When Trevor Received a Chat From an unknown sender, He gets dragged into a war of interstellar proportions. Will he be able to save the multiverse as we know it???
View MoreNang makarating sa huling eskinita patungo saaming bahay ay agad kong hinigpitan ang hawak sa supot ng tinapay at gatas para mas bilisan pa ang paglalakad. Pero agad rin akong napapikit at napilitang huminto nang makarinig ng sigaw. Boses na siyang iniiwasan kong marinig.
"Nakalabas na ba sa hospital ang kapatid mo Shana?" sigaw ni Aling Martha na nakaupo at naglalaba sa harap ng kanilang bahay.
"Opo Aling Marites—este Aling Martha. Nakalabas na po si Buknoy kaninang umaga lang." sagot ko naman, nakapaskil ang pekeng ngiti sa labi.
"Mabuti naman. Naku at balita ko nga ay nabaon nanaman sa utang iyang Tatay mo para lamang makabayad muli sa hospital."
Tipid lamang muli akong ngumiti. Ngiti lang Shana, Ano naman ang dapat kong isagot? hay naku, dapat ay mas binilisan ko pa talaga ang lakad ko nang hindi ako naharang ng isang to. Akala mo lang sa una ay mangangamusta pero heto na at chismis at kung ano-ano nang sasabihin. Sa buong baryo siguro ay siya ang pinaka-pakialamera sa lahat.
"Kung ako kasi sayo ay nagtrabaho na ako. Matanda ka na ah? Disinwebe? Bente?"
"Twenty po, magtatrabaho na po ako. Hinintay ko lang pong makapagtapos ako ng kolehi—"
"Ay sos! ayan! Bakit kasi ikaw napakatayog ng pangarap mo? Ang iba nga dito ay highschool lang, ang iba pa nga ay elementarya lang ang natapos sumabak na agad sa trabaho para matulungan ang mga magulang nila. Pero ikaw, talagang nagkolehiyo pa, imbis na tulungan ang mga magulang mong halos magkanda-kuba kuba na doon kila Don Miguel kakatrabaho." iiling-iling na litanya nito.
Naikuyom ko ang palad ko habang nakatitig sakaniya. Sanay na ako, paulit-ulit niya itong linya simula nang malaman niyang nagtuloy ako sa kolehiyo. Palibhasa ay nabuntis ang nag-iisang anak niya na babae na pinagmamalaki niyang magkokolehiyo sa Maynila kaya nang malaman niya na mag-aaral ako ng kolehiyo ay kung ano-ano nang pangda-down ang sinasabi saakin.
Pero bawal mo itong sagot sagutin at kantiin dahil nakakatakot ang asawa nito, nanghahabol ng itak. Kaya kahit anong nais kong barahin ang bunganga ng matandang to ay syempre magtitimpi tayo, mabagal ako tumakbo, matataga ako agad.
"Naku pasensya na po Aling Martha kailangan ko ng dalian sa pag-uwi lalamig na itong tinapay ni Tatay! Sige po maiwan ko na po kayo!" sigaw ko at umaktong madaling-madali.
Tumakbo na ko pauwi at baka may makasalubong pa akong kampon ni Aling Martha, ayaw ko na, nakakarindi na.
Simula nang malaman dito sa lugar namin noon na magko-kolehiyo pa ako ay samu't-sari na ang side comments nila. May ibang masaya at proud pero syempre hindi mawawala ang mga taong mapanghusga, mapanglait at taong pilit kang ida-down katulad ni Aling Martha.
Bata palang ako ay pangarap ko ng maiahon sila Nanay at Tatay sa hirap at maialis sa mahirap na probinsiyang ito. Pangarap kong maipa-opera ang kapatid ko at makalipat kami sa mas maayos na tirahan, yung hindi na tagpi-tagping kahoy at yero. Naisip kong kapag nakapagtapos ako ng kolehiyo ay pwede na akong makahanap ng trabaho sa Maynila. Balita ko pa ay lahat ng nagtatrabaho sa Maynila ay talagang umaasenso, lahat ng tao roon ay propesyunal at talagang may sinasabi sa buhay.
