“Lola, ang totoo po kasi ay…..”
“Pinaghahandaan na po namin, lola.” pinutol ni Jerome ang dapat na sasabihin ni Caren. Naikuyom naman ni Caren ang kanyang mga kamay. Naiinis siya dahil sa sinabi ng kanyang asawa. Alam niya na hindi ito papayag na sabihin niya ang totoo na wala na siyang balak na magkaanak sa lalaki at maghihiwalay na silang dalawa. Mas lalo pang siyang nairita nang hawakan ni Jerome ang kanyang baywang. Mahigpit ang pagkakahawak nito na para bang ayaw siya nitong makawala. Noong ay gustong-gusto niya tuwing nagkakadikit ang mga katawan nila pero hindi na ngayon. Nawala na ang kilig. Hindi na ito tulad ng dati. Mas nangingibabaw na ang galit na nararamdaman niya para sa lalaki. “Lola, ang totoo po niyan ay hindi pa po talaga namin napag-uusapan ang bagay na ‘yan. Gusto ko po kasi na magtrabaho muna,” lakas loob na sambit ni Caren. Pinaningkitan ni Jerome ng mga mata ang asawa niya dahil hindi niya inaasahan na sasabihin nito sa lola niya na wala pa itong plano na magkaanak sa kanya. Kung mahigpit ang pagkakahawak ni Jerome sa baywang ni Caren kanina ay mas humigpit na ito ngayon. Hanggang sa lumipat ang hawak nito sa kanyang braso at doon na nakaramdam ng sakit si Caren. Nang napatingin siya sa tiyuhin ng kanyang asawa ay prente lang itong nakaupo sa may upuan at walang kahit na anong ekspresyon na makikita sa mga mata nito. Kaagad naman na umiwas ng tingin si Caren kay Vince. “Sorry, guys pero hindi ko na kayang hindi magsalita. Matagal na kayong kasal kaya bakit hindi niyo pa pinag-uusapan ang tungkol sa pagkakaroon ng anak? Si Jerome naman ang nagtatrabaho kaya walang problema kung magbubuntis na si Caren. At isa pa hindi mo kailangan na magtrabaho dahil kaya naman kayong buhayin ni Jerome.” saad nito. Natahimik silang lahat sa sinabi ng pinsan ni Jerome. Ang buong akala ni Caren ay tapos na ang pinsan ng kanyang asawa pero hindi pa pala dahil muling nagsalita si Bianca. “Sobrang swerte mo dahil ang pinsan ko ang naging asawa mo. Kung wala kang balak na magbuntis ay marami namang babae d’yan na puwedeng buntisin ni Jerome.” “Anak lang hindi mo pa magawang ibigay. Nakalimutan mo na ba kung paano ka naging bahagi ng pamilya namin?” Hindi pa rin ito tumitigil na para bang nais nitong magreact si Caren sa mga sinasabi nito. Napayuko na lang si Caren dahil matalim na ang tingin na ipinupukol ni Bianca sa kanya. This woman look intimidating na para bang siya ang may kapangyarihan sa pamilyang ito. Hindi naman makapaniwala si Lola Diana sa mga narinig niya sa kanyang apo kaya sinaway na niya ito. “Bianca, tumigil kana.” Nanahimik naman ito at hindi na nagsalita. Pero masama pa rin ang tingin niya kay Caren na parang kakainin niya ito ng buhay. Pero kabaliktaran naman ang tingin ng matandang Fordman. Nakangiti ito sa mag-asawa. “Ano ba kayo, hayaan na natin sila. Pero sana in two years ay magkaanak na kayo. Alam ko naman na mga bata pa kayo pero mas mabuti na simulan niyo na ang pagpaplano habang maaga pa. Huwag mong masyadong pagurin ang sarili mo Caren dahil kaya ka naman alagaan at buhayin ni Jerome. Just take your time pero ‘wag naman sana matagal.” nakangiti pa rin na saad ng matanda. Ngumiti na lang si Caren at hindi na nagsalita. Bumalik na ulit sa dati ang buong paligid. Wala sa kanila ang atensyon ng mga ito. Kumalas na rin sa pagkakawak si Jerome sa kanyang braso. Pasimple namang mapahimas si Caren sa kanyang braso. Tumayo siya at nais niya munang magpahangin sa labas dahil para siyang masu-suffocate sa nangyari kanina. Nais rin niyang pakalmahin ang kanyang sarili. Ngunit