Share

Chapter 12

Author: Cathy
last update publish date: 2026-07-30 10:58:39

"Honey, look. That bitch is so annoying! Sobrang tamad! Nandiyan pa rin siya----" inis na wika ni Elara habang nakatingin sa babaeng nakahandusay sa malamig na sahig.

Ngunit naputol din ang sasabihin niya nang mapako ang tingin niya sa namuong dugo sa ilong ni Chloe.

"...Oh my God... is that... blood?"

Napalingon si Jerome sa direksiyong itinuro ni Elara. Sa isang iglap, tila huminto ang pag-ikot ng mundo niya.

Nakahandusay pa rin si Chloe sa sahig. Hindi ito gumagalaw na siyang labis n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Iza May
Update na po miss A ang gnda ng kwento mo
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • DON'T REGRET WHEN I'M GONE   Chapter 12

    "Honey, look. That bitch is so annoying! Sobrang tamad! Nandiyan pa rin siya----" inis na wika ni Elara habang nakatingin sa babaeng nakahandusay sa malamig na sahig. Ngunit naputol din ang sasabihin niya nang mapako ang tingin niya sa namuong dugo sa ilong ni Chloe. "...Oh my God... is that... blood?" Napalingon si Jerome sa direksiyong itinuro ni Elara. Sa isang iglap, tila huminto ang pag-ikot ng mundo niya. Nakahandusay pa rin si Chloe sa sahig. Hindi ito gumagalaw na siyang labis niyang ipinagtaka. Sa naalala niya, halos isang oras na ito sa ganitong sitwasyon at paano ng babae matiis na mahiga sa ganitong kalamig na sahig ng ganoon katagal. Natutuyo na ang dugong tumulo mula sa ilong nito. Namumula at namamaga ang kaliwang pisngi, bakas ng malakas na sampal na siya mismo ang may gawa. Punit din ang gilid ng labi nito, at may manipis na guhit ng dugo na dumaloy pababa sa baba. Unti-unting nanlamig ang buong katawan ni Jerome. Hindi... Hindi maaaring totoo ito. D

  • DON'T REGRET WHEN I'M GONE   Chapter 11

    CHLOE POV Wala sa sariling napahawak ako sa aking pisngi. Mainit ang hapdi nito, ngunit mas masakit ang paraan ng pagtingin sa akin ni Jerome, parang isa na lamang akong kasangkapan na wala nang halaga. "Dahil ba ilang linggo akong nawala sa bahay, akala mo puwede mo na akong utusan?" malamig niyang tanong. "N-Hindi..hindi ko lang talaga kaya..." nanginginig kong sagot. "Hindi kaya? Ang sabihin mo, tamad ka lang talaga!” galit niyang wika. Kaagad din namang lumapit ang nakangising si Elara sa kanya. Nakapulupot pa ang isang braso nito sa bisig ng asawa ko habang may mapanuyang ngiti ang nakaguhit sa labi niya. "Jerome, huwag mo nang pilitin, baka mamaya sabihin na naman niyang inaapi mo siya." malambing ang tono ng boses na wika niya. Hindi mawala-wala ang mapanuyang ngiti na nakaguhit sa labi niya habang nakatitig siya sa akin. "Pero kung talagang mahal mo ang asawa mo, kahit may sakit ka, magagawa mo pa ring pagsilbihan siya." Parang may matalim na bagay na tuma

  • DON'T REGRET WHEN I'M GONE   Chapter 10

    CHLOE POV “Sigurado ka bang kaya mo na ang sarili mo?” nag-aalalang tanong ni Trexie habang inaasikaso ang billing sa ospital. Gustuhin ko mang manatili pa rito nang ilang araw, hindi na kaya ng isip ko ang patuloy na pagtaas ng gastusin. Bawat oras na lumilipas ay katumbas ng panibagong halaga na kailangan kong bayaran. “Oo. Ayos na ako, Trex. Kaya ko na ang sarili ko.” pilit akong ngumiti kahit alam kong kasinungalingan iyon. Napabuntong-hininga siya bago muling nagsalita. “Chloe, hindi ba puwedeng umalis ka na sa poder ni Jerome? Kapag naibenta mo na ang lupang minana mo kina Lolo at Lola, mababayaran mo na rin ang lahat ng utang mo sa kanya. Makakapagsimula ka ulit.” Agad akong umiling. “Saan naman ako pupunta? Hindi naman puwedeng habang-buhay akong makitira sa'yo. Sobra na ang naitulong mo sa akin.” “Ano ka ba?” Bahagyang tumaas ang boses niya. “Hindi ka kailanman naging pabigat sa akin. Magkaibigan tayo mula pa noon, at kahit kailan, hindi kita tatalikuran.” N

