabas ang tatlong lalaki na pawang may mga baril na nakasuksôk sa kanilang mga baywang. “S-Sino kayo?” Nahintakutan kong tanong, ngunit, imbes na sumagot ay mabilis na lumapit sa akin ang mga ito. Tinangka kong tumakbo ngunit napakabilis ng mga pangyayari dahil hawak na nila ako sa magkabilang braso. Nalaglag ang mga libro ko at nagsabog ang mga ito sa lapag.

“Bitawan ninyo ako!” Naiiyak kong sigaw habang pilit na nagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak nila sa aking mga braso. Nagsimula na akong mag hysterical ng kaladkarin nila ako papasok sa loob ng sasakyan. “Tulong! Parang awa nyo na! Tulungan ninyo ako!” Halos mabasag na ang boses ko at kulang na lang ay mapatid ang mga litid ko dahil sa labis na pagsigaw. Ngunit ang mga pagmamakaawa ko ay nawalan ng saysay nang tuluyan akong naisakay ng mga armadong lalaki sa loob ng kanilang sasakyan.

Nadismaya ako ng wala ni isa man sa mga tao sa paligid ang naglakas loob na tulungan ako. Pagdating sa loob ng sasakyan ay nanginginig sa takot na isiniksik ko ang aking sarili sa nakasardong pintuan ng kotse. Puno ng matinding pangamba ang buong pagkatao ko habang mula sa aking isipan ay paulit-ulit na tinatawag sina mommy at daddy. Tahimik akong umiiyak sa isang tabi at ni gumalaw ay hindi ko ginawa, habang pasimple kong tinitingnan ang mukha ng dalawang lalaki na nakaupo sa tabi ko.

Napaka seryoso ng ekspresyon nang kanilang mga mukha at ni hindi man lang sila tumitingin sa akin. Tanging sa unahan lang ng sasakyan nakatuon ang kanilang mga atensyon. Mukha naman silang mga disenteng tao dahil pawang mga naka-corporate attire ang mga ito, kaya para silang mga empleyado sa isang kumpanya.

Pagkatapos ng halos isang oras na biyahe ay humimpil ang sinasakyan naming kotse sa tapat ng isang marangyang bahay. Kahit na natatakot ako ay hindi ko pa rin mapigilan ang aking sarili na humanga sa napakalaking bahay na nakatayo sa aking harapan.

“Babâ!” Matigas na utos sa akin ng isang lalaki na may mabagsik na mukha. Dala ng matinding takot na baka saktan ako ng mga ito ay natataranta akong bumaba ng sasakyan. Pagkababâ ng sasakyan ay mahigpit na hinawakan nito ang kanang braso ko saka hinatak papasok sa loob ng mala palasyong bahay.

“P-Pakiusap, pakawalan n’yo na ako, ano bang kasalanan ko sa inyo at kailangan niyo pa akong dukutin?” Lakas loob kong tanong sa garalgal na tinig habang pilit na binabawi ang sariling braso mula dito. Natigilan ako ng pagdating sa malawak salas ay huminto kami sa harap ng isang maedad na babae. Kahit nakatalikod siya sa amin ay mula sa tindig nito’y batid ko na hindi ito basta-bastang tao.. Binitawan na ng lalaki ang aking braso at umatras muna ito ng isang hakbang bago nagyuko ng kanyang ulo. “Señora, narito na si Ms. Louise Howard.” Ani ng lalaki mula sa likuran ko. Lumalim ang gatla sa aking noo dahil sa labis na pagtataka. Bakit ako kilala ng mga taong ito? Sino ba sila? At ano ang kailangan nila sa akin? Maraming katanungan ang gumugulo sa isipan ko at labis akong nahihiwagaan sa matandang babae na nakatayo sa aking harapan. Bumalik sa reyalidad ang utak ko ng tila slow motion na humarap sa akin ang babaeng tinawag na Señora.

