Share

CHAPTER 124

Author: dyowanabi
last update publish date: 2026-02-24 21:06:35
Pagkaalis ni Xavier, tiningnan ni Kiel mula ulo hanggang paa si Mayumi at nagtanong, “Are you okay?”

Kanina pa niya narinig ang malakas na boses mula sa kanyang silid. Nahulaan niyang si Xavier iyon na hinahanap si Mayumi.

Umiling si Mayumi. “Ayos lang ako.”

“Ano ang ginagawa ni Xavier rito?” tanong niya.

Sandaling nag-isip si Mayumi. “May maliliit lang na bagay na kailangang pag-usapan.”

Sandaling natahimik si Mayumi. Alam niyang nagtataka si Xavier na makita roon si Kiel. Alam niyang balang ar
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Mary Joy Eslana
feeling9n 0ud Ning Maxine na
goodnovel comment avatar
Mary Joy Eslana
pa bukas po..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 255

    Naputol na ang tawag bago pa man makatanggi si Mayumi. Nanatili siyang nakatitig sa screen ng telepono habang umaalingawngaw sa kanyang tainga ang mahabang beep mula sa kabilang linya. Ilang segundo siyang hindi kumilos, saka nagpakawala ng isang buntong-hiningang puno ng kawalan ng magagawa.Talagang ganoon si Xavier. Kapag may naisip, gagawin. Kapag may gusto, kukunin. At kapag nakapagdesisyon na, bihira itong magbago ng isip.Eh di sunduin niya ako sa apartment kung gusto niya. Wala naman ako doon... Inis na sabi niya sa isip. Ngunit matapos ang tawag na iyon, tuluyan nang nawala ang antok ni Mayumi. Ang katahimikang dati’y nakakapagpahinga sa kanya ay tila naging masyadong mabigat. Bumangon siya mula sa sofa at inayos ang nakalaylay na kumot sa kanyang balikat.Uminom siya kanina, at ngayon ay tuyot na ang kanyang lalamunan.Tahimik siyang naglakad patungo sa kusina, binuksan ang ilaw, at nagbuhos ng isang basong tubig. Walang pag-aalinlangan niya iyong inubos. Ngunit matapos mai

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 254

    Napabuntong-hininga na lang si Xavier. Dahil pinili ni Mayumi na huwag siyang paniwalaan, kahit tumawag pa siya nang sandaang beses ay wala rin iyong magiging silbi.Magmumukha lang siyang desperado, isang lalaking humahabol sa taong malinaw nang tumalikod sa kanya. At ayaw niya ng ganoon. Ayaw niyang makita ang sarili bilang isang taong nagmamakaawa para sa atensyon ng babaeng minsan nang buong pusong sumandig sa kanya.Mariin niyang ibinaba ang telepono sa mesa, saka lumabas ng silid. Mabibigat ang kanyang hakbang habang tinatahak ang mahabang hallway ng mansion. Tahimik ang buong bahay, ngunit ang katahimikang iyon ay hindi nakakapayapa. Sa halip, tila lalo lamang nitong pinapalinaw kung gaano kalaking puwang ang iniwan ng pagkawala ni Mayumi.Pumunta siya sa kusina upang kumuha ng isang basong tubig. Umaasa siyang kahit papaano ay mahuhugasan ng malamig na inumin ang init ng kanyang ulo.Ngunit nang buksan niya ang pitsel, natigilan siya. Wala itong laman, kahit isang patak ay wal

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 253

    Kung talagang may binabalak sina Mayumi at Christian, bakit siya magbu-book pa ng suite?Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ni Patrick ang tanong na iyon habang mahigpit ang hawak sa telepono. Hindi siya mapakali, kanina lamang ay nag-init ang ulo niya, nagpadaig sa bugso ng damdamin, at muntik nang gawin ang isang bagay na maaaring hindi na niya mabawi.Maaari kayang sinadya ni Mayumi na pumunta sa hotel kasama ang ibang lalaki para lang pagselusin si Xavier? Was he being used?Habang unti-unting humuhupa ang galit niya, mas luminaw sa isip niya ang bigat ng sitwasyon. Napagtanto niyang ang pagsasabi kay Xavier ng lahat ay maaaring isang napakalaking pagkakamali.Isasantabi muna kung ito nga ba ay paraan ni Mayumi para pagselusin si Xavier. Dahil kung itutuloy niya ang pag-send ng mensahe at dumating si Xavier, imposibleng manahimik lamang ito.Kilala niya ang ugali ni Xavier... mapusok, dominante, at hindi marunong umatras kapag nasaktan ang pride.At si Christian ay mula sa makap