hindi niya napansin na nakasunod pala sa kanya si Jerome na ngayon ay nagyuyupos sa galit. Mabilis nitong hinawakan ang kamay ni Caren at sinabing. “Talagang gusto mo ako ipahiya sa harap ng pamilya ko.” “Walang mali sa sinabi ko.” kaagad naman na depensa ni Caren. “Walang mali? Ni hindi ka man lang marunong sumabay. Talagang pinapakita mo na ayaw mo magkaanak sa akin.” mariin na sambit nito. “That’s true, ayaw ko talaga.” “Dapat ko na bang tawagan ang mama mo para ipaalam sa kanya ang nangyayari?” “Ang sama mo! Ako ang niloko mo. Ikaw ang nagcheat sa ating dalawa.” Mahina pero puno ng diin na sambit ni Caren. Hindi maganda ang kalusugan ng kanyang ina kaya natatakot siya na mabigla ito. Ang plano niya ang makikipaghiwalay muna siya sa lalaki bago niya sabihin ang totoo na na hiwalay na siya kay Jerome. Biglang nakaramdam ng guilt si Jerome sa narinig niya mula sa kanyang asawa. Pero kaagad rin na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. “Love, tatanggalin ko na si Lara bukas. I’ll fire her and I promised you na magbabago na ako. Puwede mong sabihin sa akin ang mga gusto mo basta ‘wag mo lang ituloy ang divorce natin.” “Ayaw ko ng pag-usapan pa ito, Jerome. Please, just leave me alone.” “Love, mahal kita kaya ‘wag mo ng babanggitin ang divorce. Kaya ko naman magbago para sa ‘yo. Gagawin ko ang lahat ng nais mo.” Napait na ngumiti si Caren. Hindi niya kayang paniwalaan ang sinasabi ng lalaking nasa kanyang harapan. Tuwing naalala niya ang ginawa nito ay umaahon sa puso niya ang galit. Sinasabi nito na mahal siya pero bakit kailangan na makipag-siping ito sa ibang babae. “Hindi kita kayang patawarin.” malamig na sambit ni Caren. Tiwala niya ang nasira at hindi niya alam kung kaya pa ba niyang ibalik ito. Iniisip pa lang niya na kailangan niyang magpanggap na okay lang ang lahat ay parang magkakasakit na siya. Nandidiri siya kay Jerome. Ni ayaw na niya itong humawak sa kanya kaya paano niya ito mapapatawad? Alam ni Jerome na nasasabi lang ito ng kanyang asawa dahil galit ito sa kanya at aminado naman siya sa ginawa niya. Nararamdaman niya na mahal pa siya nito kaya kailangan niya na magdahan-dahan para makuha ulit ang loob ng kanyang asawa. Ang mahalaga sa ngayon ay hindi siya pumayag sa divorce na hinihiling nito. “Sige kung ayaw mo pang pag-usapan ang tungkol sa baby ay ‘wag na nating pag-usapan. Itatanong ko kung ano ang vacant position sa company lalo na gusto mong magtrabaho. Sa akin ka na lang magtrabaho para malaki ang sahod.” parang wala lang na sambit ni Jerome. “Ayaw ko,” may diin na sambit ni Caren.Napabuntong hininga na lang si Jerome at lumabas na rin sa bahay ng kanyang ina. Habang nagmamaneho siya ay nakatanggap siya ng video footage galing sa katulong nila sa bahay at biglang humigpit ang hawak niya sa manibela nang makita niya na tumakas ang kanyang asawa. Mas lalo siyang na galit nang makita na sumakay ito sa kotse ng kanyang uncle Vince.Hindi siya makapaniwala na kayang gawin iyon ng kanyang asawa. Tumalon ito sa balcony at sumakay sa kotse ng kanyang uncle sa ganoong itsura. Humigpit ang kapit niya sa manibela ng kanyang kotse. Hindi matanggap na tinulungan pa ito ng kanyang uncle. Nais niyang kumalma kaya naman ay pinili niya na lang na bumalik sa bahay ng kanyang ina para doon pakalmahin ang sarili niya.“Oh, bakit bumalik ka?” tanong nito sa kanya.“Gusto kong magpahinga, mom.” sagot lamang ni Jerome sa kanyang ina.“Sa tingin mo ba ay hindi ko alam?”“Mom, please.”“Bakit ba kasi hindi mo hiwalayan ang babaeng ‘yon? Hindi siya ang dapat sa ‘yo,” sambit ng ina niya.
