Share

CHAPTER 214

Author: dyowanabi
last update publish date: 2026-04-02 00:02:41

“Kung totoo man iyon o hindi… hindi iyon dahilan para linlangin mo ako.”

Malamig na tumitig si Xavier kay Patrick. Ang kanyang boses ay kontrolado, ngunit ang bigat nito ay sapat upang manlamig ang sinumang makarinig.

“At saka…” bahagya siyang huminto, ang kanyang mga mata ay lalong dumilim, “iyong video sa handaan… ikaw ang nag-upload, hindi ba?”

Napayuko si Patrick. Mahina ang kanyang boses nang sumagot siya, halos hindi marinig. “Ginawa ko lang iyon para tulungan ka… at si Ysabel. Para mapab
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (10)
goodnovel comment avatar
Mhei Cherry
sayang ang oras at pagod sa pag tatype
goodnovel comment avatar
Mhei Cherry
sayang ang oras sa pag update na walang magandang nangyari
goodnovel comment avatar
yiv08
si Xavier isa pa ring Tanga at uto-uto. may puso but still walang utak.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 214

    “Kung totoo man iyon o hindi… hindi iyon dahilan para linlangin mo ako.”Malamig na tumitig si Xavier kay Patrick. Ang kanyang boses ay kontrolado, ngunit ang bigat nito ay sapat upang manlamig ang sinumang makarinig.“At saka…” bahagya siyang huminto, ang kanyang mga mata ay lalong dumilim, “iyong video sa handaan… ikaw ang nag-upload, hindi ba?”Napayuko si Patrick. Mahina ang kanyang boses nang sumagot siya, halos hindi marinig. “Ginawa ko lang iyon para tulungan ka… at si Ysabel. Para mapabilis ang nangyayari sa inyong dalawa.”Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Sino nga ba ang makakahula? Na ang kasal na matagal nang nakatayo ay biglang guguho.Na ang lola mismo ni Xavier ang magbibigay ng shares kay Mayumi, isang hakbang na tila tahasang nagtutulak sa dalawa na muling magtagpo. Tunay nga, ang matatanda, laging may malalim na iniisip. Ngunit hindi iyon ang pinakanakakagulat.Hinawakan ni Patrick ang namamagang pisngi, pilit binabalewala ang sakit.“Xavier…” muli n

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 213

    Alam na ni Patrick na darating ang tanong na iyon.Sa totoo lang, kanina pa niya ito inaasahan, mula pa nang makita niya ang anyo ni Xavier sa pintuan. Ang bigat ng aura nito, ang lamig ng mga mata… malinaw na may alam na ito.Kaya nang marinig niya ang tanong, hindi na siya nagkunwaring walang alam. Sa halip, tahimik siyang napalunok. May bahid ng konsensya ang sumiksik sa dibdib niya, ngunit kakaiba, wala siyang naramdamang takot. Parang handa na siyang panindigan ang lahat.“It was Mayumi” diretsong sagot niya. Sa isang iglap, nagbago ang hangin sa paligid.Biglang kumunot ang kamao ni Xavier. Mahigpit, hanggang sa mamuti ang kanyang mga daliri. Ang kanyang mga mata ay namula sa nagbabadyang galit.At bago pa makapaghanda si Patrick, hinablot siya ni Xavier sa kuwelyo at inangat mula sa kinauupuan.“Bakit mo ginawa iyon?” malamig ngunit mapanganib na tanong niya.Napasinghap si Patrick, bahagyang nahirapang huminga habang nakabitin.“X-Xavier…” hirap niyang sabi, pilit inaayos ang

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 212

    Matagal nang kinikimkim ni Alden ang katotohanan. Isang lihim na ilang ulit na niyang muntik ibunyag, ngunit palaging pinipigilan ng alinlangan.Ilang beses na niyang pinag-isipang sabihin kay Xavier ang tungkol sa aksidente sa sasakyan. Ngunit sa bawat pagkakataon, bumabalik sa kanyang isip ang babala ni Dr. Patrick. Mahigpit siya niotng binalaan.“Huwag mong sasabihin. Walang magandang maidudulot na maganda!”Noong una, inakala ni Alden na tama si Patrick. Hindi lang dahil maaaring masira ang kanyang karera. Mas malalim pa roon, ipinaliwanag ni Patrick na hindi kailanman nagustuhan ni Xavier si Mayumi. At kung malalaman man nito ang buong katotohanan, hindi iyon magdudulot ng awa… kundi mas malaking gulo.Bilang assistant, malinaw ang kanyang tungkulin, pagaanin ang pasanin ni Xavier, hindi dagdagan.Kaya pinili niyang manahimik. Sa kanyang isip, isa itong kasinungalingang may mabuting layunin. Ngunit nagbago ang lahat noong araw na iyon.Nakita niya si Mayumi noon... nag-iisa, tahi