Kaya ayun talaga ang pangarap ko. Ang makapagsuot ng pang-opisina na uniporme at magtrabaho sa malaking gusali. At kapag may regular na akong trabaho doon at nakaipon na pambili ng bahay ay dadalhin ko narin sila Nanay sa Maynila at doon na rin ipapagamot si Buknoy, mas marami daw magagaling na Doctor doon kaya siguradong tuluyan ng gagaling ang kapatid ko kapag doon nagpagamot.
"Tay ito na po yung pinabili niyong tinapay oh" inilapag ko sa lamesita ang supot at umupo.
"Salamat anak sakto at nagtitimpla na ng kape at tsokolate ang Nanay mo."
"Si Buknoy po?" palinga-linga kong tanong bago dumampot ng isang pandesal.
"Naroon sa kwarto at natutulog, kakainom lang ng gamot. Alam mo naman ang mga gamot ng kapatid mo nakakaantok at nakakahilo." mababa ang boses ni Tatay nang sabihin iyon. Bakas na bakas ang awa para saaming bunso na kaka-sampung taong gulang pa lamang.
"Hayaan niyo Tay, ipapagamot ko si Buknoy kapag nakahanap na ako ng trabaho sa Maynila." taas noo kong sambit, malakas namang tumawa si Tatay habang tumatango.
"Aba'y malapit na pala ang alis mo ano? sa makalawa na? Ano handa ka na ba?" tanong ni Tatay. Agad akong napangiti nang mabasa sa mga ngiti at mata ni Tatay na proud talaga siya saakin.
"Syempre ready na ko Tay! Gusto niyo po ngayon na aalis na ko!"
"Ano at napaka-ingay nanaman ng dalaga kong Magna-Cumlaude?"
"Hala Nay wag naman ganyan tawag mo saakin, nekekeheye" hinawi ko pa ang buhok ko at umaktong nahihiya kaya naghalo ang malakas na tawa ng aking mga magulang sa buong bahay.
"Oh huwag na maingay at tulog ang bunso natin" suway ni Nanay saamin eh siya nga itong may pinakamatinis na tawa. "Inumin mo na itong tsokolate mo Shana para makaligo at makapag-palit ka na ng damit aba'y nagpa-ambon ambon ka na kanina. Nakita pa kita mula sa bintana na tumatakbo, ano tinakasan mo nanaman si Martha?" tanong ni Nanay bago umupo sa tabi ni Tatay.
"Opo, eh nakakarindi kung ano-ano nanaman ang sinasabi." nakanguso kong sumbong bago sumimsim sa tasa ng tsokolate.
"Mahal oh, kape mo."
"Salamat mahal,"
Napangiti naman ako habang pinapanood sila Nanay at Tatay. Ang sweet talaga nilang dalawa sa isa't-isa lagi. Hindi pa naman ganon katandaan ang mga magulang ko dahil nga maaga silang bumuo ng pamilya. Nasa trenta palang silang dalawa kaya litaw at klarong-klaro pa ang kakisigan at kagandahan ng Nanay ko.
"Hayaan mo na ang babaeng yun at balita ko ay malapit na magmeno-pause kaya nagsusungit." ani ni Nanay habang tumatawa.
"Oo nga anak, wag mo na pansinin yan si Martha alam mo naman yan pinaglihi sa ampalaya" dagdag pa ni Tatay kaya sabay-sabay kaming nagtawanan.
Isa ito sa pinagmamalaki ko, ang pagkakaroon ng buo, masaya at nagmamahalang pamilya. Maliit ang bahay namin pero araw-araw itong puno ng masayang tawanan.
"Pero seryoso anak," napatingin ako kay Nanay nang abutin niya ang kamay kong nakapatong sa lamesita. "Palagi ko naman itong ipinapaalala saiyo, sasabihin ko lang ulit hm? huwag mong papansin ang mga sinasabi nila kasi alin man doon ay walang katotohanan. Kami ng tatay mo, sobra ka naming ipinagmamalaki anak, proud na proud kami sayo."