Pumasok na si Caren sa loob ng kanyang apartment at pabagsak na humiga sa kanyang kama. Ngayon lang siya nakaramdam ng pagod. Habang nakahiga siya iniisip niya kung bakit siya tinulungan ni Vince. Alam niya na puwedeng-puwede siyang itaboy ng lalaki pero mas pinili nito na tulungan siya.Napahawak siya sa coat nito. Parang hindi niya kayang itapon ang bagay na ito. Alam niya na mahal ito. Kaya iniisip niya na lalabhan na lang at itago. Sa susunod na pagkikita nila ay ibibigay niya ito ulit. At kung sakali man na ipatapon pa rin ito ni Vince ay doon na lang niya ito itatapon.Ngayon niya napagtanto na sobrang laki ng pagkakaiba ng kanyang asawa sa tiyuhin nito. Maybe he’s cold and arrogant pero handa rin itong tumulong kung kinakailangan. Sana lang ay hindi nito banggitin kay Jerome ang nangyari.****Nakaupo sa backseat si Vince at nakapikit siya. Nais niyang matulog ngunit hindi niya magawa dahil naiinis siya. Naiinis siya dahil hanggang ngayon ay naamoy niya pa rin ang babae sa loob
“What are you talking about, uncle?” tanong ulit ni Jerome sa kanyang tiyuhin. Nagkunwari siyang hindi niya ito naiintindihan.“Alam ko na narinig mo ang sinabi ko.” malamig na turan ni Vince.“U–Uncle,” nauutal na sambit ni Jerome.“Nalaman ko na may relasyon ka sa secretary mo. Ito ba ang dahilan kaya umalis dito ang asawa mo? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nila ang affair mo?” kalmado pero may kakaiba sa boses ni Vince na nagbigay ng kilabot sa kanyang pamangkin.“Uncle, ‘wag mo sanang sabihin kay daddy. Aayusin ko po ito, aayusin ko ang sa amin ng asawa ko.” natatakot na sabi ni Jerome.“Natatakot ka ba na malaman nila ang ginawa mo?” “Uncle, please don’t tell anyone.” “Sana hindi mo ginawa kung natatakot ka pala na malaman nila.”“Alam ko po na mali ako. Na nagpadala ako sa tukso pero hindi na po ito mauulit pa. Hinding-hindi ko na po gagawin ang bagay na ‘yon.”Jerome is fully aware sa mangyayari kapag malaman ng mga ito ang tungkol sa pangangaliwa niya. Ma
“Hi, mom. Kumusta po ang pakiramdam mo?” tanong ni Jerome na kakarating lang ulit. Hindi pa pala ito umalis.“Jerome, okay naman ako anak.” nakangiti na sambit ng mommy ni Caren.“Mabuti naman po, sorry po kung ngayon lang ako nakadalaw dito, mom.”“Okay lang, alam ko naman na busy ka. Masaya na ako na makita na okay kayong dalawa at nagmamahalan.” “Aalagaan at mamahalin ko po si Caren habang buhay.” nakangiti na sabi ni Jerome.“Iyan lang ang gusto kong marinig mula sa ‘yo.” Pagkasabi nito ay pumikit na ito para matulog.Buong gabing binantayan ni Caren at Jerome ang mommy niya. “Miss, pupunta po ako dito tuwing linggo. Pasensya ka na po kung busy ako palagi.”Nagtataka namang nakatingin ang nurse kay Care. Nais niyang magtanong ngunit mas pinili niya na manahimik at ngumiti na lang. “Tatawagan na lang kita sa results ng mommy mo.”“Salamat,” nakangiti na sabi ni Caren sa babae.Nagpaalam na siya na aalis at habang nag-aabang siya ng taxi ay biglang tumigil ang sasakyan ni Jerome
“Papunta na po ako!” nagmamadali na sabi ni Caren sa niya sa phone.“Sasamahan kita.” saad ni Jerome sa kanyang asawa.“Ako na lang. ‘Wag ka ng sumama.” naiinis naman na turan nito.“Uunahin mo pa ba ang galit mo sa akin kaysa sa mama mo?” naiinis na sambit ni Jerome.Hindi na lang umimik si Caren at hinayaan na lang niya si Jerome na hilain siya palabas sa apartment niya. Habang nasa biyahe ay tahimik sila pareho hanggang sa nakarating na sila sa hospital. Mabilis siyang bumaba sa kotse ng kanyang asawa at patakbo na pumasok sa loob.“Kumusta po ang lagay ng mommy ko?” tanong niya sa doktor.“To be honest ay hindi na maganda. At mas lalo lumala dahil dumalaw rito ang dating secretary ng papa mo at ang anak nito. Nahihilo raw siya at biglang nawalan ng malay. Tumaas ang blood pressure niya kanina.” paglalahad ng doktor.Bigla nagbago ang nararamdaman ni Caren lalo na nang marinig niya ang sinabi nang doktor. Iniisip niya kung bakit pumunta si Lyka at ang papa nito. Kung ano ba ang pa
Mabilis na lumipas ang mga araw at naging maayos naman ang trabaho ni Caren kahit pa marami palagi ang ipinapagawa sa kanya ni Lyka. Ang trabaho na hindi na niya sakop ay binibigay pa nito sa kanya. “Anong ginagawa niyo? Bakit si Caren ang gumagawa ng mga bagay na ito?” mahinahon na tanong ni Lovely pero nakakunot ang noo habang nagsasalita.“Sa tingin ko po kasi ay dahil bago siya dito kaya ito ang dapat niya na matutunan.” si Lyka ang sumagot.Magsasalita na sana si Lovely pero inunahan na siya ni Caren.“Okay lang po, kayang-kaya ko naman po ito. Pumasok po ako dito para matuto.”Lihim namang napangiti si Lovely sa kanyang narinig. Ngunit kabaliktaran naman ang nararamdaman ni Lyka dahil naiinis siya sa babae. Ginagawa niya ang lahat para sumuko ito pero matibay ito.“May natutunan ka naman ba sa buong linggo mo dito?” Tanong Lovely kay Caren.“Opo, nakakabisado ko na po ang mga gawain dito.” Nakangiti na sagot ni Caren.“Mabuti naman kung ganun.”“Sigurado ka ba talaga na mayroon