  • DON'T REGRET WHEN I'M GONE   Chapter 9

    CHLOE POVCHLOE POVHalos isang linggo na akong nakaratay sa loob ng ospital, pero ni anino ni Jerome ay hindi ko nasilayan.Sa bawat pagbukas ng pinto ng silid ko, umaasa akong siya ang papasok. Tuwing maririnig ko ang yabag ng mga doktor o nurse sa pasilyo, kusang napapalingon ang mga mata ko.Pero sa bawat pagkakataon, iba ang pumapasok.Hindi siya. Unti-unti nang nauubos ang pag-asang pilit kong kinakapitan.Sabagay, wala nga pala siyang pakialam sa akin. Wala din siyang alam tungkol sa sakit ko. Hindi niya din alam na may taning na ang buhay ko************Isang gabi, habang mahimbing ang tulog ng kasama kong pasyente sa kabilang kama, kinuha ko ang cellphone ko. Nanginginig ang mga daliri kong binuksan ang social media account ni Jerome.At doon...parang may libo-libong karayom na sabay-sabay tumarak sa puso ko.Nasa France siya.Masayang nakangiti habang yakap ang kanyang kalaguyo na si Elara. Sa bawat litrato ay halatang masaya silang magkasama, naglalakad sa ilalim ng Eiffel

  • DON'T REGRET WHEN I'M GONE   Chapter 8

    CHLOE POV Hindi ko alam kung ilang minuto akong nawalan ng malay. Pero nang muli akong bumalik sa ulirat, nandoon pa rin ang sakit. Mainit ang dugong umaagos mula sa aking ilong. Nanginginig kong ipinatong ang isang kamay sa aking tiyan. “Baby...alam kong mahirap…pero, huwag kang mag-aalala, sa kabilang buhay, magkakasama pa rin naman tayong dalawa.” bigkas ko sa halos hindi ko na marinig ang sarili kong tinig. Sunod-sunod ang pagpatak ng aking mga luha. Hindi ko na alam kung alin ang mas masakit, ang ulo kong tila sasabog, ang dibdib kong halos mapunit sa pagtataksil ni Jerome, o ang takot na baka pati ang anak ko ay mawala sa akin. Sapilitan kong inabot ang cellphone na nahulog ilang dipa ang layo mula sa akin. Nanginginig ang mga daliri kong gumapang sa sahig na nababahiran na ng aking dugo. Isang dangkal na lang...kaunti na lang... Ngunit sa mismong sandaling mahahawakan ko na sana iyon, bigla na namang sumakit nang husto ang aking ulo. “Ahhh!” Napasinghap ako habang n

  • DON'T REGRET WHEN I'M GONE   Chapter 7

    CHLOE POV “Chloe...” malumanay niyang sabi. “Huwag mong hiwalayan si Jerome. Mahal ka niya. Baka pagsisihan mo ang desisyong ginagawa mo ngayon.” Napatingin ako sa kanyang mga mata at doon ko nakita ang tunay niyang kulay. Panunuya, tagumpay at puno ng pangungutya. “Bitawan mo ako.” Malamig kong bigkas. Marahan kong hinila ang aking kamay ngunit, sa mismong sandaling nabawi ko ang aking braso, hindi ko inaasahan ang gagawin niya .Bigla na lang siyang sumigaw. “Aah!” At sa harapan naming dalawa ni Jerome, kusang bumagsak si Elara sa sahig. Mahigpit niyang niyakap ang sariling tiyan habang umiiyak. “Jerome,itinulak ako ni Chloe! Ang baby natin...” humahagulhol na iyak na para bang inapi siya ng sobra. Kaagad din namang nanlalaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Sunod-sunod akong umiling. “H-Hindi. Hindi totoo iyan. Hi-hindi ko siya tinulak!” nanginginig ang boses na wika ko. Ngunit, huli na dahil naramdaman ko na lang ang isang malakas na puwersa ang humila sa akin. Kasun

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status