"Kainis naman to si Nanay eh pinapaiyak ako" nakanguso akong tumayo at yumakap kay Nanay. "Salamat Nay. Salamat kasi nung nalaman niyo ang mga plano ko sinuportahan niyo ako at hindi pinagtawanan katulad ng iba na nagsasabing nangangarap lang daw ako ng gising" pagdadamdam ko habang naaalala ang mga sinasabi saakin ng iba.
"Ang mga taong yun Shana anak ay walang mga alam." lumingon ako kay Tatay ng magsalita siya, ngumiti ito saakin at marahang hinaplos ang mahaba kong buhok.
"Hindi ka nila kilala kaya hindi sila naniniwala. Pero kami ng Nanay mo? Alam namin na lahat ng pangarap mo matutupad dahil kilala ka namin. Ikaw si Lucianna Eclaire Madrid, masipag, matalino, mapagmahal, may takot sa diyos at higit sa lahat may paninindigan. Sa totoo lang anak, wala kaming ambag sa pag-aaral mo dahil sa sobrang talino, bait at sipag mo, halos lahat ng may katungkulan sa lugar na to gusto kang bigyan ng iskolarship. Dahil katulad namin ng Nanay mo, naniniwala din sila sa kakayahan mo. Kaya ipagpatuloy mo lang lahat ng pangarap mong gawin, lahat naman ng gagawin mo ay alam kong magtatagumpay ka."
Matapos ang usapan naming iyon nila Tatay at Nanay ay mas lumakas ang loob ko sa nalalapit kong pagluwas sa Maynila. Sisiguraduhin ko talagang magtatagumpay ako doon at makakahanap ng magandang trabaho na maipagmamalaki nila para mapatunayan namin sa mga katulad ni Aling Martha na mali sila.
"Ayan, magkano ka na kaya?" tanong ko sa baboy na nasa harap ko. "Pasensya ka na ah... kailangan na kitang basagin." inilapag ko sa sahig ang alkansiyang baboy at biniak ito.
Matapos kong maligpit ang nabasag na alkansiya, inilatag ko sa kama ang mga perang naipon ko sa loob ng apat na taon nang magsimula akong mag-kolehiyo. Inumpisahan ko na itong bilangin. Pera ito mula sa paminsan kong pangangamuhan, ang iba dito ay galing naman sa pinagbentahan ko ng mga kakanin na siyang ginagawa ko kapag hindi abala sa eskwela.
"Twenty thousand three hundred, wow may twenty thousand ako!" hindi ako makapaniwala na ganito na pala kalaki ang naipon ko. Sobra-sobra pa to saakin kapag luluwas ako. Pwede ko pang maiwanan ng pera sila Nanay.
"Ate?" mabilis akong napalingon sa may bukana ng maliit kong kwarto.
"Oh, Buknoy" tawag ko sakanya. Sumilip ito sa pink na kurtinang nagsisilbing pintuan ng kwarto ko.
"Hello ate,"
"Pasok ka" tumayo ako at inimis ang perang nakasalansan sa kama.
Nakangiti itong tumango at pumasok sa kwarto ko. Pinaupo ko ito sa kama ko at nakangiting pinagmasdan. May kaputlaan ang balat ni Buknoy o Lucifer Zin pero hindi non maitatago ang taglay na kagwapuhan. Gwapo ang kapatid kong ito, parehas kaming may itim na tim at bagsak na buhok, malamlam na mga mata at mapupulang labi, hayy siguradong pag nag binata na itong kapatid kong ito ay magiging habulin.
Nakakapag-aral siya pero pahinto-hinto dahil bawal sakaniya ang masyadong napapagod. Kung hindi lang dahil sa sakit niya ay sigurado akong aktibo din ito sa sports dahil pansin kong mahilig ito sa larong basketball.
"Ate aalis ka na ba talaga? Iiwan mo na din kami."