Tila may kubg anong kilabot ang bumalot sa buong pagkatao ko ng masilayan ko ang matapang nitong mukha. Ang mga mata niya ay puno ng poôt habang nanlilisik ito na nakatingin sa akin. Napalunôk ako ng wala sa oras at bahagyang umatras ang isang paa ngunit nahinto ito ng bumangga ang likod ko sa katawan ng lalaking nakatayo sa aking likuran.

“PAK!” Isang malutong na sampal ang tumama sa kaliwang pisngi ko na siyang gumimbal sa akin. Sa lakas nito ay bumagsak ako sa sahig, parang natulig yata ang utak ko dahil sa ginawa ng Ginang. Nahintakutan na nag-angat ako ng mukha at nagtatanong ang mga mata na tumitig sa kanyang mga mata.

“Sa wakas, nagkita rin tayo babae. Akala mo siguro ay habang buhay mo ng matatakasan ang kasalanan mo sa pamilya ko? Kung nalusutan mo man ang batas ay sisiguraduhin ko sayo na hindi mo ako matatakasan. Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa aking anak.” Matigas nitong wika ngunit ramdam ang matinding panganib sa kanyang tinig. Dahil sa tinuran nito ay isa-isang lumitaw sa utak ko ang mga ala-ala mula sa nakaraan; Ang aksidente na naganap, isa’t-kalahating taon na ang nakalipas. Maging ang duguang mukha ng isang lalaki habang nakataas ang kamay nito na wari mo’y gusto niya akong abutin. Sa huling bahagi ng mga ala-ala ay ang nakikiusap na mukha ng aking kaibigan at ang tuluyang pag-ako ko sa isang malaking kasalanan na hindi naman ako ang may gawa.

“N-Nagkakamali po kayo ng akala, wala akong kasalanan! Si D-Denice at ang boyfriend niya! Sila ang dapat na tumanggap ng parusa at hindi ako. Inosente ako sa lahat ng mga nangyari- Ah!” Naputol ang pagsasalita ko ng muli na naman akong nakatanggap ng isang malakas na sampal mula sa Ginang.

“Ang lakas ng loob mo na umamin sa harap ng lahat! At ngayon ay naghuhugas kamay ka? Huh!” Pagkatapos nitong magsalita ay nagulat ako ng haklitin niya ang buhok ko. kinaladkad ako nito papunta sa nakasaradong silid. Ramdam ko ang matinding sakit mula sa aking anit, habang pilit na inaalis ko ang kamay niya na mahigpit na nakasabunot sa aking buhok. Pagdating sa loob ng silid ay halos masubsob pa ako ng pwersahan niya akong iharap sa isang lalaking nakahiga sa kama. Wala itong malay at tanging swero at fingertip pulse device lang ang nakakabit sa katawan nito.

“Pagmasdan mo ang taong nasa harapan mo! Pagmasdan mo kung paanong naghihirap ang anak ko habang ikaw ay nagpapakasarap na mamuhay sa labas ng silid na ito! Pagmasdan mo!” Nanggigigil na bulyaw niya sa tapat ng mukha ko habang nakatayo siya sa tabi ko. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan mula sa kamay niya na nakahawak sa mahaba kong buhok. Pakiramdam ko ay matatanggal na yata ang anit ko.

“Mananatili ka sa loob ng silid na ito para pagbayaran ang kasalanan mo sa anak ko.” Matigas niyang wika pagkatapos ay marahas na binitawan nito ang aking buhok. Naalarma ako ng lumabas ng silid ang babae at kasunod nito ay ang pagsara ng pintuan. Natataranta na lumapit ako sa pinto ngunit ng pihitin ko ang doorknob ay naka-lock na ito.

“Pakiusap, buksan ninyo ang pinto, palabasin nyo ako dito! Wala akong kasalanan! Parang-awa n’yo na!” Pagsusumamo ko sa kanila habang binabayo ko ang dahon ng pintuan. IIang minuto ang lumipas ay wala akong napala. Umiiyak na pumihit ako paharap sa lalaking nakahimlay sa kama at dahan-dahan akong humakbang hanggang sa huminto ako sa gilid ng kama nito. Pinahid ko ang mga luha sa magkabilang pisngi ko habang nakatitig gwapong mukha ng lalaki.