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 211

    Sa loob ng marangyang sasakyan sa underground parking lot, mabigat ang hangin, parang may anong galit at tensyon na kumakapit sa bawat sulok.Nasa driver’s seat si Alden, bahagyang nanginginig ang mga kamay habang mahigpit ang kapit sa manibela. Ramdam niya ang pawis sa palad, hindi dahil sa init, kundi dahil sa kaba.Sa rearview mirror, pasulyap-sulyap niyang tinitingnan ang lalaking nakaupo sa likuran.... Si Xavier Valerio.Mula nang sumakay ito sa sasakyan, wala itong sinasabi. Tahimik lang, walang galaw, walang emosyon na mababasa sa mukha.At iyon ang mas nakakatakot. Mas gugustuhin pa ni Alden na sumigaw ito, magwala, o maglabas ng galit kaysa sa ganitong katahimikan na parang bagyong naghihintay lang sumabog anumang oras.Narinig na niya ang nangyari sa banquet. Sa harap ng lahat, hayagang inihayag ni Mayumi ang diborsyo nito sa kanyang boss na si Xavier. At hindi lang iyon, agad din nitong ipinakilala ang bago nitong kasintahan.At higit sa lahat… Ibinigay ng lola ang shares n

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 210

    SAGER RESIDENCE:Ang atmosphere sa Sager mansion ay mabigat, parang may nakabitin na unos sa bawat sulok ng bahay. Tahimik, ngunit nakakasakal.Sa labas ng malalaking pinto, nakahanay ang ilang bodyguard na naka-itim na suit. Walang nagsasalita, ngunit kitang-kita sa mga mata nila ang tensyon. Para bang kahit isang maling galaw lang ay maaaring magpasabog ng galit sa loob.Dahan-dahang itinulak ni Christian ang pinto. Pagbukas pa lang, agad siyang sinalubong ng presensya ng kanayng ate na si Miranda. Nakatayo ito sa gitna ng sala... elegante, at nakakatakot. Ang kanyang mukha ay kasinglamig ng yelo, at sa kamay niya ay mahigpit na hawak ang isang mahabang itim na latigo.Bigla itong humampas sa hangin, at kasunod noon ay ang malakas na pagbasag ng salaming coffee table sa harap ni Christian.Nagkalat ang mga bubog sa sahig. Saglit na napaatras si Christian, ngunit agad din siyang tumuwid. Kilala niya ang kapatid. Alam niyang hindi iyon para saktan siya, isa lamang iyong malinaw na bab

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 209

    “Mayumi, kailangan nating mag-usap.”Isang sulyap lang ang ibinigay ni Mayumi kay Ysabel, sapat na para mabasa ang lahat, ang pagpapanggap, ang pilit na kabaitan, at ang nakatagong intensyon sa likod nito.“Wala tayong dapat pag-usapan,” malamig niyang sagot.Hindi siya huminto at dire-diretsong nilagpasan si Ysabel. Ngunit hindi nagpatinag si Ysabel. Sumunod ito ng ilang hakbang, tila hindi naaapektuhan sa pagiging malamig ni Mayumi.“Narinig ko kay Andra na pumunta ka raw sa Valerio Ancestal Mansion kanina,” wika nito, parang kaswal lamang ang tono, pero matalas ang bawat salita. “So alam mo na palang ibibigay ni Grandma sa’yo ang shares, ‘di ba?”Bahagya itong ngumiti, ngunit may halong panlilibak.“Limang taon kang nagtiis, nagpanggap na mahal mo si Xavier. Pero ang totoo, para lang iyon sa kayamanan ng Valerio family, tama ba?”Naningkit ang mga mata nito, puno ng paghamak. Isa itong bitag, alam iyon ni Mayumi. Isang maling salita lang... isang maling kumpirmasyon, at magagamit i

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 56

    Mabilis siyang bumalik sa realidad. “Yakap lang naman pala, ibig bang sabihin nun mag-jowa na agad? Anong kalokohan naman ’yon?”At hindi niya maintindihan kung bakit bigla niyang iniisip si Mayumi nang wala sa oras. Nang makita niya ito kanina na may kasamang lalaki, aaminin nyang naalarma siya pe

    last updateLast Updated : 2026-03-22
  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 52

    Napansin ni Ysabel ang biglang pagbabago ng mood ni Xavier.Kunwari’y hindi sinasadya, sumulyap siya sa screen ng phone nito at nakita ang pangalan ni Mayumi sa chat.Si Mayumi na naman! inis na sabi niya sa sarili.Kampante siyang kaya niyang alisin ang kahit sinong humaharang sa pagitan nila ni X

    last updateLast Updated : 2026-03-22
  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 58

    Napatigil siya at muling tiningnan ang mensahe ni Xavier. Bago pa siya makapag-isip nang mas malalim, may boses ng estranghero mula sa labas ng pinto.“Hello, delivery. Puwede po bang lumabas kayo para pumirma?”Kasabay niyon, nag-message din sa kanya si Kiel. Doon na niya naintindihan ang lahat. N

    last updateLast Updated : 2026-03-22
  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 55

    "Go back."Nabaling ang tingin ni Alden sa kanya... “Saan po, boss? Sa mansion?”Akmang tatango siya nang biglang sumagi sa kanyang isip ang isang alaala. Noong umuwi siya at nakitang nababalot ng dilim ang mansion ay mukhang malungkot. Ano pa kaya ngayon na lumipat na si Mayumi ng tirahan... sigur

    last updateLast Updated : 2026-03-22
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status