Natigilan ako sa tanong ng kapatid ko. Para naman akong dinibdiban ng kabayo nang mapansin ang maluha-luha nitong mga mata. Mahina kong tinapik ang pisngi niya para patahanin. Bawal rin kasi sakaniya ang labis na pag-iyak at pagdadamdam. Masama sa puso niya.
"Oo Noy, pero kapag nakaipon na ako doon kukunin ko kayo dito at doon na tayong lahat titira." pag-aalo ko sakaniya.
"Ganiyan din ang sinabi ni Ate Lucy—"
"Lucifer." natigilan ito at agad na naitikom ang bibig.
Bumuntong hininga naman ako at hinila nalang siya para yakapin.
"Alam ko naman ang ikinatatakot mo Bunsoy. Pero hello? Ako to, Ang Ate Shana mo. Alam mo namang hindi ko kayang hindi kayo kasama kaya kung ano man yang iniisip mo, pinapangako ko sayo na hindi yan mangyayari okay? M-mahal na mahal kita, kayo nila Nanay at Tatay." tumingala ako upang pigilan ang pagragasa ng luha ko pero nabigo ako. Kaya nagulat nalang sila Nanay nang maabutan kaming nag-iiyakan magkapatid.
Dumating ang araw nang pag-alis ko. Nagpasya ako na bago pa magbukang liwayway ay umalis na upang walang mga tao ang makakita saakin, dahil sigurado akong napakarami ko nanamang maririnig. Aalis na lamang ako ay baka ayun pa ang ipabaon nila saakin.
"Shana anak tayo na! naisakay ko na lahat ng gamit mo sa tricycle." tawag saakin ni Tatay.
"Anak mag-iingat ka doon ha? Iba ang Maynila, masyadong malaki ang lugar na iyon. Hindi tulad dito sa lugar natin na maliit lang at halos lahat ng tao kilala tayo at kilala natin, doon madaming tao na kakaiba—"
"Nay, huwag niyo na pong takutin sarili niyo. Magiging ayos lang po ako doon. Kaya ko po! tatandaan ko po lahat ng bilin niyo, tatawag po ako lagi nandiyan po sa aparador ang isang phone na nabili ko kahapon."
"Hay naku isa pa yang silpon na yan! Bakit kasi bumili ka pa niyan binawasan mo pa ang pera mo. Pwede naman kaming makihiram sa kapit bahay, makitawag"
"Kanino? Kay Aling Berlin? Naku isa pa yan kampon ni Aling Martha. Okay na yan Nay mas maganda nga dahil pwede tayo mag-usap kahit anong oras, hindi niyo na kailangan manghiram."
"Tama na yan Mahal... huwag ka na mag-alala hm? kaya yan ni Shana aba ay pinalaki ko kayang matatag at matapang to, hindi yan basta-basta maaagrabyado sa kahit saan. Palaban yan eh!"
"Tama ka dyan Tay! Kaya Nay smile ka na, ayaw ko umalis na baon yang busangot mong mukha– at ikaw naman, tama na iyak ha? babalik si ate kapag day off dadalhan kita ng pasalubong" hinalik-halikan ko ang noo ni Buknoy na kanina pa tahimik na umiiyak habang nakatingin saakin. Napangiti ako nang maramdaman ang yakap ni Nanay at Tatay, nanatili kaming ganon ng ilang minuto bago ako tuluyang umalis.
"Ah manong sandali! Saan ba yung Pasay doon po kasi yung address ng apartment na tutuluyan ko. Ano po? Ah sandali lang po hindi ko marinig—manong! Ay shet umalis, bastos" napanguso ako nang biglang umalis yung manong at sumakay sa sasakyang taxi.
Napakamot nalang ako sa ulo habang inililibot ang paningin sa maingay at mausok na lugar. Walang hinto sa pagbusina ang iba't-ibang klase ng sasakyan kasabay ng paglalabas ng usok. Samu't-sari rin ang sigaw ng mga taong may kung ano-anong ibinibenta.