“Pakiusap, gumising ka na, ikaw na lang ang pag-asa ko para mapatunayan sa lahat na wala akong kasalanan.” Umiiyak kong wika bago maingat na hinawakan ang kaliwang kamay nito at ikinulong ko ito sa aking mga palad.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • DESPERATE MOVE   Chapter 95 Author’s Note

    Sa mga tumangkilik at tatangkilik pa lang ng kwentong DESPERATE MOVE, MARAMING3x salamat po. Kung ang iba man sa inyo ay hindi nasiyahan sa aking mga gawa, lubos akong humihingi ng malawak na pang-unawa dahil ito lang po ang nakayanan ko. Sa mga hindi po nakakaalam na ang book-6 ng Hiltons family ay kasalukuyan ng ongoing, baka sakaling magustuhan ninyo ang kwento ni Andrade Quiller Hilton at Maurine Kai Ramirez. ( The CEO’s Sudden Childs) Pakiadd na lang po sa inyong mga library ang mga kwentong inyong magugustuhan. Don’t Mess With Me The Billionaire’s Conquer My Heart Behind Her Innocence I’m yours Kapag Ako Ay Nagmahal Love Between The Words Kung hindi man po kalabisan, malaking tulong na rin po sa akin ang pagbibigay ng inyong komento sa page ng DESPERATE MOVE. MARAMING3X SALAMAT PO!

  • DESPERATE MOVE   Chapter 94

    “Naalimpungatan ako dahil sa mabigat na nakadagan sa aking dibdib. Kahit hindi ko na imulat ang aking mga mata ay kilala ko na kung sino ang taong nakayakap sa akin. Pumihit ako patalikod dito. Saka ko pa lang iminulat ang aking mga mata ng alam ko na hindi ko na makikita ang mukha nito. Subalit hindi ko inaasahan ng kabigin niya ang katawan ko palapit sa kanya at mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin. Napalunok ako ng wala sa oras ng mas idiniin pa niya ang pagkalalaki sa pagitan ng aking pang-upo. Isang buwan ang mabilis na lumipas simula ng magmakaawa ako sa kanya, pero wala namang nangyari. Dahil ang magaling na lalaking ito ay dito rin umuwi sa bahay ng mga magulang ko. Hindi rin nasunod ang gusto ko, isang araw lang ang pinalipas nito at nagulat na lang kami ng dumating ang limang katulong. Bitbit ng mga ito ang gamit ng aking asawa na parang akala mo ay wala ng balak bumalik pa ng mansion. “Alistair.” Naiinis kong tawag dito, dahil nagsisimula ng maglumikot ang mga

  • DESPERATE MOVE   Chapter 93

    “Maingat ang bawat kilos ko habang inaayos ang aking mga gamit dahil ngayong araw ay nakatakda na ang paglabas ko ng hospital. Sa totoo lang ay natatakot na akong kumilos dahil ayokong mawala sa akin ang aking anak. Tila nagkaroon ako trauma dahil sa nangyari noong gabing iyon. Hindi ko nakontrol ang galit ko kaya tuluyan na akong sumabog. Ilang araw akong na-confine dito sa hospital at mabuti na lang ay pinayagan ako ng doktor na sa bahay na lang magpagaling. Huminto ang mga kamay ko sa paglalagay ng mga importanteng gamit sa bag ng makarinig ako ng ilang mga yabag mula aking likuran. Hanggang sa pumulupot sa ilalim ng dibdib ko ang dalawang malaking braso ng aking asawa. kasunod ang pagbaon ng mukha nito sa pagitan ng leeg ko. Tumigas ang ekspresyon ng mukha ko, at pasimple kong pinuno ng hangin ang aking dibdib. Upang pawiin ang tensyon na nagsisimulang kumalat sa buong sistema ko. Oo, mahal ko ang asawa ko, pero simula ng malagay sa bingit ng kamatayan ang buhay ng aking

