Mag-log inIlang beses na niyang narinig ang mga bulung-bulungan na si Steven ay isang baliw, na kaya nitong pumatay nang hindi kumukurap, na mas gugustuhin pa nitong sirain ang isang tao nang dahan-dahan kaysa bigyan ito ng mabilis na kamatayan, na ang sinumang nagtaksil dito ay mas mabuting mamatay na lang kaysa mapunta sa mga kamay nito.Narinig na ni Christian ang lahat ng iyon. Ngunit ni minsan hindi niya naranasan ang kilabot na sinasabi ng lahat.Hanggang sa gabing iyon... sa mismong sandaling bumaba si Steven mula sa sasakyan. May ibang bagay ang naramdaman ni Christian... Isang bahagyang panginginig. Hindi mula sa sarili niya, kundi mula sa kamay na mahigpit na nakakapit sa kanyang palad.Unti-unti niyang ibinaba ang kanyang tingin, at doon niya nakita si Mayumi... namutla ang mukha nito na tila nawalan ng dugo. Manipis na manipis ang pagkakakuyom ng kanyang mga labi. Hindi man lang ito kumukurap, nakapako lang ang mga mata nito kay Steven.Mula nang lumitaw ang lalaki, parang naging al
Unti-unting sumikip ang dibdib ni Mayumi. Alam niyang naroon lang ang dalawang babae dahil sa pakiusap ni Christian na bantayan siya.Subalit sa mga sandaling iyon, hindi na obligasyon ang nakita niya sa kanilang mga mata kundi tunay na pag-aalala. Sa loob ng maraming taon niyang pananatili sa Maynila, sanay na siya sa mga taong nangmamaliit at nangungutya sa kanya. Itinakwil siya ng pamilya Santillan, tinanggihan siya ng lalaking minsan niyang pinakamamahal... si Xavier Valerio.Sa mundong ginagalawan niya, ang halaga ng tao ay nakabase lang sa pangalan, kapangyarihan, at estado sa lipunan. Ngunit sina Grace at Patricia... iba sila. Hindi nila siya hinusgahan. hindi nila siya ginamit. Tinanggap nila siya bilang isang tunay na kaibigan.Dahan-dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata. At sa dilim... isang mukha ang malinaw na lumitaw... Si Christian Sager.Naalala niya ang araw na walang pag-aalinlangan itong tumalon sa bangin upang sundan siya. Naalala niya ang gabing nilalagnat it
Lalong dumilim ang mukha ni Cole. Mabilis siyang lumingon sa kanyang mga tauhan.“Anong nangyari?” Hindi ba sinabi kong walang ibang makakapasok dito?” malamig niyang tanong.Nanginginig na yumuko ang isa sa mga guwardiya. “S-Sir... isinara po namin ang buong paligid. Hindi namin alam kung paano sila nakalusot.”Hindi alam ninuman sa lugar na iyon, hindi nagkataon lang ang pagdating nina Grace at Patricia, may taong lihim na nagpadala sa kanila roon.Mariing napapikit si Cole. Ramdam niyang unti-unting nawawala sa kanyang mga kamay ang kontrol sa sitwasyon, ngunit wala na siyang pagpipilian. Si Steven Sager mismo ang nagbigay ng utos. At ngayong gabi, kailangan niyang madala si Mayumi, kahit pa kailangan niyang gumamit ng dahas at isugal ang lahat.Tumango si Cole sa dalawang tauhang nakatayo sa magkabilang gilid niya. Walang emosyon ang mukha nito, ngunit sapat na ang malamig nitong tingin upang manigas ang sinumang makakasalubong.“Sabay ninyo silang itumba.”Iisang tango lang ang i
“Nakatira lang kami malapit dito,” hingal na paliwanag ng isa sa mga bagong dating habang mahigpit na hawak ang bakal na tubo sa kanyang kamay. “Tumawag si Mr. Sager. Sinabi niyang nasa panganib ka at nakiusap na puntahan ka namin agad. Ayos ka lang ba?” Hindi agad nakasagot si Mayumi. Tahimik lamang siyang umiling bago mabilis na inilabas ang kanyang telepono. Agad niyang binuksan ang location tracker ni Christian. Mabilis na kumabog ang kanyang dibdib nang makita ang lokasyon nito. Tama si Cole. May kung anong humarang kay Christian. Hindi pa rin ito gaanong umuusad at nananatiling malayo sa kanya. Kahit pa magmadali ito, aabutin pa rin ng hindi bababa sa tatlumpung minuto bago makarating. Tatlumpung minuto... napakagat siya sa kanyang ibabang labi. Unti-unti niyang pinagmasdan ang magkabilang panig. Sa isang banda ay ang mga tauhan ni Cole... mga propesyonal na bodyguard na dumaan sa mahigpit na pagsasanay sa ilalim ni Steven Sager. Sa kabilang banda naman ay ang mga lalaking