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 252

    Naalala ni Mayumi noong huling beses siyang naospital, si Patrick mismo ang taong nagpalayas sa kanya roon.Maliwanag pa sa alaala niya ang malamig nitong mukha noon, ang paraan ng pagsasalita nito na para bang isa lamang siyang istorbo na kailangang alisin.Kahit na malamang ay utos lang iyon ni Xavier, naniniwala si Mayumi na hindi lang pagsunod ang dahilan noon. Sadyang gusto talaga ni Patrick na maghiwalay sila.Mula noon pa man, halata niyang hindi boto sa kanya ang mga kaibigan ni Xavier Gayunpaman, pinili niyang manatiling magalang at hindi ito binalewala. Hindi na siya ang dating babaeng natitinag sa bawat pangmamaliit ng ibang tao.Nagpakawala siya ng tipid na ngiti at mahinahong nagsabi, “Ano pa bang gagawin ng isang tao sa hotel? Siyempre, kukuha ng kwarto.”Inasahan ni Patrick na magpapanic si Mayumi o kahit man lang makaramdam ng hiya dahil nahuli niya ito sa akto. Ngunit nang marinig ang napakakalmadong sagot nito, nanlaki ang mga mata niya sa gulat.“Mayumi, asawa ka pa

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 251

    Hindi mapigilan ni Mayumi ang maramdaman na may kakaiba sa mga sinabi ni Miranda. Minsan nang nabanggit sa kanya ni Christian na close ito sa kapatid.Naalala pa niya ang kwento nito na bago tuluyang nakabalik sa pamilya Sager, silang magkapatid ay tanging isa’t isa lamang ang inaasahan para mabuhay. Sa mga panahong wala kapangyarihan, wala apelyidong masasandalan, at wala sinumang kakampi, silang dalawa lang ang nagdala sa isa’t isa patawid.Kaya ngayon, hindi niya maiwasang magtaka. Hindi nagtitiwala si Miranda sa kahit sino sa pamilya Sager para mag-alaga kay Christian, ngunit handa nitong ipaubaya ang kapatid nito sa kanya? Isang taong minsan pa lang nitong nakita?Ganoon ba talaga kalaki ang tiwala ni Miranda sa kanya? Sandali siyang nag-isip. Maaaring may kinalaman iyon sa masalimuot na away sa loob ng pamilya Sager. Maaaring wala talagang ibang taong maaasahan si Miranda. O baka naman may kung anong nalalaman ang babae tungkol sa kanya na hindi niya alam.Ngunit anuman ang dah

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 250

    Doon lang napagtanto ni Mayumi na kahit magkarelasyon na sila ni Christian, napakakaunti pa rin ng alam niya tungkol dito.Sa dami ng oras na magkasama sila, sa dami ng usapan at pangyayaring pinagdaanan nila, kakaunti pa rin pala ang tunay niyang nalalaman tungkol sa lalaking nasa harap niya ngayon.Hindi niya alam kung saan ito nakatira. Hindi rin niya alam kung sino ang mga taong malalapitan nito kapag may problema. Wala siyang ideya kung mayroon ba itong malalapit na kaibigan dito o kung may taong kayang tawagan sa ganitong sitwasyon. Bigla niyang naramdaman kung gaano kababaw ang pundasyon ng relasyon nila.Matapos mag-isip sandali, yumuko siya at kinuha ang cellphone ni Christian mula sa bulsa nito. Sandali siyang nagdalawang-isip bago binuksan iyon, ngunit nanaig ang praktikalidad. Hindi ito oras para mahiya. Kailangan niyang may matawagan.Tiningnan niya ang mga contact nito. Napakakaunti lang ng nakalista. Halos imposibleng paniwalaan para sa isang lalaking tulad ni Christian

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 23

    “Okay.” mabilis na sagot niya.Pagkatapos noon, hindi na muling nag-reply si Kiel. Malamang ay nasa eroplano na ito.Pinatay niya ang kaniyang cellphone at nagmaneho pabalik sa mansion. Pagdating, nadatnan niyang may ilang taong naglalabas-masok ng mga bagahe.Si Ysabel, naka-puting bestida ay naka

    last updateLast Updated : 2026-03-18
  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 19

    Noong una, naunawaan pa niya ang muling pag-aasawa ng kanyang ama. Para din daw naman yun sa kanyang kapakanan. Pero sa kalaunan ay nagiging target na siya ng pambubully ni Stephanie, madalas nitong kunin ang mga laruan at damit niya. Ang kanyang ama ay palaging kampi kay Stephanie, sinasabi pa ni

    last updateLast Updated : 2026-03-18
  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 21

    Sa mga pinaggagawa ng kanyang pamilya kay Xavier ay isa sa dahilan kung bakit nanliliit siya sa kanyang sarili kapag kasama ang asawa... Hiyang-hiya siya.“’Wag mo nang ituloy, Pa. divorce na kami kay Xavier, wala na tayong koneksyon sa mga Valerio.” mariin nyang sabi sa ama“Ano’ng sinabi mo???” N

    last updateLast Updated : 2026-03-18
  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 22

    Muling dumilim ang ekspresyon ni Johnny Santillan.“Talaga palang final na?” tanong ni Amalia na halatang nagulat din sa binalita sa kanila ni Stephanie.“Hindi pa, mom” Umiling si Stephanie. “Nagtanong ako sa staff. Hindi pa tapos ang mga papeles, may thirty-day marriage annulment cooling-off perio

    last updateLast Updated : 2026-03-18
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status