  • DESPERATE MOVE   Chapter 92

    “Ma’am, Ms. Denice Melendez was here.” Pagbibigay alam ni secretary Josie, habang ako ay nanatili sa bungad ng pintuan. “Papasukin mo.” Narinig kong sagot ni Mrs. Thompson. Nang makalabas na ang sekretarya nito ay saka palang ako humakbang papasok sa loob ng opisina. “Yes, Denice, ano ang kailangan mo?” Seryoso niyang tanong, halatang hindi nito gusto ang aking presensya. “Naparito ako upang kausapin ka at humingi ng tawad.” “Bakit ka hihingi ng tawad sa akin?” Seryosong tanong ni Mrs. Thompson. Isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko. “Pakiusap, itigil mo na ang hindi magandang pagtrato sa kaibigan ko.” Seryoso kong sagot, umangat ang sulok ng kanyang bibig, kasabay nito ang pagtaas ng kaliwang kilay nito. “Which friend are you talking about? Felma? Oh, she's already in jail.” Mataray na sagot nito sa akin. Subalit, labis na nagulat ito ng lumuhod ako sa kanyang harapan, at kita ko kung paano itong mataranta. “Stand up, Denice! Hindi ako Diyos para luh

  • DESPERATE MOVE   Chapter 91

    Tulala at tila wala sa kanyang sarili ng datnan ni Denice ang kaibigan niyang si Louise, habang nakasandal ang likod nito sa head board ng hospital bed. Tila piniga ang puso niya at matinding pagkahabag ang nararamdaman niya para sa kaibigan. Ni halos hindi man lang nito naramdaman ang kanyang pagdating. Hanggang sa tuluyan siyang nakalapit sa kama na kinauupuan ni Louise ay nanatili lang itong nakatitig sa labas ng bintana. Tahimik na umupo si Denice sa gilid ng kama saka naluluha na dinampot niya ang kamay ng kanyang kaibigan. Naisip niya, sadyang kay laki na ng kanilang pinagbago. Nawala na ang dating sigla at kainosente nito sa lahat ng bagay. Nagugunita pa niya noong mga panahon ng kanilang kabataan. Wala itong ibang inisip kundi ang matulungan siya sa kanyang pag-aaral para sabay nilang matapos ang kursong Abogasya. Aminado si Denice na simula ng magkahiwalay sila ni Louise ay malaki ang naging epekto nito sa kanyang pag-aaral. Wala na kasing nanenermon sa kanya

  • DESPERATE MOVE   Chapter 90

    “Masaya ako dahil naging maayos na ang lahat sa amin ni Denice, nag kapatawaran na kami. Marahil hindi na tulad ng dati ang relasyon namin sa isa’t-isa dahil may lamat na ito. Pero, naniniwala ako na hindi pa naman huli ang lahat para makapag simula kaming muli. Ang pinakamahirap na maibalik sa lahat ay ang tiwala. Maybe I trust her, subalit hindi na tulad ng tiwala na binigay ko sa kanya noon. Ang lahat kasi ng bagay ay may limitasyon, at kailangan ay hindi lalampas sa limitasyong iyon ang tiwala na ibibigay ko sa kaibigan ko. Para kung sakali na maulit ang mga nangyari sa aming dalawa ay hindi na nito maapektuhan ang buhay ko. Mabigat ang mga paa na bumaba ako ng sasakyan. Sa dami ng trabaho ko sa maghapon ay kulang na lang bibigay na ang utak ko kaya ramdam ito ng katawan ko. Pagtuntong ng isang paa ko sa unang baitang ng hagdan dito sa pintuan ng Mansion ay narinig ko na kaagad ang malakas na boses ng aking biyenan. Simula ng matalo ito sa kaso at napatunayan ko na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status