Nagdilim ang mukha ni Cole ngunit nagpatuloy siya."Galit siya sa akin... galit na galit. Pero natatakot pa rin siyang harapin ang katotohanang may kaugnayan ako kay Monica? Kung siya mismo ang papatay sa akin... paano niya haharapin si Monica kapag dumating ang araw na magkita silang muli? Alam niyang hindi siya mapapatawad. Iyon ang dahilan kung bakit nagtatago siya, iyon ang dahilan kung bakit kayo ang inuutusan niyang gumawa ng maruming trabaho."Napailing siya. Puno ng pangungutya ang kanyang mga mata. "Nakakadismaya, sa labas ay napakatapang ni Steven Sager... pero sa huli isa lang pala siyang duwag"Mahigpit na nagkiskisan ang mga ngipin ni Cole. Kitang-kita ang pagpintig ng ugat sa kanyang sentido. Ngunit tila hindi pa rin nakuntento si Mayumi."Sabihin mo sa kanya... kung tunay siyang lalaki, pumunta siya rito, harapin niya ako, patayin niya ako gamit ang sarili niyang mga kamay bilang paghihiganti para kay Monica. Hindi iyong nagtatago siya sa likod ng mga tauhan niya na par
Isang malamig na kilabot ang gumapang sa kanyang gulugod. Muli na naman siyang naitulak sa pinakadulo ng bangin. At sa pagkakataong ito... mukhang wala na talaga siyang matatakbuhan.Mariin siyang huminga. Dahan-dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata, hinayaan niyang lamunin siya ng takot sa loob lamang ng ilang segundo, pagkatapos muli niyang iminulat ang mga ito.Ang nanginginig na babae kanina ay unti-unting napalitan ng isang matatag na Mayumi. Kung ito na ang katapusan, hindi siya mamamatay na nakaluhod."Ms. Mayumi..." Malamig at walang emosyon ang tinig ni Cole. "Sumama na po kayo sa amin."Kasabay ng utos nito ay may apat na lalaki ang sabay-sabay na humakbang palapit. Mahigpit nilang hinawakan ang magkabilang braso niya.Agad siyang nagpumiglas. "Bitawan ninyo ako!"Mariin niyang inalog ang kanyang mga braso, sinipa niya ang isang lalaki at pilit na kumawala sa pagkakahawak ng mga ito, pagkatapos ay diretso niyang tinitigan si Cole, nag-aapoy ang kanyang mga mata."Girlfr
"Mayumi… apo ko… andito ka na ba? Parang ang tagal mo nang hindi bumibisita sa akin, apo. Nasaan ka na ba?” masiglang boses ni Donya Corazon habang papasok ng mansion. Napatingin ang lahat sa matanda.Nakaupo lang siya sa sofa ng marinig ang boses ni Donya Corazon na tinawag ang pangalan niya. Hind
MAYUMI'S POV:Dahan-dahan siyang naglakad pabalik sa kanyang kotse. Ayaw niyang gumawa ng ingay na mapansin ng lahat. Mas maiging tahimik siyang umalis. Total, wala namang pakialam ang mga tao doon kung nandoon man siya o wala.Papasok na sana siya sa sasakyan nang makarinig ng mga yabag mula sa l
Dumilim ang mga mata ni Xavier. Naalala niya ang binanggit ni Mayumi tungkol sa pakikipag-diborsyo sa kanya.“That marriage will end, but now is not the time.” mariin niyang sagot kay Ysabel.Hindi niya hahayaang si Mayumi ang magdedesisyon. Bukod pa roon, mangangahas ba talaga itong makipaghiwalay
Bahagyang ipinikit ni Xavier ang kanyang mga mata at naglabas ng mahinang “hm,” tila walang interes sa kung ano man ang nangyayari sa labas ng sasakyan.Sa harap, walang nagawa si Alden kundi muling itaas ang mga bintana ng kotse. Bahagya siyang sumulyap sa rearview mirror, nag-aalinlangan kung dah