Nandito na talaga ako sa Maynila. At kasalukuyang nawawala.
Welcome to 'The Best Stuff In the World Today Cafe'We are all believers in a better wayWe were served as customers not so long agoNow we are all waiters, thought you ought to know-Take 6 (The Best Stuff In the World Today Cafe)_____________________________________Trevor has his sights on a few people to recruit. Most of them World 75 people, but he can't put them at risk. He though he will need to find their versions. He was thinking of visiting other worlds first.Trevor: DIANA, how does she feel?DIANA: Like a junk compared to The ITALICA, Captain.Trevor: Well that she is, DIANA. Tell me something I don't know.DIANA: She handles just fine. I see no errors; we still have 4 boats in the dock, 1 master's room, 16 officers' room. 3 guests' rooms and 20 bunk type rooms.
起死回生 (Revive )リライトして (Rewrite)意味のない想像も君を成す原動力 (Even if what is meaningless creates you) 全身全霊をくれよ (Give it your whole body and soul)-Asian Kung-Fu Generation (Rewrite)_____________________________________Trevor: Where are we now?DIANA: We are in World 128, the head quarters of The Free Jumpers AssociationTrevor: Where to next?DIANA: I am hailing FJA head quartersTrevor: So I can move to the bridge now right?DIANA: Yes. Proceed to the boat air lock to your left.The moment Trevor steps up, he felt dizzy. The gravity kind of feels weird.Trevor: DIANA, Gravity feels off?DIANA: I am sorry, Captain, the boat dock is always at 0.5-G when in space to assist with bringing stuff to the transport
We've only just begunHypnotized by drumsuntil forever comesyou'll find us chasing the sun-The Wanted (Chasing the Sun)___________________________________________Approximately 3 hours earlier...Yesha: AIKA!The capsule explodes in full leaving a contained crater in the middle of the school.Aika: Retrieve successful!Yesha appears on the bridge of her ship. The DJS Light of the Grey is a heavy destroyer fully crewed with 60 men and women supporting The Directive Dimensional Fleet. A common design of the heavy destroyer ships of The Directive is having almost the same schematics as a battle cruiser stripped of the missile and torpedo pods. A destroyer degrades further with the removal of the ra
I feel the rise of the stormThe silence won't goA violence won't tell youLord, you miss, you will miss meWhen I'm gone-30 Seconds to Mars (RIDER)_____________________________________Trevor opens his eyes and notices he is now sitting in a captain's seat. The bridge is shaped like a pentagon with a point directly in-front of him and looks like a command center albeit devoid of anyone except for him. The captain's seat is in the center of the room. The seat seems like a throne with multiple control devices. In front of him are two dug-out stations that seem to seat two persons each. Behind him are two seats a little smaller than his but have the same controls. Around this area are ten paneled seats there are four in front of the dug-outs (two at each diagonal angle) which looks like large pods w
You got a fast carIs it fast enough so we can fly awaywe got to make a decisionLeave tonight or live and die this way-Tracy Chapman (Fast Cars)_____________________________________He is looking dull; the fat man who looks around he is in his early 30's. That Mohawk hair style supported by that perfect stubble of a goatee that fits his birthmark on the right side of his face completely describes him. He sits on the bed which is in-front of his newly bought computer browsing through pirated anime and movies in his collection. The man wears his most basic clothes, a boxer short on top of a boxer brief. He thinks it is ok because he is just jamming in his own room. He calls it his casket, a 10x10 foot box on the second floor of their house. As he scrolls through the enormous list he spots one of his favorites. A story of a man brou
DJS is a Sci-fi novel by White Crow. The book introduces Trevor, the main character who receives a chat from an unknown sender. He sits in front of his computer and starts to browse through pirated anime movies. Trevor believes this is not the world he belongs in but suddenly receives a message - do you want to escape? He finds himself in a war of interstellar proportions. Can he save the universe? DJS The Journey of an Unexpected Jumper is the best book for readers looking for a story that encourages imagination and curiosity.
Comments